bc

The Undercover Heiress

book_age18+
4.3K
FOLLOW
23.6K
READ
love-triangle
arrogant
dominant
independent
drama
tragedy
comedy
gxg
witty
like
intro-logo
Blurb

Umuwi si Sam galing sa matagal na pagtira sa Europe dahil nakatanggap sya ng balita na ang isa sa malaki nilang kumpanya ay ninanakawan ng hindi malaman kung sino.

Kinausap nya ang kanyang magulang na hayaan syang tuklasin kung sino ito.

Nagpanggap na simpleng empleyado si Sam bilang sekretarya ni Grace.

Si Grace na napakasuplada, masungit at mahirap basahin na tao. kaya malaki ang pagdududa ni Sam na baka si Grace ang nagnakaw ng pera ng kumpanya. Magkasing edad lamang sila pero mataas na ang katungkulan nito.

chap-preview
Free preview
1
Hindi ako makapaniwalang naglalakad ako ngayon dito sa Airport sa Pilipinas. Ginigitgit, binabangga ng mga magmamadaling tao para habulin ang kani kanilang flight. Kararating ko pa lang ay naunahan na ako ng inis sa mga walang modo na tao na hindi man lang marunong magsabi ng Excuse me o Sorry.  Akala ko kahit kailan ay hindi na ako babalik dito dahil masaya at kuntento na ako sa pamumuhay sa France simula High school hanggang sa makatapos ako ng College. Pero isang tawag mula kay Papa ay napauwi ako ng wala sa oras at labag sa kagustuhan ko. Nag iisa lang kasi akong anak at nasa akin lahat ng karapatan at responsibilidad ng aming mga kumpanya.  At sa kasamaang palad ay humaharap ngayon sa bankruptcy ang isa sa aming kumpanya sa hindi malamang dahilan pero kaya nga ako umuwi sa Pilipinas para ako mismo ang tutuklas.  Napahinto ako sa paglalakad ng biglang may lumapit sakin na lalaki nakasuot ng all black suit at shade. Alam nyo yun. Para syang galing sa Men In Black o Matrix.  "Ms. Samantha Imperial," buong buo ang boses nito, nakakanginig ng tuhod sa takot. "I'm Peter, I came here to pick you up," at agad nitong kinuha ang aking cart na puno ng aking bagahe. Hindi na ako nakapalag pa. Pero paano kung masamang tao pala ito? Bakit kasi hindi man lang ako sinabihan ng magulang ko na ibang tao pala ang susundo sakin. "This way Maam," at itinuro ni Peter ang exit. Lalo akong kinabahan ng may mga kalalakihan na sumulpot sa aking paligid. "Ipasok nyo ang mga gamit sa sasakyan," utos ni Peter sa kanyang mga kasamahan nya.  Pero bakit pa ba ako nagtataka, e ganito rin ang sitwasyon ko dati noong nag aaral pa ako ng Elementary, lagi may kasamang mga body guard na akala mo ay anak ako ng Presidente ng Pilipinas. This is one of my reason kung bakit mas pinili ko sa France manirahan ng mahabang panahon kasama ang pinsan ko ma si Megan at least doon simple lang ang buhay, walang bodyguard at malaya kong mapupuntahan, magagawa ang mga gusto ko.  "Where is my dad?" agad kong tanong kay Peter nang makasakay na kami sa loob ng kotse. "Akala ko sya ang susundo sakin,"  "Nasa mahalagang meeting po si Sr. Arthur kaya ako nalang ang pinasundo nya," nagumpisa ng magmaneho si Peter palayo sa Airport habang may nakabuntot na dalawang kotse samin. "Ipinasasabi nya na hintayin mo nalang sya sa bahay," "No," matigas kong sabi. "I want to see him immediately! Hindi ako umuwi dito para maupo at naghintay. Dalhin mo ako sa office nya!"  Walang nagawa si Peter kundi ang sumunod sakin. Para saan pa at ako ang susunod na taga pagmana ng lahat lahat kung hindi ko ito gagamitin para masunod at makuha ang aking gusto.  Kung dati ay okay lang ang traffic dito sa Edsa medyo maluwag at kakaonti lamang ang mga sasakyan ngayon ay kulang nalang ay mag camping na ako dito sa sobrang tagal ng pag usad ng mga sasakyan.  "Were here Maam," anunsyo ni Peter nang iparada nito ang kotse sa harapan ng napakalaking building dito sa Makati. Lumabas ito ng sasakyan para pagbuksan ako ng pintuan. Sinundan ko si Peter papasok sa loob ng gusali.  Napansin ko na karamihan ng mga tao sa loob ng building ay nakatingin sakin. Wala naman siguro akong dumi sa mukha o sadyang bago lamang ako sakanilang paningin. Gumamit narin kami ng elevator para makarating agad sa 17th floor kung nasaan daw si Papa.  "Late ka ata," narinig kong bulong ng isang babae sa kanyang kasama sa aking likuran. "Patay ka namaman nyan kay Ms. Agustin siguradong sasabunin ka non!"  "Sinabi mo pa! Kahit isang segundo ka lang late ay makakarinig ka talaga ng masakit na salita sa babae na iyon," sagot naman ng isa. "Baka pwede akong lumipat sa department mo,"  I find it really offensive when people talk behind someone's back but I can't really judge them either. Malay ko ba kung sino ang pinaguusapan nila. Baka isang matandang babae na nagpahirap sa buhay nila.  "Sa ngayon wala pang vacant but I will let you know,"  "Basta sabihan mo ako agad para makawala na ako sa mga galamay ni Ms. Agustin,"  Bumukas ang elevator sa 11th floor at parang may dumaang anghel na nagpatigil at tameme sa aming lahat nang pumasok ang isang magandang babae na nakasuot ng sexy na office uniform, spectacle at shoulder nag.  Marami na akong nakita at nakilalang magagandang babae sa pagtira ko sa France pero itong babaeng na ito ay naiiba sa lahat.  "Good morning Ms. Agustin," narinig kong bati ni Peter sa babae. "You are always look so beautiful as ever," hindi ko alam kung matatawa ba ako sa narinig ko. May tinatago palang pagka romantiko itong si Peter.  Isang matipid na Thank you lamang ang narinig namin mula kay Ms. Agustin na sya ring topic ng dalawang babae kanina sa aking likuran dahil base sa reaksyon ng mga ito ay ito ang pinaguusapan nila kanina.  Parang napakabata naman nitong si Ms. Agustin para magkaroon ng mataas na katungkulan sa kumpanya.  Napatingin ako sa salamin ng elevator para masilayan ulit ang kanyang mukha pero nahuli ko itong nakatingin sakin at agad na umiwas.  "Would you mind having dinner with me?" nakangiti na, nakatawa pang tanong ni Peter kay Ms. Agustin na mukhang bored na bored sa pananatili sa loob ng Elevator.  "No, thanks!" agad na sagot nito. Tumunog ang Elevator at nakarating narin kami sa 17th floor. "Okay," dismayadong bulong ni Peter at tumingin sakin. "This way Maam," alalay ni Peter ng lumabas na kami sa elevator at nagtungo sa isang exclusive room. Pinagbuksan ako nito ng pintuan at pumasok kami sa isang malamig at walang lamang kwarto kundi mga sofa, tv at refrigerator. "Anything you want?"  Naupo ako sa sofa. "Nothing. Thanks," binuksan ko ang aking dalang bag. Nilabas ang aking tablet at agad na nag log in sa aking f*******:. Alam nyo na millennial. Pero iuupdate ko lang ang aking pinsan at mga kaibigan na finally nakauwi narin ako sa Pilipinas.  "Samantha!!" muntik na akong mapatalon ng may sumigaw ng aking panagalan. "My little princess!"  Napangiti ako at agad na tumayo para salubungin ng yakap si Papa na ilang bwan ko ring hindi nakita. Dumadalaw dalaw naman kasi ang parents ko sa France kaya hindi akk masyado malungkot lalo na sa mga espesyal na okasyon.  "I'm not little princess anymore dad," natatawa kong sabi. "Mom!" at niyakap ko ng mahigpit si Mama na hanggang ngayon ay wala paring kupas ang ganda. "Para lang tayong magkapatid Mom!"  "Hindi ka parin nagbabago Samantha!" lalong napangiti si Mama sa aking tinuran, well hindi naman ito pambobola kundi nagsasabi lamang ako ng totoo. Dahil sa edad na kwarenta ay mukha lang syang nasa trenta. "We are really sorry kung hindi ka namin nasundo sa Airport, napakaimportante lang talaga ng meeting na ito para sa kumpanya," "It's fine Mom,"  "Thank you Peter, you can leave us," sabi ni Papa kay Peter. Agad naman itong tumalima at kaming tatlo nalang ang naiwanan sa loob ng kwarto.  "So, tell me what is happening?" Agad ko na tanong, wala ng patumpik tumpik pa diretcho agad sa totoong rason kung bakit ako umuwi dito sa Pilipinas.  Inilabas ni Papa ang mga folder. Kinuha ko ang mga ito at isa isang binasa. Inventory at financial statements ng kumpanya sa nakalipas na anim buwan. May mga unknown transactions na hindi malaman kung saan napupunta.  "Nalulugi ang ating kumpanya dahil sa nawawalang malaking pera," nanlulumo na sabi ni Mama. "Hindi namin alam kung sino ang may gawa ng lahat ng ito!"  "Nagpaimbestiga narin ako pero hanggang ngayon wala pang nahuhuli," dagdag ni Papa na kitang kita ang panghihinayang sakanyang mukha.  Napasandal ako sa aking kinauupuan at bumuntong hininga ng malalim. Kung tutuusin kaya naman naming mawala ang kumpanya na ito dahil marami pang negosyo ang aming pamilya pero kilala ko ang aking magulang, alam ko na hindi nila kayang mawalan ng trabaho ang libo libo nilang empleyado.  "Kung talagang ginagawa ng imbestigador nyo ang kanyang trabaho ay sigurado akong malalaman nya kung sino ang nagnanakaw," tinignan ko sina Mama at Papa. "Paano kung ako mismo ang mag imbestiga?"  "Ha? At paano mo ito gagawin?" nagtataka na tanong ni Papa.  "Magpapanggap akong empleyado dito, Undercover kung baga. Para malaya akong makapag mashid ng walang magdududa,"  "But you are still Imperial!" iiling iling na wika ni Papa.  "I can use my middle name, Samantha Concepcion instead of Samantha Imperial. But you have to help me to get inside Mom, Dad," paliwanag ko sa aking mga magulang na mukhang diskumpyado sa aking suhestiyon. "Please... This is for our company," Nagkatinginan sina Mama at Papa. Aminin man nila o hindi ay maganda ang aking ideya. Sigurado naman ako na walang nakakakilala sakin dahil ngayon lang ako umuwi ng Pilipinas.  "Oh sya sige. Ako na ang bahala," sang ayon ni Papa.  Sa totoo lang, kahit kailan hindi ko naisip na gagawin ko ang ganitong bagay pero para sa magulang ko, para sa kumpanya gagawin ko ang lahat. Sigurado ako na magiging mahirap ang lahat pero sa oras na matuklasan ko kung sino ang magnanakaw ay sisiguraduhin ko na makukulong sya. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
386.5K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
204.4K
bc

YOU'RE MINE

read
901.3K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
430.9K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook