CHAPTER 1

1445 Words
NAGMAMADALING pinaandar ni Arthur ang kotse nang tumawag ang isa sa mga tauhan. Someone's chasing Almira, ang babaeng pinapabantay niya sa mga ito.  Habang nasa daan ay labis ang kabang nararamdaman niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ng mga tauhan, they were the best men in his team. Pero hindi mawaglit-waglit ang takot na nararamdaman niya.  Nagring ang cellphone niya at mabilis naman niyang sinagot.  "Yes, hello?"  "Bro! God, help me! My wife is in danger!" It was Kurt.  Kahit alam na niya ang nangyari ay tinanong parin niya ito. Ayaw niyang may makaalam na pinapabantayan niya ang babaeng iyon. Not now.  Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay kasalukuyang inilalabas na ang dalawang babae sa sasakyan.  Halos manlumo siya sa nakita. Kung susuriin ang pagkayupi ng harapan ng kotse, nasisiguro niya na himala na lang ang makaligtas ang sakay niyon.  "Sir!" Lumingon siya sa dalawang tauhan na hawak ang isang matangkad na lalaki. Nakayuko ito kaya hindi niya masyadong makilala.  "Siya ba?" Tanong niya sa dalawa.  "Yes, Sir."  "Bring him to the HQ. Ako na ang hahatol sa kanya." Tumango lang ang dalawa at umalis na. Wala pa ang mga pulis kaya malaya nilang nagawa iyon.  Napatingin siya sa isa sa mga walang malay na babae. Wala itong sugat sa ulo pero mukhang naipit ang mga binti nito.  Shit! He could kill that bastard!  Pasalamat ang lalaking 'yon at ganoon lang ang natamong pinsala ng babae. Dahil kung magkataon, sisiguraduhin niyang malulusaw ang lahat ng buto sa katawan nito.  Halos sabay lang ang pagdating ni Kurt at ng mga pulis. Nang mapasok na ang dalawang babae sa ambulansiya, nagkatinginan sila ni Kurt.  Nakakaintinding tinanguan niya lang ito.  Nang umalis na ang mga ito ay nagpakilala siya sa mga pulis na nag-iimbestiga. Kinikilala parin siya ng kapulisan sa bansa.  Nang makuha ang mga ebidensiya ay tinawagan niya si Agent Jacinto. Ipinaalam niya dito ang nangyari. Silang dalawa ang kikilos dahil kapag hinayaan nila ang mga pulis ay matatagalan bago gumulong ang kaso.  Sumaglit muna si Arthur sa hospital para malaman ang kalagayan ng dalawang pasyente. At para matanong na rin si Aya- asawa ng kaibigan niya-dahil napag-alaman niyang ito talaga ang habol ng suspect.  Nang matapos na niya ang dapat gawin sa hospital, binalikan niya ang lalaking may pakana ng aksidente.  Lintik lang ang walang ganti!  -  ALMIRA is with her bestfriend Aya and Joey-Aya's bodyguard. They're on their way to Kurt's office. Niyaya niya kasi ito na kumain sa labas, but her bestfriend insisted na magpaalam muna sila sa asawa nito.  Pagdating nila sa opisina ni Kurt, nadatnan nila ito na may kasamang tatlong lalaki. Pinakilala naman siya ni Aya sa mga kaibigan ng asawa nito.  "Guys, bestfriend ko, Almira Jacinto nakilala niyo na siya sa hospital diba?" Tumango ang isang lalaki na mestizo, nakita na niya iyon dati sa hospital, if she's not mistaken, he's Zeke. Ang isang lalaki naman na medyo kayumanggi ang kulay ay nag-iwas lang ng tingin.  Napatingin siya nang matagal dito. He was somewhat familiar to her. Siguro nga ay nakita or nakilala na niya ito before.  "Best, si Zeke and Art, kaibigan ni Kurt." Pagpapakilala ni Aya sa mga ito. Ang panga niya ay unti-unting nalaglag.  No! That can't be! Ang Art na kilala niya ay nasa ibang bansa! Siguro ay magkapangalan lang.  Pinakititigan pa niya ang lalaking nagngangalang Art. Pinipilit niyang aninagin dito ang binatilyong nakilala niya noon.  Naririnig niyang may ipinakikilala pa si Aya sa kanya but her focus was on Art. Iisa nga lang ba sila?  No! Edi sana kilala ka niya?  "Best?" Tawag sa kanya ni Aya ngunit tila wala siyang naririnig. Hindi maalis ang tingin niya sa lalaki.  "Best!" Nagulat pa nang ini-snap ni Aya ang daliri sa harapan ng mukha niya.  "S-sorry. I-I just thought I know h-him. Hm. Let's go na?" Yaya niya kay Aya. The guy really looks familiar to her! Pero hindi niya alam kung saan niya ito nakita and what the hell! Kapangalan pa ng lalaking hinihintay niya!  Parang may kung anong kumirot sa puso niya nang maalala ang pangakong iyon ng binatilyo.  Haaays! Almira, Move on!  -  KATATAPOS lang ng marriage proposal ni Kurt kay Aya. Masayang nakatunghay ang mga kaibigan ni Arthur sa mga ito. Aya said yes to Kurt. He's happy for Kurt but his eyes were focused on one of the girls. Masaya din itong nakatunghay sa dalawa. She was dreamily smiling at the two.  One day .... One day ..  MASAYANG nag-iinuman sila sa labas ng bagong bahay nila Kurt. Victory party for the success of Kurt's proposal. Everyone was having fun. Nagkukwentuhan at nag-aasaran sila hanggang sa mapunta sila sa susunod na ikakasal.  Halos lahat ay ayaw munang ikasal, pero ang ikinagulat niya ay ang sagot ni Almira.  "Malay natin." Sagot ni Almira na may ngiti sa mga labi.  "Naks! Nagpakita na ba yung nangako sayong pakakasalan ka?" Tukso ni Aya dito. Muntikan pa niyang mabuga ang alak na iniinom.  Almira looked at him before answering.  "Hindi, ah. Hindi na magpapakita sakin yon, and besides matagal ko na siyang kinalimutan. Wala naman siyang isang salita, eh. Tsaka nakakahiya naman kung ako pa ang magpapaalala sa pangako niya, diba, Colonel Arthur Acosta?"  May diin sa boses ni Almira habang nakatingin kanya. Hindi siya umimik pero tinignan niya rin ito sa mga mata.  "I'm dating someone." Kapagkuwan ay sabi nito, bumalik na ang sigla sa boses nito.  Nagtagis ang bagang niya.  Hindi niya alam kung nagbibiro lang ito o seryoso. Pero 'tangina! Wala ata siyang nababalitan na may idine-date ito?! Anong ginagawa ng mga tauhan niya?!  NANG matapos silang mag-inuman ay kanya-kanya na sila ng punta sa mga guestroom na nakalaan sa kanila. Kurt and Aya's house was too big. Kahit siguro mag-anak ng dalawampu ang mag-asawa ay magkakasya ang mga ito!  Naiinggit tuloy si Almira sa bestfriend niya. Kailan kaya niya makikita ang forever niya?  Nang makaramdam siya ng uhaw ay bumaba siya at tumungo sa kusina. Nagulat pa siya nang makita doon si Art.  That man! Hindi pa niya nakakalimutan ang katarayan nito sa kanya. Nung minsan ay tinanong niya ito kung ito ba si Art na nakilala niya noon. Aba't ang lolo niyo ay tinarayan siya! Hindi daw ito ang Art na kilala niya.  Edi hindi! Putchero siya! Nagtatanong lang, eh!  Dire-diretso siya sa refrigerator at hindi ito pinansin. Nang makakuha ng tubig ay akma na siyang aalis nang hawakan nito ang braso niya.  Sa gulat ay napasinghap siya. Parang nakuryente pa siya! s**t!  "What?!" Inis na tanong niya dito.  "Who are you dating?!" Tanong nito. Wait? Tama ba ang narinig niya? Is he asking her kung sino ang dine-date niya? Aba! Aba! May pagkatsismoso din pala ang isang 'to.  "Excuse me?" tiitigan niya ang kamay nitong nakahawak parin sa braso niya. Dahan-dahan namang binitawan siya nito. Muli siyang tumingin sa mukha nito na agad din naman niyang pinagsisihan.  Shit! Ang gwapo!  "Bakit mo tinatanong?" nakataas ang kilay na tanong niya.  "Don't answer me with another question!"  "Aba, Kuya! Wag mo akong sigawan at hindi ako bingi! Pakielam mo ba, ha? Hello, we're not friends po kaya. Tinarayan mo pa nga ako nung isang araw, remember?" Pagpapaalala niya dito. Nung siya ang nagtanong ay tinarayan siya nito. Siyempre, gaganti siya!  Humugot ito nang malalim. Alam niyang may sasabihin pa ito kaya tumalikod na siya. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay napahinto na siya.  "You promised me. You promised me na hindi ka magbo-boyfriend."  Dahan-dahan siyang lumingon dito. Her heart constricted with so much pain dahil sa narinig dito. That voice! That freaking voice! Nagmatured lang at naging mas masculine but it is very very familiar to her. Hindi siya pwedeng magkamali. s**t! Bakit ngayon lang niya napansin iyon?!  "A-akala k-ko..." Sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya. "Akala ko ba hindi ikaw yon?"  Hindi ito sumagot kaya lumapit na siya dito.  "Ano? Akala ko ba hindi ikaw yon?!" Bulyaw niya kay Art pero hindi ito natinag.  "Sinungaling ka talaga! Sinungaling!" Tumakbo siya papunta sa kwartong nakalaan sa kanya. Kinuha niya ang wallet na naglalaman ng sulat ni Art sa kanya noong Seventh Birthday niya.  Hi, Pretty little Almira.  Happy, Happy Birthday to you, my future wife! Please don't forget our promise, okay? Kapag big girl ka na at may work na ako, magpapakasal tayo just like our parents. But for now, kailangan ko munang pumunta sa malayo para mag-aral, para kapag nagkita tayo ulit, pakakasalan na kita. Okay ba 'yon? Basta promise mo na ako lang dapat ang first and last boyfriend mo, okay? 'Til we meet again, little girl!  Love,  Art, Your future husband.  Umiiyak na pinagpupunit niya ang sulat na iyon.  "Ang tanga-tanga mo, Almira! Ang tanga-tanga mo!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD