SIMULA
SIMULA
Sa pagpalid ng buhok ko ay siya ring
pagbagsak ng mga nalagas na dahon sa puno ng acacia. Napatanaw ako sa kalangitan. Kay sarap pagmasdan ng langit at kay bughaw nito.
"Angelika!" bumaling ako sa aking likuran. "Oh? Kaizemira, may problema ba?"
Nailing naman ito.
"Tara na sa klase at tama na iyang kalalaro mo sa bola," aniya.
Napangiti ako at agad na tumango. Habang papalapit ako kay Kaizemira ay pinatalbog ko pa ang bolang hawak ko. Ngunit hindi ko galamay ang takbo ng hangin kaya't sa lakas nang paghampas nito ay siya ring pagkatangay ng bola. Lumabas ito sa koral ng unibersidad.
"Pabayaan mo na iyan Angelika," ani Kaizemira sa akin.
Nailing ako dahil hindi ko pag-aari ang bolang iyon. Hiniram ko lamang iyon kay ate Myla.
"Saglit lang," wika ko.
Tinakbo ko ang koral at inakyat ito. Mabuti na lamang at may hagdan pang naiwan ang karpentero rito no'ng kanila itong ayusin kahapon.
Tumalon ako at nang makaapak sa lupa ang mga paa ko'y agad akong humakbang papalapit sa bolang nasa gitna ng kalsada.
Akmang pupulutin ko na sana ito pero natigilan ako.
"Angelika!"
Ang sigaw ni Kaizemira at ang rumaragasang dyip ang pumagitna sa aking pandinig. Saka ko na lamang napagtanto ang mga pangyayari. Masasagasaan na pala ako nang humaharurot na dyip. Hindi ko naigalaw agad ang mga paa ko dahil natulala ako ng biglaan.
"Angelika!"
Narinig kong muling sigaw ni Kaizemira sa akin kasabay ng aking pagpikit.
"Hoy mga bata! Magpapakamatay ba kayo!"
Napadilat ako dahil sa narinig ko. Ang akala ko'y katapusan ko na ngunit nagkamali ako. May isang binatang nakatayo sa harapan ko. Nakasuot ito lahat ng kulay itim na gamit mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang sapatos. Ngunit kakaiba ang kulay ng buhok niya dahil nag-aagaw ang kulay pula sa kulay itim niyang buhok. Iyon nga lang ay may kahabaan ito na hanggang leeg. Bumitiw naman ito sa pagkakahawak sa bakal na tubong desinyo ng dyip sa may harapan. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pagkakayupi nito ng todo.
"Ano ba!?" sigaw ng tsuper kasabay nang pagbusina ng dyip nito.
Bubuka na sana ang bibig ko pero bigla namang hinila ng lalaking 'to ang laylayan ng palda ko dahilan para mapaurong ako. Nang makaalis kami sa gitna ay agad namang pinatakbo ng tsuper 'yong dyip niya.
Napaangat ako ng tingin sa lalaking kasama ko. Hawak pa rin niya ang laylayan ng palda ko at sigurado akong nakikitaan na ako. Hinila ko ang palda ko ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa palda ko. Bigla nito akong hinila hanggang sa mapadikit ako sa kanya.
Natigilan pa ako lalo nang makita ko ang kulay ng mga mata nito. Kulay pula at para itong nag-aalab. Napakurap ako ng tatlong beses upang siguraduhing hindi ako namamalikmata lamang. Ngunit nagkamali ako dahil totoong ganoon nga ang kulay ng mga mata nito.
"Masiyado kang tanga," wika nito.
Magsasalita pa sana ako ngunit sa isang kurap ko'y sakop nito ang aking mga labi at masuyong nilaro ang aking dila.
"Angelika Capoquian Zoldic," sambit niyang muli nang kumalas ito sa pagkakahalik sa akin.
Napatanga ako sa narinig ko at hindi ko alam kung baliw ba ako o siya! Inay ko po!