CHAPTER 5

1882 Words
INIS na inis si Almira dahil kanina pa siya inaasar ni Arthur. Nasa boutique kasi siya para sa fitting ng gown for Kurt and Aya's wedding. At kung minamalas nga naman ay ito pa ang nakasabay niya!  "Kumain kana?" Tanong nito. Kunwari ay wala siyang narinig at ipinagpatuloy lang ang pagbabasa ng magazine.  "Hey, I'm talking to you" Nasa tabi na niya ito. Pero hindi parin niya pinapansin.  "Almira, Yuhooo. Hey." Pabagsak na ibinaba niya ang magazine at sinamaan ito ng tingin.  "Alright. I'm sorry. Magbasa kana." Natatawang sabi nito. Dala ang magazine, tumayo siya at lumipat ng upuan.  Pero ilang minuto pa lang siyang malayo dito ay sumunod na ito sa kanya.  "Ayaw mo talagang kumain?" Tanong ulit nito. Naiinis na talaga siya dito at kung hindi lang nakakahiya sa mga tao sa boutique na iyon ay sisigawan na niya ito.  "Bahala ka, may Ferrero ako dito." Pagkarinig na pagkarinig niya sa favorite chocolates niya ay naglaway ang bagang niya. s**t! Gago to, ah!  "Ayaw mo talaga?" s**t! Wag kang lumingon, Almira. Iniinis ka lang niyan. Wala siyang Ferrero.  "Bahala ka, uubusin ko na 'to." Sabi nito and damn! Naririnig niya ang pagtunog ng wrapper.  At nang hindi siya makatiis ay nilingon na niya ito, and f**k! He's really eating Ferrero! :'(  Nang makita siyang lumingon ay ngumiti ito at muli siyang inalok.  "Gusto mo?" Inilahad pa nito sa kanya ang malaking lalagyan ng Ferrero. Tinignan niya lang iyon at kunwari ay walang pakielam pero deep inside, damn! Naglalaway na talaga siya. That's her favorite!  Bibili ako mamaya ng isang box ng ganyan, letse ka!  "Tsk. Ang taas ng pride mo." Nilagay nito sa harapan niya ang box ng Ferrero, at walang sabi-sabing lumabas ng boutique.  Sinundan niya ito ng tingin pero dire-diretso na itong sumakay sa kotse nito.  PINALAMPAS lang ni Arthur ang limang minuto bago nag U-turn pabalik sa boutique. Muli niyang ipinark ang kotse ngunit sa medyo may kalayuan na.  Bahagya niyang ibinaba ang salamin ng kotse para makita ang loob ng boutique  Napangiti siya nang makitang kinakain na ni Almira ang mga chocolates na ibinigay niya.  "Tsk. Pakipot pa kasi, kakainin din naman."  Sinadya niya na makasabay ito sa pagpunta sa boutique dahil alam niyang hindi makakarating ngayon ang mga ibang kasama sa entourage.  Nang masatisfy na sa panonood dito ay nagpasya na siyang umalis.  May mga plano pa siya sa mga susunod na araw.  NAIINIS na bumangon si Almira dahil sa malakas na ring ng telepono niya.  "Yes?" Sagot niya.  "Ma'am, may delivery po for you. Papapanhikin ko na po ba?" Lalo namang kumunot ang noo niya.  "What? Wala naman akong ipina-deliver, ah?" Nagtatakang-tanong niya. Tuluyan nang nagising ang diwa.  "Ahm, flowers po, ma'am." Sagot naman ng receptionist.  "What? Okay. Papuntahin mo na lang dito."  "Okay, Ma'am. Thank you po."  Nang ibaba niya ang telepono ay tumayo na siya para mag-ayos.  Kanino naman kaya galing yon?  Ilang sandali lang ay tumunog ang doorbell. Sumilip muna siya sa peephole bago binuksan iyon.  "Yes?" Tanong niya sa delivery man nang pagbuksan niya ito ng pinto.  "Good morning, Ma'am. Delivery po for Ms. Almira Jacinto." Anang delivery man.  "Ako yon. Kanino galing?" Nagtatakang tanong niya dito.  "Tignan niyo na lang po sa letter. Pakipirma na lang po." May pinapirma ito sa kanya at nang iabot na nito sa kanya ang mga bulaklak ay nalaglag ang panga niya.  Wow!  "I'll go ahead, Ma'am. Have a nice day!"  Nang umalis na ang delivery man ay nahihirapang ipinasok niya iyon sa loob at inilagay sa sahig para kunin ang sobre.  Binasa niya ang nakasulat pero hindi nagpakilala ang sender.  So she decided to take a photo of the huge bouquet para i-post sa i********: at doon na lang pasalamatan ang sender.  ______________________________________   AlmiraJacinto: Someone sent me these beautiful pink roses. To whoever you are, thank you for waking me up with these flowers. Thank you for making me feel special and loved. ツツ What a great and blessed morning!  Written on the card is this:  "Pretty Almira,  I hope these flowers will bring smile to your beautiful face. Please know that someone out there is living and smiling because you exist. Have a nice day! ツツ  - Your Handsome Secret Admirer ♥♡  ------------------  BUONG araw na masaya si Almira na kahit ang mga kasama niya sa trabaho ay napapansin ang kakaibang sigla niya. Kapag tinatanong siya ng mga ito ay nagkikibit-balikat lang siya.  Nang matapos ang trabaho ay napagdesisyunan niyang magshopping.  Pumasok siya sa isang stall ng mga teddy bears. Maghahanap siya ng ibibigay para sa mga kambal. Malapit na kasing magseven months ang mga ito.  Pero nang matapos niyang magbayad sa cashier, may iniabot itong cute emoji pillow. For free daw iyon. Kahit nagtataka ay tinanggap na lang niya iyon.  Wow! It's her day!  At habang naglalakad naman siya ay may isang cute na bata ang nag-abot sa kaniya ng rose.  "Thank you." ngumiti lang ang bata at patakbong bumalik na ito sa mommy nito.  "This day is getting weirder and weirder." Bulong niya sa sarili at inilagay sa bag ang rose.  Nang mapagod na sa kakalakad ay napagdesisyunan na niyang umuwi, pero nung nasa sasakyan na ay tumawag si Aya. Pinapapunta siya sa bahay ng mga ito.  -  ARTHUR's  with the gang. Nagyaya kasi si Zeke ng inuman, but Kurt, being a family guy, doesn't want to go clubbing kaya sa bahay na lang nito sila mag-iinuman.  "Ano bang problema mo, bro?" Tanong niya kay Zeke.  "What? Nagyaya lang na uminom may problema na agad?" Inis na sagot nito sa kanya.  "Ang corny mo, 'tol. Nagtatanong lang, eh. Siguro may nabuntis ka no?" Pang-aasar pa niya dito.  "What? Sinong nakabuntis?" Sabay -sabay pa silang napatingin sa nagtanong.  "Hey, Sweetheart." Bati ni Kurt sa asawa nito. "Almira." kasunod ni Aya si Almira.  "Hi, guys, mukhang nagkakasayahan kayo dito, ah?" Si Almira. Isa-isa nitong nginitian ang mga kasama niya.  Alam niyang iirapan siya nito kaya ni-ready na niya ang sarili niya. But to his surprise. Nagsmile din ito sa kanya!  Tinanguan na lang niya ito.  "Join us." Yaya ni Luis sa dalawa.  "Nah, may pag-uusapan kami ni Aya." Tanggi ni Almira.  "Uyyy, may suitor ka ata?" Tanong naman ni Kurt kay Almira. Nakatingin ito sa bulaklak na nasa bag ni Almira. Kita kasi ang ulo niyon.  "Ah, someone gave it to me." Nakangiting paliwanag ni Almira.  "Naks! Kaya pala iba ang aura natin ngayon, ah?" Pansin ni Zeke dito.  Yes, iba nga ang aura nito simula kaninang pagdating nito. And what the hell? Nginitian siya nito!  "Really? Baka naman binili mo lang yan, huh?" Sabad naman niya. He expected na mumurahin o babarahin siya nito, but Almira just shrugged her shoulder!  "Okay, bago pa magka-asaran.." Si Aya. "Sweetheart, saan ko kasi nailagay yung invitation ni Almira from Lawrence?" Tanong ni Aya kay Kurt.  Napakunot-noo naman siya. Lawrence? As in Lawrence Anderson?  "Nasa Office ko ata, sweetheart. Check mo na lang."  "Okay, maiwan na namin kayo dito." paalam ni Aya at pumasok na ang mga ito sa kabahayan.  "Who's Lawrence, bro?" Tanong ni Zeke. Thank God! Piping usal niya. He wanted to ask Kurt, too. Buti na lang at likas na madaldal at tsismoso si Zeke.  "My cousin. I think, he's interested with Almira."  "Ahhh." Si Zeke.  What the hell? Over my dead body.  Nag-excuse siya sandali sa mga ito para tawagan ang mga tauhan niya.  "Boss?"  "What the hell? I told you, no asshole near her! Bakit may nagbigay sa kanya ng bulaklak?" Mahina ngunit may diin na tanong niya sa tauhan.  "Ah, b-boss. Kasi po, bata lang po ang nagbigay sa kanya non." Sagot nito.  "What do you mean by that?"  "Six years old lang po ata yung bata, boss. At mukhang nagandahan lang talaga kanya."  "Are you sure?"  "Yes, boss. Clear po ang bata."  "Okay. Oh, by the way, do everything para hindi makalapit sa kanya si Lawrence Anderson."  "Copy boss!"  Bago bumalik sa mga kaibigan ay may ginawa muna siya sa garahe.  Nagpaalam na si Kurt na mauuna nang magpahinga. Pero hindi siya naniniwalang magpapahinga ito. Sigurado siyang lalandiin lang nito ang asawa. Si Zeke ay halos yumukyok na sa lamesa sa sobrang kalasingan habang si Luis ay pinapagalitan na ng bodyguard nito.  "Uwi mo na yan, baka kung saan pa mapunta yan." Sabi niya kay Joey na nasa itsura ang pagkainis kay Luis.  "Oh, anyare sa mga ito?" Si Aya, kasama si Almira.  "Ewan ko sa mga hinayupak na yan. Pwede bang dito na lang matulog si Zeke?" Tanong niya kay Aya, sigurado kasi siyang hindi na makakauwi ang kaibigan.  "Oo naman. Pati kayo, Joey. Dito na lang kayo matulog. Ikaw Art?" Tanong ni Aya sa kanya.  "No, I can manage."  "Are you sure?" tumango siya dito.  "Argh! Aya kung hindi mo lang kuya ito, kanina ko pa nabaril!" Inis na bulalas ni Joey. Tinutulungan kasi nitong tumayo si Luis.  Tinulungan na niya ito pagkatapos ay si Zeke ang inilagay niya sa guest room.  "I'll go ahead" paalam niya kay Aya. Kasabay niya si Almira na ngayon lang din uuwi.  "Ingat ka. Ingat ka din, best!"  "Ayaw mo pang sumabay sakin?" Tanong niya kay Almira.  "No, thanks. I have my car." Sagot nito. Nagkibit-balikat lang siya at nauna nang maglakad patungo sa garahe.  —  "Oh, s**t!" Napamura na lang si Almira nang makitang flat ang dalawang gulong ng kotse niya.  "Paano ako makakauwi nito?" Mahinang bulong niya.  "Problem?" Nagulat pa siya nang bumukas ang salamin ng kotseng katabi ng kotse niya at dumungaw si Arthur.  Huminga siya nang malalim.  Almira, you started your day right. Huwag mong hayaang sirain niya.  "Ahm, flat ang dalawang gulong ko. Isa lang ang spare tire ko." Sagot niya dito. Napatingin naman ito sa mga gulong niya at umiling-iling.  "Wala pa namang dumadaang taxi dito. Sabay kana lang sakin?" Patanong na yaya nito.  Napaisip siya. Gusto niyang tumanggi pero para saan pa?  "Okay lang?" Nakangiwing tanong niya.  "Of course! Hop in."  Nahihiyang sumakay siya sa kotse nito.  "Where to?" Tanong ni Art.  "Hanggang sa may labasan lang. Magtataxi na lang ako."  "Non-sense. Hatid na kita sa mismong condo mo."  Nahihiya man ay sinabi na niya dito kung saan siya nakatira.  Thank God at hindi siya inaasar nito.  —  Nang makarating sina Arthur sa condo ni Almira ay nagpilit siyang ihatid niya ito hanggang sa unit nito.  Noong una ay ayaw pa ni Almira at nakikita niyang nag-uumpisa na itong mainis sa kanya.  Kaya laking gulat niya nang pumayag ito at nginitian pa siya.  Shit! Ano bang plano ng babaeng ito?!  Pagdating nila sa unit nito ay may isang malaking teddy bear.  "Kanino na naman kaya galing ito?" dinig niyang tanong nito.  "May suitor ka?" kunwaring tanong niya dito.  Nagkibit balikat lang ito.  "Thanks sa paghatid." Si Almira.  Hinapit niya ito. "Ako lang ang first and last boyfriend mo." Sabi niya dito.  "What? Are you cra--" hinalikan niya ito sa mga labi. Nang unti-unti itong tumugon ay mabilis ang kamay na may kinuha siya sa bag nito.  Nang maghiwalay ang mga labi nila ay masama ang tingin nito sa kanya.  Hindi na niya hinayaang makapagsalita pa ito.  "Good night, future wife!" Nakangiting paalam niya dito at tumalikod na.  Habang naglalakad, pinagpupunit niya ang invitation na kinuha niya sa bag nito at nang may madaanang basurahan ay itinapon iyon.  "In your dreams, Anderson!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD