bc

Feral Affection

book_age16+
1.3K
FOLLOW
3.1K
READ
possessive
age gap
CEO
heir/heiress
drama
lighthearted
city
lawyer
naive
shy
like
intro-logo
Blurb

"It's better to love dogs because dogs stay loyal to their owner until the end."

Gio Alejandro Francisco promised to himself that he'll never love again after a major heartbreak. Naisip niya na mag-alaga na lang ng mga aso hanggang mamatay siya, aso na lang ang mamahalin niya.

But instead of a dog, he met Katkat... A feral person who acts and believes that she's a real dog.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
GIO ALEJANDRO FRANCISCO “Mukhang ikaw na lang talaga ang makakasama ko habang buhay,” saad ni Gio sa kaniyang aso na si Zedkinah. He sat on the couch puffing on a cigarette. He doesn't really smoke, ngunit sa tingin niya ay kailangan niya ito ngayon upang mapakalma ang kaniyang isip. He closed his eyes while massaging his temple. Sumasakit na naman ang ulo niya, marahil dahil ito sa pag-iisip niya ng kung ano-anong bagay. “Magpapakasal na 'ko next week, sana makapunta kayo.” Muli na naman niyang naalala ang sinabi ni Alliah sa kanilang magkakaibigan noong nakaraang araw. Lahat sila ay nagulat sa biglaang anunsyo nito, sino ba namang hindi? Ilang linggo rin itong hindi nagpakita sa kanila, walang tawag o text man lang kaya ganoon na lamang ang gulat nila nang bigla itong sumulpot at sinabing magpapakasal na siya sa lalaking hindi man lang nila alam kung ano ang pangalan. Pakiramdam ni Gio ay pinagtaksilan siya ng dalaga kahit wala naman silang relasyon. He waited for her for almost a decade, halos sampung taon na rin niya itong minamahal kaya naman ganoon na lang ang paninibugho niya sa biglaang anunsyo nito. Hindi pa rin siya makapaniwala na magpapakasal si Alliah sa lalaking ilang linggo pa lamang yata nitong nakikilala. “Gio!” Napapikit na lang siya ng mariin nang marinig niya ang boses ng mga kaibigan niya na basta na lamang pumasok sa pad niya. Mukhang dapat na niyang palitan ang PIN code nito upang hindi na basta makapasok ang mga kaibigan niya. “Ayos ka lang?” tanong ni Mea nang makaupo na sila sa couch. He just shrugged his shoulders and put his cigarette in the ash tray. “Siguradong hindi siya okay, naninigarilyo na naman eh,” sabi naman ni Nestlyn. Hindi niya na lang ito pinagtuunan ng pansin, wala siyang gana makipag-asaran o makipaglokohan dito ngayon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga kaibigan niya ang tungkol sa nararamdaman niya para kay Alliah. Hindi niya inamin sa mga ito ang tungkol doon pero napansin nila iyon, si Alliah na lang talaga ang hindi nakakaalam na mahal niya ito kahit na ilang beses na niyang pinaramdam ang damdamin para sa dalaga. Hindi niya alam kung sadyang manhid ba talaga ang kaibigan o baka naman ayaw lamang nito na pagbigyan ang pagmamahal niya para dito. “Nagulat din talaga ako, wala naman kasing nababanggit sa 'tin si Alliah na may boyfriend siya. Masyado talagang mabilis,” sabi naman ng isa pa niyang kaibigan na si Reign. Noong kolehiyo lang nila naging kaibigan si Reign, sina Nestlyn, Mea at Alliah ay kaibigan na niya noong high school pa lamang sila. “Nakakagulat talaga, wala nga siyang nabanggit sa 'tin kahit manliligaw man lang,” napapailing na sabi ni Nestlyn. “Bakit kaya siya nawala ng ilang linggo? Bumalik siya ng may fiancé na bigla. Grabe, sobrang instant naman no'n. Pero teka, kilala niyo na ba yung fiancé niya o nakita man lang?” tanong ni Mea. “Hindi nga eh, hindi naman binanggit ni Alliah kung anong pangalan nung lalaki,” sagot naman ni Reign. He just closed his eyes while listening to their nonsense thoughts. Nagpunta lang ba sila dito upang pag-usapan ang tungkol kay Alliah at sa misteryosong fiancé nito? Hindi ba nila maramdaman na ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yon ngayon? “Baka naman may mabigat na dahilan, kilala nating lahat si Alliah. Sagrado ang pananaw niya tungkol sa kasal. Malamang may mabigat na dahilan kung bakit siya magpapakasal sa lalaking ‘yon, kung sino man siya,” sabi naman ni Reign. Naidilat niya ang mga mata sa sinabi ng kaibigan, sa tingin niya ay may punto ito. Doon pa lang sa katotohanan na hindi sinabi ni Alliah sa kaniya ang tungkol dito ay talaga namang nakakapagtaka na. Walang nililihim sa kaniya si Alliah. Lahat sinasabi nito sa kaniya kahit simpleng bagay man iyon o mabigat na problema. He sighed deeply, everything's a whirlwind for him specially the fact that Alliah will be getting married all of a sudden to some man they doesn't even know personally, ni hindi nila alam kung anong pangalan ng lalaki. Hindi lang matanggap ng sistema niya ang biglaang pagkakaroon ng fiancé ng kaibigan niya. He waited for the perfect timing to confess his feelings for her that he kept for almost ten years, but how will he be able to that know? She's getting married. Naaalala niya pa noong una niyang nakilala si Alliah Arcena, wala siyang kaibigan mula pa noon sa kadahilanang ayaw niyang makisalamuha sa mga tao. Madalas din kasi siyang asarin dahil mataba siya noon, wala naman siyang pakialam doon pero gusto niya lang naman kasi ng tahimik na buhay. Ngunit nagbago lahat ng ‘yon nang alukin siya ng sandwich ni Alliah noong first year high school siya. Doon nagsimula ang araw-araw na pangungulit ni Alliah sa kaniya, nang taong din iyon niya nakilala sina Nestlyn at Mea. Pakiramdam niya ay parte na ng buhay niya si Alliah, kulang na kulang siya kung wala ito. Hindi rin kasi sila mapaghiwalay, alam ni Alliah ang lahat ng tungkol sa kaniya at alam din naman niya ang lahat ng tungkol sa kaibigan, maliban na lang siguro sa lalaking pakakasalan nito. Noong nakapagtapos sila ng kursong accountancy at makapasa sa CPA board exam, agad siyang nagpatayo ng sarili niyang accounting firm na maayos namang kumikita ngayon. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng kursong law at malapit na rin namang makapagtapos. Noon pa man ay gusto na niyang maging abogado, pinagbigyan niya lang ang kagustuhan ng ina niya na magtapos siya sa kursong accountancy. Hindi rin naman masama ang maging isang CPA-lawyer. Kapag isa na siyang ganap na abogado, magpapatayo rin siya ng law firm at papalaguin ito gaya ng accounting firm niya ngayon. Nang magsimula siyang magtrabaho bilang accountant, natuto siyang alagaan ang katawan at mag-ehersisyo. Hindi na siya mataba tulad noon, gumanda na ang pangangatawan niya at hindi sa pagmamayabang ay marami ang nahuhumaling sa kaniya ngayon. Hindi naman niya masisi ang mga ito, magandang lalaki siya at mayroong magandang trabaho. Dagdag na rin siguro sa karisma nito ang pagiging natural na matalino. Kaya hindi niya lubos na maintindihan kung bakit hindi siya mapansin ni Alliah ng higit pa sa kaibigan o kapatid. Ginawa naman niya ang lahat upang iparamdam dito ang pagmamahal niya. Baka naman dahil hindi tao ang nakatadhanang makasama niya habang buhay kundi aso. *** ABALA si Gio sa pag-aayos ng damit niya nang marinig niyang panay ang tahol ng aso niyang si Zedkinah. Agad siyang lumabas ng kwarto niya at dinaluhan ang aso. “May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong niya sa aso habang hinahaplos niya ang makapal na balahibo ng aso. Parehas sila ni Alliah na mahilig sa aso, sa katunayan nga kay Alliah galing si Zedkinah kaya napakahalaga sa kaniya ng asong ito. Patuloy sa pagtahol ang aso habang nakatingin sa glass wall. Labis siyang nagtaka, natahol lang ng ganoon si Zedkinah kapag may masakit dito. Naisip niya na lang na baka nalulungkot ito na mag-isa. Noong nakaraang linggo niya pa naisip na bumili ng isa pang aso para may kasama na ang aso niya. “Anong problema Zedkinah?” nakakunot ang noo na tanong niya. Hindi pa rin natigil sa pagtahol ang aso niya.  Napakunot ang noo niya at tiningnan ang tinatahulan ng aso niya. Agad siyang napatayo sa nakita. “What the hell?” tila hindi makapaniwalang sambit niya habang nakatingin sa isang partikular na tao mula sa malayo. May tao mula sa ibaba na nakasuot ng maduming damit, ang nakakagulat doon ay hindi ito nakatayo. Tila isa itong aso dahil pati ang mga kamay nito ay nasa sahig. Sobrang haba rin ng buhok nito na tila ilang taong hindi ginupitan, hindi niya tuloy matukoy kung lalaki ba ito o babae dahil na rin sa kadungisan nito. Napatingin siya sa aso niya dahil mas lumakas ang pagtahol nito. “Shh! Zedkinah,” pananaway niya sa aso. Muli niyang binalingan ng tingin ang misteryosong tao sa labas ng bahay niya pero natigilan siya nang makitang natakbo na ito palayo, na tila isang aso o hayop. Naisip niya tuloy na baka puro sugat na ang tuhod at mga kamay ng taong ‘yon, magaspang pa naman ang kalsada. Napailing na lamang siya, baka naman baliw lang ang isang ‘yon. Sino ba naman ang matinong tao na ganoon maglakad at tumakbo? Lumabas na siya ng pad niya. Madami naman siyang iniwan na dog food para sa aso, maayos na rin ang tubig nito. Wala naman siyang problema kay Zedkinah dahil lagi itong tulog. Sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar ‘yon. Napabuntong hininga siya habang tinatahak ang daan papuntang wedding reception. Tiningnan niya saglit ang hitsura sa salamin, pormal ang suot niyang damit at maayos ang kaniyang buhok. Hindi siya nagpunta sa mismong kasal ni Alliah, hindi niya kaya. Tadtad lang talaga ng missed calls ang phone niya galing sa mga kaibigan kaya napilitin siyang magpunta. Alam niya rin na magtatampo talaga si Alliah sa kaniya kaya pinilit niya ang sarili na magpunta kahit sa wedding reception na lang. Sana lang talaga ay walang makahalata na labis siyang naninibugho. Huminga siya ng malalim nang makarating siya sa isang mamahaling hotel. Mukhang mayaman nga talaga ang napangasawa ni Alliah. Nagtungo siya sa garden kung saan ginaganap ang wedding reception. “Gio!” Agad siyang nilapitan ng mga kaibigan niya. Madalas pagdudahan ng ibang tao ang p*********i niya dahil puro babae ang mga kaibigan niya. Wala naman siyang pakialam do'n, hindi naman importante ang sinasabi ng ibang tao sa kanya. “Bakit ngayon ka lang nagpunta? Nagtatampo na tuloy sa ‘yo si Alliah,” napapailing na sabi ni Mea. “Nakita niyo na yung asawa niya?” tanong niya sa mga kaibigan. Napabuntong hininga siya, masakit sa kaniya ang katotohanang may asawa na ang kaibigan na matagal na niyang minamahal. “Gio Alejandro Francisco!” Napalingon siya sa pamilyar na boses na kaniyang narinig. Pakiramdam niya ay literal na tumigil sa pag-inog ang kaniyang mundo nang makita si Alliah na naglalakad papalapit sa kaniya. Napakaganda nito sa suot nitong wedding dress. Litaw na litaw ang maputing kutis nito at tila nagliliwanag ito sa paningin niya. “Bakit ngayon ka lang nagpunta?” may bahid ng pagtatampo na tanong nito. Mas lalong sumingkit ang natural na singkit na nitong mga mata. “Marami pa kasi akong inasikaso,” pagdadahilan niya. “Maiwan muna namin kayo, kakain lang kami,” pagpapaalam nina Nestlyn na tila binibigyan sila ng oras na makapag-usap. “Gusto ko sanang makapag-usap tayo sa mas tahimik na lugar,” seryosong sabi ni Gio. Tipid na ngumiti lang ang babae saka tumango. Nagtungo sila sa parte ng hardin kung saan kaunti lang ang tao. Kumuha ng isang basong wine si Gio sa mahabang mesa at ininom ‘yon upang pakalmahin ang sarili. Baka makalimutan niya na bagong kasal ito. “Ikaw pa ba si Alliah?” Natigilan si Alliah sa tanong ng kaibigan. “Anong klaseng tanong ‘yan?” “Ang dami kong gustong itanong sa ‘yo, pero hindi ko alam kung pa'no sisimulan. Mahigit sampung taon na tayong magkaibigan, sa tingin ko alam mo na kung ano ang gusto kong itanong,” seryosong sabi ni Gio. Alam niyang maninibago ang kaibigan sa ganoong tono ng pananalita niya dahil kilala siya sa pagiging palabiro. “Alam ko ang ginagawa ko Gio,” seryosong sambit ng kaibigan. “Alam mo ba talaga ang ginagawa mo? Kailan mo lang nakilala ang lalaking ‘yon? Alam mo ba ang lahat ng tungkol sa kaniya? Kilalang kilala mo na ba talaga siya?” Natahimik lang si Alliah sa lahat ng tanong niya. Gustong gusto niyang isigaw at sambitin dito na sana siya na lang, matagal na silang magkaibigan, alam nito ang lahat ng tungkol sa kaniya at kilalang kilala nila ang isa't isa. “Gio naman…” tila nahihirapan din na sambit ni Alliah. Hindi niya kaya kapag nagkakaganito si Gio. Natigilan silang pareho nang tumunog ang cellphone ni Alliah. May tiningnan siya ro'n saka binalingan ng tingin si Gio. “Tinatawag na ko ng asawa ko, sa susunod na lang tayo mag-usap,” hinging paumanhin ni Alliah saka agad na umalis. Napabuntong hininga si Gio at naiinis na inihagis ang baso ng wine kung saan. Natigilan siya nang makarinig siya ng impit na daing, mukhang mayroon siyang natamaan. Napatingin siya sa natamaan niya, ganoon na lang ang gulat niya nang mapagtanto kung sino ito. Ito ang nakita niya sa labas ng bahay niya kanina na parang hayop kung maglakad. Hindi ba ito makatayo nang dalawang paa lang ang gamit? Hindi ba ito makatayo na parang normal na tao? Nakaramdam siya ng awa sa madungis na tao, mukhang may kapansanan ito sa pag-iisip. May pagkain ito sa sahig, tumingin ito ng masama sa kaniya na tila ba aagawin niya ang pagkain nito. Kinuha niya ang pagkain sa sahig gamit ang bibig niya at inilayo iyon kay Gio. Napaawang ang labi ni Gio habang nakatingin dito ngunit mas lalo siyang nagulat nang tumahol ito na tila galit ito sa kaniya. “Arf! Arf! Arf!” Tumingin si Gio sa paligid, maingay at abala ang lahat kaya walang nakapansin sa pagtahol ng wirdong tao sa harapan niya. Umiling siya at mahinang sinampal ang sarili, baka naman mali lang siya ng narinig. “Arf! Arf!” Nanlaki na ng tuluyan ang mga mata niya. Tama nga ang pagkarinig niya, tumahol talaga ito na parang isang aso.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
185.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
92.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook