Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng magtrabaho bilang janitor si Matthew sa kumpanya. So far so good naman ang takbo ng kanyang trabaho maliban na lamang na medyo lagi siyang pagod dahil sa dami ng dapat linising banyo at hallways ng kumpanya.
Kasalukuyang nagpupunas ng malaking salamin sa loob ng banyo si Matthew sa fourth floor ng pumasok sa banyong nililinis niya si sir Leo, ang head ng janitorial department ng kumpanya. Napatingin tuloy siya dito. Medyo may katandaan na ang itsura ni Sir Leo pero kakikitaan pa rin ito ng tikas at kagwapuhan. Siguradong gwapo ang ginoo lalo na nu’ng kabataan nito.
“May kailangan ho kayo, Sir Leo?” magalang na tanong ni Matthew kay Sir Leo.
Ngumiti nang maliit si Leo bago nagsalita. “Pinatatawag ka ni Ma’am Veronica. Pumunta ka daw sa opisina niya.” saad nito na ikinagulat ni Matthew. Kumunot ang noo niya.
“Bakit daw po?” nagtatakang tanong ni Matthew. ‘Bakit kaya? May nagawa ba akong kasalanan kaya niya ako pinapatawag?’ sa isip-isip pa niya. Kinakabahan tuloy siya kahit hindi naman dapat dahil alam naman niya sa kanyang sarili na ginagawa niya ng mahusay ang trabaho niya.
Nagkibit-balikat lamang si Sir Leo. “Basta, pumunta ka na lang,” wika na lamang niya saka tinalikuran si Matthew at naglakad palabas ng banyo.
Nakasunod naman ang tingin ni Matthew kay Leo na tuluyan nang nakalabas ng banyo. Nagsalubong ang kilay niya dahil sa pagtataka.
Pamaya-maya ay nagbuga na lamang ng hininga si Matthew. Isa-isa niyang niligpit ang mga gamit sa paglilinis saka nagpasya siya na tumungo na sa opisina ng boss nila. Kabisado na niya ang pasikot-sikot ng kumpanya kasi isa ito sa mga itinuro sa kanya nu’ng unang araw pa lamang niya. Ang hindi niya lang alam ay kung sino nga ba ang mga boss na nakakataas sa kanila ang namamahala rito. Kilala niya lang sa pangalan pero hindi niya pa nakikita.
Nakatayo na si Matthew sa tapat ng blurred na glass door ng opisina ng boss nila. Iniwan muna niya sa storage room ang mga gamit niya sa paglilinis bago pumunta rito.
Huminga nang malalim si Matthew. Kinakabahan siya. Malakas ang kabog ng dibdib niya.
“Kaya mo ito, Matthew.”
Tumayo nang maayos si Matthew. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay saka ipinang-katok iyon sa pintuan.
“Tok! Tok! Tok!” Tatlong beses kumatok si Matthew sa glass door ng opisina.
“Come in!” Narinig ni Matthew sagot ng nasa loob ng opisina.
Mahinang nagbuga nang hininga si Matthew. Maya-maya ay nagpasya si Matthew na dahan-dahang buksan na ang pintuan. Bumungad sa kanyang paningin ang napakagandang itsura ng loob ng opisina. Ang lawak rin nito. Mas malawak pa nga ito sa kwarto nila ni Christine sa bahay. Ang pinaka-nagustuhan niyang nakita ay ang malaking bintana na gawa sa makapal na salamin kung saan kitang-kita ang aerial view sa labas.
Walang ingay na isinara ni Matthew ang pintuan saka tumayo siya ng tuwid. Napatingin si Matthew sa office desk na naroon kung saan nakatalikod na nakaupo sa swivel chair nito ang boss nila.
“Bakit niyo po ako pinatawag?” magalang na pagtatanong ni Matthew para makuha ang atensyon ng taong nakatalikod sa kanya. Lumunok siya ng tatlong beses at kinalma ang sarili para mawala na din sa dibdib niya ‘yung kaba na nararamdaman niya.
Dahan-dahang umikot ang swivel chair at humarap na sa kanya ang boss nila. Nanlaki ang mga mata ni Matthew sa gulat nang mapagsino niya kung sino ang nakaupo sa swivel chair na siyang boss niya.
‘Siya… siya ‘yung babae sa restroom!’ wika ni Matthew sa kanyang isipan. Talagang nagulat siya. Hindi niya inakala na boss niya pala ang babaeng nakita niyang nakikipaghalikan sa loob ng restroom na lilinisin niya.
“Mukhang nagulat yata kita,” sambit ni Veronica habang nakangiti nang matamis at nakatingin ng diretso kay Matthew. “Hindi mo ba inaakala na ako ang boss mo?” nangingiting tanong pa niya.
Hindi nakasagot si Matthew. Hindi siya makapagsalita. ‘Yung kaba sa dibdib niya, mas lalong tumindi.
“Sabi ko na nga ba at muli tayong magkikita,” natutuwang wika ni Veronica.
Tahimik pa rin si Matthew na nakatayo malapit sa pintuan.
“Have a seat. May mahalaga tayong pag-uusapan,” utos ni Veronica kay Matthew. Dumekwatro ito sa pag-upo.
Marahang tumango-tango si Matthew at sumunod na lamang sa sinabi ni Veronica. Lumapit siya saka naupo sa kanang upuan na nasa harapan ng office desk ni Veronica.
“Anyway, before I forgot, I will introduce myself,” ani ni Veronica. “I’m Veronica Samaniego. I’m the only daughter of Aronld Samaniego na totoong boss niyo. Ako muna ang pansamantalang namamahala ng kumapanya habang wala si Dad,” pagpapakilala pa niya. “Pero soon, ako na rin ang magiging boss mo,” nangingiting dugtong pa nito habang nakatitig sa mukha ni Matthew.
Huminga naman ng malalim si Matthew. Kumuyom pabilog ang mga kamay niya na nakapatong sa hita niya. Nakakaramdam siya nang pagkailang dahil sa pagtitig sa kanya ni Veronica.
“Ang lalim,” nangingiting sambit ni Veronica. Mahina pa itong tumawa. “Huwag ka ngang kabahan diyan. Ako lang ito,” dagdag pa niya. “Hindi naman ako nangangain ng tao. Hotdogs and eggs lang ang kinakain ko,” makahulugan at may pagkamalanding sabi nito.
Hindi mapigilan ni Veronica na landiin si Matthew. Ang lalaking hindi na naalis sa isipan niya simula nang makita niya ito ilang araw na ang nakakaraan. Umaga man o gabi, sumasagi ang lalaki sa utak niya.
Kinalma naman ni Matthew ang sarili niya. Tipid siyang ngumiti.
“Bakit niyo ba ako pinatawag Ma’am? May nagawa po ba akong kasalanan?” pagtatanong ni Matthew. Diniretso na ni Matthew si Veronica dahil gusto na niyang matapos ang usapan at makaalis sa opisina nito. Masyado kasing mainit. Hindi literal na mainit, mainit lang kasi napaka-hot ni Veronica sa suot nitong sexy corporate attire at hindi mapigilan ni Matthew na mag-init.
Ngumiti na naman si Veronica. “Napaka-pormal mo naman kung makipag-usap sa akin,” nangingiting wika niya.
Tipid lamang na ngumiti si Matthew.
Tumango-tango na lamang si Veronica. Tiningnan nito ang kanina pa hawak na papel.
“You’re Matthew Sandoval, right? The new janitor.”
Napatango-tango si Matthew.
“Yes Ma’am,” pagsagot niya sa tanong ni Veronica.
Nag-smirk si Veronica.
“Your name sounds hot just like you,” pabirong sabi ni Veronica pero may halong katotohanan iyon sa loob-loob niya.
Pinilit ni Matthew na ngumiti. Hindi na siya komportable sa harapan ni Veronica.
“Just kidding! Pinapatawa lang kita. Halata kasing kabado ka diyan,” ani pa ni Veronica.
Napangiti lang ng tipid si Matthew.
‘In all fairness sa lalaking ito, ang hot ngumiti kahit tipid,’ malanding litanya ni Veronica sa isipan habang nakatitig kay Matthew.
Tiningnan ulit ni Veronica ang hawak na papel. Ito ang resume na pinasa ni Matthew nu’ng nag-apply ito sa kumpanya nila.
Muling napatingin si Veronica kay Matthew. “Bakit janitor ang inaplayan mong trabaho?” tanong niya.
“Uhm…” hindi kaagad makasagot si Matthew.
“Hindi mo ba alam na hindi ka bagay maging janitor? Sa tindig at kagwapuhan mo, mas bagay ka na maging asawa ko,” pabirong wika ni Veronica. Mahina siyang tumawa na may halong landi.
Pinilit na ngumiti muli ni Matthew.
“Joke lang. What I mean is maging model ng underwear. Mukha rin namang may ipagmamalaki ka,” makahulugang sabi pa ni Veronica.
Nahiya naman si Matthew sa sinabi ni Veronica. Hindi na niya pinansin pa ang naunang joke ng dalaga. “Medyo matanda na po ako para maging modelo Ma’am. Saka hindi ko rin po kayang mag-pose ng naka-brief lang sa harapan ng camera.”
“But your only twenty-seven years old. Pwede pa iyan. Saka bakit naman hindi mo kakayanin na mag-pose ng naka-brief lang? You have a good looks and a nice body. Hindi dapat kinakahiya iyon,” ani ni Veronica. “Mas malaki ang kita sa pagmomodelling kaysa sa kita mo ngayon bilang janitor,” sabi pa nito.
Kahit hindi pa nakikita ni Veronica ang naked body ni Matthew, alam niya na may ipinagmamalaki ito. May kaibigan kasi siyang may-ari ng isang modeling agency at nakiusap sa kanya na hanapan ito ng model. Perfect na nga sana si Matthew para ipasok ito sa kaibigan kaso mukhang ayaw nito.
Ngumiti nang tipid si Matthew.
“Sapat na po ang kinikita ko ngayon kaya hindi ko na rin po kailangan na mag-model pa,” saad ni Matthew.
Napangiti na lamang si Veronica.
“Pero siguro naman papayag ka kung may ia-alok ako sayo.”
Nagsalubong ang kilay ni Matthew. “Alok po?” nagtatakang tanong pa niya.
Ngumiti nang matamis si Veronica. “Yes! I have an offer for you.”
“Ano naman po iyon?” pagtatanong ni Matthew.
Mahinang nagbuga nang hininga si Veronica bago muling magsalita.
“Since na sinabi ko na hindi ka bagay na maging janitor, bibigyan kita ng trabaho na talagang babagay sayo,” wika ni Veronica. Ewan ba ni Veronica kung bakit bigla na lamang sumagi sa isipan niya na bigyan ng ibang trabaho si Matthew. Maybe, gusto niya lang na magkaroon ng dahilan para mas mapalapit sa lalaki.
Ngumiti nang tipid si Matthew. “Pero po… masaya na po ako sa trabaho ko kaya hindi niyo na po kailangan pang bigyan ako ng ibang trabaho.”
“Siguro nga masaya ka sa trabaho mo bilang janitor. Impressive nga ang performance mo nitong mga nakaraang araw. Pero alam ko na mas lalo kang sasaya sa iaalok ko sayo,” nangingiting sabi ni Veronica.
Napabuntong-hininga nang malalim si Matthew. Pakiramdam niya, nakikipag-business meeting siya kay Veronica.
“Ano po bang trabaho ang ia-alok niyo sa akin?”
Ngumiti nang abot-tenga si Veronica. “Simple lang naman. I want you to be my personal body guard and driver as well,” sagot niya na ikinagulat ni Matthew. “Wala kasi ako nun and since na mukhang kaya mo naman ang ganung trabaho, ikaw ang kukunin ko. Ano? Deal?” tanong ni Veronica. “Marunong ka naman siguro mag-drive ng kotse,” dugtong pa niya.
“Opo. Marunong naman po ako,” wika ni Matthew. “Pero Ma’am-”
“Kung inaalala mo ang maiiwan mong trabaho dito, huwag ka nang mag-alala, marami pa namang papalit sayo. Saka naipaalam ko na rin ito kay daddy kagabi ng mag-usap kami sa boom and pumayag siya,” mabilis na litanya ni Veronica na pumutol sa sinasabi ni Matthew.
“Pero-”
“Thirty thousand pesos a month. Siguro naman sapat na ‘yang ipapasweldo ko sayo para mapapayag kita,” mabilis na wika muli ni Veronica na nagpatigil kay Matthew.
‘Thirty thousand pesos? Ang laki namang sweldo nun,’ sa isip-isip ni Matthew. Kahit na magtrabaho pa siya twenty-four-seven ay hindi niya kikitain ang ganoon kalaking pera sa isang buwan.
“Sigurado po ba kayo? Hindi po ba masyadong malaki naman ang ipapasweldo niyo sa akin?” tanong ni Matthew.
Ngumiti nang matamis si Veronica.
“Barya lang iyan. Saka isa pa, balewala naman ang thirty thousand pesos na ipapasweldo ko sayo basta mapapayag lang kita na maging driver s***h body guard ko. Sobrang mahal ng buhay ko kaya naman kailangan kita para manatili akong ligtas,” sabi niya. “Ano? Papayag ka na ba?” tanong pa ni Veronica.
Kinagat ni Matthew ang ibabang labi niya. Kaunti na lang ay mapapayag na siya. Hindi niya maitatanggi na naaakit siya sa sweldo. Hindi rin biro na magkaroon ng thirty thousand pesos na sweldo para lang maging driver at body guard ng isang magandang babae.
“Huwag kang mag-alala. Ipagda-drive at babantayan mo lang ako. ‘Yun lang ang trabaho mo na kailangan mong gawin,” wika ni Veronica. Ngumiti pa ito ng nakakaloko. “Unless, may gusto ka pang gawing ibang trabaho para sa akin,” makahulugan at may pagkamalanding saad pa niya na ikinagulat ni Matthew.
“Just kidding!” pahabol na sabi pa ni Veronica at mas lalong ngumiti.
Napalunok ng sunod-sunod si Matthew. Pakiramdam niya ay nilalandi siya ni Veronica kaya hindi niya maiwasan na pang-initan ng katawan.
Nang hindi pa sumasagot si Matthew ay dahan-dahang tumayo si Veronica mula sa swivel chair na inupuan nito. Nakita na naman ni Matthew ang makinis, maputi at maganda nitong legs na kahit sinong lalaki ang makakita, siguradong maaakit.
Pumunta si Veronica sa likuran nang inuupuan ni Matthew. Nagulat na lamang ang huli ng biglang ilagay nito ang magkabilang palad sa mga balikat niya na kanyang ikinapiksi. Lalo tuloy siyang nag-init. Bakit ba siya nagkakaganito kapag nakikita si Veronica?
“Ano? Papayag ka na ba?” pagbulong ni Veronica sa tenga ni Matthew using her seductive voice. Nagbigay ito ng kakaibang kiliti kay Matthew. Kakaiba rin ang haplos at pagpisil nito sa malapag na mga balikat niya.
Hindi makagalaw si Matthew sa kinauupuan niya. Napapikit siya. Pinipilit na inaalis sa isipan ang kung ano-anong bagay. ‘Trabaho lang ito. Trabaho! Trabaho!’ paulit-ulit na wika ni Matthew sa utak niya.
Nananatili namang nasa likod si Veronica at hawak ang mga balikat ni Matthew. Napapangiti dahil natutuwa siya.
‘Ang sarap namang hawakan ng mga balikat niya. Ang lapad at ang tigas’, malanding sambit ni Veronica sa kanyang utak.
After ng ilang sandali pa ay nakapag-isip na si Matthew. Wala naman sigurong mawawala kung gagawin niya ito. Saka tataas ang sweldo niya na inuuwi para kay Christine. Makakaipon na sila para sa kinabukasan ni Liam.
Tumingala nang tingin si Mattthew para tingnan si Veronica.
“Opo. Pumapayag na ako.”
Inalis na ni Veronica ang mga palad niya sa balikat ni Matthew at bumalik na sa pagkakaupo sa swivel chair nito. Malawak ang ngiti niya sa labi.
“Yes!” malakas na sabi ni Veronica at napapalakpak pa ito ng kamay. “Mabuti naman at napapayag na kita. Congratulations!” masayang wika pa niya. “Simula bukas, mag-uumpisa ka na bilang driver s***h body guard ko,” natutuwang sabi pa niya. Itinaas nito ang kanang kamay para makipag-shake hands kay Matthew.
Tiningnan ni Matthew ang nakalahad na kamay ni Veronica. Kahit na nag-aalangan si Matthew ay tinanggap niya pa rin ang pakikipagkamay nito.
Nakaramdam ng kakaibang init at kuryente si Veronica habang tinititigan at hawak niya ang malaking kamay ni Matthew. ‘Grabe! Ang laki ng kamay niya. Siguro, sakop na sakop nito ang…’ Malanding sabi ni Veronica sa kanyang isipan. Lihim pa niyang tiningnan ang malulusog niyang dibdib saka malanding tumawa sa utak niya.
“Uh… Ma’am… ‘yung kamay ko po,” naiilang na wika ni Matthew. Ang tagal na kasi nang pagkakahawak ng kamay nila.
“Oh! I’m sorry,” nangingiting litanya ni Veronica at kaagad nang binitiwan ang kamay ni Matthew kahit gusto niya pa itong hawakan magdamag.
“Anyway, napansin ko lang ang suot mong singsing. Ang ganda. Saan mo nabili ‘yan?” pagtatanong ni Veronica.
Napatingin naman si Matthew sa singsing na nakasuot sa kanang palasingsingang daliri niya.
“Ito po ba?” tanong ni Matthew at itinaas ang kamay. Tumango si Veronica bilang pagsagot sa tanong ni Matthew.
Ngumiti naman si Matthew. “Wedding ring po,” wika niya. Sa tuwing iisipin niya si Christine, napapangiti siya.
Dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi ni Veronica pero hindi niya iyon pinahalata dahil kaagad rin siyang ngumiti muli. Nagulat at nakaramdam siya ng sakit na hindi niya mapaliwanag dahil sa nalaman niya.
‘May asawa na pala siya,’ sa isip-isip ni Veronica. ‘Kunsabagay, hindi na bago sa akin ito,’ sabi pa niya. ‘Pero bakit ganito ang pakiramdam ko?’ tanong pa niya sa sarili. Naguguluhan siya kung bakit nakakaramdam siya ng ganitong sakit.
Pinilit na ngumiti nang masaya ni Veronica. “So you’re a married man.” Pinilit din ni Veronica na maging lively ang tono niya kahit na sa loob-loob, ang pakla-pakla ng pakiramdam niya.
“Happily married, Ma’am,” nakangiting sabi ni Matthew.
Lalong nakaramdam ng sakit sa puso si Veronica. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon. Pero hindi pa rin siya mapipigilan sa balak niya na matikman si Matthew. Gusto niya itong makalaro sa kama. Kahit na may asawa na ito, wala siyang pakielam. Wala siyang pakielam kung may masasaktan at maaapakan siyang iba. Basta gusto niya, nakukuha niya.
“May anak ka na?” tanong ni Veronica. Pilit na ngumingiti. Hindi niya iniisip na marahil kaya siya nasasaktan ay dahil sa mahal na niya ito. Alam niya sa sarili niya na lust lang ang nararamdaman niya para dito at hindi love. Saka ilang araw pa lang naman simula nang makita niya ito tapos mahal na niya agad? Love at first sight ba ang nararamdaman niya?
Tumango-tango si Matthew. “Opo Ma’am. Lalaki.”
Napaismid na lamang si Veronica.
“Anyway, let’s talk about other things regarding your new job,” pag-iiba na lamang ni Veronica sa usapan.
Iniisip na lamang ni Veronica na magiging interesting ang pagkuha niya kay Matthew kasi may asawa na ito. Iniisip niya kung gaano ito kagaling sa kama. Kung anong ginagawa nito sa tuwing kasiping ang asawa. ‘Yun na lamang ang iniisip niya. Hindi pwedeng mainlove siya sa lalaking ito na kitang-kita naman sa mukha na masaya na may pamilya na ito. Ayaw na niyang masaktan pa kaya hangga’t maaari, hindi siya magte-take ng risk. Oras na matikman niya si Matthew, tapos ang lahat sa kanila.
‘Tama ‘yan, Veronica. Malib*gan ka lang pero huwag kang maiinlove,’ sa isip-isip ni Veronica. ‘Okay lang na mamasa ang ibaba mo pero huwag na huwag mong hahayaan na mamasa ang mga mata mo ng dahil sa sakit na dulot ng pag-ibig na ‘yan,” dugtong pa niya.
Ngumiti na lamang si Veronica saka nag-usap na sila ni Matthew tungkol sa bagong trabaho nito.
---
“Mukha masaya ka ngayon, Sweetie. May nangyari bang maganda sa araw mo?” pagtatanong ni Christine kay Matthew. Kasalukuyan silang nasa hapag-kainan at nagsasalo-salo sa hapunan. Pinapakain ni Christine ang anak na si Liam na nakapatong sa may lap niya habang nasa tapat naman nila si Matthew na masaya ring kumakain.
Napatingin si Matthew sa asawa. Ngumiti ito ng malawak. “May bago na kasi akong trabaho,” masayang wika niya.
Napataas ang kaliwang kilay ni Christine. “At ano naman ang bago mong trabaho? Na-appoint ka na agad?” tanong nito.
“Parang ganun na rin siguro. Driver s***h body guard ni boss,” sagot ni Matthew na may kasamang pagtango-tango.
“Hindi ba delikado ‘yang bago mong trabaho? Baka mamaya-”
“Ano ka ba, Sweetie? Yakang-yaka ko iyon.” Ningitian ni Matthew ang asawa. “Saka isa pa, makakaipon na rin tayo ng mas malaki-laking pera kasi biruin mo, trenta mil kada buwan ang sweldo ko,” pagmamalaki pa niya na ikinagulat ni Christine.
“Talaga? Thirty thousand na ang sweldo mo kada buwan?” hindi makapaniwalang tanong ni Christine.
Tumango-tango si Matthew.
“Ang laki, ‘di ba?” tanong niya. “Mas makakaipon na tayo,” natutuwang sabi pa niya.
Tipid na ngumiti si Christine.
“Ang laki nga ng sweldo na ‘yan para maging body guard at driver. Baka mamaya, ibang trabaho na ‘yan,” makahulugang sabi ni Christine.
“Sweetie naman,” wika ni Matthew. Inabot nito ang kaliwang kamay ni Christine at saka hinawakan nang mahigpit.
“Makakaipon na rin tayo, Sweetie. Kapag nakapag-ipon na tayo, ipapasyal natin si Liam sa mga lugar na gusto niyang puntahan,” saad ni Matthew. Tiningnan niya si Liam. “Gusto mo iyon anak, di ba? Gusto mong pumunta sa amusement park, child café at sa kung saan-saan pa.”
“Opo Papa!” sagot ni Liam na ikinangiti ni Matthew.
Muling tiningnan ni Matthew si Christine.
“Kitams? Gustong makapasyal ng anak mo.”
Marahang tumango-tango si Christine.
“Pero huwag nating kalimutan na kailangan rin nating mag-ipon para sa kinabukasan ni Liam.”
“Opo,” nangingiting sagot ni Matthew at kumindat pa.
Ngumiti rin si Christine bilang ganti sa ngiting ibinigay sa kanya ni Matthew.
Iniisip na lamang ni Matthew ang magiging trabaho niya kay Veronica at hindi na niya naisip na ang pinasok niyang ito ang magpapabago sa buong buhay nilang lahat.