“B-bakit mo ginawa ‘yon?” tanong niya habang nakahawak sa labi niya na may laway pa yata ni Katkat.
“Arf! Arf!” tinahulan lang siya nito.
Naiinis na lumayo siya kay Katkat ng kaunti, pero agad naman itong lumapit sa kaniya. Napatikhim siya at napaiwas ng tingin.
“Katkat, k-kung sa pisngi ayos lang sa ‘kin eh. Bakit kasi sa labi? M-marunong ka na ba mang-akit ngayon?” tanong niya kay Katkat na inosenteng nakatingin lang sa kaniya.
Agad siyang tumayo at napailing. Sinampal niya pa ng mahina ang sarili. Ano ba ‘tong iniisip niya? Bakit niya naisip na inaakit siya ni Katkat eh wala naman itong kamuwang muwang? May mali na talaga sa pag-iisip niya at kung ano-ano ang pumapasok sa utak niya.
“Katkat, ‘wag mong gagawin ‘yon kapag may ibang tao. Baka isipin nila sinasamantala na naman kita. Anak na ang turing ko sayo diba?” tanong niya. Hindi tumahol si Katkat, nakatingin lang ito sa kaniya.
“Tumahol ka para may kasiguraduhan na sumasang-ayon ka.” kung may nakakakita lang sa kaniya ngayon malamang iisipin na nababaliw na siya.
“Teka, ayaw mo ba ako maging tatay?” nakakunot noong tanong niya. Hindi na naman ito tumahol.
“Ano ba ang gusto mo? Kapatid?” hindi pa rin ito tumahol. Napakamot siya sa kilay niya.
“Baka naman tito? Gusto mo tito mo na lang ako?” napakunot na naman ang noo niya. Hindi pa rin ito natahol.
“Pinsan? Kaibigan? Amo?” nakatitig lang si Katkat sa kaniya. Napabuntong hininga siya, ayaw ba ni Katkat sa kaniya?
“A-ah... A-as...” gulat na napatingin siya kay Katkat. Nagsasalita ito!
Agad siyang umupo sa tabi ni Katkat at hinawakan ang kamay nito. Sobra siyang natutuwa, kahit si Jayvee ay hindi naturuan si Katkat na magsalita. Oo nga’t natututo na itong kumuha ng gamit o tumayo kahit kaunti pero hindi pa ito nagsasalita, ngayon pa lang. Saka kanina nung nililinis niya ang sugat nito.
“Ah? Anong ah? Sige ituloy mo, magsalita ka Katkat.” puno ng pananabik na sabi niya.
“A-ah, a-as-aah...” napakunot ang noo niya.
“Asa? Anong asa?” tanong niya habang nakatitig kay Katkat.
Natigilan siya nang may mapagtanto siya. Asa? As in asawa? Asawa ba ang gustong sabihin ni Katkat?
“A-asawa?” tanong niya. Napasinghap siya nang tumango si Katkat. Agad siyang napabitaw sa kamay ni Katkat at napatayo. Napasabunot siya sa sariling buhok at tila tuwang tuwa na napasuntok sa hangin.
“Salamat sa Diyos, nakakaintindi ka na kahit kaunti Katkat! Tumatango ka na rin ngayon! Ang galing mo talaga.” sa sobrang tuwa niya ay nahagkan niya ito sa pisngi.
Natigilan siya nang mapagtanto niya ang ginawa niya. Napatikhim siya at muling tumayo. Normal lang siguro na hagkan ng tatay ang anak niya sa pisngi.
Natigilan siya nang maalala niya ang sinabi ni Katkat kanina.
“T-teka, gusto mo ‘ko maging asawa?” tanong niya ulit. Muling tumango si Katkat.
Napaiwas siya ng tingin dito. Kumuha siya ng kung ano sa table na pwedeng ipang-paypay sa mukha niya. Pakiramdam niya nag-iinit ang mukha niya. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili saka muling hinarap si Katkat.
“A-alam mo Katkat, hindi mo ‘ko pwedeng maging asawa.” napalunok siya nang mapansing nakatitig sa kaniya si Katkat ng kakaiba. Para itong nalulungkot na hindi niya maipaliwanag.
“I-it’s not that you're not my type, you're just too young for me. Anak na nga ang turing ko sa'yo diba?” hindi na niya alam kung anong pinagsasasabi niya sa totoo lang.
“I mean you're beautiful, so beautiful. You deserve someone at your age, yung kasing edad mo, tapos gwapo, matalino, mabait, may accounting firm at future CPA-lawyer...” natigilan siya nang may mapagtanto siya.
“I mean, kasing perfect ko. Tama, deserve mo ang lalaki na kasing perfect ko. Oo nga at almost perfect na ‘ko, pero masyado akong matanda para sa'yo. Oo nga at hindi naman halata sa hitsura ko kasi masyado akong gwapo pero...” natigilan siya. Kung ano-ano na namang pinagsasasabi niya.
“Ahm, naiintindihan mo pa ba ang mga sinasabi ko?” tanong niya. Kahit sarili niya ay hindi na rin niya maintindihan.
“Nevermind, ang mahalaga nakakatango ka na at nakakapagsalita ng kaunti.” muli siyang umupo sa tabi ni Katkat para yakapin ito. Tumahol na lang ito.
“Hindi ka pa marunong yumakap. Ganito.” nilagay niya ang mga braso ni Katkat sa baywang niya.
Napatitig siya sa maamong mukha ni Katkat na nakatitig sa kaniya. Napatikhim siya, hindi niya alam kung makikipaglabanan ba siya ng titig dito o iiwas ng tingin.
“Huwag kang ganiyan tumingin sa ibang tao, lalo na sa lalaki. Baka iba ang isipin nila.” pinilit niyang ‘wag ma-utal.
Huminga siya ng malalim at sinubukang alisin ang pagkakayakap ni Katkat sa kaniya pero mas hinigpitan lang nito ang pagkakayakap sa baywang niya.
“Matutulog na tayo Katkat.” sabi na lang niya. Mukhang mali na tinuruan niya mangyakap si Katkat. Baka bigla na lang itong mangyakap ng kung sino.
“Katkat ang kulit mo, kukurutin kita kapag---” hindi niya naituloy ang sasabihin nang dilaan na naman siya nito sa may labi.
“B-bakit mo ba ‘yon ginagawa?” nauutal na tanong niya kay Katkat. Inosenteng tinitigan lang siya nito gaya ng lagi nitong ginagawa. Napabuntong hininga siya at napahilot sa sentido.
Tumitig siya sa maamong mukha nito na sa tingin niya ay maling ideya dahil nawala na naman siya sa mga mata nito. Matiim na nakatitig siya ngayon dito. Napabuntong hininga siya at marahang hinaplos ang panga ni Katkat. Bumaba ang tingin niya sa natural na mapulang labi nito na bahagyang nakaawang. Hindi na ito maputla gaya noong una.
Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kaniya para ilapit ang mukha kay Katkat at idikit ang mga labi niya sa labi nito. Napapikit siya habang dinadama ang kalambutan ng labi nito. Nablangko ang isip niya, ang tanging nasa isip niya lang ay ang malambot na labi ni Katkat na nakalapat sa labi niya. Para siyang nahipnotismo, gusto niya ang pakiramdam na magkadikit ang mga labi nila.
Hinawakan niya si Katkat sa baywang at buong lakas na binuhat saka pina-upo ito sa kandungan niya habang magkadikit pa rin ang mga labi nila. Hinawakan niya ang malambot na pisngi nito saka dahan-dahang ginalaw ang labi niya.
Mas lalong nagliyab ang pakiramdam niya nang humigpit ang kapit sa kaniya ni Katkat. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganito habang may hinahalikan.
Muli niyang binuhat si Katkat habang dahan-dahan itong hinihiga sa kama. Tuluyan na yata siyang nawala sa sarili. Ang nasa isip niya lang ay ang labi ni Katkat na masarap halikan.
“A-ah...” agad siyang natigilan nang marinig niya ang daing nito. Napatingin siya sa kamay niya, nahawakan niya ang sugat ni Katkat sa tuhod.
Napasabunot siya sa sariling buhok nang mapagtanto niya kung ano ang ginawa niya. Inayos niya ng higa si Katkat at agad na umalis ng kama nito.
“Matulog ka na.” sabi na lang niya at dali-daling lumabas ng kwarto nito.
Agad niyang hinagis ang unan niya kung saan nang makarating siya sa sariling kwarto.
“What the hell am I doing?” pabagsak na humiga siya sa kama saka napapikit ng mariin.
“Mali mali mali! Mali ‘yong ginawa ko! Bakit ko ginawa ‘yon? Para ko na siyang anak!” naiinis na hinagis niya ulit ang unan.
Bumangon siya sa kama saka huminga ng malalim para pakalmahin ang sistema niya. Pakiramdam niya nagwawala na ang puso niya, nanginginig din ang mga kamay niya.
Kinuha niya ang phone niya para tawagan si Aling Myrna na agad namang sinagot ng ginang.
“Hello po.”
“Bakit ka napatawag Gio?” tanong nito. Tumikhim muna siya bago sumagot.
“Kumusta na po kayo diyan?” tanong niya. Gusto niya sanang sabihin na umuwi na ito kaso parang ang bastos naman no’n dahil kamamatay lang ng pamangkin nito.
“Kailangan mo na ba ng katulong kay Katkat?” tila natatawang tanong ng ginang. Natahimik siya sa tanong nito.
“Hindi naman po sa gano’n.” sabi na lang niya. Hanggang ngayon yata ay tuliro pa rin ang isip niya.
“Huwag kang mag-alala at uuwi na ‘ko bukas.” tila nakahinga siya sa sinabi nito.
“Salamat po, pasensya na sa abala.”
Napabuntong hininga siya nang matapos ang pag-uusap nila. Pumunta siya sa banyo upang maligo.
Ipinikit niya ang mga mata habang dinadama ang tubig na dumadaloy sa katawan niya. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung ano ang pumasok sa isip niya at hinalikan niya si Katkat.
Tiningnan niya ang sarili sa malaking salamin sa harap niya.
“It's just attraction, nothing more.” pangungumbinsi niya sa sarili.
***
BUMUNGAD sa kaniya sina Jayvee at Mea na nasa sala at tahimik na nakaupo. Napabuntong hininga siya, kalmado na naman siya ngayon ‘di tulad kahapon.
“Gio.” napatingin siya kay Mea na halatang nakokonsensya pa sa nangyari. Tipid na napangiti na lang siya at tinapik ito sa balikat.
“Ayos na, mainit lang talaga ang ulo ko kahapon.” ibinaling niya ang tingin kay Jayvee na tahimik pa rin.
“Ano pang ginagawa mo? Sayang ang binabayad ko sa'yo kung tutunganga ka lang.” napangisi ito sa sinabi niya.
“Arf! Arf!” natigilan siya at napatingin kay Katkat na agad na lumapit sa kaniya. Napatikhim siya at napaiwas ng tingin dito.
“Sige na, magsimula na kayo.” nagtungo na siya sa kusina upang magtimpla ng kape. Naramdaman naman niya na hinahabol siya ng tingin ni Katkat.
“Gio, aalis na rin ako. May trabaho pa ‘ko eh.” tumango na lang siya sa sinabi ni Mea bago ito tuluyang umalis.
Kinuha niya ang laptop sa kwarto niya at muling bumalik sa dining area upang panaka-nakang tingnan sina Jayvee at Katkat. Oo nga’t iniiwasan na niya ng kaunti si Katkat pero hindi niya ito pwedeng iwan kay Jayvee ng mag-isa.
“Gio Francisco!” natigilan siya nang dumating si Nestlyn. Napailing na lang siya, isa na namang maingay.
“Bakit ka nandito?” tanong niya sa kaibigan nang umupo ito sa upuan katapat ng kaniya.
“Wala lang, namiss ko si Katkat.” tumingin ito kay Katkat.
“A-ah, s-sa...” natigilan silang dalawa ni Nestlyn nang marinig na magsalita si Katkat.
“Go on Katkat, anong gusto mong sabihin?” tanong ni Jayvee dito. Napalunok siya at ibinaling na lang ang tingin sa laptop.
Bakit biglang bilis ang t***k ng puso niya? Bumibigat na rin ang paghinga niya, kahapon pa naman niya alam na nakakapagsalita na kahit kaunti si Katkat.
“Hala! Gio! Nagsasalita si Katkat!” tila excited na sabi ni Nestlyn. Hindi na lang siya kumibo at tipid na ngumiti.
UMABOT ng ilang oras ang therapy hanggang sa dumating na si Aling Myrna. Mukhang napapansin ni Nestlyn ang kanina pa niyang pananahimik ngunit hindi na lang ito nagtatanong.
“Nay Myrna, kailangan na pong kumain ni Katkat.” sabi niya sa ginang saka isinara ang laptop. Sumasakit na ang mga mata niya dahil ilang oras na yata siyang nakatutok doon.
“Diba ikaw ang nagpapakain kay Katkat?” tanong ni Nestlyn. Napatingin din sa kaniya si Jayvee na mukha ring nagtataka ngunit hindi na lang kumibo.
“May ginagawa pa ‘ko.” tumayo siya at binitbit ang laptop.
“Kahit may ginagawa ka ikaw pa rin ang nagpapakain sa kaniya.” dagdag pa ni Nestlyn. Napapikit siya ng mariin, wala talagang kontrol ang kaibigan niyang ito sa pagsasalita.
Hindi na lang siya sumagot. Ibinaling na lang niya ang tingin kay Jayvee.
“Pwede ka ng umuwi.” pagkasabi ay agad na siyang nagtungo sa kwarto niya.
Ang hirap para sa kaniya ang umiwas ng bigla kay Katkat lalo pa’t laging siya ang nag-aalaga ito.
ILANG oras din siyang nagkulong sa kwarto niya upang makaiwas kay Katkat. Napatingin siya sa wall clock, 9 pm na pala at hindi pa siya naghahapunan.
Lumabas na siya ng kwarto at nagtungo sa kusina, naabutan niya si Aling Myrna na umiinom ng tubig.
“Naghapunan na po ba si Katkat?” tanong niya rito.
“Oo, napaliguan ko na rin siya.” tipid na ngumiti siya sa tinuran ng ginang. Tumango na lang ito at nagtungo sa kwarto nito.
Naiwan si Gio sa kusina. Kumuha siya ng plato at nagsalin ng kanin at ulam sa plato niya saka nagsimulang kumain. Sa totoo lang pakiramdam niya ay hindi na siya sanay kumain ng hindi kasabay o sinusubuan si Katkat. Napailing na lang siya, unti-unti na siyang nasasanay sa presensya nito.
“Arf! Arf!” napatingin siya kay Katkat na papalapit na ngayon sa pwesto niya.
“Matulog ka na, gabi na.” sabi na lang niya at muling pinagpatulog ang pagkain.
Hindi naman nakinig si Katkat. Mas lumapit ito sa kaniya. Humawak pa ito sa mga hita niya na tila gustong magpakandong.
“Nakain ako, doon ka na sa kwarto mo.”
“Arf! Arf! Arf!” mas sumiksik sa kaniya si Katkat.
Padabog na ibinaba niya ang kutsara at tinidor. Tila gulat na napatingin sa kaniya si Katkat.
“Matulog ka na sabi! Kitang nakain ako, ang kulit kulit mo!” sa inis niya ay nabulyawan niya ito.
Natigilan siya nang bahagyang lumayo sa kaniya si Katkat. Natahimik ito habang nakatingin sa kaniya.
“Katkat...”
Gusto na niyang bawiin ang mga sinabi at humingi ng tawad dito nang mapansin niya ang pamumuo ng mga luha sa magagandang mata ni Katkat. Parang tinarakan ng patalim ang puso niya sa nakitang sakit sa inosenteng mga mata nito.
“K-katkat, sorry...” hindi niya alam kung paano hihingi ng tawad sa paraang maiintindihan nito.
Natigilan siya nang talikuran siya ni Katkat at agad itong nagtungo sa kwarto nito. Napabuntong hininga siya at naiinis na sinabunutan ang sariling buhok.
Gusto niyang maging normal na tao si Katkat pero labis siyang nasaktan nang makita ang nagbabadyang luha sa mga mata nito.
Agad siyang tumayo at sinundan si Katkat, ni hindi na niya inubos ang pagkain sa plato niya. Nagtungo siya sa kwarto nito at naabutan niya ito na nakabaluktot at balot ng kumot.
Nag-aalangang lumapit siya rito. Napabuntong hininga siya at umupo sa tabi nito. Sinubukan niyang tanggalin ang kumot na nakabalot dito pero nagmatigas si Katkat.
“Katkat, baby...”
Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyan na niyang matanggal ang kumot na nakabalot dito pero agad na iniwas ni Katkat ang tingin sa kaniya.
“Sorry na, hindi ko na uulitin. Okay lang kahit kulitin mo ‘ko ng kulitin, ‘wag ka na magtampo sa ‘kin.” hinawakan niya ang kamay ni Katkat pero agad nitong iniwas ang kamay mula sa kaniya.
Natigilan siya nang mapansin niya na marahang nayugyog ang balikat ni Katkat. Pakiramdam niya ay may pumiga ng puso niya nang makita ang mukha ni Katkat na puro luha. Halos pati siya ay nahirapan huminga sa nakitang hitsura ni Katkat. Pulang pula ang mga mata nito lalo na ang ilong at pisngi dahil siguro sa pag-iyak. Mas lalo siyang nakaramdam ng inis at galit sa sarili.
Mukhang siya ang nagturo kay Katkat na umiyak.