Chapter 2

1265 Words
Primrose Pov NANDITO AKO sa kusina ngayon at pinagmamasdan ang likod ni uncle Death habang nakatalikod sa gawi ko. Nagluluto kasi siya ng hapunan namin at tinawag niya ako na walang dahilan. Ewan ko ba sakanya. Gusto lang siguro niya na may manood sakanya habang nagluluto. Kung alam ko lang na gusto pala niya eh ‘di sana nagtawag siya ng ibang tao. Kung gusto niya tawagin na din niya ang mga chief sa buong mundo para may mag rate ng niluluto niya. Dapat kasi may gagawin pa ako sa kwarto ko eh. Gumagawa ako ng project namin dahil kailangan na yun sa monday. Pero ito namang uncle ko ay tawag ng tawag sa ‘kin. Para talaga siyang tanga. Tapos ang nakaka inis pa ay hindi na naman siya nagsasalita. Kaya ano na naman ang gagawin ko nito. Mauubusan na yata ako nito ng pasensya sa sobrang boring dito sa bahay. Minsan nga ay mas gusto ko pang tumira sa kalsada. Mabuti pa do’n hindi ako mabo-bored. Eh dito, naku.. Mapapanisan nalang talaga ako ng laway dahil yung kasama ko sa bahay ay hindi nagsasalita. Napayuko ako at gustong-gusto ko na talagang bumalik sa kwarto ko. Napabuga nalang ako ng hangin saka iniisip ang mga dapat kung gawin para sa project ko. Nakakapagod kasi talaga buhay estudyante. Pero kailangan mag-aral kahit ano pang pagod ang nararamdaman ko. Wala naman akong problema sa baon ko eh. Ang laki ng baon ko sa isang araw. Gulat ng ako dahil yun talaga ang baon na binibigay ni uncle Death araw-araw sa ‘kin. Kapag nagtagal pa na ganun ang baon ko ay makakaipon talaga ako agad. Siguro pag natapos ako ng college ay pwede na akong magtayo ng negosyo ko at hindi ko na kailangan pa mag apply ng trabaho. Paano ba naman kasi.. yung baon ko araw-araw ay 30k. Aanhin ko naman yun eh.. sapat na sa ‘kin ang 100 pesos dahil hatid sundo naman niya ako. Isa pang dahilan ko ay may baon akong pagkain dahil ginagawan niya ako ng sandwich o kung ano pang maisipan niya. Nasobraan yata siya ng batak ng katol kaya 30k ang binibigay sa ‘kin. Kaya nakapag desisyon ako na ipasok ko nalang sa bangko para may ipon naman ako. Para pagdating ng araw na maisipan ko ng bumukod ay kaya ko ng buhayin ang sarili ko. Gusto ko sanang mag open topic para may pag usapan naman kami ni uncle Death. Pero nahihiya ako dahil baka hindi sumagot. Baka mag mukha lang akong tanga pag nagkataon. Gusto ko sanang itanong sakanya kung bakit hindi pa siya nag-aasawa. Alam ko matanda na siya, suguro nasa mga 32 na ang edad niya. Kasi si mama ay 33 eh, mas matanda si mama at dikit lang daw ang pagitan ng taon nila. Pero nagtataka ako kung bakit kaya hindi pa siya nag-aasawa. Well, hindi ko din naman masisisi ang mga babae. Baka takot sila sa kanya kaya siguro walang mga babaeng umaaligid sa kanya. Kahit ako naman siguro ay matatakot din kung ganyan ba naman ka sungit ang mukha ang magiging boyfriend ko. Baka pag nagkamali ako ay ibalibag niya ako. Naisip ko pa lang ay natatakot na ako. Walangya! Gwapo naman si uncle Death eh. Kung sa mukha at katawan lang ay isa lang ang pwede kong idiscribe sakanya. Yun ay napaka perpekto niya. Matangkad din siya, siguro hanggang dibdib lang niya ako. Yung suot nga niyang tshirt ngayon ay bakat na bakat ang muscle. Minsan nga kapag nagsasalita siya at sinasagot ko ng hindi maganda ang sinasabi niya. Sinasadya ko talaga siyang magalit dahil natutuwa ako sa panga niya na gumagalaw kapag nagagalit. Galit na galit eh na para bang kakainin niya ako ng buhay. Nakaka aliw kasi talaga kapag naiinis siya. Ang ikli ng pasensya niya kaya malamang wala talagang babaeng magkakamali sakanya. Ipupusta ko talaga ang mahaba kong buhok na hindi ko pinutulan ng maikli simula ng bata ako. Magpapaputol ako ng buhok hanggang sa leeg ko kapag nagkaroon ng girlfriend si uncle Death. Duda kasi talaga ay tatanda siyang binata. Ayos na din yun. Para kapag nag asawa na ako ay siya ang pagbabantayin ko ng mga anak namin ng asawa ko. Syempre matanda na si uncle no’n eh kaya sa bahay nalang siya, mag-aalaga siya ng anak ko habang ako ay nag tra-trabaho kami ng future husband ko. Natawa ako sa naisip ko habang nakayuko parin ako. Iniimagine ko kasi kung anong itsura ni uncle Death kapag nag-alaga siya ng anak ko. Panigurado masungit siya na matanda at laging nasigaw dahil sa kakulitan ng future kong mga anak. Nagulat ako ng may kumatok sa mesa. “Ay, asawa!!” Sabi ko pa dahil sa gulat. Agad akong nag angat ng ulo at nakita ko si uncle Death na nakatayo sa harap ko habang seryosong nakatitig sa ‘kin. Kumunot ang noo niya saka inilapag ang dala niyang plato sa harapan ko. “Kumain na tayo. Hindi yung nag-iisip ka diyan ng asawa. Hindi ka pwedeng mag-asawa.” Sabi niya kaya nanlaki naman ang mata ko. “Mali ka po ng iniisip, uncle. Hindi naman po ganun yun eh,” depensa ko pa. “Whatever!” Sagot niya sa bored na boses. Napanguso ako dahil para siyang ewan. At isa pa, bakit naman niya ako pipigilan kung mag-aasawa ako sa future. Gusto pa yata niya akong maging katulad niya na mag-isa sa buhay. Kailangan ko talaga ng mahabang pasensya sa kanya dahil alam ko naman.. tumatanda na siya palagi nalang mainit ang ulo niya. Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko para kumuha sana ng kutsara at tinidor pero naunahan niya ako. Bumalik nalang ako sa pwesto ko saka ako umupo. Si uncle Death naman ay pinaglalagay sa harapan ko ang niluto niya. Nang maayos na niya ay umupo na din siya sa katapat kong upuan at walang imik na kumuha ng kanin at ulam. Kumuha nalang din ako at plano kong bilisan ang pagkain para makabalik na ako sa kwarto. Marami pa akong gagawin kaya dapat lang na magmadali ako. Buti sana kung tutulungan ako ng uncle ko eh hindi naman. Baka kutusan pa niya ako kapag sinabi kong tulungan akong gumawa ng project. Nang makatapos akong kumain ay kinuha ko ang nakahandang isang basong tubig sa gilid ng plato ko. Ininom ko agad yun saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko. “Tapos na po ako, uncle Death.” Sabi ko kaya tumango siya. “Salamat po sa pagkain. Ako na po maghuhugas.” Dagdag ko pang sabi. “Ako na. Bumalik ka nalang sa kwarto mo at gawin ang school project mo. Wag mong kakalimutan na w—” “Wag kong ilo-lock ang kwarto ko at wag na wag kong isasara. Opo, alam ko na pi yun.” Pagpuputol ko sasabihin niya. Seryoso lang siyang nakatitig sa ‘kin saka niya ibinalik ang tingin sa plato niya at kumain ulit. Umalis nalang ako sa harap niya at tinungo nalang ang hagdan para umakyat sa kwarto. Isa din sa pinagtatakahan ko kung bakit ayaw niyang ipasara ang pintuan ng kwarto ko. Gusto lang niya ay nakabukas yun. Nasasara ko lang kapag tulog dahil gumagamit ako ng aircon. Pero kapag umaga, kailangan nakabukas yun. Magkatapat lang kasi kami ng kwarto ni uncle. Pero yung pinto naman ng kwarto niya ay lagi namang nakasara. Ewan ko talaga sa lalaking yun. Magulo kasama sa bahay. Minsan sarap pektusan sa tenga dahil kung anong rules-rules ang pinag gagawa sa bahay. Pero kailangan kong sumunod sa sinasabi niya dahil siya ang may-ari nito eh, kaya anong magagawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD