Chapter 8

2838 Words

“Bakit hindi pa nalabas si Katkat ng kwarto niya? Siya nga lang dahilan kaya ako napunta dito eh.” sabi ni Nestlyn habang nakain ng waffles na gawa ni Aling Myrna. Napairap si Mea sa sinabi niya. “Sus, pagkain talaga ang habol mo dito.” pambabara ni Mea sa kaibigan. Napabuntong hininga si Gio saka isinara ang diyaryo. Tumingin siya sa pinto ng kwarto ni Katkat. 9 AM na pero hindi pa rin ito nalabas ng kwarto. Maaga lagi itong nagigising para mag-almusal pero ngayon mukhang hindi ito lalabas ng silid nito dahil sa kaniya. Napatingin siya kay Jayvee na prenteng nakaupo sa couch, kanina pa ito naghihintay kay Katkat. “May sakit ba si Katkat? Baka nilalagnat siya.” tila nag-aalalang sabi ni Reign. Hindi siya nakikisali sa usapan ng mga ito, wala siyang gana. Sinubukan niyang kausapin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD