EPISODE 6

4998 Words
“Mabuti naman at naisipan mo akong dalawin dito,” natutuwang saad ni Christine kay Divina pagkabalik nito sa living room kung saan naroon ang kaibigan. Galing siya ng kusina at kumuha ng makakain ng kanyang bisita. “Akala ko nakalimutan mo na ako,” nangingiting wika pa niya pagkalapag sa lamesa ng dala niyang tray na naglalaman ng mga pagkain at inumin. Matapos mailapag iyon ay naupo siya sa sofa na kinauupuan rin ng kaibigan. Masayang ningitian naman ni Divina ang kaibigan. “Siyempre naman! Bes kaya kita. Na-miss kita ng sobra, alam mo ba iyon?” naglalambing na wika pa niya. Si Divina Ramos, matalik na kaibigan ni Christine simula high school days pa. Nakangiti naman si Christine. “So, kumusta ka naman?” tanong niya sa kaibigan. “Uhm… ito at busy sa trabaho kaya kahit na malapit lang ang bahay ko dito, hindi naman kita mapuntahan kasi nga sobra kong busy sa trabaho. Pagod na pag-uwi ng bahay,” reklamo ni Divina. “Huwag mong pagurin ang sarili mo masyado dahil baka naman magkasakit ka niyan,” paalala ni Christine. “Ayyy! Salamat bes sa pag-aalala,” maarteng wika ni Divina. Na-appreciate niya ang pag-aalala ng kaibigan sa kanya. Napangiti lamang muli si Christine. “Ang lovelife mo naman?” pagtatanong pa niya. “Siguro naman may maganda ka ng balita tungkol diyan,” nangingiting sabi pa niya. Tumawa si Divina. “Lovelife? Nah!” saad ni Divina. “Alam mo naman na hindi ko muna ‘yan priority sa ngayon. Kailangan ko munang buhayin ang pamilya ko bago ako magkaroon ng lovelife,” dugtong pa ni Divina. Govenment employee si Divina. Nagtratrabaho sa treasurer’s office ng lungsod. Although may taglay naman siyang kagandahan, bihira naman itong makatagpo ng lalaking mamahalin. Marami namang nanliligaw sa kanya ngunit kahit na maraming ngang nanliligaw sa kanya, still, hindi niya mahanap sa mga ito ang tipo niya pagdating sa mga lalaki. Siguro nga at wala talaga sa isipan niya ngayon ang magkaroon ng lovelife at isa pa, mapili rin siya kaya bokya ang lovelife niya. “Hay! Tandaan mo, hindi ka na bumabata. Baka maging matandang dalaga ka diyan kapag hindi ka pa naghanap ng lalaking mamahalin mo,” nangingiting biro ni Christine. “Bes, hindi ko pa naman hinahanap ang pag-ibig. Pero kung kusang dumating, edi bongga!” Ngumiti si Divina. “Saka wala namang kaso sa akin kung maging dalaga ako for life,” sabi pa niya. Tumango-tango si Christine saka ngumiti. “Okay, sabi mo, eh.” “Eh, ikaw? Kumsta naman kayo ni Matthew? Okay lang ba?” tanong naman ni Divina. “Okay na okay kami,” nangingiting sagot ni Christine. “Bakit mo naman natanong ‘yan?” magkasalubong ang kilay ni Christine na nakatingin sa kaibigan. “Wala lang.” Umiling-iling si Divina. “Hindi ka man lang ba binibigyan ng problema ni Matthew. You know… wife’s problems with their husband,” sabi pa niya. Lalo namang kumunot ang noo ni Christine. “Ano bang ibig mong sabihin diyan?” pagtatanong ulit niya. “Ang ibig ko lang sabihin, hindi mo lang ba nababalitaan na may babae o kinakalantari ang asawa mo?” tanong ni Divina na ikinagulat ni Christine. “Divina naman... bakit mo naman naisip na gagawin iyon ni Matthew? Kilala mo naman si Matthew. Napakabait ng asawa kong iyon at hindi niya magagawang tumingin at tumikhim ng ibang babae. Ako lang ang mahal niya at wala ng iba. Ramdam ko dahil asawa niya ako,” litanya ni Christine saka ngumiti. Tumango-tango si Divina. “I know na mabait si Matthew, pero hindi porket mabait, hindi matutukso sa iba iyon. Pwera na lang kung santo siya. ‘Yun! Hindi talaga natutukso iyon sa kasalanan.” Pagak na tumawa si Christine. “Ikaw talaga, bes… kung ano-anong sinasabi mo diyan,” wika niya. “‘Yan ba ang epekto ng zero lovelife?” natatawang biro pa ni Christine. Alam naman kasi ni Christine na hindi magagawa ni Matthew ang sinasabi ni Divina. Malaki ang tiwala niya sa asawa na simula pagkabata, kilala na niya bilang mabait at marespeto pagdating sa mga babae kaya para sa kanya, imposible na magkaroon ng ibang babae ang asawa niya. “Hoy bes! Hindi porket wala akong boyfriend ay iniisip mo na siguro na may pagka-bitter ako,” pagtatanggol ni Divina sa sarili niya. “FYI lang, sinasabi ko lang naman sayo ang mga ito para maging handa ka sa mga posibleng mangyari. Alam mo naman siguro na gwapo ang asawa mo, ‘di ba? At sa tingin ko, kahit na may asawa na siya, marami pa ring babae ang tumitingin at pinagpapantasyahan siya.” Umismid si Divina saka umayos sa pag-upo. “Alam mo kasi, may ilang babae na alam naman nila na ang lawak-lawak ng dagat pero sa iisang lugar lang sila bumibingwit ng isda. Ewan ko ba kung sadyang tanga lang ang ibang babae o sinasadya lang nila na makasira ng iba dahil iyon ang mas exciting.” Hindi nagsalita si Christine. Mataman lang siyang nakatingin sa kaibigan. Huminga naman ng malalim si Divina bago muling magsalita. “Ang ibig kong sabihin, ‘yung ibang mga babae, makakita lang ng gwapo sa isang lugar, kahit na may karelasyon na ang lalaki, sisige pa rin sila para makuha ito. Kahit na ang daming lalaki sa mundo, magii-stick pa rin sila sa isang lalaking natitipuhan nila at gagawin nila ang lahat para mapasakanila iyon. Hindi na naiisip kung makakasira sila ng relasyon.” Tipid na ngumiti si Christine. “Kahit naman pagpantasyahan at landiin nila si Sweetie, hindi sila nun papansinin. Iba si Matthew. Mahal niya ako at kilala ko na siya simula pagkabata pa kaya alam ko na hindi siya gagawa ng dahilan para masaktan ako,” wika niya. “Hindi niya ako magagawang saktan kahit kailan,” paniniguro pa niya. “Are you sure? Alam mo naman ang mga lalaki, marupok at madaling bumigay. Kaya nga maraming nawawasak na tahanan. Kumbaga ang mga babaeng malalandi, daig pa nila ang mga bagyo na tumama sa Pilipinas dahil sa tindi ng aftershock na ginagawa nila,” Napapaismid na saad ni Divina. “At ang mga lalaki, oras na magpalandi, patay! Sira ang lahat ng naipundar,” sabi pa niya. Hinawakan ni Divina ang kanang kamay ni Christine. Tinitigan niya ang kaibigan sa mga mata nito. “Bes, hindi ko naman sa pinagdududahan si Matthew. Alam ko naman na mabait siyang tao. Pero kasi bes, lalaki pa rin ang asawa mo, tandaan mo ‘yan. Oras na may lumanding ahas diyan at pumulupot na parang walang bukas, sa una, hindi ‘yan bibigay pero habang tumitindi ang panlalandi sa kanya, I’m sure, bibigay rin iyon,” mahinahong wika ni Divina. “Gusto ko lang na maging handa ka sa mga posibilidad na mangyari ang mga sinasabi ko. Ayokong masaktan ka, Bes. Oo, alam ko na mahal na mahal ka ni Matthew pero minsan, mas nao-overcome ng lust ang love kaya hangga’t maaari, maging handa ka,” seryosong paalala pa niya. “Saka alam mo ba na minsan ang taong mahal mo pa ang pinakamatinding magbigay ng sakit sa puso? Sila ang ‘yung taong madalas na magbaon sayo sa sakit.” “Kung sa dagat nga, may ahas tubig, dito pa kaya sa lupa na hindi lang ahas na hayop ang meron kundi pati taong ahas,” nangingiting sambit ni Divina. “Maraming mang-aagaw. Mukha pa namang lapitin ng tukso ang asawa mo. Tsk! Tsk! Tsk!” Napailing-iling siya. Napangiti at napailing na lamang si Christine. Hindi niya kasi iniisip na magagawa iyon ni Matthew dahil mahal siya nito. Mas matimbang pa rin ang pagmamahal kaysa sa temptasyon. “Ikaw talaga, kung ano-anong sinasabi mo diyan,” pinipilit ngumiti ni Christine. “ Panay yata ang nuod mo dun sa kabitan na teleserye sa telebisyon kaya ka ganyan,” sabi pa niya. Naalala niya ang teleseryeng sinusubaybayan din niya gabi-gabi. Hindi nga siya maka-relate dahil iyon nangyayari sa kanya pero pinapanuod pa rin niya dahil maganda ang kwento. Napanguso naman si Divina. “Ang ganda kaya nun,” wika pa niya saka ngumiti at kinuha ang platito na naglalaman ng piniritong saging na saba. “Oo nga pala, nasaan na ang inaanak kong si Liam?” “Pumasok sa school. Mamaya samahan mo akong sunduin siya,” sagot ni Christine saka maliit na ngumiti. “Ay okay ‘yan! Day-off ko naman ngayon and it’s time para makipag-bonding naman ako sa inyo,” excited na sambit ni Divina na ikinatango-tango ni Christine. Nagpatuloy sa pagkwe-kwentuhan ang magkaibigan habang kinakain ang pagkaing inihanda ni Christine. --- 10:00PM Inihinto ni Matthew ang kotseng minamaneho sa tapat ng Exposed Bar. “Bakit dito tayo nagpunta?” pagtatanong ni Matthew saka tiningnan si Veronica na nakaupo sa passenger seat ng kotse. Tumingin si Veronica kay Matthew. “It’s my time kasi para mag-relax at mag-party-party,” nangingiting wika niya pagkatapos ay kaagad na nitong tinanggal ang seatbelt sa katawan niya saka binuksan ang pintuan ng kotse saka nagmamadaling lumabas. Napailing-iling na lamang si Matthew pagkatapos ay lumabas na rin ito ng kotse. Nakita niya si Veronica na nakikipag-usap ito sa mga babae na sa tingin niya, mga kaibigan nito. Parang hindi nagkita ng ilang taon ang mga ito dahil sa tindi nang yakapan. Nakikita rin ni Matthew na panay ang tingin sa kanya ng mga babaeng kasama ni Veronica. Tumitingin rin sa kanya si Veronica at ngumingiti. Ninginigitan na lang rin niya ito. ‘Pinag-uusapan yata nila ako,’ sa isip-isip ni Matthew. Rinig na rinig ni Matthew kahit na rito sa labas ang malakas na musika na nanggagaling sa loob ng bar. Marami na rin tao ang labas-pasok sa entrance at exit nito. Naramdaman ni Matthew na nag-vibrate ang kanyang phone na nasa bulsa. Kinuha niya ito at tiningnan ang caller id ng kung sino mang tumatawag, si Christine. ‘Patay!’ sa isip-isip na usal ni Matthew. Hindi rin kasi siya nakapag-isip ng dahilan ngayon. Alam niyang gabi na at alam niya na nag-aalala na ito sa kanya kung bakit hindi pa siya umuuwi. Lumayo muna si Matthew sa kinalulugaran ng bar bago sinagot ang tawag ni Christine. “Sweetie,” masayang tawag ni Matthew sa asawa. “Nasaan ka? Gabi n,” wika ni Christine sa kabilang linya. Nag-aalangang ngumiti si Matthew. “Uh… eh… n-nasa opisina pa ako. Hinihintay ko pa si boss na matapos sa mga ginagawa niya. Hindi naman ako pwedeng umuwi kaagad kasi nga ihahatid ko pa siya bahay nila,” hindi pagsasabi ng totoo ni Matthew. Iyon lang ang naisip niyang idahilan dahil ayaw niya na malaman nito na nasa ganitong klase siya ng lugar. Baka kung ano pa ang isipin ng asawa niya. Walang tunog na huminga nang malalim si Matthew. This is the first time na nagsinungaling siya sa asawa at sa totoo lang, hindi niya naman kagustuhan iyon. Napilitan lamang siyang magsinungaling. Nagbuga naman ng hininga si Christine. “Ganun ba? So anong oras ka uuwi?” pagtatanong niya. “Uhm… h-hindi ko pa alam, Sweetie. Depende na rin siguro kung anong oras matatapos si boss,” wika ni Matthew. “Hinahanap ka ni Liam,” mahinang sambit ni Christine. Napabuntong-hininga si Matthew. “Hayaan mo at babawi ako sa kanya bukas.” “Bumawi ka din sa akin bukas,” nangingiting saad ni Christine sa kabilang linya. Napangiti si Matthew saka tumango-tango. “Pangako,” sabi niya. “Basta umuwi ka. Nag-aalala ako sayo. Hindi pa naman ako sanay na wala ka sa bahay at hindi kita katabi sa pagtulog,” ani ni Christine na nakapagpangiti lalo kay Matthew. “Opo. Susubukan kong makauwi hangga’t maaari. Hindi rin ako sanay na hindi ka katabi sa pagtulog,” naglalambing na saad ni Matthew. “Sige. Hihintayin na lang kitang makauwi,” saad ni Christine. Umiling-iling si Matthew. “Hindi na. Baka mamaya, mapuyat ka na niyan sa paghihintay sa akin. Basta, mararamdaman mo na lang na nakauwi na ako kapag may humalik na sa noo mo.” Narinig ni Matthew napabuntong-hininga nang malalim ang asawa sa kabilang linya. “Okay. Ingat ka sweetie. I love you.” “I love you too,” nakangiting sabi ni Matthew. “I love you more,” malambing na wika ni Christine sa kabilang linya. “I love you more and more,” nangingiting sagot ni Matthew. Ilang I love you pa ang sinabi ng mag-asawa sa isa’t-isa bago nila ibinaba ang tawag. Napangiti si Matthew habang nakatingin sa phone niya. “Sinong kausap mo?” Mabilis na napalingon si Matthew sa likuran niya nang marinig ang nagsalita. Si Veronica na nakahalukipkip ang magkabilang braso at diretsong nakatingin sa kanya habang nakataas ang kaliwang kilay. Inilagay na muna ni Matthew ang phone niya sa bulsa bago sumagot. “Si Sweetie, tumawag sa akin,” wika niya. Lalong tumaas ang kilay ni Veronica. “Asawa mo?” may taray na tanong niya. Dahan-dahang tumango-tango naman si Matthew. Tumingin sa ibang direksyon si Veronica at lihim na umirap. Naiinis siya sa asawa ni Matthew at sa mga narinig nito na sinabi ni Matthew sa asawa. ‘Bwisit na asawa! Kung bakit ba naman kasi may asawa pa si Matthew. Kaninis!’ Huminga nang malalim si Veronica para kalmahin ang sarili. Maya-maya ay muli siyang tumingin kay Matthew na may matamis na ngiti na sa labi. “Anyway, halika at sumama ka sa akin sa loob,” pag-aaya ni Veronica na ikinagulat ni Matthew. “Ha?” nagtatakang tanong ni Matthew. “Ang sabi ko, sumama ka sa loob,” nangingiting saad ni Veronica. Bumakas ang pag-aalangan sa mukha ni Matthew. “Kailangan pa po ba ‘yun?” pagtatanong niya. “Hmmm… hindi naman,” sabi ni Veronica. “Gusto lang kitang isama sa loob para makapag-enjoy ka rin,” dagdag pa niya. Umiling naman si Matthew saka maliit na ngumiti. “Hindi na. Okay lang ako dito,” sabi niya. “Pero…” wika ni Veronica pero hindi iyon itinuloy. Ngumiti na lamang siya ng tipid. “Sigurado ka ba? Okay ka lang na maiwan kita dito sa labas? Kung gusto mo, dadalhan kita dito ng alak para ma-relax ka,” alok pa ni Veronica. “Hindi na,” pagtanggi ni Matthew. Napatango-tango na lamang si Veronica. “Okay. Sige at maiwan na muna kita dito,” aniya. Ayaw man niyang iwan na mag-isa si Matthew dito sa labas ng bar pero alam niya na naghihintay na ang mga kaibigan niya sa VIP room na inokupa nila. Dahan-dahang tinalikuran ni Veronica si Matthew saka pumasok na siya sa loob ng bar habang si Matthew, naiwan sa labas. Pumasok din siya sa loob ng kotse ng tuluyan nang pumasok si Veronica sa bar. --- “Grabe friend! Talaga bang driver mo iyon? Ang gwapo niya!” malanding litanya ni Ashley, isa sa kaibigan ni Veronica na sinasabi niyang may-ari ng modeling agency kung saan dapat doon niya ipapasok si Matthew. Katulad ni Veronica, maganda ito, may pagka-morena ang makinis na balat at ang taas, masasabing pang-model talaga. “Oo nga! He’s oozing with a million times of s*x appeal!” maarteng wika naman ni Diana. Isa pa sa kaibigan ni Veronica. Maganda, cute at hindi katangkaran. Ito naman ay sikat na baker at pastry chef na may-ari ng isang bakeshop na maraming branches hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba pang panig ng mundo. “Tumigil nga kayo diyan! Pati ba naman driver ko, pinagpapantasyahan ninyo?” naiiritang singhal naman ni Veronica sa mga kaibigan. Nakaupo sila sa isang mahabang sofa na paikot. Nilagok ni Veronica ang isang baso ng mamahaling alak na iniinom nilang alak ngayon. Nasa VIP room na sila ng bar. Malaki ang inokupa nila at talaga namang kumpleto sa kagamitan ang loob at may sound system pa. Napangiti nang nakakaloko si Ashley. “Ohhh… I smell something fishy-fishy,” nakakalokong sambit niya. “Mukhang naiirita ka diyan, friend. If I know, pati ikaw, pinagpapantasyahan mo rin siya.” “Sure ‘yan friend! Alam mo naman ‘yan, oras na may makitang lalaking gwapo, sunggab kaagad at dinadala sa mainit na kama at doon ay magbabakbakan sila hanggang maubusan ng lakas. Hahaha!” nakakalokong sabi naman ni Diana at tumawa nang malakas. Tumingin nang masama si Veronica sa kanila. “Can you shut up your smelly mouth?” naiinis na wika niya. “Driver s***h body guard ko lang siya. Saka isa pa, may asawa na iyong tao kaya tigilan niyo na ang pagpapantasya sa kanya,” dugtong pa niya sa sinasabi. Naiinis pa rin si Veronica hindi dahil sa pang-aalaska ng mga kaibigan kundi dahil sa asawa ni Matthew na tumawag rito kanina. Bakas naman ang pagkagulat sa mukha nila Ashley at Diana. “Oh my! May asawa na siya?” hindi makapaniwalang tanong ni Ashley. “Sayang naman,” dagdag pa niya. “Ano namang sayang dun? Alam niyo ba na mas masarap kalaro sa kama ang mga lalaking may asawa na?” nangingiting wika ni Diana. “Saka ano naman kung may asawa na siya? Hindi na ba pwedeng matikman ang isang lalaki kahit na may asawa na?” Tumawa siya ng nakakaloko matapos sabihin iyon. “Hoy! Kasalanan ‘yan, ah!” natatawang sabi naman ni Ashley. “Mas masarap maging masama kaysa maging mabuti,” ani ni Diana. “Kagaya na lamang ng mas masarap kalaro sa kama ang may sabit kaysa sa wala,” dugtong pa niya saka humalakhak. “Shut up!!!” malakas na sigaw ni Veronica na ikinagulat nila Ashley at Diana. Literal na nanlalaki ang mga mata ng dalawa na nakatingin sa kaibigan. “Hey! What’s your problem ba?” maarteng tanong ni Diana. “Oo nga. Bakit ba parang inis at galit na galit ka diyan? Badtrip ka ba? May problema ka ba?” tanong naman ni Ashley sa kaibigang si Veronica. Kumalma naman ang mukha ni Veronica. Salitan niyang tiningnan ang mga kaibigan niya. Nagbuga siya ng hininga. “Wala,” maikiling sagot niya sabay iwas nang tingin at ininom muli ang kakasalin lang niya sa baso na alak. “Huwag na lang natin siyang pag-usapan.” Tumango-tango na lamang sila Diana at Ashley. Nagkatinginan pa silang dalawa saka sabay umiling-iling. Hindi na nasali sa usapan si Matthew. Ewan ba ni Veronica kung bakit pati sa mga kaibigan ay naiinis siya. Siguro kasi ayaw niya na may ibang nagpapantasya kay Matthew? Gusto niya siya lang ang nagpapantasya rito? Tipid na napangiti si Veronica habang nakatingin sa hawak niyang kopita. ‘Siguro nga. Gusto ko lang ang magpapantasya sa kanya. Ako lang at wala ng iba pa,’ sa isip-isip niya. --- “Lasing na lasing kayo Ma’am,” wika ni Matthew habang dahan-dahang inaalalayan patayo si Veronica na halos hindi na makatayo dahil sa kalasingan. Ang mga kaibigan naman ni Veronica na sila Ashley at Diana ay sinundo na ng mga boyfriend at inuwi sa mga bahay nito. “Hindi hik akow hik lashing!” lasing na asik ni Veronica kay Matthew habang nakapikit ang mga mata. Halata na talagang nalango ito ng sobra sa alak. Hindi na lamang nagsalita si Matthew. Patuloy na lamang niyang inalalalayan ang amo hanggang sa makalabas sila sa bar at makasakay na sila ng kotse. Panaka-nakang tinitingnan ni Matthew si Veronica habang siya’y nagda-drive pauwi sa bahay nito. Tulog na tulog ito. Tipid siyang ngumiti. “Napakarami siguro niyang nainom kaya ganyan siya,” bulong ni Matthew sa hangin. Napansin ni Matthew na pinagpapawisan si Veronica. Huminga siya ng malalim saka mas nilakasan pa ang aircon ng kotse. Lumipas ang halos trenta minutos ay nakarating na sila sa malaking mansyon ng mga Samaniego. Napakalaki talaga ng mansyon na ito at kasing lawak yata ito ng isang mall. Kusang nagbukas ang gate ng mansion. Muling pinaandar ni Matthew ang kotse saka ipinasok ito sa loob ng bakuran at ipinarada ito sa parking space. Bumaba si Matthew ng sasakyan. Pumunta siya sa passenger seat saka binuksan ang pintuan nito. Bahagya siyang yumuko at inilapit ang sarili kay Veronica. Hindi naiwasan ni Matthew na matitigan ang mukha ng kanyang amo na dahilan para mawala siya sa sarili. Hindi niya maitatanggi sa sarili niya na napakaganda nito. Bumaba pa ang tingin niya. Nakita niya ang labi nitong bahagyang nakabukas. Hindi niya alintana ang amoy ng alak sa bibig nito. Nagandahan si Matthew sa labi ni Veronica. Napakagat-labi siya. Pamaya-maya ay bumalik siya sa kanyang sarili. “Ano bang ginagawa mo?” mahinang sambit ni Matthew sa sarili niya. Bahagya pa siyang umiling-iling. Mabilis na tinanggalan na lamang ni Matthew ng seatbelt si Veronica saka ito dahan-dahang inalis sa loob ng kotse at binuhat na parang bride. Pagkasarado niya ng pintuan ng kotse ay tinungo na niya ang entrance ng mansyon. “Matthew, mukhang lasing na lasing si Ma’am,” wika ni Aling Doria na sumalubong sa kanila pagkapasok nila ng mansyon. Kilala na si Matthew dito dahil hindi lang naman ito ang unang beses na pumunta siya dito. Ang hindi pa lamang niya nakikita rito ay ang ama ni Veronica dahil hindi niya ito natyetyempuhan na nandito. Hindi pa sila personal na nagkakakilala. “Oo nga po,” magalang na saad ni Matthew. “Sige po at dadalhin ko na muna siya sa kwarto niya,” pagpapaalam niya. Ngumiti ang matanda. “Sige, iho at dalhin mo na siya sa kwarto niya.” Ningitian na lamang ni Matthew ang matanda. Naglakad na muli si Matthew at umakyat ng hagdan na paikot at nababalutan ng pulang carpet. Nakasunod naman ang tingin ni Aling Doria sa kanila. Nakarating na si Matthew sa tapat ng pinto ng kwarto ni Veronica. Inayos niya ang buhat sa amo. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng kwarto nito kaya dahan-dahan niyang itinulak ito pabukas gamit ang kanyang kanang paa at doon ay tuluyan na siyang pumasok. Isinara niya muli ang pintuan gamit ang kanyang kaliwang paa. Tinungo ni Matthew ang queen size bed na higaan ni Veronica. Doon ay dahan-dahan niyang inihiga si Veronica. Tiningnan niya ang dalaga saka huminga nang malalim. Tinanggalan ni Matthew ng sapatos si Veronica para maging komportable na ito sa pagtulog. Yumuko si Matthew para kunin ang kumot na nasa paanan ni Veronica. Kukumutan na niya ito. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Matthew sa gulat nang biglang hawakan ni Veronica ang collar ng suot niyang polo kaya halos madaganan na niya ito. Mabuti na lang at nailapat niya kaagad ang kanyang mga palad sa magkabilang gilid ng hinihigaang kama ni Veronica kaya hindi niya ito tuluyang nadaganan. Halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. Halos nagkakabungguan na ang tuktok ng kanilang mga ilong. Amoy na amoy ni Matthew ang amoy alak na hininga ni Veronica. Napalunok siya ng sunod-sunod. Dahan-dahan namang idinilat ng tuluyan ni Veronica ang kanyang mga mata. Nakatitig lamang ang mga mata niya sa mga nanlalaking mata ni Matthew. Amoy na amoy na nito ang mabangong hininga ng lalaki. Nagkatitigan silang dalawa. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ni Matthew. Ramdam niya ang dumadagundong sa bilis na pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit natutukso siyang halikan ang mapulang labi ng dalaga na nakikita ng mga mata niya ngayon. Temptasyon ang namamayaning nararamdaman ni Matthew. “Huwag mow akong iwan.” Lasing na pakiusap ni Veronica. Gusto nang umalis ni Matthew sa ibabaw ni Veronica dahil baka hindi na niya mapigilan ang sarili at may magawa siyang hindi tama. Aminado si Matthew na sa taglay na kagandahan ni Veronica, siguradong matutukso siya rito. Matutukso siyang gumawa ng kasalanan sa asawa niya. Pero hindi niya magawang umalis sa ibabaw nito. Parang may pumipigil sa kanya na gawin iyon. Nagulantang na lamang ang buong sistema ni Matthew nang bigla siyang halikan ni Veronica ng mariin sa kanyang labi. Ramdam na ramdam niya ang dahan-dahang paggalaw ng malambot at nag-iinit na labi nito sa kanyang labi at ang paghawak nito sa kanyang batok. Dumiin ang mukha niya sa mukha nito. Hindi na napigilan pa ni Matthew ang sarili at ginantihan niya ang nagbabagang halik na ibinibigay sa kanya ni Veronica. Tuluyan na siyang tinupok ng apoy ng pagnanasa. Dinaganan ni Matthew ang katawan ni Veronica na hindi naman ininda ang bigat niya. Hinawakan niya ang baywang ng dalaga at diniinan ang paghaplos doon. Nararamdaman naman ni Veronica ang matigas na bagay na tumatama sa bandang hita niya. Nawala ang kalasingan niya at napalitan iyon ng nag-iinit na pagnanasa. At sa gabing iyon, nangyari na ang kasalanan na kailanman, hindi makakalimutan. Kasalanan na umibsan sa init ng kanilang mga katawan at nagbigay sa kanila ng sarap ngunit magbibigay ng sakit sa kaisa-isang babaeng nagmamahal ng lubos. --- Dahan-dahang iminulat ni Veronica ang kanyang mga mata. Balot ng kumot ang hubad niyang katawan. Napangiti siya ng matamis. Dumaloy sa alaala niya ang nangyari sa kanila ni Matthew kagabi. Ang bawat tingin at titig na ipinupukol nito sa kanya. Ang bawat haplos ng malaking palad nito sa kanyang buong katawan. Ang bawat pagdampi ng labi nito sa kanyang labi at sa iba pang parte ng kanyang katawan. Ang pag-angkin nito ng buong-buo sa kanya. Lahat ng iyon, nagustuhan hindi lamang ng katawan niya kundi pati na rin ng puso’t-isipan niya. Hindi rin maalis sa isipan ni Veronica kung gaano katikas at kaganda ang pangangatawan ni Matthew na nadampian at nahaplos ng kanyang mga palad. Naalala rin niya kung gaano katigas, kalaki, kataba, kahaba at ka-agresibo ang p*********i nito lalo na ng angkinin nito ng buong-buo ang kanyang naglalawang p********e. Ngunit ang pinaka hindi makakalimutan ni Veronica sa lahat, ang malambot nitong labi na kahit habang buhay, hindi niya pagsasawaan na halikan ng paulit-ulit. Lahat ng detalye sa buong katawan ni Matthew, tandang-tanda ng isipan ni Veronica. Napatingin si Veronica sa kabilang side ng kama. Wala ng tao roon. Wala si Matthew. Nawala ang ngiti sa labi niya. Dahan-dahang bumangon si Veronica sa kama at naupo. Ibinalot niya ang kumot sa kanyang katawan. Bahagya siyang nalungkot at nadismaya dahil pagkagising niya, wala sa tabi niya ang lalaking gusto niyang unang masilayan ng mga mata niya pagkamulat pa lang nito. Ang lalaking kagabi lang ay nagparanas sa kanya ng kakaibang sarap. Kakaibang ligaya na kailanman, hindi niya nahanap sa iba. Feeling niya, iyon na ang pangyayari na kailanman, hindi na niya makakalimutan. Ang nangyari sa kanila ni Matthew na nais niya muling maulit nang maulit nang maulit. Hindi nagsisisi si Veronica na ibinigay niya ang sarili kay Matthew. Masaya pa nga siya na nangyari iyon at nais niya na muling maulit. Siguro nga, pagkatapos ng matagal na pagkakahimbing ng kanyang puso, muli itong gumising at nagmahal muli. Marahil nga, may nararamdaman na siyang pagmamahal kay Matthew. May nararamdaman na siyang pagmamahal sa lalaking may asawa na. Alam niya na magiging mahirap ito para sa kanya, ang magmahal ng gaya ni Matthew na alam niyang may mahal na iba, mahal nito ang asawa at nakikita naman niya iyon. Anong laban niya roon? Pero wala na siyang pakielam. Hangga’t nasa tabi niya si Matthew, okay lang sa kanya. Kahit na gamitin siya nito nang paulit-ulit, hindi siya magrereklamo. Ganito magmahal ang isang Sophia Veronica Samaniego, lahat ibinibigay, lahat ginagawa para lang hindi siya maiwan ng minamahal. Kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa kanya sa mga taong minamahal niya. Napatingin si Veronica sa bedside table. Tiningnan niya ang orasan. Mag-a-alas onse na ng umaga. Bahagyang kumunot ang noo ni Veronica nang makitang may nakapatong rin na papel sa bedside table. Kinuha niya iyon at binasa kung anong nakasulat roon. Veronica, Pasensya na sa nangyari kagabi. Hindi ko intensyon na pagsamantalahan ang kahinaan mo. Nadala lang ako. Sorry. Sorry talaga. Sana hindi nangyari iyon. Guilty ako dahil sa ginawa ko sayo. Guilty rin ako kasi alam kong pinagtaksilan ko ag asawa ko. Sorry talaga. Nagsisisi ako sa nagawa ko. Sana kalimutan na natin ang nangyari. Wala lang iyon. Isipin mo na lang na naglabas lang tayo ng init ng katawan. Walang ibig sabihin iyon. Alam ko naman na wala ring ibig sabihin sayo ang nangyari. Pasensya na rin kung hindi ako nakapagpaalam sayo. Nahihiya rin kasi ako. Pasensya na. Pasensya na. Matthew Pagak na natawa si Veronica matapos niyang mabasa ang sulat. Dahan-dahang nilamukos ng kanyang kanang kamay ang papel na hawak niya habang tinititigan iyon. “Paano ko makakalimutan ang ginawa natin, Matthew? Kung sayo, walang ibig sabihin iyon, sa akin meron. Ipinaranas mo sa akin ang sarap ng iyong mga halik. Ipinaranas mo muli sa akin kung paano magmahal. Sa tingin mo, basta-basta ko na lang makakalimutan iyon lalo na’t sayo ko iyon naranasan? Sayo na minamahal ko na ngayon?” mariing wika ni Veronica. Tuluyang tumulo ang kanyang mga luha. Hindi niya na pinigilan ang pagluha. Minsan lang niya gawin ito. Ang akala ng lahat, isa siyang bato na manhid at hindi nasasaktan ngunit ang totoo, mas marupok pa siya sa isang kahoy na inaanay na. Magaling lang siya magtago ng tunay na nararamdaman sa pamamagitan ng paglalagay ng pader sa panlabas niya ngunit ang loob niya, hindi niyang magawang paderan.. Alam ni Veronica na hindi ito ang huling beses na masasaktan siya ng dahil kay Matthew at wala na siyang pakielam kung masaktan man siya nito ng paulit-ulit. Pinasok na niya ito, nagmahal siya ng lalaking may mahal ng iba kaya dapat tanggapin na niya ang sakit at pagdurusa. Minsan na siyang nagmahal at nasaktan pero nakayanan niyang lagpasan ang sakit na iyon, ngayon pa kaya na nagmahal siya muli at alam niyang masasaktan siya? Handa na siya sa panibagong sakit na hatid ng pagmamahal. Pero kahit masaktan man siya, lalaban siya. Lalaban siya hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa taong minamahal niya. Ipaglalaban niya ang taong mahal niya kahit na sabihing hindi siya mahal nito. ‘I will make sure na mapapasaakin ka, Matthew. Gagawin ko ang lahat para maging akin ka,’ madiin na wika ni Veronica sa utak niya. ‘Masaktan na kung masaktan pero lalaban ako hanggang sa makuha ko ang gusto ko.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD