Chapter 1

1213 Words
Primrose Pov NAGLALAKAD ako palabas ng classroom dahil tapos na ang klase namin. Ako lang mag-isa at hindi na ako sumabay sa mga friends ko dahil gagala sila ngayon. Hindi naman ako makakasama kaya hindi nalang ako sasabay sakanila palabas ng gate. Napabuga ako nga hangin habang naiingit sa mga friends ko na gagala pagkatapos ng klase. Actually, kasama naman talaga nila ako dati. Naging routine na namin na pagkatapos ng araw ay pupunta kami ng mall. Kakain at mag wi-window shopping saka kami uuwi sa mga bahay namin. Noon yun, pero ngayon hindi na. Simula ng mamatay si mama ay hindi na ako nakakasama pa. Natatakot kasi ako magpaalam sa taong kasama ko na sa bahay at nagpapa aral sa ‘kin. Baka pag nagpaalam ako kay uncle Death ay bugahan agad ako ng apoy. Kaya wag na. Hindi na din ako magtatangka pa dahil may rules na binigay sa ‘kin si uncle Death simula ng dalhin niya ako sa sarili niyang bahay. Nakaka gulat nga mga rules niya eh at lahat ng yun ay hirap na hirap akong sundin. Pano ba naman kasi ang unang rules niya sa bahay ay bawal daw akong maglinis na bahay o gumawa ng gawaing bahay. Hindi ko naman magagawa yun lalo na’t tinuruan ako ni mama na dapat daw ay marunong ako ng gawaing bahay. Kung nakakagulat ang unang rules niya, mas nakakagulat ang pangalawa dahil bawal daw akong gumala. Dapat daw pagkatapos ng klase ko ay deritso ako uwi sa bahay. Hindi tuloy ako makasama sa mga kaibigan ko dahil sa rules niya. Ang masaklap pa ay hatid sundo pa talaga niya ako sa eskwelahan kaya hindi ko magawang magsinungaling para gumala sana. Pangatlong rules niya ay bawal daw akong mag boyfriend o makipag usap sa lalaki maliban nalang daw sakanya. Ngayon ko nga lang nalaman na mas strikto pa paka siya kaysa kay mama. Si mama kasi ay suportado ako sa lahat ng bagay at hindi niya ako pinagbabawalan. Pero si uncle Death, parang walang kaligayahan sa buhay kaya pati ako dinadamay. Kapag daw hindi ako nakinig sa gusto niya ay patitigilin daw niya ako sa pag-aaral at ikukulong daw niya ako sa kwarto ko. Nakakatakot talaga si uncle Death kaya maiyak-iyak ako nong araw na yun. Halos tatlong araw akong umiiyak dahil ayaw ko talaga siyang makasama sa iisang bahay. Pero no choice naman ako dahil yung bahay ni mama ay binenta na niya. Kaya saan ako pupunta kung sakaling lumayas man ako sa poder niya. Gusto ko din naman makapagtapos sa pag-aaral ko kaya nakapag desisyon ako na tiisin nalang ang napaka strikto kong uncle. Napabuga ako ng hangin ng tuluyan akong nakalabas ng gate. Bumungad agad sa ‘kin ang magarang kotse ng uncle ko na sinusundo na naman ako. Tamang-tama talaga sakanya ang pangalan niya eh, pakiramdam ko kasi ay sinusundo na ako ni kamatayan. Naglakad ako pupunta sa nakaparadang kotse ni uncle Death at tinungo ang passenger seat. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at bumungad sa ‘kin ang seryosong mukha ni uncle Death. One month na ako sa bahay niya nakatira pero kahit isang beses ay hindi ko siya nakitang ngumiti man lang. Para bang ang mahal ng ngiti niya. Pumasok nalang ako sa loob ng kotse dahil wala naman akong choice for today’s video. Hindi uubra sakanya kung magsusuplada ako dahil masama ugali niya eh. Isinara ko nalang ang pinto ng kotse saka ko ikinabit ang seatbelt. Agad naman na binuhay ni uncle Death ang makina ng sasakyan at pinausad. “How’s your day?” Tanong ni uncle Death sa baritonong boses. Pati boses niya nakakatakot. Kaya lahat ng balahibo ko sa katawan ay tumatayo sa t’wing kinakausap niya ako. “Okay lang naman po, uncle Death.” Magalang kong sagot habang nakatingin lang sa harapan. Ayaw ko kasing lumingon sakanya at baka kilabutan na naman ako. Namayani na naman ang katahimikan kaya napabuga ako ng hangin. Ganito talaga siya. Sobrang tahimik. Kaya sa bahay niya ay halos mabingi ako sa katahimikan. Yung tipong wala talaga akong maririnig na ingay kahit konti man lang. Kaya nong una talaga ay gustong-gusto kong umalis sa bahay niya. Ang kinaganda lang kasi ay malaki ang bahay niya kaysa sa bahay namin ni mama. Simple lang naman kasi ang bahay namin dati at simple lang din ang mga gamit namin sa bahay. Yung bahay naman ni uncle Death ay sobrang malaki nga pero kami lang naman dalawa. Siguro kaya siya sobrang tahimik dahil nasanay na siya na mag-isa sa buhay. Kompleto nga siya ng gamit sa bahay at lahat ay magaganda pero malungkot naman. Kung ako ang papipiliin kung saan mas gusto ko.. mas pipiliin ko ang bahay namin ni mama. Mas maganda kasi talaga yun. At marami kaming alaala ni mommy. Matagal ko din iniyakan yun ng malaman kong binenta ni uncle Death ang bahay. Galit na galit ako kay uncle Death dahil parang wala lang sakanya na namatay ang kapatid niya. Para bang walang halaga ang buhay ni mama para sakanya. Kaya ko nga sinabing masama siyang tao. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa harap ng bahay namin. Buong biyahe talaga ay hindi na siya nagsalita kaya nakakainis talaga ang ugali niya. Masyado talagang malayo ang ugali ni mama at kay uncle Death. Ewan ko ba kung saan pinaglihi si uncle, siguro ay pinaglihi siya sa sama ng loob kaya laging nakasimangot. Akala mo inaaway palagi. Iginilid niya ang kotse saka niya pinatay ang makina ng sasakyan. Ako naman ay binuksan na ang pintuan ng passenger seat at agad bumaba. Hindi na ako nag paalam dahil alam ko naman na hindi siya sasagot. Minsan lang talaga siya nagsasalita. Pinakamahaba niyang nasabi nong araw na hindi ako pumayag at ayaw kong sumama sakanya. Ayaw ko siyang makasama sa iisang bubong kaya pinaglaban ko talaga na sa bahay nalang ako ni mama titira at bigyan nalang niya ako ng suporta. Pero natalo pa din ako at do’n ko lang siya narinig na mahaba ang sinabi niya sa ‘kin. Pumasok agad ako sa gate at nagkamot sa likod ng ulo ko dahil umuwi na naman ako sa pinaka boring na bahay na napuntahan ko. Kung may choice lang talaga ako ay baka hindi ako dito nakatira ngayon. Kung alam ko lang kung sino ang papa ko ay baka matagal na akong lumapit sakanya para humingi ng tulong. Pero sa kasamaang palad ay wala namang sinabi si mama sa ‘kin tungkol kay papa. Kaya hindi ko alam ang itsura niya. Kaya malamang sa malamang ay dito talaga ako kay uncle Death. Kailangan ko talaga ng mahabang pasensya at ang pinaka importante ay kailangan ko munang magtiis na kasama siya hanggang sa maka graduate ako ng college at magkaroon ng trabaho. Sisiguraduhin ko talaga na aalis ako sa poder niya kahit anong mangyari. Pumasok ako sa loob ng bahay at bumungad na naman sa 'kin ang katahimikan. Ganito na ang routine sa loob ng one month. Hindi ko nga alam kung hanggang saan ang pagtitiis ko sa pamamahay ni uncle Death. Dinaig pa simenteryo sa sobrang tahimik eh, buti pa nga sa simenteryo may mga batang naglalaro pa do'n eh dito.. kaming dalawa lang, hindi pa nagsasalita ang isa at sobrang tipid kong sumagot. Kaloka talaga siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD