Chapter 3

1794 Words
Primrose Pov SABADO NGAYON kaya wala akong pasok. May pupuntahan kasi ako ngayong araw dahil may group project kami. Kanina pa ako kinakabahan dahil magpapaalam ako sa uncle Death ko. Sana lang talaga ay payagan niya akong lumabas ngayon. Nakarating ako sa kusina at agad kong nakita si uncle Death sa kusina. Nakaupo siya at seryosong nakatitig sa ‘kin habang humihigop ng kape. Tumayo yata lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa seryoso niyang mukha. Mukha pa lang niya halatang hindi na ako papayagan lumabas. “Where are you going?” Tanong niya sa baritonong boses. Napalunok ako ng ilang beses at parang nakalimutan ko yata ang sasabihin ko. Nag practice kasi ako kanina ng sasabihin ko para naman hindi ako utal-utal sa pagsasalita. “Wala ka namang klase ngayon. Kaya saan ka pupunta?” Tanong niya ulit kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. “Don’t bite your lips.” Sabi niya saka nag iwas ng tingin. Ako naman ay tinigilan ang pagkagat sa ibabang labi ko. “Ahm.. pwede po ba akong umalis ngayon, uncle Death? May gagawin po kasi kaming school project. Kapag hindi po ako pumunta ay baka hindi po nila ako ilista.” Sabi ko sa mahinang boses. Tumingin naman siya ulit sa ‘kin. Nagkasalubong ang tingin namin dalawa kaya napalunok ako ng laway. Ihahanda ko na talaga ang sarili ko kapag binugahan niya ako ng apoy. “Saan kayo gagawa ng project?” Tanong niya sa ‘kin saka humigop ulit ng kape. “Sa bahay po ng classmate ko, uncle. Dapat po kasi ay dito po sa bahay mo kami gagawa. Pero naisip ko na baka pagalitan mo ko dahil ayaw mo pa naman ng maingay.” Sabi ko habang nahihiya. Plano kasi sana namin na dito nalang dahil malaki ang bahay. Pero agad akong tumutol dahil iniisip ko siya. Baka kasi magulat siya at mapagalitan niya ako. “Papuntahin mo nalang dito ang mga classmate mo. Dito niyo nalang gawin ang school project niyo.” Sabi niya sa ‘kin kaya nanlaki ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala. “Totoo po? Papayag ka po na dito kami gagawa ng project?” Gulat na gulat kong tanong. Tumango lang siya at ibinalik na niya ang kanyang tingin sa iniinom niyang kape. Alam ko hindi na siya magsasalita kaya umalis na ako sa harap niya. Dali-dali kong tinawagan ang mga classmate ko para ipaalam sakanila na dito nalang namin gawin ang mga project. Agad naman pumayag ang mga ‘to at halatang excited na pumunta. Hindi ko alam kung saan sila excited. Kung sa bahay ba o sa uncle Death ko. Nakikita kasi nila na may naghahatid sundo sa ‘kin sa school. Kaya siguro excited sila na makita si uncle Death. Nang matawagan ko ang mga classmate ko ay agad akong pumunta muna sa kwarto ko para magpalit ng damit. Nag suot nalang ako ng short at malaking tshirt para komportable akong gumalaw. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako ng kwarto ko. Papunta pa lang sana ako sa hagdan ng makasalubong ko si uncle Death. Tinitigan niya ang suot ko at parang hindi niya nagustuhan ang short. “Magpalit ka! Wear your pajama instead.” Sabi niya sa ‘kin kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. Wala na akong magawa kundi sundin siya at baka magalit na naman siya at ma badtrip. Papunta pa naman mga classmate ko. Ayaw kong maabutan nila ang uncle ko na galit na galit. Bumalik ako sa kwarto ko at nakangusong kumuha ng pajama. Parang tanga tuloy ang outfit ko dahil malaking tshirt na nga ang suot ko tapos naka pajama pa. Sigurado din ako kapag pinalitan ko ang suot kong tshirt ay mapapagalitan na naman niya ako. Nang makapagbihis ako ay agad akong lumabas ng kwarto at hindi ko na nakita pa si uncle Death. Siguro ay pumunta na siya ng kwarto niya. Mabuti na din yun para hindi siya maingayan sa mga classmate ko. Dali-dali akong bumaba ng hagdan at tinungo ang kusina. Kailangan ko maghanda din ng merienda para mamaya sa mga classmate ko. Syempre mamaya na ang merienda, unahin na muna namin ang gagawing project. Nagtimpla na din muna ako ng kape habang hinihintay ko sila. Ang aga ko kasing nag kape kanina dahil nag pra-practise ako ng sasabihin ko kay uncle Death. Kabado pa ako yun naman pala papayag pala siya. Humigop ako ng kape at muntik na akong mabilaukan sa gulat ng biglang sumulpot si uncle Death sa likuran ko. Hindi ko man lang narinig ang mga yapak niya kaya ako nagulat. Hindi naman siya nagsalita at agad na dumiretso sa harap ng ref. Hinila ko nalang ang upuan ng walang tunog saka ako umupo. Pinagmamasdan ko lang si uncle Death na may nilalabas mula sa ref. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa pumunta siya sa sink at may hinuhugasan. Humigop nalang ako ng kape at hinayaan si uncle Death. Hindi naman siya nagsasalita kaya hindi nalang din ako nagsalita. Ganito talaga routine namin dalawa. Sa loob ng one months na nandito ako sa bahay niya ay malimit lang siya magsalita ng mahaba. Yun ay kapag nagagalit siya sa mga sagot ko. Gumagalaw pa ang panga niya kapag nagagalit na parang handa na niya akong sakalin. Magkaibang-magkaiba talaga sila ni mama Georgia. Si mama kasi malambing kaya siguro ako ganun din. Mabuti nalang at nakuha ko ang ugali ni mama. Ito naman kasi si uncle Death ay pinaglihi sa sama ng loob kaya laging nakasimangot. Natatawa nalang talaga ako sa kanya. Plano ko nga sana na turuan siya ngumiti. Hindi ko pa kasi siya nakikita na ngumiti. Lagi lang nakasimangot. Tahimik na nagluluto si uncle Death ng pagkain. Baka breakfast namin dalawa dahil hindi pa naman kami kumakain. Maaga lang talaga ako naligo at sinadyang magbihis agad. Sabi kasi ng isa kong classmate na papayagan daw ako magpaalam kapag uunahin ko daw ang maligo at magbihis saka ako magpaalam para payagan. Medyo effective naman pero hindi parin ako pinayagan lumabas ng bahay. Habang nagkakape ako ay biglang umilaw ang cellphone na nakapatong sa mesa. Agad kong kinuha yun at nakita ang message ng classmate ko. “Uncle.. nandito na po mga classmate ko. Pasensya na po kung maingay po sila mamaya. Maingay po kasi talaga sila,” pagsasabi ko nalang agad dahil sigurado ako na mabubulabog ang bahay niya. Alam ko na ang ugali ng mga classmate ko eh, kaya sasabihan ko na si uncle para hindi niya ako mapagalitan mamaya. Tumango lang si uncle Death na hindi man lang humarap sa ‘kin. Ayos na din yun kaysa hindi siya sumagot. Tumayo na ako sa kinuupuan ko at dali-dali akong pumunta sa sala. Dala ko pa ang cellphone ko at nag re-reply sa classmate ko. Nasa labas daw kasi sila ng gate ng subdivision kaya kailangan ko silang sunduin para makapasok. Pwede ko naman tawagan ang guard house na papasukin sia. Pero gusto ko munang maglakad-lakad kaya susunduin ko nalang sila. Deri-deritso akong pumunta ng gate ng subdivision at agad nakita ang mga maiingay kong classmate. Lima kami sa isang grupo kaya apat na babae ang mga kasama ko. Wala kaming boys at yun ang pinagpapasalamat ko. Kinausap ko lang ang guard kaya pinapasok ang apat kong classmate. “Grabe halatang mayaman ka talaga, Prim. Yung subdivision palang ohh..” sabi ng isa kong classmate na si Erika. Nalukot naman ang mukha ko sa sinabi niya. “Hindi ako mayaman no! Si uncle ko lang yun. Inampon nga lang ako ng mamatay si mama eh. Kaya nga dito ako nakatira. Kaya wag kayong mag-alala ganyan din ang reaksyon ko ng makapasok ako sa subdivision na ‘to.” Saad ko kaya ngumiti sila. “Ang yaman ng uncle mo ha! Tignan mo nga ang mga bahay..” sabi ng isa kong classmate na talagang tinuro pa ang mga nadadaanan naming malalaking bahay. “Ang gaganda at malalaki ang bahay. Ang sarap siguro tumira sa ganitong bahay.” Dagdag pa niyang sabi kaya napa iling nalang ako. Kung alam lang nila na mas gusto ko pa ang dati naming bahay ni mama. At least do’n ay pwede akong mag ingay at may mga kapitbahay akong nakakausap. Sa bahay ni uncle Death ay pati yata ang paghinga ko ay maririnig dahil sa sobrang tahimik. Kaloka talaga ang bahay ni uncle Death. Nakarating kami sa harap ng bahay ni une kaya mas lalong nalula ang mga classmate ko. Napakamot nalang talaga ako sa likod ng ulo ko dahil sa ingayan nila. Sana lang talaga ay wag magalit si uncle Death. Pumasok kami sa gate at yung mga classmate ko ay manghang-mangha sa malawak na harap ng bahay ni uncle. May mga kotse kasi na naka display do’n kaya talagang kilig na kilig ang mga classmate ko at parang ewan. Pinapasok ko sila sa bahay at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi sila nga ingay. Pakiramdam ko ay naramdaman ng mga classmate ko na ang tahimik ng bahay ng uncle ko. Sa sala na kami gagawa ng project kaya do’n ko muna sila pinaupo. Magsisimula na kami agad gumawa ng project kaysa naman mauna ang tsismisan namin. Baka ang ending ay wala kaming nagawang project. Tulong-tulong kaming lima na gumawa ng project. Seryoso ako hanggang sa nakita kong umilaw ang cellphone ko na nasa sahig. Kinuha ko yun at tinignan kung sino ang nag message. Nakita kong si uncle kaya nagpaalam na muna ako sa mga classmate ko na pupunta muna ako sa kusina. Pumayag naman sila kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig at dali-dali akong pumunta sa kusina. Nang makarating ako ay naabutan ko si uncle na naghahanda ng pagkain. Nagluto pala siya ng spaghetti. Nabasa ko sa text niya na ihanda ko daw sa mga classmate ko kaya napangiti ako. Akala ko kasi wala siyang pakialam sa ‘kin at sa mga bisita ko. Yun naman pala ay nagluluto siya ng makakain namin. “Thank you po, uncle Death.” Pagpapasalamat ko kahit alam ko na hindi siya sasagot. Tumango lang siya habang nagsasandok ng spaghetti. Alam ko naman ganun lang ang sagot niya. Sanay na ako at hindi na ako naiinis. Hindi katulad nong bago pa lang ako dito dahil inis na inis ako. Mukha kasi akong tanga na nagsasalita pero ang kausap ko ay tango lang ang sagot. Kinuha ko nalang ang sinandok ni uncle na spaghetti at nilagyan pa yun lalo ng cheese. Mabuti nalang at nagluto siya, chichirya pa naman sana ang ipapakain ko o di kaya ay pancit canton. The best din pala ‘to si uncle minsan. Pero minsan lang talaga yun. Kapag tinupak ay wag ko nalang talaga siyang papansinin at baka mabugahan pa ako ng apoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD