"S-sorry Sir." agad na napatungo si Ella at tinakpan ang mukha gamit ang mahabang buhok. Agad siyang umalis sa kandungan ng lalaki at akmang aalis na nang mahawakan nito ang braso niya. Agad na nanginig ang mga tuhod niya nang maramdaman na naman niya ang kuryenteng dumaloy sa katawan niya. "Miss, can I see your face?" tanong ng lalaki. Agad siyang umiling habang tinatakpan pa rin ang mukha. Sobrang nahihiya siya, paano na lang kung isipin nito na ang landi niya? Sino ba naman kasi ang matinong babae ang uupo sa kandungan ng lalaking hindi naman nito lubusang kilala. Oo nga't kilala niya ang gwapong abogado pero sigurado siya na hindi siya kilala ng lalaki. Baka isipin pa nito na baliw siyang babae. Nakakahiya sa crush niya. "O-okay, maybe I'm just hallucinating." binitawan na ng l