EPISODE 5

1847 Words
“Saan po ba tayo, Ma’am?” magalang na pagtatanong ni Matthew kay Veronica na nakaupo sa passenger’s seat at nakatingin sa labas ng bintana. Kasalukuyang nagda-drive ngayon si Matthew ng kotse ni Veronica. Simula na ngayong araw ang trabaho niya bilang bodyguard at driver ni Veronica. Tiningnan ni Veronica si Matthew na panaka-nakang tinitingnan siya. Ngumiti siya ng matamis. “Sa supermarket,” sagot niya sa tanong ng huli. “Saan po? Diyan po ba sa malapit o sa mall?” tanong pa ni Matthew. “Diyan na lang sa malapit para hindi na tayo pumasok pa ng mall,” ani ni Veronica. “By the way, huwag mo na akong po-po-in diyan.” Malanding tumawa si Veronica. “Nakakatanda kasi. Mas hamak naman na mas matanda ka sa akin,” dagdag pa niya. Nag-aalangan naman ang mukha ni Matthew. “Pero Ma’am-” “Isa pa ‘yan, kapag tayong dalawa lang ang magkasama o ‘di kaya’y wala tayo sa office, Veronica na lang ang itawag mo sa akin, okay ba?” mabilis na wika pa ni Veronica. “Pero-” “No more buts, Matthew. Kung ano ang sinabi ko, iyon ang sundin mo. Okay?” nangingiting tanong ni Veronica. Ngumiti na lamang ng maliit si Matthew. “Opo ay etse… okay,” saad ni Matthew saka pinilit ngumiti. Muli na lamang itong tumingin sa daan at i-finocus na lamang nito ang atensyon doon. “Good,” nangingiting sambit ni Veronica saka mas lalong ngumiti. Ngayon ay nakatitig siya kay Matthew. ‘Grabe! Ang gwapo-gwapo talaga niya at ang hot pa,’ malanding sambit ni Veronica sa utak niya. “Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko sa tuwing makikita ko siya. Bakit nga kaya? Maybe, nae-l lang ako sa kanya,’ sa isip-isip pa niya. Namuo ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Nasa pagda-drive ang buong atensyon ni Matthew habang na sa kanya naman ang buong atensyon ni Veronica. “Oo nga pala, baka may gusto ka sa aking ipabili sa supermarket. Huwag kang mahiyang sabihin sa akin,” saad ni Veronica kay Matthew na bumasag sa katahimikan. Muling tiningnan sandali ni Matthew si Veronica. “Wala po Ma’am ay… Veronica pala,” may pagkatarantang wika ni Matthew saka ngumiti muli ng pilit. Tumingin siya ulit sa daan. “Ganun ba? Eh baka nagugutom ka na. Gusto mo ibili rin kita ng pagkain?” tanong pa ni Veronica. Umiling-iling si Matthew. “Hindi pa ako gutom,” pagtanggi ni Matthew. Ngumiti nang matamis si Veronica. Nagulat na lamang si Matthew nang biglang ilagay ni Veronica ang kaliwang palad nito sa kanang hita niya kaya napatingin ang mga nanlalaki niyang mga mata sa nakapatong na kamay ni Veronica sa hita niya. Napalunok siya ng sunod-sunod. “Alam kong nahihiya ka lang. Huwag kang mahiya please. Sabihin mo sa akin kung nagugutom ka,” May halong landi ang tinig ni Veronica. Napatingin si Matthew kay Veronica. Biglang nakaramdam si Matthew ng init kahit na malamig naman ang buga ng aircon sa loob ng kotse. Ramdam niya ang marahang pagpisil at paghaplos ni Veronica sa malaking hita niya na nababalutan ng itim na slack pants. Tinitigan naman ni Veronica si Matthew. Ngayon niya lang napansin na maganda pala ang mga mata ng lalaki. ‘Ang swerte ng asawa mo, Matthew. Mukhang magaling ka na nga sa kama, mapagmahal, sweet at ang gwapo mo pa. Solve na solve na siya sayo,’ sa isip-isip ni Veronica. Nakakaramdam tuloy siya ng inggit. “Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan?” pagtatanong ni Veronica kay Matthew. “Uhm… ‘yung kamay niyo po kasi,” kinakabahang wika ni Matthew at kaagad na rin nitong inwas ang tingin kay Veronica at pilit nang ipinokus ang tingin sa daan at nag-concentrate sa pagmamaneho. ‘Kumalma ka, Matthew. Kalma,’ sa isip-isip pa niya at sunod-sunod na huminga nang malalim. “Ooopsss! Sorry,” nangingiting sambit ni Veronica at kaagad nang inalis ang kamay nito sa hita ni Matthew. Napangiti lalo si Veronica. Nakatingin siya sa pundilyo ng pantalon ni Matthew. Kitang-kita niya ang nakabukol na ano nito sa loob ng suot na itim na slacks. ‘Tinatamaan ka rin pala sa akin,’ malanding wika ni Veronica sa kanyang isipan saka ngumiti nang tagumpay. Namayani ang katahimikan. Ilang minuto pa ang lumipas nang inihinto ni Matthew ang sasakyan sa tapat ng supermarket. Ipinark niya ng maayos ang kotse. Napatingin si Matthew kay Veronica. “Baka gusto mo na ako na lang ang bumili ng mga bibilhin mo sa loob. Sabihin mo na lang sa akin ang mga bibilhin mo,” pagprisinta ni Matthew kay Veronica. Bumalik na siya sa sarili matapos niyang mapakalma ang sarili niya habang nagmamaneho. Kaagad na umiling-iling si Veronica. “Nope! Ako na lang. Gusto ko kasi na namimili ako sa supermarket dahil naaaliw ako,” wika niya saka ngumiti. Mabagal na tumango-tango na lamang si Matthew. “Ikaw? Sure ka ba na wala kang gusto? Ibibili kita.” “Okay lang po ako. Wala akong gusto.” “Ako? Gusto mo?” malanding tanong ni Veronica na ikinagulat ni Matthew. “Joke!” natatawang dagdag pa niya. Pinilit na ngumiti ni Matthew. “Hintayin mo na lamang ako dito sa loob ng kotse. Sandali lang ako mamili,” wika ni Veronica. “Teka lang at pagbubuksan kita-” “No need!” mabilis na wika ni Veronica na ikinahinto ni Matthew sa akmang pagtanggal ng seatbelt sa kanyang katawan para bumaba ng kotse at pagbuksan ng pintuan ang amo. “I have to hands, the left and the right,” nangingiting saad pa ni Veronica saka ipinakita ang dalawa niyang kamay. “Kaya kong magbukas ng pintuan,” sabi pa niya. Naupo na lamang muli ng maayos si Matthew. Kumamot ito sa ulo saka ngumiti. Lalo namang ngumiti si Veronica. Maganda ang ngiti niya para magustuhan ni Matthew. “Hintayin mo ako dito, okay?” tanong ni Veronica. Tumango-tango na lamang si Matthew. Iniwas ni Veronica ang tingin niya kay Matthew. Tinanggal niya ang seatbelt na nakakabit sa kanya saka binuksan ang pintuan ng kotse at dahan-dahang lumabas. Muli niyang isinara ang pintuan saka matamis na ngumiti at parang modelong naglakad papasok ng supermarket. Naiwan naman si Matthew sa loob ng kotse na sunod-sunod na napabuntong-hininga. “Hay!” napabuga nang hininga si Matthew. --- “Gatas, check! Kape, check! Asukal, check!” Naglalakad si Christine sa loob ng supermarket. Nakatingin ito sa hawak-hawak niyang papel kung saan doon nakalista ang mga dapat niyang bilhin. Iniisa-isa niyang basahin ang mga nakasulat roon at tinitingnan ang tulak-tulak niyang cart para i-check niya kung nabili na ba niya ang mga dapat bilhin. Hindi siya nakatingin sa nilalakaran niya. Patuloy sa mabagal na paglalakad si Christine habang tulak-tulak ang cart. Maya-maya ay nagulat na lamang si Christine nang biglang bumangga siya sa kung ano kaya napahinto siya at napatingin rito. Nanlaki ang mga mata niya. Tao pala ang nabangga niya. “Naku! Sorry-” “Pwede ba! Hindi lang ikaw ang tao dito sa supermarket kaya tumingin ka naman sa dinadaanan mo!” malakas na sigaw ng babae. “Ang tanga-tanga!” mataray na singhal pa nito sa kanya habang matalim ang tingin. Gulat na gulat naman si Christine. ‘Ako? Tanga?’ sa isip-isip pa niya. Nag-aalangang ngumiti si Christine. “Sorry, hindi lang kasi-” Hindi pa nakakatapos sa pagsasalita si Christine ng bigla na lamang itong naglakad palapit sa kanya. Mas sumama ang tingin ng babae kay Christine. “Sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo para hindi ka nakakabangga,” mataray at maanghang na litanya ng babae. Umismid pa ito saka tiningnan si Christine mula ulo hanggang paa. “Or better yet, huwag ka nang pumunta pa rito dahil ang mga kagaya mo, hindi dapat nandirito. Tanga!” dugtong pa niya saka tiningnan muli sa mukha at inirapan ulit si Christine saka nilagpasan na niya ito. Binangga pa niya ito sa balikat na ikinatulala ni Christine. Wala namang pakiealam ang babae sa mga taong tinitingnan siya at pinagtsi-tsismisan dahil sa pagsusungit niya. Bumalik naman sa sarili si Christine. Sinundan nang tingin ni Christine ang taong nabangga niya na parang model sa runway na naglalakad palayo. Likod na lamang nito ang nakita niya. “Ang sungit naman nun. Hindi ko naman sinasadya at nag-sorry naman ako,” mahinang sambit ni Christine. Humawak pa siya sa kanyang leeg. “Ang ganda nga niya pero ang sama ng ugali,” dagdag pa niya saka umismid. Napabuga na lamang ng hininga si Christine. Nang mawala na sa paningin ni Christine ang babaeng hindi niya sinasadyang nabangga niya ay ipinagpatuloy na lamang niya ang pamimili ng iba pang hindi niya nabibili. Habang naglalakad ay bwisit na bwisit si Veronica. Kitang-kita iyon sa maganda niyang mukha. “Hay! Bwisit siya! Binangga ba naman ang magandang katulad ko? Kainis!” galit na asik niya sa hangin nang maalala ang babae. “Bakit ba ang daming tatanga-tanga sa mundo? Hindi na lang sila maglaho para makabawas sa problema,” dagdag pa niyang litanya. Napairap na lamang siya saka patuloy na naglakad. --- “Okay ka lang?” pagtatanong ni Matthew kay Veronica pagkapasok ng huli sa kotse. Nahalata niya sa mukha ng amo ang inis hanggang sa maupo sa passenger seat. Tapos na itong mamili. Inilagay nito sa backseat ang isang supot na naglalaman ng mga pinamili niya. Tiningnan naman ni Veronica si Matthew. Sumimangot siya. “May tatanga-tanga kasi sa loob at nabangga ako,” mataray na wika niya. “Dapat pala sa mall na lang ako namili,” dismayadong saad pa niya. Tipid na lamang ngumiti si Matthew. ‘Mataray din pala siya,’ sa isip-isip niya. ‘Hindi halata kasi angelic face siya,’ dugtong pa niya sa iniisip. “Halika na nga at iuwi mo na ako sa mansyon,” naiinis pa rin na utos ni Veronica kay Matthew. Ewan ba ni Veronica kung bakit inis na inis siya sa babaeng bumangga sa kanya. Sobra ang pagkainis niya at kumukulo ang dugo niya na hindi niya maintindihan at parang hindi rin normal. Nag-flip na lang ng hair si Veronica at tumingin sa labas ng bintana. Hindi na lamang nagsalita si Matthew. Tumango-tango siya saka iniwas ang tingin kay Veronica. Ini-start niyang paandarin ang makina ng kotse pagkatapos ay pinatakbo na niya ito. Nasa daan na lamang ang tingin niya. Papalabas na si Christine ng supermarket dahil tapos na siyang mamili ng biglang may dumaan sa harapan niyang isang white BMW na mabilis niyang ikinaatras. “Aaahhh!” malakas na sigaw ni Christine na nabalanse ang katawan kaya hindi natumba. Muntik na siyang mahagip ng kotse at matapon ang kanyang mga pinamili na nasa plastic bag na dala-dala niya. Mabuti na lang at naging alisto siya at kaagad siyang nakaiwas. Kaagad na sinundan nang tingin ni Christine ang kotse. Napasimangot siya. “Ano ba ‘yun? Hindi ba siya tumtingin sa gilid ng daan?” pagtatanong ni Christine sa hangin. Napailing-iling na lamang siya saka iniwas ang tingin sa papalayong kotse at muling naglakad papunta sa sakayan ng tricycle para makauwi na ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD