Kabanata 20

1100 Words
Kabanata 20 "Zsakae!" sigaw ko. "Gel," tunghay nito agad sa aking tabi. "D-dugo..." nanginginig kong sambit. Agad niya akong binuhat at inihiga sa katre. Naiiyak na ako dahil sa matinding kaba. "Zsakae," tawag ko sa kanya. Sandali kasi itong napatulala. Nang tumingin siya sa akin ay agad na bumagsak ang mga luha niya sa mata. Mas lalo akong kinabahan. Pinahaba naman niya ang kanyang mga kuko sa kanan niyang mga daliri. "Kailangan ko siyang alisin. Hindi na kinakaya ng katawan mo." Agad akong napabangon. "Lalabas na siya?" "Kailangan ko siyang patayin." Agad akong umurong. "Hindi! Hindi mo iyon gagawin! Hindi!" "Mamamatay ka kung ipipilit natin Gel!" Nasampal ko siya. "Hindi hayop ang anak natin! Kahit ikamatay ko pa! Bubuhayin ko siya! Ako ang magdedesisyon doon at hindi ikaw!" umiiyak kong wika. Ngunit hindi siya nakinig sa akin at hinila ako. Nagpumiglas ako at pilit na inilalayo ang kanan niyang kamay. "Zsakae! Huwag! Pakiusap! Huwag ang anak natin! Wala siyang kasalanan! Pakiusap!" Maging siya ay wala na ring ampat sa pagluha. Tinabig niya ang kamay ko at inangat ang aking bestida. Pasulong na ang kamay niya nang biglang bumakat mula sa loob ng aking tiyan ang maliit na kamay ng anak namin. Natutop ko ang aking bibig at nanginginig kong hinaplos ang aking tiyan. "Buhay siya," anas ko. Naibaba ni Zsakae ang kanyang kanang kamay. Marahang bumagsak ang kanyang ulo sa ibabaw ng aking tiyan. Gumalaw ang kanyang mga balikat. Umiiyak siya ng husto. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Huwag ka nang mag-alala. Kaya ko 'to. Kakayanin namin ng anak mo." Kumalas siya at biglang nawala sa aking harapan. Napaigtad na lamang ako nang marinig ko ang pagbagsak ng mga puno sa likod ng aming kubo. "Ugh! Ah! Luna! Numquam novivos quanta passus fuero!" Natakpan ko ang aking tainga dahil parang may matinis na bagay akong naririnig. Humangin naman ng malakas. Agad akong napalabas ng kubo. Ang alon ng dagat ay biglang pumayapa at parang hinigop ito sa gitna dahil sa biglaang pagtuyo nito sa dating taas ng tubig. Agad akong lumakad palapit kay Zsakae. "Luna! Pedicabo ego vos!" Hinahamon niya si Luna! "Zsakae! Tama na!" Humarap siya sa akin. "Illa meus omnipotens Luna!" Namilog ang aking mga mata nang bigla na lamang akong lumutang sa ere. "Luna plena sum in conspectu tuo, oblationem carissimum sodalem, quaeso audito benedixeris in utero!" Napaliyad ako at parang may maitim na usok ang bumalot sa akin. Nagsasagawa siya ng ipinagbabawal na ritwal! Bawal itong gamitin dahil hindi naman ako ang itinakda! Napasinghap ako nang biglang may lumukod sa aking tiyan. Biglang nawalan ng lakas ang aking katawan. Para akong naparelisa. Nang mawala ang usok ay bumasak ako sa buhanginan. Nang pumaling ako kay Zsakae ay maging siya ay bumagsak din. "Zsakae," huling anas ko. "Zsakae," anas ko. "Gel, gising!" "Kaye," sambit ko. Dahan-dahan akong napadilat. "Diyos ko," anito. Nang igalaw ko ang aking mga kamay ay laking pagtataka ko't nakaposas ako gamit ang solidong bakal. Ang mga binti ko rin ay may bakal na posas. Nakaupo ako at ang nasa likod ko ay isang posteng gawa rin sa bakal kung saan dito nakasabit ang kadena ng aking mga posas. "Kaye, ano ang nangyari? Bakit ka narito? Si Zsakae? Nasaan ako?" Inayos naman niya ang aking magulong buhok. Panay din ang kanyang pagluha. "Natunton ko kung saan kayo nagtago ni Zsakae ngunit nahuli ako nang dating dahil nang mawalan kayo ng malay ni Zsakae pagkatapos ng ritwal na kanyang ginawa ay nagsidatingan agad ang mga alagad ni Eunice. Dinala ka niya rito sa templo ng mga tagapaghukom. Sinundan kita rito at pinatay ko ang nakatokang nagbabantay sa iyo," mahaba niyang paliwanag. "Si Zsakae? Saan siya dinala? Ang mga kapatid niya?" "Hindi ko alam Gel. Hindi ko rin sila nakita rito." "Kailangan kong makaalis dito Kaye. Pakiusap tulungan mo ako Kaye," nanghihina kong anas. "Kanina ko pa gustong tanggalin 'yan Gel ngunit kahinaan ko ang pilak kaya't hindi ko iyan magagawa," malungkot nitong saad. Nang hilain ko ang aking posas ay tama nga si Kaye. Kunwari ay solidong bakal lamang ito ngunit mali dahil may halo itong pilak. "Umalis ka na Kaye," umiiyak ko na lamang na wika. "Hindi kita iiwan dito!" "Ugh!" ungol ko dahil biglang sumakit ang aking tiyan. Napasinghap ako, maging si Kaye nang biglang umagos sa aking gitna ang itim na likido. Huminga ako ng malalim. "Gel, ano 'to!?" gulat na sambit ni Kaye. Mapait akong napangiti. Napakapit ako sa aking posas. "Ah!" daing kong muli. "Gel, ano ba!?" "Hindi... Ko na... K-kaya," utas ko. "Huwag ka magsasalita ng ganyan Gel! Kaya mo!" "Lalabas na siya," muli kong anas. Natataranta naman siyang hinila pasulong ang aking magkabilang hita upang umayos ako sa pagbukaka ng aking mga hita. Pinunit niya ang aking panloob na kasuotan. "Huminga ka ng malalim Gel. Pagkatapos ay umire ka." Sinunod ko ang sinabi niya. "Ugh! Ah! Ho! Ah!" paulit-ulit kong pagdaing. "Sige pa Gel!" "Ugh!" Napatigil naman ito. "Nagkakagulo na sila sa labas Gel! Bilisan mo!" Hugot at buga ang ginawa kong paghinga. "Lapastangan ka!" Narinig naming dalawa ni Kaye mula sa labas ng aking kulungan. "Bilis Gel!" "Ugh! Ah!" huling pag-ere ko. Isang maliit na bilog ang nailabas ko. Kulay itim ito at parang isang malambot na bola. Gulat kaming dalawa ni Kaye at pareho kaming hindi makapagsalita. Ngunit bigla na lamang itong naging abo. Nang mawala ang abo'y napalitan ito nang pagpalahaw ang ng isang sanggol. Gulat man at hindi ako makapaniwalang buhay ang anak namin ni Zsakae. Wala pa ring pagsidlan ang aking tuwa. Inalis naman ni Kaye ang natitira pang abo sa katawan ng aking anak. Hinubad niya ang kanyang tsaketa at ibinalot dito. Nang makita ko nang malapitan ang anak ko'y parang gusto ko ang sumabog. Gaya siya kay Zsakae. Ang buong katawan niya'y may itim na marka, patunay lamang ito nang walang katapusang parusa ni Luna. Pati ang anak namin ni Zsakae ay nadamay sa maling pagmamahalan naming dalawa. "Lalaki siya Gel," ani Kaye. Humagulhol ako. Hindi sa lungkot ngunit sa matinding saya. "Kahit bunga siya ng kaparusahan Gel, may dugong bughaw pa rin siya." Inilagay niya ito sa aking mga hita. Iyak pa rin siya nang iyak. "Ssh. Narito ako anak. Tumahan ka na." Bigla namang napatayo si Kaye. "Kailangan kong magtago." Nang mawala si Kaye sa aking harapan ay bumukas naman ang pinto. "Hangal! Kailanman ay hindi ako nag-utos na galawin ninyo ang kapatid ko!" Ang kuya Steffano ang aking naririnig. Kung ganoon ay wala silang alam patungkol sa sitwasyon naming dalawa ni Zsakae. Umawang nang malaki ang pinto at nakita ko na lamang ang pagbalibag ni Eunice sa semento.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD