“Ahm, w-wala po akong ballpen,” tila nahihiyang sabi niya. Hindi siya makatingin ng ayos sa abogado. “You know me?” tanong nito sa kanya. Alanganing ngumiti si Ella saka tumango. “Ahm, o-opo, nakikita kita sa TV,” pagdadahilan niya. Siyempre palagi siyang updated sa abogado, hindi lang niya ito sa TV pinapanood, pati sa mga article at social media inii-stalk niya ang abogado. “Oh, is that so?” nasabi na lang nito saka napakamot sa kilay niya. “Ahm, k-kailangang kailangan niyo po ba talaga ng ballpen? Meron po yatang bilihan sa malapit,” sabi na lang niya habang pilit na hindi ipinapahalata na kinakabahan siya. “Maghahanap na lang ako, salamat,” tipid na sabi ng lalaki saka tumayo. Natigilan si Ella nang maalala niyang meron nga palang tindahan ng school supplies sa tabi ng ice cre