“Dad, bakit niyo ba ako pinatawag?” nakataas ang kilay na pagtatanong ni Veronica sa amang si Arnold na nakaupo ngayon sa kanyang swivel chair at nakaharap sa laptop na nakapatong sa office desk nito at may kung anong binabasa doon. Nasa opisina siya ngayon ng ama.
Napatingin si Arnold sa anak na nakaupo ng naka-dekwatro sa sofa na nasa loob rin ng opisina niya. Nakatingin ito sa kanya habang ngumunguya ng bubble gum.
Malalim na huminga si Arnold. Ibang-iba na ngayon ang kanyang anak pero wala na siyang magagawa pa para mabago ito. Siguro nga kasalanan niya rin kung bakit ito ganito ngayon dahil hindi niya ito nagabayan at natutukan ng maayos habang lumalaki ang kanyang anak.
“Pinatawag kita para sabihing mawawala ako for two weeks,” wika ni Arnold.
Bahagyang kumunot ang noo ni Veronica. Tumigil siya sa pagnguya. “And where are you going?” pagtatanong pa niya.
“Sa London. May kailangan lang akong asikasuhin doon,” pagsagot ni Arnold sa tanong ng anak.
Muling nginuya ni Veronica ang bubble gum sa bibig niya. “So ‘yun lang ba ang sasabihin mo? Pwede na ba akong makaalis?” walang kagana-gana na tanong pa niya.
Sa totoo lang, hindi close si Veronica sa kanyang ama dahil na rin sa palagi itong busy sa pagtatrabaho at pagpapatakbo ng kumpanya nila pero naiintindihan niya ito. Naging buhay na nito ang kumpanya simula pa nu’ng bata siya at kahit na nandyan pa ang mommy niya noon. At least, sunod naman siya sa luho. Naiintindihan man niya pero hindi pa rin malapit ang loob niya sa ama niya at sa tingin niya ay wala na siyang magagawa pa doon.
“Hindi pa,” pagpigil ni Arnold sa anak na akmang tatayo na mula sa pagkakaupo. Huminga ito ng malalim saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Gusto ko sana na habang wala ako, ikaw na muna ang mamahala ng kumpanya natin na maiiwan ko,” pagpapatuloy ni Arnold na ikinagulat ni Veronica. Literal na lumaki ang mga mata niya.
“Dad! Ako? Mamamahala ng kumpanya? Are you insane?” naiiritang wika ni Veronica.
Hate na hate ni Veronica ang ma-stock siya sa isang lugar saka hindi pa siya handa to manage their company. At isa pa, oras na mamahala siya rito, mawawala ang kinasanayan niyang night life at pakikipag-one night stand sa mga lalaki. Hindi na rin siya makakagala. Kahit two weeks lang siyang mamamahala rito, torture na iyon para kay Veronica. Kumbaga, biglang magbabago ang kinasanayan niyang routine araw-araw at ayaw niyang mangyari iyon. Ayaw niyang mawala ang kalayaan niya kahit na isang araw lang.
“Don’t talk to me like that, Sophia,” malumanay na usal ni Arnold. Sophia ang tawag niya sa kanyang nag-iisang anak na babae. “Oo, ikaw ang mamamahala ng kumpanya habang wala ako. Alam ko naman na kaya mo iyon. Nakapagtapos ka naman ng business management at may mga naituro na rin ako sayo kaya sapat na ang napag-aralan mo to run a company.”
“But Dad!” protesta ni Veronica pero mabilis rin siyang pinatahimik ng kanyang ama dahil kaagad itong nagsalita.
“No more buts, Sophia. Ngayon lang ako hihingi ng pabor sayo. Mabuti nga at hinayaan kita sa mga ginagawa mo… kahit na hindi ko gusto ang mga iyon,” madiin na wika ni Arnold at napabuntong-hininga muli. “Do this for me, Sophia. Two weeks lang. Saka gusto ko na kahit papaano’y may matutunan ka sa pagpapatakbo ng kumpanya kahit wala ako kaya sana paghusayan mo. Gusto ko na maging handa ka na kung sakali na ikaw na ang mamamahala ng kumpanya. Nandyan naman ang mga tauhan ko para tulungan ka din, okay?”
Marahas na nagbuga nang hininga si Veronica. Naiirita siya. “Fine! It’s that what you wish, sige gagawin ko!” naiiritang litanya ni Veronica. “Saka pwede ba? Huwag niyo nga akong tawaging Sophia. Matagal ng patay si Sophia. I’m Veronica now,” madiin na paalala pa ni Veronica sa ama.
Tatlong tao lang naman ang tumatawag sa kanyang Sophia, ang daddy niya, ang mommy niya at si Mikael pero simula ng mawala sa buhay niya ang mommy niya at si Mikael, ayaw na niyang tawagin pa siya na Sophia dahil ang pangalang iyon ang nagpapaalala sa kanya na minsan ay naging masaya siya ngunit nagdulot din iyon ng sakit at kalungkutan.
Napangiti nang maliit si Arnold dahil sa pumayag na ang kanyang anak. After niyang mapangiti ay napabuntong-hininga naman ito ng malalim.
---
“Your love is like a sun…” Pakanta-kanta si Matthew habang naglalakad mag-isa sa mahabang pasilyo ng kumpanyang pinagtratrabuhan niya. Bitbit nito ang mop at mga basahan na siya niyang gagamitin para makapaglinis. Nakasabit naman sa bewang niya ang lalagyanan ng mga bote ng tubig at sabon na gagamitin niya rin.
After ng maikling orientation, training, at briefing sa kanya ay umpisa na siya sa trabaho. Mabuti na nga lang at maikli lang ang mga iyon at magsisimula na kaagad siya sa trabaho bilang janitor. Hindi na aksaya pa sa oras.
“Uhmmmmmm!”
Papasok na sana si Matthew sa isa sa mga comfort room dito sa fifth floor ng kumpanya ng makarinig siya ng isang ungol ng babae. Nagsalubong ang kilay niya dahil sa pagtataka.
“Ano iyon?” nagtatakang tanong ni Matthew.
Nagkibit-balikat si Matthew. Dahil na rin sa pagtataka ay ibinaba muna niya ang hawak na mop at basahan sa isang tabi saka hinawakan na niya ang door knob ng restroom na malapit sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago ito dahan-dahang pihitin at buksan. Ewan ba niya, parang bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba ngan marinig niya iyon.
Pagkabukas niya ng pintuan ng restroom, nanlaki ang mga mata ni Matthew dahil bumulaga sa kanyang mga paningin ang isang babae at isang lalaki na wagas kung maghalikan sa loob ng banyo. Halos mahubad na ng mga ito ang suot na corporate attire habang nasa sink ng banyo.
Ang babae, nakaupo ito sa may sink habang hinahalikan siya ng nakatayong lalaki. Kitang-kita rin niya ang paglakabay ng kamay ng lalaki sa makinis at maputi na hita ng babae papasok sa suot nitong palda.
Literal na napanganga si Matthew sa kanyang nasasaksihan. Hindi siya makapaniwala na makakakita siya ng ganito sa isang respetadong kumpanya.
Napaka-agresibo naman kasi ng mga nakikita ni Matthew. Parang nasa loob sila ng hotel room at talagang bakbakan kung bakbakan. Hindi na iniisip kung may biglang papasok ba sa banyo.
Hindi makagalaw si Matthew sa kinatatayuan. Tila napako ang mga paa niya. Iniisip niya kung kailangan bang umalis na dapat siya sa lugar na iyon o pigilan ang mga taong ito na naglalaro ng apoy sa loob pa man din ng kumpanya. Hindi naman siya inosente pagdating sa ganitong bagay dahil ginagawa rin naman nila ito ng asawa na si Christine ngunit nilulugar naman niya ang ganitong ka-pribado na bagay.
Mukhang nakaramdam naman ang mga naglalaplapan kaya nakita ni Matthew na napatigil sa paghahalikan ang dalawa. Sabay na tumingin ang mga ito sa kanya.
Hindi maikakaila ni Matthew na maganda ang babae. Ang lalaki naman ay gwapo rin pero mas pa rin si Matthew.
Tinaasan ng kilay ng babae si Matthew.
“And who the hell are you?” tanong ng babae sa kanya. Malumanay lamang ang boses nito at may halong landi. Halata rin na naghahabol ito ng hininga dahil kakatapos lang nitong makipaghalikan ng torrid.
“Uh… eh…” Hindi makapagsalita si Matthew. Ewan ba niya kung bakit bigla siyang napipe oras nang tumingin sa kanya ang babae.
“Hindi mo ba alam na naistorbo mo kaming dalawa?” may halong taray na pagtatanong nito.
Nag-aalangang ngumiti si Matthew.
“Uh… eh… sorry po!” paghingi nang paumanhin ni Matthew at tatlong beses na yumuko. “Aalis na po ako,” pagpapaalam na niya at akma na sanang tatalikod pero napatigil siya.
“Wait!” pagpigil ng babae kay Matthew.
Nilingon ni Matthew ang babae. Sa mukha lang siya nito tumitingin dahil ayaw niyang magkasala kay Christine na asawa niya.
Nakita niyang nag-ayos ng mga sarili ang dalawa. Kitang-kita rin ni Matthew ang magandang hubog ng katawan ng babae sa suot nitong lady black coat na may white polo sa loob, palda na hanggang hita ang haba at black shoes na may takong na ang tantya niyang taas ay nasa four inches. Kahit anong iwas ni Matthew na hindi tingnan ang katawan ng babae pero hindi siya nakaiwas.
“Ipagpatuloy na lang natin ito mamaya,” sambit ng babae sa lalaking kahalikan niya.
Tumango ang lalaking tigas na tigas. Halata ang umbok niya sa suot nitong slack pants na itim at nakataas iyon.
“Yes Ma’am,” magalang na wika nito saka mabilis na umalis kahit na medyo inis dahil nabitin siya.
Ngumiti ang babae. Tiningnan niya si Matthew na nananatili namang nakatayo malapit sa pintuan.
Ngumiti saka kinagat ng babae ang ibabang labi niya na mapula. Ang tingin nito ay parang may ibig ng sabihin.
Literal na natulala si Matthew. Aaminin niya, tumaas ang libido niya sa tinging ipinupukol sa kanya ng babae. Lalaki lang siya at hindi maiiwasang mangyari iyon. Ayaw man niyang maramdaman ngunit hindi niya mapigilan.
“Bago ka pa lang ba dito?” tanong ng babae kay Matthew habang dahan-dahan itong naglalakad papalapit sa kanya.
Hindi nakasagot si Matthew. Nananatili ang tingin niya sa magandang babae. Gusto sana niyang umatras ang kaso, hindi niya magawa. Parang napako na ang mga paa ni Matthew sa tiles ng banyo.
‘Ano bang nangyayari sa akin? Matthew! Gumising ka nga!’ sa isip-isip niya.
Tuluyan nang nakalapit ang babae kay Matthew. Nang-aakit ang tingin at ngiti nito sa kanya.
Napalunok naman si Matthew.
“Silence means yes,” malanding wika ng babae na huminto sa harapan ni Matthew.
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Matthew at napansin iyon ng babae dahil sa pagtaas-baba ng adam’s apple niya. Lalong napangiti ang babae. Napapiksi pa ng bahagya si Matthew nang hawakan siya ng babae sa kanyang kanang balikat. Iba ang hawak nito dahil may halong haplos.
Nagkatitigan sila Matthew at ang babae sa mata. Hindi magawang iiwas ni Matthew ang mga mata niya. Gustong-gusto naman ng babae ang mga nangyayari. Nakikita niya kasing nabibihag niya ang gwapong lalaki sa kanyang mga kamay.
Nag-iinit si Matthew na hindi naman dapat. Pinagpapawisan siya kahit na ang lamig-lamig. Napakalakas kasi ng s*x appeal ng babae sa kanya at hindi niya alam kung bakit.
Mas lalong nagulat si Matthew nang lumapit ang mukha ng babae sa kanya. Gusto niya rin sanang iiwas ang mukha niya rito pero hindi niya magawa. Naging tuod na siya at hindi makagalaw.
Naramdaman na lamang ni Matthew ang pagdampi ng hininga nito sa parteng tenga niya. Nakalapit na pala ang bibig nito sa tenga niya. Amoy na amoy niya ang mabago nitong hininga na amoy cherry.
“Sa susunod, huwag ka nang mang-iistorbo,” mahina at nang-aakit ang tinig ng babae habang nakatitig ito sa tenga ni Matthew. “Oh, baka naman kaya mo kami inistorbo ng lalaking kahalikan ko kanina ay dahil ikaw ang gusto mong pumalit sa pwesto niya?” bulong na tanong pa ng babae kay Matthew. Literal na nanayo ang mga balahibo ni Matthew sa batok.
Mariing napailing-iling si Matthew. Hindi niya naisip ang ganun. Oo, aminado siya na nakakaramdam siya ng kakaibang init towards sa babaeng ito pero hindi niya kayang pagtaksilan si Christine. Mahal niya iyon. Mahal na mahal.
Mahinang natawa ang babae. Aminado siya na napaka-gwapo ng lalaking nakikita ng mga mata niya ngayon. Basta, iba ito sa mga lalaking nakakasalamuha niya. Nag-uumapaw ito sa s*x appeal at dagdagan pa na halatang napaka-matipuno ng katawan nito sa suot na janitorial uniform. Ibang-iba ang nararamdaman niya towards sa lalaking kaharap. Nag-iinit siya at namamasa kahit tingnan pa lamang siya nito.
“By the way nice meeting you handsome. I hope, hindi ito ang una at huli nating pagkikita,” malanding usal ng babae kay Matthew saka na ito dahan-dahang lumayo sa kanya at ngumiti pa.
Tiningnan ng babae si Matthew mula ulo hanggang paa. Kinagat nito ang ibabang labi saka malanding ngumiti nang tingnan niya mula sa mukha si Matthew. Maya-maya ay napagpasyahan na niyang umalis sa harapan ni Matthew.
Tunog lang ng takong ng sapatos ng babae ang huling narinig ni Matthew matapos niyang matulala. Nakalabas na ang babae ng restroom. Marahas na nagbuga nang hininga si Matthew at nanghina ang tuhod niya kaya akmang mapapaluhod siya pero hindi iyon nangyari dahil kaagad siyang nakahawak sa hamba ng pintuan ng banyo.
Hindi makapaniwala si Matthew. Alam niyang nagiging ganito din siya pagdating kay Christine pero bakit pati sa babaeng iyon?
“Sino kaya siya?” mahinang usal ni Matthew sa hangin.
Sa labas naman ng restroom…
“He’s so handsome. Mukhang magiging interesting ang pamamalagi ko rito sa kumpanya ng dahil sa kanya,” nangingiting saad ni Veronica habang naglalakad na parang modelo sa hallway. Abot-tenga ang ngiti niya sa labi.
“Ngayon, may bago na akong prospect para angkinin,” sabi pa ni Veronica saka mahinang tumawa.
---
“Bago ka lang ba dito, Pare?” tanong ni Edward kay Matthew. Katrabaho ito ni Matthew na janitor rin katulad ng huli. Nasa cafeteria sila ngayon ng kumpanya at kasalukuyang nakaupo ng magkatapat sa isang pang-apatang mesa at nagpapahinga kasi break time.
Walang nakuhang sagot si Edward sa tanong niya dahil tulala ang kausap niya at nakatingin sa kawalan.
“Hoy!” halos pasigaw na singhal ni Edward kay Matthew kaya nanumbalik naman sa reyalidad ang huli.
Napatingin si Matthew kay Edward. Kumunot ang noo niya.
“Ha?” naguguluhang tanong ni Matthew. Hindi niya narinig ang mga sinabi ni Edward sa kanya.
Napakamot naman ng ulo si Edward. “Hindi ka nakikinig sa akin. Mukhang malalim yata ang iniisip mo,” dismayadong litanya niya.
Malalim na huminga si Matthew. Ewan ba niya, hindi na kasi maalis sa isipan niya ang eksena kanina sa loob ng restroom. Pati iyong magandang babae na ang lakas ng epekto sa kanya.
Napailing-iling si Matthew. “Wala lang ito. Ano nga ba ang tanong mo kanina?” tanong pa niya.
“Kung bago ka lang ba dito?” tanong ni Edward.
Tumango-tango si Matthew.
“Ako… six years na rito. Minsan nga, nagsasawa na ako sa trabaho kong ito. Dapat nga mag-re-resign na ako bukas para maghanap ng ibang mapapasukan pero ng malaman ko na ang anak ng may-ari ng kumpanya ang pansamantalang mamamahala, hindi ko na itutuloy ang pag-reresign,” sabi ni Edward saka nag-smirk.
Kumunot ang noo ni Matthew. Nagsalubong din ang mga makapal na kilay niya.
“At bakit mo naman hindi na itutuloy ang pagreresign?” nagtatakang tanong ni Matthew.
Mahinang tumawa si Edward.
“Pare, syempre, gusto kong makita ang anak ni boss. Balita rito sa buong kumpanya na sobrang ganda raw nun at nakaka-L. Mabuti na nga lang at wala pa akong asawa kaya hindi ako mag-aalalang nagtataksil ako. Siguro naman matitikman ko rin ang babaeng iyon dahil alam ko naman na gwapo ako,” pagmamayabang ni Edward. “Ang sabi-sabi kasi, pumapatol daw siya,” sabi pa niya at nag-taas-baba-taas-baba ang dalawang kilay niya.
Napaismid si Matthew sa sinabi ni Edward. Nang dahil lang sa isang babae, hindi na magre-resign.
Gwapo naman si Edward pero hindi ubod ng gwapo gaya ni Matthew. Kumbaga, typical na lalaking pinoy ang itsura nito. May pagka-pandak rin ito pero bakat naman sa suot nitong janitorial uniform ang magandang hubog ng katawan na resulta ng palagian nitong pagbubuhat sa gym. May pagka-moreno ang kulay ng balat at makinis naman.
“Babae ang anak ni boss?” tanong ni Matthew.
Tumango-tango si Edward. “Oo.” sagot niya.
“Bakit ang anak ni boss ang pansamantalang mamamahala ng kumpanya?” tanong pa ni Matthew.
“Nasa ibang bansa kasi si boss kaya iyon sa anak ipinaubaya ang kumpanya,” pagsagot pa ni Edward.
Napatango-tango na lamang si Matthew. Pamaya-maya ay may biglang sumagi sa isipan ni Matthew na sinabi ni Edward kanina.
“May tanong lang ako Edward,” wika ni Matthew. Kahit na sandali pa lang silang nagkakakilala, itinuturing na niya itong kaibigan.
Kumunot ang noo ni Edward. “Ano iyon?” tanong niya habang nakatingin kay Matthew.
Huminga muna ng malalim si Matthew. May pagdadalawang-isip siya kung itatanong ba niya ang nasa isip niya.
Pero kailangan ni Matthew ng payo mula sa ibang tao. Tiningnan niya si Edwards na halatang naghihintay sa sasabihin pa niya. Muling huminga nang malalim si Matthew bago muling nagsalita.
“Kapag ba tumitingin ka sa ibang babae bukod sa asawa mo, nagtataksil ka na ba?” lakas-loob na tanong ni Matthew.
Napaisip si Edward.
“Uh… depende,” sabi niya. Pamaya-maya ay ngumiti siya. “Alam mo naman tayong mga lalaki, hindi rin nating maiiwasang tumingin sa iba kahit na may mga asawa na tayo at mahal natin ito. Hindi naman ibig sabihin na kapag tumingin na tayo sa ibang babae, nagtataksil na. Nasa atin na lang kung lalagpas pa sa pagtingin na iyon ang gagawin mo. Kapag lumagpas sa pagtingin, iyon, nagtataksil ka na. Dapat may limitasyon tayo. Hanggang tingin lang at hindi na dapat lumagpas pa roon,” sabi ni Edward. Natawa siya. “Ang galing kong magpayo gayong wala naman akong asawa,” dugtong pa niya.
Napatango-tango naman si Matthew. Tipid siyang ngumiti. ‘Hanggang tingin lang, Matthew. Hindi ka magtataksil. Hinding-hindi mo iyon gagawin,’ wika niya sa utak niya. ‘Huwag ka ring tumingin sa iba hangga’t maaari. Si Christine lang ang tingnan mo,’ sabi pa niya sa utak niya.
“Bakit mo natanong? May asawa ka na ba?” tanong ni Edward.
Ngumiti nang maliit si Matthew.
“Oo, may asawa na ako.”
“Ahhh…” usal ni Edward. “Ito lang payo ng isang binatang katulad ko, kung ayaw mong mag-away kayo ng asawa mo, iwas-iwasan mo na ang pagtingin sa ibang babae. Hangga’t maaari umiwas ka rin sa tukso. Mukhang lapitin ka pa naman,” nangingiting sambit pa niya. “Minsan kasi, ‘yan ang nagiging dahilan para magkaroon ng malaking gulo at lamat sa pagsasama niyong dalawa. May pagkaselosa pa naman ang mga babae,” dugtong pa niya. “‘Yung mga sinasabi ko, applicable iyon sa lahat, kahit sa akin kaya lagi ko rin iyong tinatandaan para kung sakali na magkaroon na ulit ako ng girlfriend o mag-asawa na ako, gagawin ko iyon.”
Tipid na ngumiti si Matthew. Hindi na lang siya nagsalita muli.
---
“Kumusta ang first day mo? Ayos ba?” pagtatanong ni Christine kay Matthew. Sinalubong niya sa pagpasok ang asawa at ginawaran ito ng halik sa pisngi.
Napangiti si Matthew. “Ito at medyo pagod pero ayos naman,” aniya.
“Ganun ba?” tanong naman ni Christine.
Tumitig si Matthew kay Christine. Aminado siya na bukod sa maganda ang asawa niya, mahal niya ito. Ito ang dahilan kung bakit napakabilis ng t***k ng puso niya araw-araw. Sa tuwing makikita niya ito, ramdam niya ang tinatawag na pag-ibig. Pakiramdam niya sa tuwing kasama si Christine, araw-araw ay Valentine’s Day.
“Ganyan ka makatingin sa akin?” takang-tanong ni Christine kay Matthew. Nakataas ang kilay niya.
Hindi nagsalita si Matthew at nanatili lamang itong nakatitig sa mukha ng kabiyak.
Pamaya-maya ay nagulat na lamang si Christine nang bigla siyang sunggaban ni Matthew ng halik sa labi. Mariin, mapusok. Nagpaubaya si Christine dahil halos unti-unti na rin siyang tinutupok ng apoy.
Naging mas malalim pa ang halikan ng dalawa. Habang ninanamnam nila ang tamis ng kailang mga halik, naglalakbay naman ang mga kamay ng bawat isa sa kahit saan mang parte ng kanilang mga katawan kahit sila ay nakasuot pa ng damit. Mabuti na lang at tulog na si Liam kaya malaya silang maghalikan ng ganito.
Tuloy pa rin sila sa paghahalikan. Kaagad na binuhat paharap ni Matthew si Christine at hinawakan ang magkabilang hita nito habang dahan-dahan itong naglalakad at paakyat sa hagdan at patungo sa kwarto nilang mag-asawa. Napayakap naman ng mahigpit si Christine sa batok ng asawa. Ramdam na ramdam ni Christine ang matigas na bagay na tumutusok sa bandang pwetan niya kahit na nasa loob pa ito ng pantalon ng asawa. Alam niyang tigas na tigas na ang asawa at kahit siya, namamasa na ang kanyang kaselanan at gustong-gusto na nitong mapasukan ni Matthew.
Nang makararating sila sa tapat ng pintuan ng kwarto nila, tumigil muna sila sa paghahalikan para mabuksan ni Matthew ang pintuan. Pumasok sila sa loob at pagkasarado ng pinto, ipinagpatuloy na ang naudlot nilang mainit at mapusok na halikan na hahantong sa matamis at mainit na pag-iisa ng kanilang mga pawisan ng katawan.