Chapter 4

1216 Words
Primrose Pov LUMIPAS ang isang linggo ay ang sobrang busy sa school. Mabuti nalang at tapos na ang exam namin at sure naman ako na nasagutan ko lahat ng mga question sa exam. Hindi ko lang sure kung tama ang sagot ko. Pinoproblema ko ngayon ay kung paano ako magpapaalam kay uncle Death na may field trip kami sa school. Ngayon pa lang ay sure na ako na magkakasagutan kaming dalawa. Pinitik ko nalang ang hawak kong parents permit na ibibigay ko kay uncle Death. Kahapon pa dapat ‘to eh pero hindi ko naibigay dahil natatakot ako magsabi. Kagabi ko pa pino-problema kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko. Two days nalang at field trip na namin kaya kailangan ay maibigay ko na ‘to kay uncle. Last week sinabi ‘to na may field trip talaga pero kahapon palang binigay yung parents permit. Pumasok nga sa isipan ko na magpapirma nalang sa magulang ng classmate ko. Pero baka mahuli lang ako ni uncle Death at baka dalhin na ako no’n sa kamatayan kaya wag nalang. Pambihirang buhat ‘to oh.. kung si mama Georgia lang sana ang nandito eh ‘di sana hindi ako nahihirapan mag paalam. Lumabas nalang ako ng classroom na malungkot dahil sigurado na ako na hindi ako makakasama. Mabuti pa mga classmate ko ay excited na sila sa field trip. Pinayagan na kasi sila ng mga magulang nila. Maiiwan yata ako nito at sa bahay nalang magmumukmok kasama ang uncle kong masungit na pinaglihi sa sama ng loob. Ayaw ko pa sanang umuwi pero malamang sa malamang ay nasa labas na ng gate ang uncle Death ko. Naguguluhan na nga ako kung uncle ko ba talaga siya o driver. Napaka sipag niya maghatid sundo sa ‘kin. Dahan-dahan lang ang ginagawa kong lakad para matagal akong makarating sa gate. Galang-gala na kasi talaga ako pero hindi ko naman magawa. Hindi katulad dati na isang text ko lang kay mama ay pinapayagan na agad niya ako. Pero ngayon si uncle Death, Diyos ko! Kailangan ko pa yata mag sindi ng kandila para lang payagan ako. Napasimangot ako ng makarating ako sa gate. Bungad na bungad agad sa ‘kin ang itim na kotse ni uncle Death. Napahinto pa ako sa paghakbang at parang nawawalan ng gana maglakad palapit sa kotse niya. “Uuwi na naman ako sa bahay na sobrang tahimik.” Bulong ko pa sa hangin saka ako bumuntong hininga. Nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa kotse ni uncle Death kahit pa nga labag sa kalooban ko. Wala naman kasi akong choice kundi umuwi sa bahay niya ay makisama kahit hindi ko gusto. Nang makarating ako sa harap ng kotse niya ay agad akong lumapit sa passenger seat at binuksan ang pintuan. Bumungad sa ‘kin ang seryosong mukha ni uncle Death. Nakasuot siya ng hoodie jacket at naka maong pants. Pumasok nalang ako sa loob ng kotse saka ko isinara ang pinto. Agad naman binuhay ni uncle Death ang makina ng kotse at pinausad. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang iniisip kung paano ko sasabihin kay uncle na may field trip kami. Sumasakit talaga ulo ko kakaisip ng intro. “Ahm.. Hi po, uncle! Kamusta po araw mo sa bahay? Masaya po ba mag-isa?” Tanong ko pa habang nakangiwi. Walanjo! Sa lahat ba naman na ita-tanong ko ay yun pa talaga. Malamang sanay na siya na mag-isa sa bahay niya. Palipat- lipat naman siya ng tingin sa ‘kin at sa daan. Siguro ay nagtataka siya sa tanong ko na parang ewan. Kung di ba naman kasi ako tanga yun pa talaga natanong ko. Hindi naman siya sumagot at nag focus nalang sa pagmamaneho. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko habang nag-iisip na naman ng sasabihin. “Uncle Death..” tawag ko sa atensyon niya. “Hmm..” sagot niya na pati yata pag sagot sa ‘kin ng words ay tinatamad siya. Ang sarap niyang kutusan. Pero kailangan kalma lang ako dahil may kailangan ako sa kanya. “Ahm.. pwede po ba akong mag paalam sa’yo?” Tanong ko pa kaya lumingon siya sa ‘kin kaya nagkasalubong ang tingin namin dalawa. Mas lalo tuloy akong kinabahan ng makita ko ang magkasalubong niyang kilay na parang angry birds. Yung red na angry birds. Pambihira naman ‘to si uncle! Hindi pa ako nagpapaalam pero galit na agad. “What is it?” Tanong niya sa baritonong boses kaya yung balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan. “Ahm.. bago ko po sabihin, uncle.. pwede po bang wag kang magagalit..” sabi ko habang nilalaro ang mga daliri ko sa kamay. Kinakabahan talaga ako eh dahil sure ako na hindi niya ako papayagan. Pero sana naman talaga ay gumana ang dasal ko kagabi. Hindi umimik si uncle kaya tumikhim ako saka humugot ng malalim na hininga. “Kasi po.. ahm.. pwede po ba akong magpaalam na sumama sa field trip. Kami naman po lahat yun, uncle.” Sabi ko saka pinakita ang nasa bulsa kong parents permit. “Ito po yung parents permit, uncle. Sana po payagan niyo po ako. Kawawa naman po ako kung ako lang po ang hindi makakasama.” Sabi ko pa at nagpapaawa talaga ang boses ko. “Later,” sagot niya kaya nagningning ang mga mata ko dahil sa tuwa. Hindi ako makapaniwala na papayagan niya ako agad. Hindi ko na pala kailangan gumamit ng kandila para lang payagan niya ako. “Talaga po?” Tanong ko pa na hindi makapaniwala na papayagan niya ako. “Pag-uusapan natin kung saan tayong dalawa mag fi-field trip.” Sagot niya kaya nawala ang ngiti ko. Parang tanga naman ‘to si uncle.. seryoso akong nagpapaalam sa kanya tapos yun ang isasagot niya. “Uncle naman eh.. seryoso po ako. At isa pa, lahat naman po kami ang sasama.” Saad ko pa. “No!” Sagot niya sa matigas na boses. Sabi ko na eh, hindi niya ako papayagan. Bakit pa ba ako umasa na makakasama ako sa field trip namin. Dapat talaga pinapermahan ko na ‘to sa nanay ng classmate ko eh. Hindi na ako nagsalita at naka busangot lang ang mukha ko. Akala ko pa naman hindi na ako magtitirik ng kandila para ipagdasal na payagan niya ako. Mukhang hindi lang pala kandila ang kailangan ko. Siguro ay kailangan ko ng alay. Yung manok suguro ay okay na siguro para payagan niya ako. Nakakabadtrip talaga ‘to si uncle Death. Ayaw pumayag eh sa school naman yun. Lahat naman kami kasama. Ang laki ng problema niya sa buhay niya at pati ako ay dinadamay. Hanggang sa nakarating kami sa malaking bahay niya ay naka busangot lang ang mukha ko. Mabilis din akong bumaba ng kotse at hindi na siya pinansin pa at baka mag-away lang kami. Baka makalimutan ko na uncle ko siya at masakal ko nalang siya bigla. Bahala siya makipag usap sa sarili niya. Mag field trip siya mag-isa total sanay naman siyang mag-isa sa buhay. Pati ako dinadamay niya. Hindi talaga ako kakain mamaya para alam niya na galit ako sakanya. Hindi na talaga ako natutuwa sa sobrang higpit niya sa ‘kin. Nakakasakal ang ganito na ang daming bawal. Hindi ako sanay sa buhay na ganito. Mababaliw lang ako kapag si uncle Death ang kasama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD