Kabanata 19

1041 Words
Kabanata 19 "Zsakae," anas ko nang magkamalay ito. Umigting ang kanyang panga. "Anong ginawa mo!?" aniya nang makita ang mga sugat sa aking mga kamay. "Binubuhay ka..." Tuluyan na akong nawalan ng ulirat. Igting ang aking panga nang akoy magkamalay at mariing napapikit bago ako tuluyang napadilat. Hinang-hina ang pakiramdam ko at hindi ko kayang igalaw ang aking mga kamay. Maging ang katawan ko ay 'di ko rin kayang iangat. Bigla namang umupo sa aking tabi si Zsakae. Buhay siya. Ang akala ko'y nananaginip lang ako kagabi. "Gel," sambit niya at hinaplos ang aking pisngi. Kinuha naman niya ang boteng naglalaman ng katas ng mga prutas na may halong dugo. Tinungga niya ang lahat ng laman nito at biglang pumuwesto sa aking ibabaw. Kinabig niya ang aking baywang. Bahagya akong napaliyad. Ibinuka niya ang aking mga labi at inilapat ang kanyang bibig sa akin. Mula sa kanya ay ipinasa niya sa akin ang ininom niya kanina. Walang ampat ang aking paglunok hanggang sa tuluyan siyang natapos. Huminga ako ng malalim. Bahagyang gumaan ang aking pakiramdam. "Huwag mo na uulitin iyon." Tipid lamang akong ngumiti. Kinabig niya muli ang aking baywang at inalalayan niya akong makabangon. Isinandal niya ako sa kanyang malapad at matipunong dibdib. "Mapanganib ang ginawa mo kanina Gel." Umiling ako. "Sinabi ko na sa iyo. Lahat gagawin ko para sa iyo." Hinagkan niya ang aking noo at umabot ang halik niya sa aking leeg. "Magaling ka na ba talaga?" Tumango siya. Ako naman ang humalik sa kanyang pisngi. "Takot na takot ako. Ang akala ko'y iiwan mo na ako." "Hindi mangyayari iyon Gel." Yumakap ako sa kanya. Nang gumawi ang aking paningin sa kanyang tagiliran ay nakita ko ang dalawang maleta. "Aalis ba tayo?" tanong ko. "Oo. Hindi na tayo puwede rito Gel." "Saan tayo?" "Sa tahimik na lugar." "Gusto ko iyan." Binuhat naman niya ako at inalabas ng silid. Diretso kami sa kusina at tinungo ang lihim na lagusan. Nang makalabas kami'y isang itim na kabayo agad ang bumungad sa akin. Isinakay niya ako rito. Sandali pa siya biglang nawala at nang magbalik ito'y dala na niya ang aming mga gamit. Itinali niya ito sa magkabilang gilid ng kabayo at nang matapos siya'y sumunod ito sa pagsakay sa kabayo. Pinatakbo na niya ang kabayo. "Hindi na ba nila tayo masusundan?" usisa ko. "Sa ngayon ay 'di muna Gel. Huwag ka na mangamba pa. Narito naman ako." Hinalikan niya ang aking ulo. "Oo na po." Ilang sandali pa’y masukal na kagubatan na ang dinaanan namin bago namin tuluyang narating ang malawak na dalampasigan. Dali-dali akong nagpababa kay Zsakae. Agad akong nagtampisaw sa tubig dagat. Tuwang-tuwa ako habang inilulubog ang aking mga paa sa puting buhangin. "Gusto mo ba rito?" Napabaling ako kay Zsakae. Malapad akong ngumiti. "Oo." Hinila ko siya at lumakad sa dalampasigan. Sa bawat pagsulong ng tubig ay siya ring paulit-uli na pagkabasa ng aming mga paa. Marahan naman niya akong kinabig at niyakap mula sa aking likuran. Tanaw na tanaw namin ang paglubog ng araw. Hinaplos naman niya ang aking tiyan. "Kumusta siya?" aniya. Inilapat ko rin ang aking mga palad sa aking tiyan. "Malikot pero kaya ko naman." Hinagkan niya ang aking sintido. "Saan tayo titira?" tanong ko. May itinuro naman siya sa pinakadulo. Natanawan ko ang isang maliit na kubo. "Pansamantala muna tayong mananatili rito Gel. Ngunit hindi ka pa rin ligtas sa lugar na ito. Alam kong masusundan pa rin nila tayo." Bumuntong-hininga ako. "Hindi na bale. Ang importante'y kasama kita." Hinagkan niya ang aking leeg. "Mahal na mahal kita," anas nito. Nakagat ko ang aking labi at humarap sa kanya. Hinagkan ko siya ng buong puso. Kinabig na niya ako at tinungo namin ang kubong itinuro niya kanina. Nang tumapat kami sa maliit na kubo ay humiwalay ako sa kanya. Sabik na sabik akong pumasok sa loob ng kubo. Maliit lamang ito ngunit payak at puwede na sa aming dalawa 'to ni Zsakae. "Pangit ba?" Natawa ako at humarap sa kanya. Nakakunot ang kanyang noo. "Ikaw ang papangit mahal ko. Nakakunot na naman ang iyong noo." Inismiran naman niya ako ngunit may ngiti sa kanyang mga labi. "Gusto ko pa rin namang itira ka sa isang malaking bahay. Kasama ang magiging anak natin." Nakagat ko ang aking labi. "Panigurado, malulungkot siya kasi siya lang naman mag-isa." Hinaplos naman niya ang aking kaliwang pisngi. "Hindi mangyayari iyon. Mawala man tayo'y magiging masaya pa rin siya. Makakahanap siya ng isang kagaya mo." Ewan ko ba ngunit biglang bumagsak ang mga luha ko at agad ko siyang niyakap. Pakiramdam ko'y parang may mangyayaring hindi maganda. Oo nga't nasa panganib na kami ngunit parang may alam si Zsakae na hindi ko alam. Nangangamba ako. "Bakit pakiramdam ko'y magpapaalam ka na sa akin?" garalgal kong ani. Yumakap siya sa akin. "Pagod ka lang Gel. Magpahinga ka na." Iimik pa sana ako ngunit bigla na lamang akong nawalan ng ulirat. Nang magising ako'y wala si Zsakae sa aking tabi. Agad akong bumaba sa katreng gawa sa kawayan. Lumabas ako ng kubo. Agad kong natanawan si Zsakae sa may dalampasigan. Nakatalikod siya habang nakatingin sa kabilugan ng buwan. Nakapamulsa siya at ang kanyang mahabang buhok ay inililipad ng simoy ng hangin. Lumakad ako at lumapit sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa gawi ko. Kulay pula ang kanyang mga mata at ang kanyang mukha ay punong-puno ng itim na marka. Hindi lang ang mukha niya dahil nakakalat ito sa buo niyang katawan. Alalang- alala ako sa kanyang anyo. Nasapo ko ang aking dibdib. "Zsakae," anas ko. "Nakakaya ko nang kontrolin ang parusa ni Luna sa akin," aniya. "Madadamay ba ang anak natin?" "Hindi ko hahayaang mawala siya." Inilahad niya ang kanyang kamay at inabot ko rin naman ito. "Kakayin ko rin ang lahat para sa anak natin." Humalik siya sa aking noo. "Pumasok ka na sa loob. Magpahinga ka na ulit." Tumango lamang ako at sinunod ang utos niya. Nang makapasok ako sa loob ay bigla na lamang nanghina ang aking mga tuhod. Agad akong kumapit sa hamba ng pintuan. Huminga ako ng malalim. Nang bigla akong makaramdam ng mainit na likidong umaagos mula sa aking maselang bahagi. Agad akong napatungo at nasapo ang aking hita. Nang maangat ko ang aking kamay ay agad namilog ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD