Chapter 4

2397 Words
“Aba tingnan mo, nakakakuha na ng gamit si Katkat kahit paunti-unti.” Napaismid na lang siya habang nagbabasa ng diyaryo. Pasimple siyang tumingin kay Jayvee na tinuturuan si Katkat na humawak ng mga gamit. Napagdesisyunan niya na sa bahay niya gaganapin ang mga therapy para kay Katkat. Hindi niya talaga kaya na dalhin at iwan ito sa kanila. Minsan ay kasama nito ang isa pang psychologist na si George Scott ngunit madalas ay si Jayvee lang ang napunta. Siya ang magbabayad ng mga bayarin sa therapy ni Katkat. Siya ang magsisilbing guardian nito. “Sabi ko naman kasi sayo, magtiwala ka kay Jayvee, mapapagaling niya si Katkat.” sabi ni Nestlyn at tinapik pa siya sa balikat. “Oo na, paulit-ulit.” sabi na lang niya at sinara ang diyaryo. Ininom niya ang kape na tinimpla ni Aling Myrna saka ibinaling ang tingin kina Katkat at Jayvee. Hindi naman maipagkakaila na magaling na psychologist si Jayvee at may natutunan si Katkat dito, pero hindi pa rin siya nagtitiwala ng buo sa kaniya. “Ikaw kasi, parang hindi ka pa rin kumbinsido sa skills ni Jayvee.” napailing na lang siya sa sinabi ng kaibigan. Tumayo siya saka kinuha ang coat niya na nakasabit sa sandalan ng upuan. Inilagay niya sa sink ang baso saka sinuot ang coat. “Nay Myrna, pupunta lang po ako sa firm. Pakibantayan na lang si Katkat.” kinuha niya ang susi ng kotse niya na nakapatong sa mesa. “Katkat.” nilapitan niya si Katkat, agad itong lumingon sa kaniya at tumahol. “Aalis lang ako saglit, be a good girl.” hinaplos niya ang buhok nito. Napangiti siya nang dilaan nito ang pisngi niya. Nagpapasalamat na lang talaga siya at sa kaniya lang ginagawa ni Katkat ‘yon. “Sa ‘kin mo lang gagawin ‘yon, saka ‘wag kang basta na lang maging mabait sa mga hindi katiwa-tiwalang tao.” sabi niya saka binalingan ng tingin si Jayvee. Natawa lang naman ito sa tinuran niya na tila hindi napikon. “Accountant yung kapatid ko sa firm mo, nabanggit niya sa ‘kin na work oriented ka, seryoso at nakakatakot na boss sa kanila. Bakit parang hindi iyon ang nakikita ko sa tuwing napunta ako dito?” natatawang sabi nito. “Wala akong pakialam sa mga pinagsasasabi mo, ang issue dito ay si Katkat. Subukan mo lang talaga na gawan ng masama si Katkat, uubusin ko ang natitirang lahi niyo dito sa mundo.” seryosong sabi niya saka binalingan ng tingin si Katkat na inosenteng nakatingin sa kaniya. “Hanggang ngayon wala ka pa ring tiwala sa ‘kin, paano ko naman magagawan ng masama ang ganito ka-inosenteng tao?” sabi ni Jayvee saka bahagyang ginulo ang buhok ni Katkat. Agad niyang tinapik ang kamay nito na nakahawak sa buhok ni Katkat. “Aalis na ‘ko, tandaan mong may mga mata ako sa paligid. Subukan mong gumawa ng---” agad na pinutol ni Nestlyn ang sasabihin niya. “Aalis ka ba talaga o babantaan mo na lang si Jayvee hanggang sa maubos yung oras mo?” sarkastikong tanong ni Nestlyn habang nakain ng cheese stick. Napabuntong hininga na lang siya at tumayo na saka lumabas. Sa totoo lang ay ayaw niya rin namang umalis, kaso nahihiya na rin siya kay Nestlyn dahil dito na niya binilin ang buong firm. Hindi siya mapakali habang nasa biyahe. Hindi siya nakakampante kapag hindi nakikita si Katkat. Pakiramdam niya talaga ay para na niya itong anak. Nakarating siya sa firm makalipas ang ilang minuto. Binati agad siya ng guard, tinanguan niya na lamang ito. “Good morning Sir Gio.” bati sa kaniya ng mga empleyado pagpasok niya sa firm. Tipid na ngumingiti lamang siya sa mga ito. Maayos naman ang naging lagay ng accounting firm kahit si Nestlyn ang namamahala nito habang wala siya. Hindi naman ‘yon nakakapagtaka, top 4 ang kaibigan niyang ‘yon sa CPA board exam at siya naman ang top 2. Pumasok siya sa opisina niya, naabutan niya ang kaibigan na si Mea na prenteng nakaupo sa swivel chair. “Bakit ka nandito sa opisina ko?” tanong niya at tiningnan ang tambak na files sa desk niya. “Babalik ka na sa trabaho?” tanong ni Mea sa kaniya habang nakain ng burger. Hindi talaga nabubusog ang kaibigan niyang ‘to. May mataas na posisyon sina Nestlyn at Mea sa accounting firm niya, si Alliah naman ay hindi full-time accountant sa firm niya dahil mayroon itong coffee shop at book store na pag-aari. Si Reign naman ay isang teacher, ito lang ang hindi accountant sa kanilang magkakaibigan. “Hindi pa, bibisita lang ako dito paminsan-minsan. May inaasikaso akong mahalagang bagay.” sabi na lang niya, totoo namang mahalaga ang inaasikaso niya. “Namimiss ka na ng mga empleyado mo.” natatawang sabi ni Mea. Napailing na lang siya. “Mas natutuwa pa nga sila kapag wala ako dito.” natatawang sabi niya na lang. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang iniisip ng mga empleyado niya tungkol sa kaniya. May kahigpitan nga siya bilang boss nila, kung hindi lang talaga maganda ang pasweldo niya sa mga ito ay baka marami na ang nagresign sa firm niya. Mabait naman siya sa mga empleyado kapag nasa labas na sila ng firm, ngunit sobrang propesyonal niya sa mga ito sa oras ng trabaho. Hindi naman niya kinakaila na mahigpit siyang boss. “Sa bahay ko na aasikasuhin ang mga ‘to.” Binitbit niya ang mga folder. Kailangan na niyang makauwi at baka may kalokohan pang gawin ang Jayvee na iyon kay Katkat. “Siguro nagmumukmok ka sa bahay mo. Naiintindihan ko naman na sobra kang nasaktan sa pagpapakasal ni Alliah, pero hindi ‘yon sapat na dahilan para ikulong mo ang sarili mo.” nagtatakang napatingin na lang siya dito. Napakamot na lang siya sa kilay niya. “M-madaling sabihin para sayo kasi hindi naman ikaw yung nasaktan.” lihim siyang napangiwi sa sinabi niya. Iyon na lang ang idadahilan niya upang hindi na ito magtanong ng magtanong. “Sabi na nga ba at si Alliah ang dahilan ng pagmumukmok mo eh.” napapailing na sabi nito. Napakibit balikat na lang siya sa sinabi ng kaibigan. “Sige, aalis na ‘ko.” sabi niya at agad na lumabas ng opisina. Sa totoo lang ay gustong gusto na niyang umuwi. Habang nasa biyahe siya pauwi ng bahay ay napadaan siya sa isang bakeshop. Napag-isipan niya na ibili ng isang box ng vanilla cupcake si Katkat, napansin niya kasi na mahilig ito sa matatamis. Agad siyang bumaba ng kotse habang bitbit ang box ng cupcake. Dumiretso siya sa kusina pagpasok niya ng bahay at nilagay sa ref ang mga cupcake na binili niya. Agad siyang nagtungo sa sala upang silipin sina Katkat. Napakunot ang noo niya nang mapansing tinatawanan ng Jayvee na ‘yon si Katkat. “Very good Katkat.” sabi pa nito habang hinahaplos ang buhok ni Katkat. Lalapitan na sana niya ang mga ito nang hawakan siya sa braso ni Nestlyn. Napakunot ang noo niya saka napatingin sa kaibigan. “Manggugulo ka na naman sa session nila eh. Umayos ka nga.” napapailing na sabi nito. Napaismid na lang siya at padabog na umupo sa upuan habang nakatingin kina Katkat. “Bakit nandito ka pa? Hindi kita pinapasweldo para tumambay dito.” masungit na sabi niya sa kaibigan. Inirapan lang naman siya nito. “Basta excited na ‘ko na makita si Katkat na mag-improve. Balang araw, papasalamatan mo ko dahil pinakilala ko sayo si Jayvee.” napakibit balikat na lang siya at hindi na pinansin pa ang sinabi ng kaibigan. Siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo kapag tuluyan ng gumaling si Katkat. “Arf! Arf!” Napangiti siya nang agad siyang sugurin ni Katkat nang makita siya. Dinilaan pa nito ang pisngi niya na tila tuwang tuwa na makita siya. “Binilhan kita ng cupcake, gusto mo ba ‘yon?” tanong niya habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga. Tumahol lang ito. “Grabe, para talaga kayong magtatay.” napapailing na sabi ni Nestlyn, tiningnan niya lang ng masama ang kaibigan. “Bakit ba lagi mo na lang akong pinagmumukhang matanda?” naiiritang tanong niya sa kaibigan. “Matanda ka naman talaga.” sabi naman nito dahilan para mapaismid siya. “Magka-edad lang tayo, baka nakakalimutan mo.” Muli niyang ibinaling ang tingin kay Katkat na sumisiksik sa kaniya. “Kapag hindi ko na nahanap ang pamilya niya, ako na ang mag-aampon sa kaniya.” sabi niya habang nakatitig kay Katkat. “Magiging tatay ka talaga ni Katkat? Ayos ‘yon.” natatawang sabi ni Nestlyn. Wala naman sigurong masama sa pagiging tatay ni Katkat. *** “Nalinisan ko na ng katawan si Katkat, nandoon na siya sa kwarto niya katabi ni Zedkinah.” napatango na lang siya sa sinabi ni Aling Myrna. “Sige po, salamat.” sabi niya saka ngumiti sa ginang. Nagtungo siya sa kusina at binuksan ang ref, napangiti siya nang mapansing nabawasan na ng apat ang cupcake. Ibinalik na niya ang box sa ref at nagtungo sa silid ni Katkat. Naabutan niya ito na mahimbing na natutulog at katabi nga nito si Zedkinah. Dinampian niya muna ito ng halik sa noo bago lumabas ng kwarto nito. Pumasok na siya sa kwarto niya upang mag-aral. Mas gusto niyang nag-aaral tuwing gabi, mas gumagana ang utak niya. Umupo siya sa kama niya at binuklat ang makapal na libro tungkol sa abogasya. Natigilan siya nang makarinig nang hampas sa pinto niya. Napailing na lang siya at sinara ang libro saka nilapag ito sa table. Agad siyang tumayo at binuksan ang pinto, napatungo siya at doon niya nakita si Katkat. Tinahulan siya nito. “Ikaw talaga, ang kulit mo.” binuhat niya si Katkat at dinala sa kama niya. “Arf! Arf!” pinakita ni Katkat ang kamay niya na may hawak na bola. Napangiti siya saka hinaplos ang malambot na buhok ng dalaga. “Nagpunta ka dito para lang ipakita ‘yan? Mayabang ka rin ah.” natatawang sabi niya at gaya ng inaasahan niya, tinahulan lang siya nito. “Dito ka na naman ba matutulog?” tanong niya. Tumahol lang si Katkat. “Papayag ako pero dapat umayos ka ng higa.” nakadapa na naman kasi ito at parang aso matulog. “Hihilutin ko yung binti mo.” binuhat niya si Katkat at pinasandal sa headboard ng kama. Nakabaluktot na naman ang hita’t binti nito. Nabanggit naman sa kaniya ni Jayvee na ayos lang na hilutin ang mga paa at binti nito. “I'll be gentle...” sabi niya habang nakatingin kay Katkat. Napagiwi siya sa paraan ng pagkakasabi niya nito. Naalala niya tuloy ang nakatalik niya dati sa Palawan. Unang beses ng babae iyon at ganoon din ang sinabi niya dito para hindi ito matakot. Ang babae naman ang nagyaya makipagtalik sa kaniya, ilang ulit siyang tumanggi dahil kaibigan niya na rin ito at alam niyang inosente ito sa kamunduhan pero sadyang mapilit ang babae. Pinagbigyan na lang niya ito. Napailing na lang siya, bakit niya naman naalala iyon sa ganitong sitwasyon? Dahan dahan niyang itinutuwid ang hita nito. Naririnig niya na medyo napapadaing si Katkat marahil talagang masakit ito. Naiintindihan naman niya, alam niyang matagal na nung huling tumayo si Katkat. “Very good! Kaunting tiis lang.” sabi niya nang unti-unti na niyang naitutuwid ang pagkakabaluktot ng mga hita nito. “Masakit ba?” tanong niya nang tuluyan na niyang maituwid ang mga hita nito. Hindi kumibo si Katkat, nakatingin lang ito sa ginagawa niya. “Hihilutin ko na, dadahan-dahanin ko lang. Promise.” sabi niya na tila ba naiintindihan siya nito. Dahan-dahan niyang hinilot ang kaliwang binti nito. Hindi naman natahol si Katkat, nakatingin lang ito sa kaniya. “Sana matuto ka ng tumayo, tapos maggagala tayo kung saan-saan.” sabi niya habang hinihilot ito. “Arf! Arf!” napangiti siya nang tumahol ito. Tila ba naiintindihan siya nito. Natigilan siya at napatitig sa maamong mukha ng dalaga. Napabuntong hininga siya at marahang hinaplos ang pisngi nito. “Sana makita kitang ngumiti at tumawa balang araw.” lumapit siya dito at dinampian ito ng magaan na halik sa noo. “Matulog ka na.” inayos na niya ito ng higa sa kama. Napangiti siya nang mapansing hindi nito tinutupi ang mga hita. “Lapit ka sa ‘kin.” ipinatong niya ang ulo nito sa makisig niyang braso upang doon humiga. Humarap siya kay Katkat. Inalis niya ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa magandang mukha nito at inipit ‘yon sa likod ng tainga nito. Inosenteng nakatingin lang sa kaniya si Katkat. Ipinikit na lang niya ang mga mata para gayahin siya ni Katkat. Napangiti siya nang maramdaman na tinutupi na naman ni Katkat ang mga hita nito. Sa totoo lang ay nagpapasalamat siya at natagpuan niya si Katkat. Mahirap man ito alagaan pero malaki ang naging epekto nito sa buhay niya. Nalilimutan niya ang mga problema niya kapag nasa paligid niya si Katkat. *** Nagising siya nang tumama sa mukha niya ang sinag ng araw. Agad siyang napadaing nang makaramdam ng p*******t ng braso. Natigilan siya at napatingin sa katabi niya. Agad siyang napangiti nang masilayan ang inosenteng mukha ni Katkat na mahimbing na natutulog. Napakapayapa ng mukha nito habang nakapikit, mukha lang itong normal na tao kapag tulog. Napangiti siya nang mapansing nakakunot ang noo nito na tila ba may napapaginipan. “Ang cute mo masyado.” natatawang sabi niya kahit natutulog pa ito. Gulat na napabangon siya sa kama nang biglang bumukas ang pinto. “Kaya pala, may bago kang babae. Hindi ka man lang nagsasabi.” nakapamaywang na sabi ni Mea. Napapikit ng mariin si Gio, nasa tapat lang naman ng pinto niya sina Mea, Reign at Nestlyn. Ang masama pa nito ay nasa kama niya si Katkat at mahimbing na natutulog. Ibinaling niya ang tingin kay Nestlyn at tiningnan ito ng masama. “Pinigilan ko sila, promise.” sabi nito at itinaas pa ang kanang kamay. “Aba, may alam ka pala tungkol dito?” nakataas kilay na tanong ni Reign kay Nestlyn. “Hindi niyo naiintindihan, si Katkat kasi hindi siya normal na---” hindi na naituloy ni Nestlyn ang sasabihin nang tumahol si Katkat. Gulat na napatingin na lang si Mea at Reign kay Katkat na nasa tapat na nila ngayon habang tinatahulan sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD