Kabanata 4
"Zsakae," mahinang sambit ko.
Muli ay tinalikuran ako at lumakad na. Nasapo ko ang aking noo. Kung bakit ba naman kasi napakalalim ng iniisip ko. Sinundan ko na lamang ito hanggang sa mahinto kami sa silid-aklatan ng siyudad. Ito lang ang pinakamalapit sa unibersidad namin. Ano kaya ang gagawin niya rito? Kung tutuusin ay may malaking silid- aklatan naman kami sa unibersidad. Mas kumpleto pa nga ro'n. Mabilis pa itong humakbang kaya agad din naman akong nagmadali. Dire-diretso ito sa pagpasok at muling umakyat sa ika-dalawang palapag.
"Lapit," aniya.
Agad din naman akong gumalaw. Kumuha siya ng mga libro at ipinatong sa mga palad ko. Eh? Nang paikot na kami sa kabilang lagayan ng mga libro ay gano'n na lamang ang aking gulat nang kabigin niya ako at isinalampak sa pader. Awtomatiko kong nayakap ang mga librong hawak ko habang namimilog ang aking mga matang nakatitig sa kanya.
"Bakit hindi ikaw?" mariing sambit niya. "Ha?" Nasuntok niya bigla ang pader dahilan
para bumaon ang kanyang kamao rito. At nang hugutin niya ito'y agad na nahulog ang mga nadurog na semento. Mariin akong napalunok. Hindi na ako nagulat kung bakit ganoon ito kalakas. Isa itong Zoldic at kilalang halang sa dugo ng tao ang angkan nila sa isla Bakunawa.
Pero alam kong hindi masama ang angkan nila. Sa katunayan pa nga niyan ay minamahal sila ng taong bayan sa isla Bakunawa. Napalunok ako nang magsimulang magkulay pula ang kanyang mga mata.
"Zsakae, nasa Herodes tayo," mahinang sambit ko. Naigting ang kanyang panga at napaatras. Nakahinga ako ng maluwag. Kung sakali mang hindi ko siya napigilan kanina ay posibleng mapahamak ako. Sa klase ng pagtitig niya sa akin ay parang may matindi siyang hinanakit. Kitang-kita ko kung gaano kagalit ang mga mata niya. Mabuti na lang talaga at nasa Isla Herodes kami, limitado ang kanyang maaring gawin at lubos ko iyong ipinagpapasalamat. Mahigpit kong niyakap ang mga libro at hinanap si Zsakae ngunit bigla na lamang itong nawala. Bumuntong-hininga ako at pumanaog sa hagdan. Muli ko siyang hinanap pero wala siya. Hindi kaya'y iniwan ako nito? Nakagat ko ang aking labi at tinungo ang opisina ng taga pamahala sa silid-aklatan.
Bahagya kong kinatok ang pinto upang pukawin ito. "Gel," masiglang sambit nito nang makita ako. "Ate Fei, kumusta po?" nakangiting bati ko rito.
"Ang dami naman niyan Gel," puna nito sa mga librong yakap ko.
"Hindi sa akin 'to ate, kay Zsa..." Napaurong siya't napatikhim.
"Sa amo ko po. May trabaho na kasi ako ngayon–"
"Bilang alalay?" dugtong nito sa aking naputol na wika.
"Opo," sagot ko at hilaw na napangiti. "Permahan mo na lang 'tong indeks Gel at
pakisulat na lang din 'yang mga librong hihiramin mo." Sinunod naman niya ito.
"Kumusta ang klase Gel?" anito.
"Mabuti naman po ate Fei," sagot ko. "Pang-ilang kurso niyo na ito ni Kaye?"
Natigilan siya at nabitiwan ang plumang hawak.
"Ano'ng ibig niyo pong sabihin?" Bigla namang nagkulay pulay ang mga mata nito at agad ding bumalik sa kulay kayumanggi. Napasinghap ako.
"Isa akong Zoldic, Gel. Taga pamahala sa angkan namin dito sa Herodes. Ako ang tainga at mata ng Don La Luz De Vermont. Ngunit mas madalas akong nagbibigay ng impormasyon sa panganay nitong anak, ang senyorito Steffano. Hindi rin lingid sa aking kaalaman na ika'y naging utusan ng senyorito Zsakae, tama ba ako?" Napalunok siya at napatango. Nginitian naman siya nito.
"Huwag kang mag-alala Gel. Hindi naman ako tsismosa. At isa pa nga pala'y pinakamatalik mong kaibigan ang prinsesa ng mga Seltzer." Gulat muli akong napatitig sa kanya.
"Prinsesa?" sambit ko.
"Ang akala ko ba'y magkaibigan kayong dalawa," nakangiti pa nitong wika. May laman pa ang tono nito. Tila yata ay sinusubukan niya ako.
"Kung ano man 'yan, hindi ko po ugaling makialam. Salamat po sa mga libro," wika ko at agad na lumabas ng opisina nito.
Humugot ako ng malalim na hininga. Kung gano'n ay napakaimportante nga ni Kaye.
Kukumprontahin ko siya mamaya kapag nagkasarilinan kaming dalawa. Tinungo ko na ang labasan at lumakad na pabalik sa unibersidad. Nang umabot ako sa aming dormitoryo ay alanganin pa akong lumakad palapit sa pinto ng silid ni Zsakae. Kakatok na sana ako pero bigla namang bumukas ang pinto. Pinaningkitan niya ako ng kanyang mga mata. Nang dumako ang mga mata ko sa kanyang ayos ay nakaputing kamiseta ito na may mahabang manggas. Nakabukas ang gitna ng damit nito at kitang-kita ko ang hubog ng katawan nito sa tiyan.
"Bakit ngayon ka lang?" Muli akong napatitig sa kanya. Biglang nangatal ang aking mga kamay habang yakap ko ang mga libro.
"Pasensya na po kung naantala," paumanhin ko.
Kinuha naman nito ang mga librong yakap ko pa at itinapon sa kanyang kama.
"Pasok!" Napatuwid ako sa narinig kong pagtaas nito ng boses. Hindi ako agad nakagalaw kaya ito na mismo ang humila sa akin. Nang makapasok kami ng tuluyan sa loob ng kanyang silid ay hinila niya ang laylayan ng aking puting blusa. At nang tumapat ako sa upuan nitong gawa sa katad ay marahan niya akong itinulak, dahilan para ako'y maupo rito. Mabuti na lamang at yari sa katad itong upuan na napapalamanan ng bulak, dahil kung nagkataong gawa ito sa kahoy, malamang ay kanina pa ako umungol.
"Huwag na huwag kang makikipag-usap ng matagal kay Fei, naiintindihan mo ba?" anito.
"B-bakit naman?" taka ko pang tanong. "Bakit kailangan kong magpaliwanag sa iyo?
Utos iyon at hindi pakiusap." Lihim ko siyang inirapan at tumayo.
"Kung wala ka nang kailangan, ay aalis na ako," wika ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit maagap itong humawak sa hamba ng pinto at muling isinarado ito.
"Gel," bulong nito sa aking punong tainga.
Nakapanghihina ng mga tuhod.
"A-ano?" kabado ko pang tanong. "Nauuhaw ako," muling bulong nito. Kagyat
akong napalunok.
"Ikukuha kita ng..." napaurong ang aking dila nang yumakap ito sa aking baywang. Hindi ako agad nakagalaw.
"Ikukuha... Kita..." sambit ko subalit bigla nitong dinampian ng halik ang aking batok. Mariin akong napapikit. Ang malamig nitong labi ay parang yelong lumapat sa aking batok.
"Zsa..." muli akong napaurong nang gumapang ang halik nito sa aking leeg. Hinawakan niya ang aking buhok at kanya itong hinawi. Ang kanyang kanang bisig ay mas lalong humigpit sa aking baywang. 'Di naman masakit ngunit halos wala ng patlang ang aming magkadikit na katawan.