CHAPTER 3

1631 Words
DAYS had passed na parang hindi magkakilala sina Almira at Arthur. Hindi sila nagpapansinan kahit na minsan ay halos magkatabi na sila. Katulad na lang ngayon, isinama siya ng Daddy niya sa birthday party ng isang General and of course, present din ang mag-amang Acosta. Nasa iisang table lang ang mga pamilya nila ngunit tila hindi nila nakikita ang isa't-isa. "Pare, look at your daughter! Parang kailan lang ay napakaliit lang ng batang ito." Si Ninong Angel niya na kamukhang-kamukha ni Arthur.  "Maliit pa rin naman siya ah." Dinig niyang bulong ni Arthur na isang silya lang ang pagitan sa kanya. "Oo nga, p're. Binabantayan ko na nga, baka kung sinu-sino na ang umaaligid." Ang daddy niya na kinindatan pa siya.  Nagkatawanan ang mag-kumpare at si Art. Pero siya ay masama ang tingin kay Arthur na napatikhim para pigilan ang pagtawa. "Asshole!" mahinang bulong niya. At itinuloy na lang ang pagkain.  Inip na inip na siya sa party na iyon! Masakit lang ang pakiramdam ng mommy niya kaya siya ang pinasama nito. "Dad, Ninong, excuse me po." Pasintabi niya nang magring ang cellphone niya. Nang makalayo na sa mga ito ay sinagot na niya iyon. "Hello?" "Girl! We're at Club 69, come and join us!" Dinig na dinig niya ang maingay na background sa kinalalagyan nito. "Nasa party kami ni Dad, eh. Habol na lang siguro ako." "Okay. Habol ka! Let's party 'til we drop!"  Nang patayin niya ang tawag ay sobrang na-excite siya! That was her friend na nakilala niya sa bar. Nung College kasi siya ay libangan na niya ang pagba-bar. Medyo matagal na din kasi since the last time na lumabas siya with them. Nang makabalik siya sa table nila ay wala na si Arthur. Tanging ang daddy at ninong na lang niya ang nandoon. "Dad, until what time tayo dito?" Bulong niya sa daddy niya. "Hindi ko pa alam. Why? Gusto mo na bang mauna?" "Opo, sana. Okay lang po ba?" Nananantyang tanong niya. "Sure. Alam kong bored kana din. Take care, okay?"  "Opo, kayo din po." She kissed her dad at nagpaalam na din siya sa Ninong niya. Nang makarating sa Club 69 ay sobrang dami na ng mga tao. The whole club was Jam-packed! Ang mga iba ay hindi na pinapapasok, mabuti na lang at muli siyang tinawagan ni Candice para magtanong kung nasaan na siya kaya nagpasundo na lang siya sa mga ito sa entrance. "Ano sayo, Girl?" Tanong sa kanya ni Marga na halatang may tama na. Apat silang magkakasama sa mga ganitong gimikan. Si Leslie ay nasa tabi-tabi lang daw at nakikipagharutan sa lalaking nakilala nito. "Margarita na lang." Sagot niya dito.  Nang dumating ang order niya ay agad na ininom niya iyon.  "Tama yan, girl! Para makahabol ka naman!" Sabi ni Candice na muling binigyan siya ng isang basong margarita.  Sumasayaw-sayaw ang mga ito sa saliw ng mga mahaharot na tunog. Nang medyo tamaan na ng espiritu ng alak ay naki-join na rin siya sa mga ito. ARTHUR doesn't play fair. Kung kailangang gamitin niya ang lahat ng connection niya ay gagawin niya.  "Thanks, pare!" pagpapasalamat niya kay Rouie, ang may-ari ng Club 69. Ayaw kasing papasukin ang mga tao niya kaya kinailangan niyang tawagin ito.  Nang makapasok na ang mga tauhan ay sunud-sunod ang pagrereport ng mga ito. Hindi na niya gusto ang mga nangyayari kaya siya na mismo ang pumunta sa bar. Nang makita ang pakay ay mabilis na nilapitan niya ito at hinila mula sa lalaking kasayaw nito. "Hey, ano ba! Bitawan mo nga ako!" Bulyaw nito sa kanya pero wala siyang pakielam, nang magtangkang sumunod sa kanila ang lalaking kasayaw nito ay sinenyasan niya ang mga tauhan.  Sila na ang bahala sa lalaking iyon. Paglabas nila sa bar ay sunud-sunod na pinagmumura at pinaghahampas siya ni Almira. "What the hell is your f*****g problem?" Bulyaw nito sa kanya. "Ikaw? Anong problema mo?! You almost had s*x with that asshole in that f*****g dancefloor! Gawain ba yan ng matinong babae, huh?!" Napabaling sa ibang direksyon ang ulo niya nang malakas na sampalin siya nito. Damn! "How dare you!" Nagtatagis ang mga bagang na muli niyang tinignan ito.  "Ang kapal ng mukha mong pakielaman ang buhay ko! Sino ka ba sa akala mo, ha?!" Tanong nito sa kanya pero imbes na sumagot ay hinila niya ito papasok sa kotse niya. "H-hey, ano ba! Saan mo ako dadalhin? Gago ka talaga! Walanghiya----" Hinalikan niya ito sa mga labi.  "Y-you--" he kissed her again. "H-how d-dare..." and again "B-bast---" and again. "One word, one kiss." Sabi niya dito, natahimik naman ito kaya pinaandar na niya ang sasakyan patungo sa bahay niya. TAHIMIK lang na nakaupo si Almira sa hammock ni Arthur. Dinala siya nito doon para daw makapag-usap sila. Hindi na siya tumutol dahil alam niyang hindi naman siya nito pakikinggan. Kanina, habang nasa daan pa sila ay iniisip na niya ang mga gusto niyang sabihin dito. Gusto niya itong sumbatan, gusto niya itong murahin at saktan pero naisip niya, para saan pa? Eh, siya lang naman ang tangang naniwala sa mga huwad na pangako nito.  Arthur was just fifteen or sixteen years old that time and she was just seven years old!  Tumabi ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.  Napapitlag siya at parang napaso na hinila ang kamay mula sa pagkakahawak nito. Humugot ito nang malalim na hininga. "Ayaw na ulit kitang makikitang may ibang ka-date at nakikipagsayaw sa ibang lalake." Kunot-noong napasulyap siya dito. Sarkastikong tumawa siya. "Wow! Huh! Wow lang! Ang galing mo din eh no? Dinaig mo pa ang tatay ko! Ni hindi nga ako pinipigilan ng tatay kong makipag-date eh!" "I'm serious, Almira! The next time na may makikita akong lalaking kasama mo, I swear I'm gonna kill that bastard, kahit sino pa siya!" "Oh, edi wow!" Tumayo siya at akmang aalis na pero mabilis na napigilan siya nito. "Nangako ka, Almira! Tuparin mo iyon!"  Dahil sa sinabi nito ay sumabog na ang emosyong kanina pa niya pinipigilan. "Art, ikaw ang unang hindi tumupad sa pangako! Anong gusto mo? Habang buhay akong maghintay sa iyo? Ayaw mo akong makipag-date! Ayaw mo akong mag-boyfriend! Anong gusto mong gawin ko? Hintayin na lang kita? Hintayin na lang kitang tubuan ng buto para tuparin mo ang pangako mo?" Umiiyak na bulyaw niya dito. Ang mga luha ay masaganang bumuhos mula sa mga mata. Nanlalabot na rin siya dahil sa sakit na nararamdaman. "Hindi mo kasi naiintindihan---" "Then, make me understand! Hindi ko talaga maiintindihan kung hindi mo ipapaliwanag! Hindi ako matalino, Art kaya kailangan ko ng explanation." "Sabi mo babalikan mo ako..." nanghihinang napaupo siyang muli sa hammock. "N-naghintay ako, A-art ... ang daming taong nagdaan, pero hindi ko pinansin kasi akala ko babalikan mo ako.. tapos malalaman ko na nandito ka lang pala."  Wala na siyang pakielam kahit na magmukha siyang tanga. Nasasaktan siya at kailangan niyang ilabas iyon! "Almira ..."  Umiling-iling siya.  "Sinungaling ka .... Sinungaling ka!" Nang yakapin siya nito ay mas lalong napahagulgol siya. "I'm sorry ... I'm sorry.."  Umiyak lang siya nang umiyak. Ibinuhos niya lahat ng sakit na nararamdaman. PARANG pinipiga ang puso ni Arthur dahil sa sakit na bumalatay sa mga mata ni Almira.  Gusto niyang saktan ang sarili dahil hindi niya kayang magpaliwanag sa ngayon. Hindi pa ito ang tamang panahon. Niyakap na lamang niya ito para kahit papaano ay maibsan ang sakit na naidulot niya dito. Hindi ito nagpumiglas, bagkus ay humawak pa sa laylayan ng damit niya pero mas lalong lumakas ang pag-iyak nito. Matagal din silang nasa ganoong posisyon. Hanggang sa tumigil na ito sa pag-iyak at hindi nagtagal ay naramdaman niyang nakatulog na ito. Inihiga niya ito sa hammock at tinabihan. Ang ulo nito ay ipinatong niya sa balikat niya at mahigpit na niyakap. NAPADILAT si Almira nang maramdaman niyang gumalaw ang kinahihigaan niya. Labis ang kabang naramdaman niya dahil ang akala niya ay may earthquake! At mas lalo pa siyang kinabahan dahil akala niya ay natabunan na siya nang kung ano dahil sa mabigat na nakadagan sa kanya. What the hell?!  "Arthur!" bulyaw niya sa katabi. Pero hindi man lang ito natinag. Madilim ang paligid kaya sigurado siyang gabi na.  Wait? Gabi? Mabilis na hinanap niya ang bag at nang makita iyon ay kinuha niya ang cellphone. "4:20am!" bulalas niya. May isang miscall at dalawang message siya galing kay Kurt. Nagtatakang binuksan naman niya ang mga iyon. Aya's about to give birth. We're at **** Hospital. Bumaba siya sa duyan at inihulog si Arthur. "What the f**k!" Sigaw nito. Ang isang kamay ay nakahawak sa balakang habang ang isa naman ay may hawak na baril. "Hey! Baka maputok mo sakin yan!" Ang kaninang natatawang mukha ay napalitan ng takot. "Why did you do that?" Inis na tanong ni Arthur sa kanya. Itinago na nito ang baril sa beywang. "Eh, ayaw mong magising! Punta tayong hospital, manganganak na si Aya." Iwinagayway niya sa harap nito ang text ni Kurt. "Bakit kailangan kasama pa ako?" Muli itong bumalik sa paghiga sa hammock. "Arthur, ano ba! Tayo na!" Mabilis naman na umupo ito. "Tayo na? Ang bilis naman?" Tanong nito. "Huh?" Laglag ang pangang balik tanong niya. Ano daw? NAIINIS si Arthur dahil nabitin ang tulog niya. Ang ganda na nang posisyon nila, eh! "Arthur! Ano ba! Tayo na!" Nang marinig iyon ay may naisip siya. "Tayo na? Ang bilis naman?" Nakangiting tanong niya kay Almra. Napanganga naman ito sa tanong niya na lalong mas nagpangiti sa kanya. "Anong pinagsasabi mo diyan? Tara na, punta na tayong hospital!" Muling yaya nito sa kanya. Hawak ang kamay na hinila pa siya nito. Napatingin naman siya sa mga kamay nila. "Are we cool?" Tanong niya dito. "Anong are we cool?! hatid mo ako sa hospital, gago!" binitawan siya nito at nagmartsa paalis.  "Pakipot ka pa!" Natatawang habol niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD