CHAPTER 2

1303 Words
SIMULA nang gabing malaman ni Almira na si Art ang lalaking nangako ng kasal sa kanya noon ay hindi pa ulit sila nagkikita. Oh, well. Mas okay sa kanya iyon dahil baka kung ano pa ang masabi niya dito kapag nagkrus muli ang mga landas nila. Imagine, nasa tabi-tabi lang pala ang hinihintay niya?  Tang'ina! Sarap ihampas sa pader! She's browsing on her social media accounts when she decided to post a status on f*******:. ------------------ Almira D. Jacinto Twelve years akong naghintay sa wala. Hahahaha. Edi wow! #hintaypamore ------------------ Almira D. Jacinto Pupunta daw sa malayo, t*ng*na! Gaano kalayo ang Metro Manila sa mismong Metro Manila? Teka, ano daw? Ay, ewan! #mamataynasanayou #Sinungaling  ------------------ Almira D. Jacinto At dahil wala naman pala akong hinihintay, aba syempre, makikipagdate na ako! So, sino kaya ang una? Hmmm. #MovingOn #LifeGoesOn ------------------ Nang medyo masastisfied na sa mga pinagpo-post, ay tinawagan niya ang daddy niya. "Dad!" Masayang bati niya nang sagutin nito ang tawag niya. "Hey, Sweetie. May kailangan ka?" "Hm. Yes, Dad. 'Diba may gusto kang ipadate sakin?" Umpisa niya, hinintay niya itong sumagot ngunit biglang natahimik sa kabilang linya. "Hello? Dad? Hello?" Narinig niyang tumikhim ito. "Y-Yes, I'm still here. Ano ulit yon?" "Yun pong mga gusto mong i-date ko. Available pa ba sila?"  Muli naman itong tumikhim. What's wrong with her dad? "A-ahm. O-oo naman." "Great! Set me up ulit, Dad! Promise, hindi na po ako tatakas." Masayang sabi niya. Ilang beses na kasi siya nitong isi-net ng date pero hindi siya sumisipot. "A-ah, o---kay." "Bye, Dad! Love you!" At pinatay na niya ang telepono. Paghahandaan niya ang date na iyon! Oplan: Moving on. Here you gooooo! ARTHUR was sorting out some files when his phone rang, indicating that his "woman" posted something. "f**k!" Mura niya nang mabasa ang huling post nito.  Nagmamadaling tinawagan niya ang mga tauhan.  "Boss." "No asshole near her. Takutin niyo agad."  "Copy, boss." Nang patayin niya ang tawag ay tumunog naman ang isang cellphone niya. "Tito .." he acknowledged. "We have a problem, Art!" Frustrated na sabi nito sa kabilang linya. Napabuntong-hininga naman siya. He knows what his "Tito" was talking about. "Let her." He said half-hearted. "Are you sure?" Tanong pa nito. "Wala na tayong magagawa. Nandito na, eh." Sagot niya. But no, meron pa siyang magagawa. But he will do it with his own. Hindi na niya ito idadamay pa. "Okay. But you know, it's always you I'm rooting for, right?" Bahagya siyang napangiti. Isa iyon sa mga pinanghahawakan niya. "Yes, tito."  "Good. Bye." Pinatay na nito ang tawag. Siya naman ay nag-isip ng susunod na plano. ALMIRA is all set for her date tonight! She's wearing a black fitted dress na hanggang sa gitna ng mga legs niya ang haba and a pair of red stilettos. Kinulot niya ang dulo ng buhok at hinayaan iyong nakalugay.  Nang matapos mag-ayos ay umalis na siya. Ang gusto ng ka-date niya ay sunduin na lang siya nito, but she declined.  Makikipagdate siya sa classmate nila ni Aya noong college, Si Joseph Altamirano. Nakita daw kasi nito ang post niya sa f*******: kaya nagkalakas-loob itong i-message siya at ayaing magdate. Hindi pa kasi tumatawag ang Daddy niya para sa mga ka-date niya. Siguro ay wala pa itong makita o masyado itong maraming trabaho. Nang makarating sa restaurant na napagusapan nila ni Joseph ay wala pa ito kaya naghintay na lang siya.  Inilabas niya ang cellphone at nagfacebook na lang. ARTHUR was patiently waiting inside his car. Nakapark ang sasakyan niya hindi kalayuan sa isang not-so-famous restaurant. Nang makita ang kotse ng isang tauhan ay tinawagan niya ito.  "What's up?" He asked. "She's on her way, boss. Si Santos ang nakasunod sa kanya." "Good. Mauna kana sa loob, iwanan mo na si Dela Cruz sa labas. Check if the asshole is there." "Copy, boss."  He surveyed the whole place at napaismid. "Hindi man lang naghanap ng magandang lugar. Tsk!"  Ilang sandali lang at muling lumabas mula sa restaurant ang tauhan niya. Siguro ay wala pa ang lalaki. Napaayos pa siya ng upo nang may pasimpleng hinarangan ang mga tauhan niya. Nang ipasok ng mga ito sa sasakyan ang pobreng lalaki ay saktong tumunog ang cellphone niya. "Santos." He acknowledged.  "Malapit na kami, boss." "Good. Hawak na nila ang lalaki." "Sige po." Nang matapos makipag-usap ay napangisi siya. Everything is falling into place. Maaasahan talaga ang mga tauhan niya. ALMIRA'S pissed off! Her date was already ten minutes late! Nagsawa na siya sa pagse-surf at paglalaro ng color switch ay wala pa ito! "Five more minutes." Mahinang usal niya at nagpalinga-linga.  She started to count the seconds then minutes. Tatlong minuto pa ang lumipas nang bumukas ang pintuan ng restaurant. "Oh, thank, goodness!" Nausal niya nang makitang nagmamadaling lumapit sa kanya si Joseph. "Almira!" Hinihingal na tawag nito sa kanya. Putlang-putla ito, magulo ang buhok at lukot ang polo. Iww. Bahagya pa siyang napangiwi. Major turn off. "You're .." tumingin siya sa orasan na suot. "Fourteen minutes late."  "Y-yes. S-something c-came up. I mean, I'm sorry but I have to go." Nagmamadaling sabi nito. Ni hindi pa nga ito umuupo. "What?!" Medyo mataas na boses na tanong niya. Not minding the people around them. "S-Sorry. B-bye." And with that, patakbo itong lumabas. "What the f**k?!" Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. She composed herself at bumuntong hininga. Naglabas siya ng bill at inipit iyon sa menu.  Nang tatayo na sana siya ay may nagsalita sa tabi niya. "What a dickdead for ditching up such beautiful lady like you."  Gulat na napalingon siya sa nagsalita.  "What are you doing here?" Inis na tanong niya. Kanina ay nasa level 70 pa lang ang inis niya ngayon ay nasa level 99 na at konting-konti na lang ay sasabog na siya. "Saving you from shame?" Sagot nito. "Excuse me?" umupo ito sa tapat niya at bahagyang dumukwang palapit sa kanya. "You don't want to be a laughing stock, right?" tanong nito at pasimpleng lumingon sa paligid. Ginaya niya ang ginawa nito. And he's f*****g right! Nakatingin ang mga tao sa kanya. Some are laughing while some are pitying her. "No way!" Sagot niya. Hindi siya nagpaganda para lang pagtawanan! "What should I do, Art?" Tanong niya dito. "Just sit down and relax." Nakangiting sagot nito at tinawag ang waiter. "What are you doing?" Nagtatakang tanong niya. "I don't like this place but we have to eat. Anong gusto mo, umupo na lang tayo dito?" Sasagot na sana siya pero nakalapit na ang waiter kaya bumuntong-hininga na lang siya. Nang matapos itong umorder ay tumingin ito sa kanya pero inismiran niya lang ito. Muli niyang inilabas ang cellphone at naglaro. "You kno---" "Don't! Don't talk, please? Ayaw kitang kausap." Putol niya sa sasabihin sana nito. Yes, he saved her pero hindi ibig sabihin ay okay na sila. Na nakalimutan na niya ang ginawa nito sa kanya. Bumuntong hininga na lang si Arthur. Hanggang sa dumating ang inorder nito ay walang nagsalita sa kanila. Tahimik lang silang kumain hanggang sa matapos sila. Pinunasan lang niya ang bibig at walang sabi-sabing umalis. Pagpasok niya sa kotse ay sunud-sunod na pumatak ang mga luha niya. She's hurting! Akala niya ay okay na siya! Hindi pa pala. Dahil kanina habang kumakain sila ay muling bumalik sa isip niya ang mga pagkakataong sinayang niya dahil umasa siya sa pangako nito. ARTHUR was stunned nang walang sabi-sabing umalis si Almira. Hindi makapaniwalang sinundan na lang niya ito ng tingin. Nang mahimasmasan ay tumayo na din siya at nag-iwan na lang ng pera sa lamesa. Paglabas niya ay wala na ang kotse nito. Tinawagan na lang niya ang mga tauhan. "Boss, nasa park po. Umiiyak."  Napabuntong-hininga siya. "Wag niyo siyang lulubayan." Bilin na lang niya sa mga tauhan. "Yes, boss." Nang matapos ang tawag ay pinaharurot na niya ang sasakyan palayo.  Bahala na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD