CHAPTER 4

1355 Words
Almira's with Aya. Nasa bahay siya ng mga ito dahil nagpapatulong ito sa pagplano para sa binyag ng kambal. The twins are already two months old at next month ay bibinyagan na ang mga ito.  "Oh, everything is set na pala, eh." Aniya nang ipakita nito sa kanya ang plano.  "Yes. pero alam mo naman si Kurt. He wants everything to be perfect."  "Hay, naku! Ano pa bang pinapaayos niya?"  "Yung sa mga invitations na lang, since hindi pa kami nakakagawa ng designs but the contents are okay na."  "Sus. Yan lang pala, eh, pwede naman humanap sa internet."  "Kaya nga tulungan mo ako." At nagpa-cute pa sa kanya ang bestfriend niya!  Nang matapos nila ang ginagawa ay nagpaalam muna saglit sa kanya si Aya na may gagawin lang. Iniwan siya nito kasama ng mga kambal sa garden.  Gumalaw si baby Sebastian kaya nilapitan niya ito. Dumukwang siya sa crib nito.  "Ay, gising na pala ang poging baby. Hello, baby Sebastian." Kinakausap niya ito nang may sumipol sa bandang likuran niya.  Paglingon niya ay nakatayo doon si Arthur. She just rolled her eyes at muling binalingan si baby Sebastian.  "Tsk! Panira ng araw!" Bulong niya at muling nilaro si baby Sebastian. Ngunit hindi siya mapakali dahil ramdam niya ang presensiya ni Arthur at alam niyang nakatingin ito sa kanya. Kaya kinuha na lang niya si baby Sebastian mula sa crib at naupo na lang siya sa upuan niya kanina.  Nagulat pa siya nang lumapit ito sa crib ni Mandy at kuhanin ito.  "Hindi ka pinapansin ni Ninang Almira, no? Bad talaga ang Ninang mo." Kausap nito kay baby Mandy.  He looks so adorable baby talking to Mandy pero ayaw niya ang sinabi nito.  "Ako ba talaga iniinis mong gago ka?!" Nanggigil na tanong niya dito. Pinipigilan niyang sumigaw dahil baka magulat ang mga bata.  Pero ang hinayupak ay parang walang narinig! Bagkus ay kinakausap pa nito si baby Mandy.  "Baby Mandy, kapag big girl kana wag kang magmumura, ha? Bad yon."  Nanggigigil na talaga siya! Kung hindi lang niya hawak si baby Sebastian at hindi nito hawak si baby Mandy ay pinagsisipa na niya ito!  "Tsaka baby Mandy, kapag big girl kana wag kang magsusuot ng maikling skirt, ha? Nakakabastos kasi iyon, baby eh."  The f**k! Pinaparinggan ba siya nito? She's wearing a dress pero hindi iyon maikli! Oh, well, para sa kanya ay hindi iyon maikli. Umabot naman kasi hanggang sa gitna ng hita niya iyon.  "At huwag kang tumuwad sa kung saan-saan, baka kasi masilipan ka."  Ano bang problema ng lalaking ito?!  "Pinaparinggan mo ba ako?!" Inis na bulyaw na niya dito. Nagulat si baby Sebastian, kapagkuwan ay lumabi. Mabilis naman na inalo niya ito.  "It's okay, baby. Hindi ikaw ang sinisigawan ni Ninang."  Tinignan niya nang masama si Arthur pero ang damuho ay nakangiti pang kinakausap si baby Mandy.  "... at kapag big girl kana, huwag kang masyadong masungit, ha? Nakakatanda kasi ng itsura yon eh. Baka kahit na 20 ka palang magmukha ka nang nasa 40's."  Sa sobrang pikon na niya dito ay sinabayan na lang niya ang trip nito.  "Baby Sebastian, kapag big boy kana, wag kang paasa, ha? Wag kang mananakit ng mga babae kasi bad yon." Pasaring niya din dito.  "Baby Mandy, kapag big girl kana, wag kang kung kani-kanino na lang nakikipagsayaw nang malaswa, ha?"  "Baby Sebastian, kapag big boy kana, wag kang epal, ha? at huwag na huwag mong gagayahin yung mga iba diyan na walang isang salita. Dapat kapag nangako ka, tutuparin mo, okay?"  "Baby Mandy, kapag big girl kana, dapat marunong kang makinig sa mga explanations, ha? Kasi yung mga ibang babae diyan, hindi na marunong makinig, atat pa."  "f**k you!" Muling bulyaw niya dito. At kung kanina ay nagulat si baby Sebastian at lumabi, ngayon naman ay napangiti ito.  "Hindi ako atat! At marunong akong makinig, ikaw diyan ang hindi kayang mag-explain dahil sinungaling at manloloko ka! Letse ka! Mamatay kana sana!"  Ibinalik niya si baby Sebastian sa crib nito at nagwalk-out siya. Sakto namang nakasalubong niya si Kurt pero hindi na niya ito pinansin.  NATATAWANG sinundan ng tingin ni Arthur si Almira.  "Hey, bro. What did you do to Almira? Bakit nakabusangot yon?" tanong sa kanya ni Kurt.  "Huh? Ewan ko sa bestfriend ng asawa mo, inis na inis sa kagwapuhan ko." Kunwa'y sabi niya.  "Gago!" Mura nito sa kanya.  "Sige, mura pa. Marinig ka ng asawa mo, lagot ka." Sabi niya dito. Natawa pa siya nang mabilis na lumingon ito sa likuran para siguraduhing wala si Aya.  Kinuha nito sa kanya si baby Mandy at nilaro-laro. The twins are so cute!  Kapag nagka-anak sila ay siguradong ganito din ka-cute ang magiging anak nila.  Napangiti naman siya sa naisip pero agad din napailing.  Ni ayaw nga siyang makita ni Almira.  Naupo na lang siya sa silyang inupuan ni Almira kanina at pinanood na lang si Kurt na masayang nilalaro ang kambal na pinagsama nito sa isang crib.  "Sweetheart! Akala ko ba aalis na kayo ni Art?" Napalingon siya nang magsalita si Aya mula sa likuran nila. May dala itong mga pagkain at kasunod si Almira na nang makita siya ay sumimangot.  "Yes, but I can't resist my babies." Sagot ni Kurt. Inilapag na nina Aya ang mga dala ng mga ito sa lamesa.  "Ay, ewan ko sayo, Sweetheart. Baka naiinip na si Art, oh." sabi pa ni Aya.  Nilapitan ni Kurt si Aya at hinawakan sa magkabilang pisngi.  "Heto na nga po, aalis na." He kissed Aya on the lips. "Ingat kayo dito, okay. I love you."  "I love you, too."  Then lumapit si Kurt sa mga kambal at hinalikan ang mga ito. Lumapit na din siya para halikan ang kambal.  "Bye, ingat kayo." Si Aya.  "Bye." Paalam niya kay Aya. Nang daanan niya si Almira ay bumulong siya dito.  "Bye, sungit ..." at nang makalampas na "I love you .."  -  IT'S the twins baptism kaya naman busying-busy sa pag-estima sa mga bisita sina Kurt at Aya kaya nagpresinta silang dalawa ni Joey na magbantay sa mga kambal.  It's her way na rin para maiwasan si Arthur na wala nang ibang ginawa kundi ang asarin siya!  The twins are sleeping kaya naman nagkukwentuhan lang sila ni Joey but when someone texted her ay nagpaalam ito saglit kaya naiwan siya sa opisina ni Aya.  Umiyak si baby Mandy kaya nilapitan niya ito, tinapik-tapik niya ang hita nito at agad namang tumigil at ipinagpatuloy ang pagtulog.  Narinig niyang bumukas ang pinto.  "Joe---" natigil siya nang makitang si Arthur iyon.  "What do you want?" Mataray na tanong niya dito.  "Alam mo, ang sungit-sungit mo. Titignan ko lang ang mga inaanak ko." Sagot ni Arthur.  She made face at inirapan ito. Bumalik na siya sa upuan at inilabas ang cellphone niya.  Naglalaro siya ng color switch nang maramdaman niyang nakatingin si Arthur sa kanya.  "What?!" Tanong niya nang humarap siya dito.  "Wala lang. Anong ginagawa mo bakit ang serious mo ata?" Tanong nito.  "Pakielam mo ba? Tsk!" Pilit niyang ibinabalik ang atensiyon sa nilalaro pero masyadong nakakadistract si Arthur.  Naiinis na ibinalik na lang niya sa bag ang cellphone. Tumayo siya para tignan ang kambal nang hawakan siya nito sa siko.  "Ano ba! Bakit ba ang ku---"  Hindi na niya natapos ang litanya nang marahas na sakupin nito ang mga labi niya.  Pilit siyang nagpumiglas pero dahil malakas ito ay hindi iyon umubra.  Hindi na niya napansin na napapikit na siya at sinasagot na ang halik nito.  At nang mahimasmasan ay malakas na naitulak niya ito.  "What?" Tanong nito sa kanya.  "You, bastard!" Malakas na sinampal niya ito.  "That sting! Nakakadalawa kana, huh!"  "Eh, bakit ka kasi nanghahalik? Umalis kana nga bago pa magising ang kambal!" Inis na bulyaw niya dito.  "Oh, c'mon. You sound as if you didn't kissed me back."  "Umalis kana nga, gago!" Muli niyang bulyaw dito pero mabilis na lumapit ito sa kanya at muli siyang hinalikan.  Nanlalaki ang mga matang muli niyang itinulak ito nang may marinig silang suminghap. Sabay pa silang napalingon ni Art.  And there, standing, Aya and Kurt.  Nahihiyang yumuko siya. Kinuha niya lang ang bag at nagpaalam na sa mga ito.  "Ahm. B-balik na a-ako don." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD