bc

His Promise

book_age0+
3.2K
FOLLOW
22.4K
READ
stalker
possessive
family
age gap
police
prince
princess
sweet
bxg
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

This is the raw/unedited version of His Promise.

Second installment of HIS SERIES.

Arthur Isaac Acosta and Almira Danielle Jacinto.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Almira Danielle lost her counts on how many times she yawned. Binibilang pa naman niya iyon para kapag nagsumbong siya sa mommy niya ay may pruweba siya ng pagka-inip niya.  She was with her father and it was supposed to be their bonding time. Pero biglang may tumawag sa ama kaya naroon sila ngayon sa malaking bahay ng kaibigan nito.  Kanina ay naibsan na ang pagkainip ni Almira sa pamamagitan ng pagta-tumbling at pag-i-split sa malawak na sala. Pero ilang saglit lang ay nawalan na uli siya ng gana. Kaya ngayon ay iniisip niya kung ano ang sunod na gagawin.  Sinulyapan niya ang nakasaradong pintuan ng library kung saan nag-uusap ang daddy niya at kaibigan nito. Napahagikgik siya nang may maisip na kalokohan.  Nagtungo siya sa kusina upang maghanap ng pantali, pero naroon ang mga kasambahay kaya nagkunwari siyang naglalaro at nagpalibot-libot sa paligid. Hindi niya kabisado ang kabahayan kaya't kung saan-saan na lang siya nagsususuot.  Nang mapagod sa kalalakad dahil napakalaki ng bahay, napagdesisyunan niya na bumalik na lamang sa sala at kalimutan na lamang ang paghahanap ng tali. Gusto sana niyang itali ang saradura ng pintuan para hindi na mabuksan nina daddy niya ang pintuan tutal ay mukhang ayaw na ng mga ito na lumabas mula sa library.  Pabalik na sana siya sa pinanggalingan nang may marinig siyang boses na nag-uusap sa hindi kalayuan. Sumilip siya sa nakabukas na pintuan at nakita niya ang malawak na hardin.  "Wow!" Kumislap ang mga mata niya nang makakita ng tree house. Dali-dali niyang tinungo iyon at walang takot na pinanhik.  "Hey, what are you doing there?!"  Nanlaki ang mga mata ni Almira nang marinig ang malaking boses na iyon. Muntikan pa siyang mahulog dahil sa pagkagulat. Mabuti na lamang ay hindi niya nabitawan ang pagkakakapit.  Hindi na makatingin pa sa ibaba si Almira. Nagsimula nang manginig ang mga tuhod niya. Kung kanina'y malakas ang loob na sinampa niya ang tree house, ngayon nama'y abot langit ang kaba niya. "Ah-ahm. Can you help me, please? I-I'm dizzy," kausap niya sa taong nasa ibaba habang hinihigpitan pa lalo ang pagkakakapit.  Kung kanina ay excited siyang makapanhik, ngayon naman ay labis ang takot niya.  "Hindi mo ba alam na delikado 'yang ginagawa mo, ha? Ang liit-liit mo 'tapos papanhik ka sa mataas na 'yan?" Bahagya niya itong sinulyapan at nakita niya ang lalaking nakapamewang.  "Kuya, help me, pleas—ahhh!"  "s**t!"  Mariing ipinikit ni Almira ang mga mata. Kapag nasaktan siya, siguradong sa ospital na naman ang diretso niya. She could imagine the injections and medicines saying 'hi' to her again.  "Wake up! Hey, wake up!" Tinapik-tapik ng lalaki ang mukha niya.  "Hala ka, Art! Did you kill her?" "No way! She's trespassing! And what the hell are you doing in my tree house?!" Unti-unting nagmulat ng mata si Almira. Walang masakit sa kanya. Hindi siya tuluyang nahulog. Hindi na siya dadalhin sa ospital. Hindi na siya kailangan turukan ng kung ano-ano.  She gave the man holding her a toothy smile. "Hello po!" Umalis siya sa pagkakahawak ng lalaki. "I'm Almira Danielle Jacinto po. Daddy ko po si Alfred Jacinto, yung laging nasa news po? Ikaw po? Ano pong pangalan mo?" tanong niya sa lalaki.  "Art," simpleng sagot lang nito habang ang mga mata ay nakatingin lang sa mukha niya.  "Art? 'Yon pong subject 'yon 'di ba? 'Yong may color-color? At saka drawing? I don't like Art! Hindi ako magaling doon." She pouted habang ang lalaki naman ay bahagyang napangiti sa sinabi niya.  "Hello, baby girl. That's Arts you're talking about," natatawang sabi ng babaeng pababa mula sa tree house.  Almira looked at the girl, nang makita ang mukha ng babae ay agad na tiningnan din niya ang mukha ni Art. Nanlaki ang mga mata niya at napaurong pa sa takot nang mapagtantong magkamukha ang mga ito. The girl is wearing a white dress and she has a long hair. Si Sadako agad ang naisip niya.  "Y-You have the same face! Multo! Multo!" nagsisisigaw si Almira.  Mabilis naman siyang dinaluhan ng lalaki at tinakpan ang bibig.  "Tahimik! Ang lakas ng boses mo, bata." "Baby girl, we're twins. Hindi ako multo, okay?" natatawang paliwanag ng babae. She even flipped her hair.  Nang muling tumingin si Almira kay Art ay nakatingin na naman ito sa mukha niya.  "Bakit po?" she politely asked.  "How old are you?" tanong ng lalaki sa kanya.  "I'm 6 po. Why?" inosenteng tanong niya.  "Next time, huwag kang basta-basta pumapanhik sa matataas, ha? Lalo na't wala kang kasamang matanda."  "Okay po," sagot niya at humikab.  "She's Tito Al's daughter, Art. Baka nainip si baby girl. Come here, baby girl, inaantok ka na ba?"  "Yes po," nakangusong sagot niya at muling humikab.  "Alright, you can sleep at the tree house, baby girl. Kuya Art will take you to sleep."  "Teka, bakit ako?"  "Kasi may gagawin ako? See this?" Itinaas nito ang hawak na libro. "Ba-bye, baby girl."  "Kuya, will you read me bedtime stories?"  "Ha?"  "I want Cinderella."  "But I don't know Cinderella."  "Please?"  "Alright." Umupo si Art sa damuhan at tinapik ang hita nito para doon siya pahigain.  "Once upon a time, there was a princess named Almira," pagsisimula nito.  "No! It's Cinderella!"  "It's Almira."  "It's not!"  "Shhh. Just let me, okay?"  Bahagya siyang tumango.  "Princess Almira met Prince Arthur and--"  "It's not Prince Arthur! It's Prince Charming!" Mula sa pagkakahiga ay tumayo siya at humalukipkip sa harapan nito.  Natawa si Art sa inasal niya pero nagpatuloy lang ito, "and they lived happily ever after."  "That's not how the story goes! You're wrong in everything, Kuya Art! It should be Cinderella not Almira, Prince Charming not Prince Arthur and there's a lot of things that happened before they lived happily ever after!"  "Eh, alam mo naman pala ang kwento bakit gusto mo pang marinig uli?"  "Kasi naman..." she pouted.  "Prince Arthur is Princess Almira's Prince Charming."  "Really? Am I Princess Almira then?" excited na tanong niya.  "Of course!" nakangiting sagot nito.  "And I have my own Prince Charming?" masayang bulalas niya. Nagniningning ang mga mata.  "It's Prince Arthur, Princess." "Yehey! I wanna meet him! I wanna meet him!" Art chuckled. "You need to grow up, first, Princess." "When I get older, he will come and meet me?"  "Right." "Then, I will have my happy ever after?"  Art nodded. "But, when will it be?"  "When you reach the right age, Prince Arthur will marry you. I promise. Kaya huwag kang magbo-boyfriend, ah? Wait for Prince Arthur."  "Talaga po?"  "Yes. That's our secret, okay?"  "Yes po. Promise?"  "Promise."  And they pinky swear.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Mistakes (Montemayor Series3)

read
368.2K
bc

Married to a Hot Magnate

read
358.1K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

His Revenge

read
55.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook