"Bakit siya natahol?" tanong ni Reign habang nakatingin kay Katkat na nakikipagtahulan na naman kay Zedkinah.
"Feral child nga kasi, hindi niyo ba alam 'yon? Hindi kasi kayo nag-aaral eh." napapailing na sabi ni Nestlyn.
"Sus, pustahan tayo ngayon mo lang din nalaman yung feral feral na yan eh." sabi ni Mea. Napaismid naman si Nestlyn sa sinabi nito.
"Girlfriend mo ba siya Gio?" biglang tanong ni Reign. Tila hindi makapaniwalang tumingin siya dito. Sa kanilang magkakaibigan ay si Reign ang pinakamatinong kausap, ngunit parang hindi sa pagkakataong ito.
"Oo nga, kaya siguro siya ang napili mong gawing girlfriend dahil hindi siya makakapalag sayo. Grabe ka, pati kawawang bata Gio." napapailing na sabi ni Mea. Binato niya ang mga ito ng unan.
"Kailan ba ako namilit ng babae? Mga babae nga mismo ang naghahabol sa 'kin eh." may pagmamalaking sabi niya. Totoo naman ito, kadalasan talaga ay mga babae mismo ang lumalapit sa kaniya. Hindi na nga niya maalala ang huling beses na nanligaw siya.
"Tigilan niyo ang pag-iisip na magiging girlfriend niya si Katkat. Tingnan niyo naman ang hitsura ni Katkat sa pagmumukha ng lalaking 'to. Sa totoo lang, mukha silang magtatay." naningkit ang mga mata niya sa sinabi ni Nestlyn. Ito talaga ang laging nang-aasar at nambabara sa kaniya.
Hindi naman sila mukhang magtatay ni Katkat, sadyang malaki lang ang pangangatawan niya kumpara kay Katkat na maliit na babae. Kapag niyayakap niya nga si Katkat ay pakiramdam niya sakop na sakop na ng katawan niya ang maliit na pangangatawan ni Katkat.
"Very funny." sarkastikong sabi na lang niya sa kaibigan.
"Nakakatawa kaya, may punto si Nestlyn. Mukha nga talaga kayong magtatay." dagdag naman ni Mea.
"Umalis na nga kayo sa pamamahay ko." naiiritang sabi niya. Nakakapagtaka na mabilis siyang matalo sa asaran ngayon, siya ang pinakamalakas mang-asar sa kanilang magkakaibigan, marahil ay wala lang talaga siyang gana.
"Alam na ba ni Alliah ang tungkol kay Katkat?" natigilan siya sa tanong ni Reign.
"What for? Masyado siyang busy sa asawa niya na halos hindi niya na nagawang mangamusta." may bahid ng pagtatampo na sabi niya.
Bigla niyang naalala, hindi pa pala niya nakikita ang mukha ng asawa ni Alliah. Sa katunayan ay hanggang ngayon, hindi niya pa rin alam ang pangalan nito.
"Huwag ka ng magtampo kay Alliah, nasa honeymoon stage pa yata sila ng asawa niya." sabi ni Mea.
Napaiwas siya ng tingin sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay may patalim na tila tumarak sa puso niya. Napabuntong hininga na lang siya at pumikit ng mariin. Hanggang ngayon pala ay masakit pa rin sa puso niya kapag nababanggit si Alliah.
"Sorry, ang insensitive ko." hinging paumanhin ni Mea nang mapansin na bigla siyang nanahimik. Tipid siyang ngumiti dito.
"Okay lang." hindi naman siya mabilis magtampo o magalit sa mga kaibigan. Sadyang masakit lang talaga sa damdamin niya kapag nababanggit ang tungkol kay Alliah at ang asawa nito.
Natigilan siya nang lumapit sa kaniya si Katkat. Napangiti siya nang masilayan ang maamong mukha nito. Kumapit ito sa binti niya at ipinakita sa kaniya ang kamay na may hawak na bola. Mukhang ipinagmamalaki na naman nito sa kaniya na marunong na siyang humawak ng bola. Napangiti siya at binuhat ito saka pinaupo sa kandungan niya. Alam talaga ni Katkat kung kailan papagaanin ang loob niya.
"Para sa 'kin hindi kayo mukhang magtatay." natigilan siya sa sinabi ni Reign. Ngayon niya lang napansin na nakatingin sa kanila ang mga kaibigan niya.
"Ano pala kung hindi magtatay?" tanong niya saka muling binaling ang tingin kay Katkat na kasalukuyang naglalaro ng bola. Hinaplos niya ang malambot na buhok ng dalaga saka dinampian ito ng magaan na halik sa noo. Nakasanayan na niya na gawin ito kay Katkat, minsan tuloy ay hindi niya masisi si Nestlyn sa tuwing sinasabi nito na mukha silang magtatay.
Siguro ay sasabihin ni Reign na mukha silang magkapatid, magpinsan o ano pa pero wala na naman siyang pakialam do'n, pamilya na niya si Katkat.
"Basta, sa 'kin na lang 'yon." napakibit balikat na lang siya sa sinabi ni Reign. Minsan talaga ay hindi niya alam ang tumatakbo sa isipan nito.
"Nga pala, papunta na si Jayvee." sabi naman ni Nestlyn. Napaismid na lang siya. Kung siya lang talaga ang masusunod ay may gusto niya na siya na lamang ang magtuturo kay Katkat kung paano maging normal na tao.
"Jayvee? Jayvee Oderal?" tanong ni Mea. Napatango naman si Nestlyn.
"Bakit kilala mo yung siraulong 'yon?" nakakunot noong tanong niya.
"Ano ka ba? Siya ang pinakasikat na psychology student noon sa Farthon University." kinikilig na sabi ni Mea.
Sa Farthon University sila nagtapos ng kolehiyo. Marami talaga ang mga sikat na estudyante doon pero wala naman siyang pakialam noon, ang gusto niya lang talaga dati ay makapagtapos.
"Talaga? Sikat pala 'yon?" tanong naman ni Nestlyn.
"Wala ka talagang alam sa mga gwapo palibhasa tomboy ka." pang-aasar naman ni Mea dito.
"Nagagwapuhan kayo sa Jayvee na 'yon?" masungit na tanong niya.
Hindi naman sa pagmamayabang pero sa tingin niya ay di hamak na mas gwapo siya kaysa sa psychologist na 'yon. Kung nagkataon lang talaga na hindi siya mataba nung college at hindi puro aral ang inaatupag niya, malamang ay mas sikat siya kaysa sa damuho na 'yon.
"Ewan ko, hindi ko naman kilala 'yon eh." napangiti siya sa sinabi ni Reign. Hindi naman pala gano'ng kasikat ang Jayvee Oderal na 'yon.
"Wag kang ngumiti ng ganyan, sadyang wala lang talagang pakialam sa mundo si Reign nung college tayo." sabi naman ni Nestlyn. Napaismid na lang siya at muling ibinaling ang tingin kay Katkat.
Natigilan sila nang tumunog ang doorbell. Agad na dumating si Aling Myrna upang buksan ang pinto. Napasimangot siya nang iluwa ng pinto ang kanina pa nila pinag-uusapan.
"Hi Katkat." nakangiting sabi nito. Agad na umalis sa kandungan niya si Katkat upang pinuntahan si Jayvee.
"Mas gwapo siya ngayon kaysa nung college tayo." narinig niyang bulong ni Mea.
"Mukhang mas paborito na ni Katkat si Jayvee ah." natatawang sabi ni Nestlyn.
Pakiramdam niya ay literal na uminit ang dugo niya sa sinabi ng kaibigan ngunit hindi na lang nagsalita. Siya ang mas paborito ni Katkat, sadyang natuwa lang ito na makita si Jayvee.
Nagsimula na ang therapy ni Katkat. Nagk-kwentuhan ang mga kaibigan niya habang siya ay kunwaring nagbabasa ng libro pero pabaling baling ang tingin kina Katkat at Jayvee. Minsan naman ay nakikisali siya sa usapan ng mga kaibigan.
ILANG oras din ang nakalipas bago natapos ang therapy. Umuwi na rin ang mga kaibigan niya maliban kay Nestlyn.
"Mabagal ang improvements ni Katkat and it's---" agad na pinutol ni Gio ang sasabihin ni Jayvee.
"Baka naman kasi kinakalawang ka na." patay malisya na sabi niya habang hinahaplos ang buhok ni Katkat. Napaigik siya nang sikuhin ni Nestlyn ang tiyan niya.
"Manahimik ka nga diyan." bulong nito sa kaniya. Napaismid na lang siya at muling sinubuan ng cupcake si Katkat.
"It's normal, mabagal na proseso talaga ang paggaling ng mga feral children. May mga pagkakataon na inaabot sila ng 5 to 7 years bago tuluyang matuto magsalita." napangiwi siya sa sinabi ni Jayvee. Sana naman ay hindi abutin ng gano'ng katagal ang kay Katkat.
"Okay, now leave." walang pakundangang sabi niya. Muli siyang siniko ng kaibigan sa tiyan.
"By the way, wala bang babaeng therapist sa inyo? You're the highest paid psychologist and psychiatrist here in our country, malamang marami kang inaasikaso." mas gusto niya pa na babae na lang ang maging therapist ni Katkat.
Ayaw niya na may ibang lalaki na humahawak kay Katkat. Minsan tuloy ay napapaisip siya, para na talagang anak ang turing niya dito.
"Sayo na rin nanggaling, I'm the highest paid psychologist, malaki ang posibilidad na mapagaling ko si Katkat. Saka hindi biro ang binabayad mo sa 'kin araw-araw." natatawang sabi na lang nito. Malaki nga talaga ang binabayad niya dito pero wala naman siyang pakialam sa pera, marami siya no'n, ang mahalaga ay gumaling si Katkat.
"Ayoko ng posibilidad lang, gusto ko sigurado." seryosong sabi niya dito. Napangisi lang si Jayvee.
"I assure you, gagaling si Katkat." napatango na lang siya sa sinabi nito.
"Sige, mauna na 'ko. Bye Katkat." tumahol lang si Katkat sa sinabi nito.
"Mauna na rin ako. Ikaw Gio ayusin mo yung ugali mo, sasapakin na talaga kita eh." hindi na lang niya pinansin ang sinabi ng kaibigan.
Napatingin siya kay Katkat nang makaalis na ang dalawa. Inamoy niya ang buhok nito. Mukhang hindi pa ito naliligo pero mabango pa rin naman.
"Magpaligo ka na kay Nay Myrna." binuhat niya ito at dinala sa silid nito. Lumabas siya saglit upang tawagin ang ginang. Naabutan niya ito sa kusina na mukhang katatapos lang maghugas ng mga pinggan.
"Nay Myrna, hindi pa po naliligo si Katkat."
"Ay oo nga pala, sige papaliguan ko na siya." napatango na lang siya sa sinabi ng ginang.
Pumasok na siya sa sariling kwarto upang trabahuhin ang mga files na dinala niya galing sa firm.
Natigilan siya nang biglang makarinig ng tahol. Napatayo siya at nakita si Katkat na tumakbo papalapit sa kaniya.
"Bakit? Maliligo ka na." sabi niya habang hinahaplos ang buhok nito.
"Nako Gio, ayaw magpaligo ni Katkat. Mukhang sayo niya gusto magpaligo." natigilan siya sa sinabi ni Aling Myrna.
"Katkat, hindi pwede 'yon. Si Aling Myrna naman talaga ang nagpapaligo sayo diba?" sabi niya kahit alam niyang hindi siya naiintindihan nito.
Tumahol lang si Katkat at mas sumiksik sa kaniya. Napabuntong hininga siya saka ibinaling ang tingin kay Aling Myrna.
"Ako na muna po ang magpapaligo sa kaniya." pagsuko niya. Mukhang sa kaniya talaga gustong magpaligo ni Katkat.
Tinapunan siya ng kakaibang tingin ng ginang.
"Sigurado ka bang papaliguan mo lang siya? Wala kang gagawing iba?" naniniguradong tanong nito.
"Ano ba 'yang iniisip mo Nay Myrna? Hindi ko ugaling manamantala ng mahihinang babae, grabe kayo sa 'kin. Para ko na ngang anak 'tong si Katkat eh." depensa niya sa sarili. Natawa lang naman ang ginang sa naging reaksyon niya.
"Nagbibiro lang ako. Sige na, tawagin mo na lang ako kung kailangan mo ng tulong ko." sabi nito saka tuluyang umalis.
"Sige, papaliguan na kita." binuhat niya si Katkat at dinala ito sa sariling silid nito. Nandoon kasi ang mga damit ni Katkat at may banyo rin naman do'n.
Ipinasok niya sa cr si Katkat at dahan dahan itong pinaupo sa bath tub na wala pang lamang tubig. Natigilan siya, hindi niya na alam kung ano ang susunod na gagawin. Ilang linggo na rin ang nakakalipas nung huli niyang pinaliguan si Katkat.
Pumikit siya at sinubukang hubaring ang damit ni Katkat. Napailing siya, bakit ba siya pumipikit? Iisipin na lang niya na nagpapaligo lang siya ng anak niya na asal aso.
Napaiwas siya ng tingin nang tuluyan na niyang mahubad ang pang-itaas ni Katkat. Bakit ba ang hirap na nitong gawin?
"Katkat, walang malisya 'to promise." huminga siya ng malalim at sinunod na hinubad ang short nito.
"Patawarin sana ako ng langit sa ginagawa ko ngayon." naibulong niya sa sarili.
Alam niya sa sarili niya na lalaki lang siya, maganda si Katkat pati ang katawan nito pero hinding hindi niya ito gagawan ng masama. Hindi niya papairalin ang kakaibang nararamdaman. Iisipin na lang niya na anak niya ito.
Pinuno na niya ng tubig ang bath tub at agad na pinabula ito upang hindi na siya ma-distract sa hubad na katawan ni Katkat.
"Fck, ano ba 'tong iniisip ko?" napapailing na lang na sabi niya at sinimulang lagyan ng shampoo ang buhok ni Katkat.
Tumahol ito, agad niyang tiningnan ang mukha nito. Nalagyan pala ng shampoo ang mata nito. Natawa siya at binasa ng tubig ang mata nito.
"Masakit pa?" tanong niya. Hindi ito kumibo o tumahol.
Pagkatapos niya itong paliguan, agad niyang binalot ito ng bath robe. Binuhat niya ito at pinaupo sa sink. Matibay naman ang sink at magaan lang si Katkat. Naglagay siya ng toothpaste sa toothbrush ni Katkat.
"Aah..." ibinuka ni Katkat ang bibig niya. Napangiti siya, marunong na ito magpasepilyo ng ngipin.
Marahan niya lang kinuskos ang mga ngipin nito upang hindi masaktan. Matapos niyang makuskos ang mga ngipin nito. Kumuha siya ng baso at nilagyan 'yon ng tubig galing sa gripo. Ininom niya ang tubig galing do'n at nagmumog saka iniluwa sa sink.
"Ikaw naman." napangiti siya nang ininom nito ang tubig saka nagmumog kahit kaunti.
"Yan marunong ka na, iluwa mo na yung tubig."
Natigilan siya nang mapansing hindi na nakalobo ang pisngi ni Katkat. Ngumanga ito at natawa siya nang makitang wala ng tubig sa bibig nito.
"Bakit mo nilunok? Ikaw talaga." natatawang sabi niya. Binuhat na lang niya ito at pinaupo sa kama.
Kumuha siya ng pajama at T-shirt sa cabinet nito pati na rin ng underwear.
"Pahirapan na naman 'to." napapailing na sabi niya saka sinimulang bihisan si Katkat.
Matapos ang pahirapang pagbibihis kay Katkat, pinahiga na niya ito ng ayos sa kama.
"Matulog ka na, goodnight." dinampian niya ito ng magaan na halik sa noo saka tuluyang lumabas sa kwarto nito.
Nagpunta na siya sa kwarto niya at nagbihis ng bagong damit, nabasa ang damit niya dahil sa pagpapaligo kay Katkat.
Natigilan siya nang tumunog ang phone niya matapos magbihis. Agad niyang sinagot iyon nang makita na si Nestlyn ang natawag.
"Bakit ka napatawag ng ganitong oras?" tanong niya saka umupo sa kama niya.
"May kakilala ako na magaling na private investigator. Malamang mahahanap niya ang pamilya ni Katkat." napakunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Bakit ba ang dami mong kakilala? Dati psychologist ngayon naman private investigator." naiiritang sabi nito.
"Gano'n talaga 'pag friendly." sabi na lang nito.
Hindi niya alam ang isasagot, pakiramdam niya ay nawala siya sa mood makipag-usap sa kaibigan.
"Sige, matutulog na 'ko." hindi na niya ito hinintay na makasagot at agad na pinatay ang tawag.
Napabuntong hininga siya at sumandal sa headboard saka napapikit ng mariin.
"Arf! Arf!" napangiti siya nang makita si Katkat na sumampa ng kama saka umupo sa tabi niya.
"Sige na nga, dito ka na matulog." sabi na lang niya saka hinaplos ang malambot na pisngi ng dalaga.
Napangiti siya nang sumiksik sa kaniya si Katkat saka dinilaan ang pisngi niya. Nawala agad ang init ng ulo niya nang makita ito. Alam na alam talaga ni Katkat kung kailan niya ito kailangan.
"Sinong mas paborito mo? Ako o yung Jayvee na 'yon?" tanong niya kay Katkat. Natigilan siya nang dilaan nito ang pisngi niya.
"Sabi na nga ba ako ang pinakamahal mo sa lahat. Ako lang ang dinidilaan mo sa pisngi eh." tila natutuwang sabi nito.
Napapikit siya at hinila si Katkat palapit sa kaniya saka niyakap ito ng mahigpit. Hindi naman kumibo o tumahol si Katkat. Napabuntong hininga siya at dinampian ng magaan na halik ang buhok ni Katkat.
Sa totoo lang ay hindi na niya alam kung kaya niya pang mawala sa poder niya si Katkat. Parang gusto na lang niya na nasa tabi siya nito habang buhay.
"Katkat..." marahan siyang kumalas sa yakap niya kay Katkat saka tinitigan ito sa mga mata.
"Okay lang ba sayo kung hindi ko na hanapin ang pamilya mo? Dito ka na lang sa 'kin, aalagaan kita."