bc

STEAL HIM IF YOU DARE [COMPLETED]

book_age18+
2.5K
FOLLOW
23.1K
READ
revenge
love-triangle
family
drama
tragedy
bxg
betrayal
secrets
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

SYNOPSIS: Isang nasaktan ng dahil sa pagmamahal. Isang natukso ng dahil sa pagmamahal. Ang isa ay naging masama ng dahil sa pagmamahal at ang isa ay pinili na maging mali para sa pagmamahal.

Ito ang naiibang kwento ng pagtataksil.

Steal Him Of You Dare

by Francis Alfaro

(C) Copyright 2022

All Rights Reserve, 2022

DISCLAIMER: This story is purely fictional. Any resemblance to living or dead person, places, events, and others are only coincidental.

Contains scenes not suitable for very young readers, parental control is advise.

chap-preview
Free preview
EPISODE 1
Malungkot ang mukha ni Matthew nang pumasok siya sa loob ng tinutuluyan nilang apartment ng asawa. “Nandito ka na pala,” wika ni Christine nang makita ang asawa. “Kumusta ang trabaho Sweetie? Napagod ka ba? Nagugutom ka ba? Gusto mo ipaghanda kita ng makakain?” tanong ni Christine sa kapapasok lamang na asawa. Sinalubong niya ito sa pamamagitan nang paghalik sa pisngi ng asawa. Hindi sumagot si Matthew. Nagpatuloy lamang itong naglakad at tinungo ang sofa na nasa gilid lamang ng pintuan at doon ay naupo. Bahagyang kumunot ang noo ni Christine. Napansin niya ang lungkot sa mukha at mga mata ni Matthew na kanyang ikinataka. “Bakit ganyan ang mukha mo? Nakabusangot?” pagtatanong ni Christine. Naupo rin ito sa tabi ni Matthew at nakatingin sa asawa. Nakakaramdam siya ng pag-aalala. Napatingin naman si Matthew sa asawa. Hindi pa rin nawawala ang lungkot nito sa mukha. Napabuntong-hininga ito ng malalim. “Wala na akong trabaho… Sweetie,” dismayadong wika niya at muling humugot ng malalim na hininga. Nagulat naman si Christine sa sinabi ng asawa. “Ha? Bakit naman?” magkasunod na tanong niya. Marahas na nagbuga nang hininga si Matthew. Iniwas niya ang tingin sa asawa at bahagyang yumuko ang ulo. “Bago lang kasi ako sa pinapasukan ko. Kailangan nilang magbawas ng tao at since na bago nga ako, isa ako sa tinanggal nila,” wika ni Matthew. Ang trabaho nito ay isang messenger sa isang kilalang kumpanya. “Wala naman akong magawa kasi empleyado lang nila ako,” saad pa niya sa dismayadong boses. Lumapit nang bahagya si Christine sa asawa. Nang makalapit ito ay niyakap niya ito. “Okay lang iyan, Sweetie. Makakahanap ka pa rin naman ng ibang trabaho diyan,” ani ni Christine. Pinapagaan niya ang loob ng asawa. “Hindi iyon okay, Sweetie.” Nag-angat nang mukha si Matthew saka tiningnan ang asawa na humiwalay sa pagyakap sa kanya. Seryoso siya. “Wala na akong trabaho. Ano na lang ang ipangtutustos natin sa pangangailangan natin? Si Liam, papasok na sa grade one sa darating na pasukan. Maraming dapat alalahanin,” dagdag pa nito sa tono na nag-aalala. “Ang hirap pa naman makahanap ng trabaho ngayon,” wika pa niya. Si Liam, limang taong gulang at papasok na sa grade one sa darating na pasukan. Napaka-cute ng batang ito at kahawig ang amang si Matthew. Huminga nang malalim si Christine. “May naipon pa naman tayo para kahit papaano’y may ipangtustos sa mga gastusin dito sa bahay. Pwede muna natin iyong gamitin habang wala ka pang nahahanap na trabaho.” “At hanggang kailan tayo bubuhayin niyang naipon mo? Hanggang bukas? Hanggang sa isang linggo? Sweetie, mauubos rin ‘yan lalo na ngayon na lahat ay nagmamahal,” ani ni Matthew. Hindi nito mapigilan na uminit ang ulo dahil sa dami nang iniisip. “Bakit kasi hindi mo ako hayaan na tulungan ka? Maghahanap ako ng trabaho para kahit papaano’y makatulong sa gastusin dito sa bahay,” saad ni Christine. Lalong sumeryoso si Matthew. “Napag-usapan na natin ‘yan, ‘di ba? Ako ang maghahanap-buhay kasi ako ang lalaki. Ikaw, dito ka lang sa bahay at alagaan mo si Liam,” may diin na salita ni Matthew. Pamaya-maya ay bumuntong-hininga siya. “Hayaan mo, bukas na bukas rin, maghahanap ako ng trabaho.” Napabuga nang hininga si Christine. Iniwas niya ang tingin kay Matthew at tiningnan ang nakapatay na telebisyon sa harapan nila. “Hay! Bakit ba kasi ang hirap ng buhay dito sa Pilipinas? Ang hirap maghanap ng trabaho at ang mga bilihin, tumataas ng sobra,” naiinis na saad ni Christine. “Parang wala ng pag-asang umahon pa ang mga tao sa bansang ito.” Hindi na sumagot si Matthew sa sinabi ng asawa. Sila Matthew at Christine, kasal na anim na taon na ang nakakaraan. Ikinasal sila sa kapitolyo. Nagsimula ang kanilang pagmamahalan simula ng mga bata pa sila. Sa unang pagkikita pa lang nila, may naramdaman na silang kakaiba. Bata pa man sila, alam na nila sa mga sarili nila na ang isa’t-isa ang itinitibok ng puso ng bawat isa. Sila ang nagpatunay sa tinatawag na puppy love at sila rin ang nagpatunay na ang puppy love, pwede pang mas lumalim at humantong sa tinatawag na true love sa paglipas ng panahon. Alam na nila na kahit bata pa sila na sila ang magkakatuluyan kapag tumanda na sila. Maaga nilang naramdaman ang tinatawag na pag-ibig. At the age of five and six, they feel love. Kinikilig sa tuwing titingnan ang isa’t-isa at ngingiti dahil masayang makita ang bawat isa. Childhood sweethearts nga ang taguri sa kanila noon. Magkakilala na sila simula pagkabata. Naging mag-best friends pero ng tumuntong sila ng high school, doon ay nagkaaminan na sila ng nararamdaman sa isa’t-isa. Nagligawan and the rest was history. Parehong ulilang lubos ang dalawa. Lumaki sila sa bahay ampunan kung saan doon talaga sila nagkakilala. Hindi nila alam kung bakit sila iniwan ng kanilang mga magulang sa bahay ampunan kaya naitanim na rin sa kanilang mga isipan na hindi na lang rin nila hanapin ang mga magulang. Kung sila nga, walang pakielam sa kanila at hindi man lang nagawa ng mga ito na hanapin sila, bakit pa sila maghahanap sa kanila? Baka mamaya, patay na sila. Parehong high school graduate lamang ang natapos nila Christine at Matthew. Nang makatapos sila ng high school, umalis rin sila sa bahay ampunan at sa labas ng ampunan na iyon, silang dalawa ay nagsama at bumuo ng sariling pamilya. Mahal nila ang isa’t-isa kaya hindi nakapagtataka na sa edad na bente at bente-uno anyos, nagpasya silang magpakasal na dalawa. Si Christine ay bente anyos noon habang si Matthew ay nasa bente-uno anyos. Hindi naging hadlang sa kanila ang kahirapan at katayuan nila sa buhay para magsama sila at magmahalang dalawa. Isang taon ang lumipas, biniyayaan sila ng isang supling na pinangalanan nilang Liam. Napabinyagan na nila ito nu’ng isang taong gulang pa lang ito. Ngayon ay nasa limang taong gulang na ito. Bale, bente-sais anyos na si Christine at si Matthew naman ay nasa bente-siyete anyos na. Bata man silang ituring ng iba na mag-asawa, para naman sa kanilang dalawa, alam nila na kaya na nilang harapin ang pagsubok at responsibilad na kaakibat ng pinasok nila, ang pagpapamilya. Sa dami ng pagsubok na pinagdaanan nila, alam na nila na sapat na iyon para maging matibay sila. Sa madaling salita, matured na sila kung mag-isip. Matangkad si Matthew at maganda ang tindig. Matipuno ang pangangatawan dahil sa pagbubuhat at dahil na rin sa trabaho. May moreno at makinis ang balat niya. May pagka-singkit ang mga mata nito, matangos ang ilong at may kanipisan ang labi. Ang buhok niya ay clean cut ang gupit at itim na itim ang kulay. Gwapo si Matthew Sandoval kaya maraming babae pa rin ang kanyang nabibihag kahit na may asawa na siya. Sino ba namang hindi maiinlove sa isang lalaking tinatawag na tall, dark and handsome? Ultimo nga si Christine ay nainlove sa kanya. Pero hindi naman iyon ang dahilan kung bakit nainlove si Christine kay Matthew. Bukod sa magkakilala na sila nito simula bata pa, alam na niya ang ugali nito. Mabait, sweet at maaalahanin itong tao. Katangian ng isang lalaki na hinahanap-hanap ng mga babae sa isang lalaki. Para itong isang prinsipe na ituturing na prinsesa ang taong minamahal nito. Si Christine Aguirre-Sandoval naman ay may taglay na ganda na pambihira na kahit sinong lalaki ay hindi mapipigilang humanga sa kanya. Mahaba hanggang likod ang straight na buhok niya at itim na itim ang kulay. Sexy ang katawan kahit na may isang anak na siya. Hindi siya pandak at hindi din ganoon katangkaran. Makinis ang maputi niyang balat. May pagkabilugan ang mga mata niya. May katangusan ang ilong at ang labi, natural na mapula at pouty. Medyo malaki at medyo maluwang. Although ganun ang labi ni Christine, masasabing isa siya sa mga babaeng biniyayaan ng magandang labi at asset niya iyon kaya si Matthew, hindi niya rin napipigilan ang sarili na halikan nang mariin sa labi ang asawa. Labi pa lang kasi nito, kaakit-akit na lalo na kung naka-pout. Pero higit pa sa magandang anyo ni Christine ang dahilan kung bakit mas lalong nainlove sa kanya si Matthew. Masasabi nga nito na ito na ang pinakamabuting asawa sa lahat. Napaka-understanding, mabait, maalalahanin, maasikaso sa kanya at sa kanilang anak. The good wife ika nga niya. Simple lang kung mag-ayos ng sarili hindi gaya ng ibang babae na kung maglagay ng make-up sa mukha at kung magsuot ng damit, daig pa ang artista sa telebisyon. Minsan, naiisip ni Matthew, tama lang ba na siya ang naging asawa ni Christine? Aminado naman kasi siya sa sarili niya na hindi niya naibibigay ang lahat ng pangangailangan nito lalo na sa aspetong pinansyal. Ngunit tandang-tanda pa ni Matthew ang sinabi sa kanya ni Christine ng minsang kausapin niya ito tungkol sa ganitong bagay. “Hindi naman ang ibibigay mong material na bagay ang dahilan kung bakit kita minahal. Basta ba nasa tabi lang kita, masaya na ako. Basta alam kong ibinibigay mo sa akin ang buong pagmamahal mo, kuntento na ako para maging asawa mo. Mahal na mahal kita at gaya nang sinumpaan natin sa harapan ni Mayor nu’ng kasal nating dalawa, magsasama tayo sa hirap man o sa kalungkutan. Hindi na magbabago ‘yon. Mahal na mahal kita, Sweetie.” Napangiti si Matthew sa naisip niyang sinabi noon ni Christine. Everytime na maiisip niya iyon, hindi niya mapigilang mapangiti at kiligin. Siyempre, kahit lalaki, kinikilig pa rin lalo na kung ang taong mahal niya ang magpapakilig sa kanya. Hindi rin maikakaila na mahal na mahal ni Matthew si Christine at tanging ito lang ang babaeng nakikita ng kanyang mga mata at nagpapatibok ng kanyang puso. Si Christine ang pinangarap niya na makasama habang buhay at gagawin niya ang lahat para ang habang buhay na kasama siya nito ay maging maganda at masaya. “Bakit ka nangingiti diyan?” nagtatakang tanong ni Christine sa asawa. Kunot ang noo niya. Tumingin si Matthew sa asawa. “Wala lang. Napapangiti lang ako kasi sa tuwing naiisip ko kung gaano mo ako kamahal, sumasaya ang puso ko.” Napangiti si Christine sa sinabi ni Matthew. “Ako rin naman, sumasaya ang puso ko sa tuwing maiisip ko kung gaano mo ako kamahal,” malambing na saad niya. Mahal na mahal niya si Matthew at sa tingin niya ay hindi na magbabago iyon. Nagkatitigan sila Matthew at Christine. Nakikita nila sa mata ng isa’t-isa ang pagmamahal na nararamdaman. Hindi nawawala ang ngiti sa kanilang mga labi na naging matamis. Hanggang sa dahan-dahang ilapit ni Matthew ang mukha niya kay Christine. Dahan-dahan namang ipinikit ni Christine ang kanyang mga mata. Naging slow-motion ang lahat ng nangyayari sa pagitan nila. Hindi nagtagal ay tuluyang hinalikan ni Matthew si Christine sa labi. Niyakap nila ang isa’t-isa. Hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam nila sa tuwing hahalikan nila ang labi ng isa’t-isa. Ang tamis ng kanilang mga halik ay tila isang tsokolate na matamis at nakaka-adik kainin. Pakiramdam nila, sa tuwing hahalikan nila ang isa’t-isa ay ‘yun ang unang beses kaya palaging masarap sa feeling. “I love you, Sweetie,” sincere na wika ni Matthew matapos niyang ihiwalay ang labi sa labi ni Christine. Dahan-dahang idinilat ni Christine ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanyang paningin ang mga kumikinang na mata ni Matthew. Napangiti siya. “I love you too, Sweetie. Forever,” sincere na saad ni Christine habang nakatitig sa mata ng asawa. Pamaya-maya ay biglang may naalala si Christine dahil may naamoy siyang kakaiba kaya kaagad siyang napabalikwas ng upo at hiniwalay ang sarili kay Matthew. “Teka lang, iyong sinaing ko baka sunog na,” natatarantang sabi niya at nagmamadaling tumayo ito saka mabilis na tinungo ang kusina. Napangiti na lamang si Matthew na sinundan nang tingin si Christine. Maya-maya ay inilibot niya ang tingin sa apartment na tinitirhan nila. Maliit lamang ang apartment na tinutuluyan nila. May banyo, may kusina, may dining room, may sala at may dalawang kwarto sa ikalawang palapag. Ang isang kwarto ay ang kwarto nilang mag-asawa at ang isa naman ay ang kwarto ng anak nila. Simple lang rin ang ayos ng bahay. Puti at green ang kulay ng walls. Ang mga gamit at appliances na narito sa loob ay pawang mga pangkaraniwang gamit at appliances lamang na nakikita sa isang simpleng pamamahay. Mabuti na nga lang at pagmamay-ari na nila ito. Rent to own kasi ito kaya nu’ng maganda pa ang trabaho ni Matthew, talagang pinagtiyagaan niyang mag-ipon para mabili ang bahay na ito. Mura lang naman ang bili niya rito kasi mura na ng ibenta sa kanila ito ng tunay na may-ari na ngayon ay nasa ibang bansa na at doon na naninirahan. Bale, bagsak presyo ang benta dahil nagmamadali na rin ang may-ari na makaalis na ng bansa. Tumayo mula sa kinauupuang sofa si Matthew. Naglakad patungo sa hagdanan at umakyat rito. Nasa tapat na siya ng pinto ng kwarto ni Liam. Binuksan niya ang pinto at naabutan niyang mahimbing na natutulog ang anak. Pumasok siya sa loob at nilapitan ang natutulog na anak. Naupo ito sa gilid ng kama ng dahan-dahan para hindi magising ang anak. Muli ay napangiti si Matthew. Hindi nga maipagkakaila na gwapo ang anak niya. Syempre, nagmana ito sa kanya. Hinaplos nang marahan ni Matthew ang gilid ng mukha ni Liam. Hinaplos din niya ang ulo nito. Si Christine at si Liam, sila ang kumu-kumpleto sa buhay ni Matthew. Kung sa aspetong pamilya, wala na siyang mahihiling pa dahil mayroon siyang mapagmahal na asawa na gaya ni Christine at mayroon siyang cute at mabait na anak na si Liam. Ang tanging hiling na nga lang niya sa buhay ay ang mabigyan niya ang mga ito ng magandang buhay na kahit siya ay inaasam niyang makamtam sa pagdating ng panahon. Kahit naman sinong haligi ng tahanan, gustong manatiling nakatayo ang pamilya niya. ‘Pasensya ka na, Anak.’ Malalim na bumuntong-hininga si Matthew matapos niyang sabihin iyon sa utak niya. ‘Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para sa inyo ng mama mo. Hinding-hindi ako susuko nang hindi todong lumalaban. Gagawin ko ang lahat para manalo ako… manalo tayo,’ sabi pa niya. Iniwas ni Matthew ang tingin niya sa anak at tumingin sa bintana ng kwarto. Nakita niya ang maaliwalas na panahon sa labas. Ngumiti siya. “Ang buhay ay katulad ng kalangitan, nagiging maaliwalas at nagiging madilim din ito kaya alam ko na darating din ang panahon na aaliwalas din ang buhay namin,” mahinang sambit ni Matthew.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.5K
bc

Pagbebenta ng aking pagkabirhen... sa CEO

read
16.0K
bc

THE WIDOWED CEO’S PROSTITUTE

read
39.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.9K
bc

His Obsession

read
88.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook