bc

Wild Addiction Series 2: Death Velasco

book_age18+
10.1K
FOLLOW
108.1K
READ
HE
age gap
badboy
badgirl
boss
sweet
bxg
campus
love at the first sight
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

❗WARNING ❗SPG-18❗Matured content❗

Si Primrose Velasco ay isang mabait, masayahin at ubod ng ganda. Napaka swerte niyang babae dahil mahal na mahal siya ng kanyang ina. Lahat ng gusto niya ay binibigay dahil nag-iisa lang naman siyang anak.

Ngunit dumating ang hindi niya inaasahang magpapabago sa buhay niya. Nasangkot ang kanyang ina sa aksidente at tuluyan siyang iniwan. Hindi alam ni Primrose ang gagawin lalo na't ang mama lang niya ang tanging kasama niya sa buhay.

Nag-aalala si Primrose sa mangyayari sakanya hanggang sa may dumating sa bahay ng kanyang ina. Hindi niya inaasahan na makikita niyang muli ang kapatid ng kanyang ina na kinakatakutan niya. Mas lalo pa siyang nag-alala ng kausapin siya ng uncle Death niya at pinipilit na sumama sa kanyang bahay.

Nagdadalawang isip siyang sumama lalo na't napaka sungit ng uncle Death niya at may kakaiba siyang nararamdaman kapag nakikita niya 'to.

Makakaya kaya niyang pakisamahan ang uncle niya na ubod ng gwapo pero napaka sungit naman o aalis nalang siya sa poder nito at magpakalayo-layo na lamang.

chap-preview
Free preview
Prologue
TUMATAKBO ako ng mabilis habang umiiyak dahil sa natanggap kong mensahe. Galing ako sa school ng may mag text sa ‘kin na may masamang nangyari sa mama ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa tindi ng iyak ko. Sana talaga ay hindi totoo ang natanggap kong mensahe. Ayaw kong mawalan ng ina kaya nagdarasal ako na sana hindi totoo. Si mama Georgia nalang kasi ang meron ako. Wala akong ama na kinilala simula pa ng bata ko dahil ang sabi ni mama ay matagal na daw silang hiwalay ni papa. Nahuli daw kasi niya ‘tong may babae kaya mas pinili niyang hiwalayan kaysa magtiis sa lalaking manloloko. Si mama Georgia ang lagi kong kasama sa buhay. Siya ang tumayo bilang ina at ama ko kaya natatakot ako na baka mawala siya sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa ‘kin kung mawawala sa ‘kin ang mama ko. Nakarating ako sa hospital dahil isang nurse ang nag text sa ‘kin at sinabing pumunta daw ako ng hospital dahil may nangyari daw sa mama ko. Dapat ay may klase pa ako ngayon ngunit hindi na ako pumasok pa. Humahangos akong nagtanong sa information desk kung nasa’n ang mama ko na agad naman nilang sinabi. Yung kabog ng dibdib ko ay sobrang lakas na halos hindi ko na marinig pa ang nakapaligid sa ‘kin. Nakarating ako sa labas ng emergency room dahil dito daw dinala si mama. Hindi ko na mapigilan nag luha habang nakatitig ako sa nakasarang pinto at tahimik na umuusal ng dasal. Ngunit gumuho ang mundo ko ng bumukas nag pintuan ng emergency room at isang doctor ang lumabas do’n. Sinabi niya sa ‘kin na hindi daw kinaya ni mama. Napaluhod nalang ako habang umiiyak. Bakit si mama pa? Bakit siya pa ang na aksidente. Sobrang sakit.. sobrang sakit mawalan ng isang ina. Para bang kalahati ng pagkatao ko ay namatay din sa pagkawala niya. Inalalayan pa ako ng babaeng nurse at binigyan ng tubig para pakalmahin ako. Hindi ko na alam kung paano ko patitigilin ang mga luha na umaagos sa mga mata ko. Paano na ako ngayon? Ako nalang mag-isa. Paano na ang pag-aaral ko, paano na ako ngayon. Masyado pa akong bata para mawalan ng ina. Wala naman akong alam na pwedeng malapitan para sana humingi ng tulong. Hindi naman kasi pinakilala ni mama ang papa ko at kahit isang picture man lang ay wala akong mahanap sa bahay namin. Para bang sinunog lahat ni mama ang mga picture ni papa. Pati nga birth certificate ko ay hindi ko makita. Tanging si mama lang ang nakaka alam kung nasaan. Pag nag e-enrol ako sa school ay lagi niya akong sinasamahan. Kaya malaking impact sa ‘kin ang pagkawala ni mama. 16 years old palang ako ngayon kaya hindi ko alam kung paano ang pag-aaral ko. Titigil nalang muna siguro ako at maghahanap ng trabaho para may pangkain ako sa pang araw-araw. Inayos ko ang lahat ng mga kailangan ni mama. Hindi ko aakalain na maaga kong aayusin ang mga gagamitin sa lamay ni mama. Alam ko naman kasi kung nasa’n ang ipon niya kaya yun ang ginamit ko pambayad. Bahala na kung anong mangyari sa ‘kin sa susunod na araw, ang mahalaga ay mabigyan ko ng libing si mama. Balak ko sanang tawagan ang kapatid ni mama na matagal ko ng hindi nakikita. Tatlong beses ko lang siya nakita at hindi na siya muling bumisita kay mama. Hindi kami close ng kapatid ni mama. Natatakot kasi talaga ako sakanya. Tandang-tanda ko pa kung gaano ka suplado ang mukha ng kapatid ni mama. Hindi din siya palangiti at para bang kailangan pang bayaran ang ngiti niya upang makita ko. Matagal na din pala ng huli ko siyang makita. Siguro ay nasa 12 years old pa ako no’n at masyado lang mabilis ang pagbisita niya. Natakot pa ako dahil panay ang titig niya sa ‘kin na para bang may mali sa pagkatao ko. Hindi ko din nasubukan na makausap siya dahil ilag siya sa ‘kin sa hindi ko alam na dahilan. Sabi ni mama ay ganun lang daw talaga si uncle Death. Seryoso daw sa buhay at sanay daw na mag-isa. Hindi daw palangiti at mabilis uminit ang ulo. Kaya hindi ko na susubukan na lumapit sakanya. Pero dahil kapatid siya ni mama ay kinuha ko nag cellphone ng mama ko para hanapin ang number ni uncle Death at nagsend ako ng message. Ito ang unang gabi ni mama at bukas ay libing niya. Ako lang naman kasi mag-isa kaya hindi ko na patatagalin pa ang lamay niya. Inaasahan ko na dumating si uncle Death ngunit kahit anino niya ay hindi nagpakita. Hindi ko alam kung yun parin ba ang phone number niya o hindi na. Dumating ang araw na ililibing si mama at ako parin mag-isa. Nandito lang ako sa tabi ng puntod niya at umiiyak dahil miss na miss ko na siya. Halos maubos na ang perang naiwan ni mama kaya hindi ko alam kung paano na ako ngayon. Maghahapon na ng maisipan kong umuwi sa bahay namin ni mama. Hindi ako agad pumasok at nakatitig lang ako sa labas ng bahay. Inaalala ko ang mga alaala namin ni mama. Naiyak na naman ako ulit at tuluyang napahagulgol. Naisipan kong pumasok na sa bahay at halos mapasigaw ako sa gulat ng may makita akong lalaking nakaupo sa sala namin. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. “S-Sino ka? Paano ka nakapasok sa bahay namin ni mama?” Tanong ko sa lalaking nakaupo. Hindi siya sumagot sa tanong ko bagkos ay tumayo siya sa kanyang kinauupuan at dahan-dahan na humarap sa ‘kin. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino siya. Si uncle Death, ang kinakatakutan kong kapatid ni mama. Walang pinagbago ang itsura niya, isa parin siyang gwapo na masungit na lalaki. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya o hindi. Hanggang ngayon ay natatakot parin ako sakanya. “U-Uncle Death..” sambit ko sakanyang pangalan habang nauutal pa. “Pack all your things, Primrose. You will come with me.” Sabi niya sa baritonong boses. Ako naman ay naguguluhan. “Po?” Tanong ko pa. Tama ba yung pagkakadinig ko sa sinabi niya. “You will live in my house with me.” Sabi niya kaya mas lalong nanlaki ang mata ko at napalunok ng ilang beses. Hindi ko yata kayang tumira sa bahay niya. Mas gugustuhin ko pang tumira dito sa bahay ni mama ng mag-isa kaysa naman siya ang kasama ko. Baka sigawan at sungitan lang niya ako kapag may nagawa akong kasalanan. Mukha palang niya halata ng bubugahan ako ng apoy. Ang saklap talaga ng buhay ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.9K
bc

His Obsession

read
91.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
182.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
28.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
12.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook