EPISODE 2

3784 Words
“Vern, girlfriend na kita simula ngayon,” nangingiting sambit ni Adrian kay Veronica na yakap-yakap niya sa baywang. Magkatabi silang nakahiga sa isang king size bed sa loob ng isang mamahaling hotel suite. Nakabalot ng puting kumot ang hubad nilang mga katawan. Kakatapos lang kasi nilang magsalo sa laro ng apoy na kung saan, kapwa naibasan ang init ng kanilang mga katawan. Tiningnan ni Veronica si Adrian. Tinaasan niya ito ng kaliwang kilay. “Girlfriend?” nagtatakang tanong niya kay Adrian habang pinapaikot-ikot niya ng marahan ang hintuturong daliri sa maumbok na dibdib ng binata. Lalong ngumiti si Adrian na lalong nagpa-gwapo sa kanya. “Oo,” hindi kumukurap na pagsagot niya. Tinitigan ni Veronica ang gwapong mukha ni Adrian. Nag-smirk ang magandang labi niya. “At bakit mo naman naisip na girlfriend mo na ako?” tanong niya. Bahagyang kumunot ang noo ni Adrian. “Dahil sa may nangyari na sa atin-” “Hahaha!!!” Parang bruha na tumawa kaagad si Veronica na ikinagulat at ikinaputo naman ng sinasabi ni Adrian. “Bakit ka tumatawa?” nagtatakang tanong ni Adrian. Huminto sa pagtawa si Veronica. “Because you have a sense of humor, Adrian,” nakangiting sambit ni Veronica. “That’s why I like you,” dagdag pa niya. Ngumiti si Adrian. “So ibig bang sabihin niyan-” “No!” mabilis na sagot ni Veronica. Hindi man lang kumurap ang mga mata niya. “Hindi porket sinabi kong gusto kita… gusto kita,” sabi pa niya. “Hindi ka pa ba nasanay sa pagsisinungaling ko?” nakakalokong litanya pa niya na ikinawala nang ngiti sa labi ni Adrian. “And one more thing, hindi porket natikman mo ako, pwede mo na akong maging girlfriend. Ano ako? Pagkain na kapag nagustuhan nang kumakain, ite-take home o ‘di kaya ay aariin na at ilalagay sa refrigerator para hindi na makain ng iba?” napapangising dagdag pa ni Veronica. “But Veronica, alam mo naman siguro na gusto na kita dati pa. The first time I saw you sa may exposed bar last night, I think, we’re compatible,” wika ni Adrian. “Compatible? Saan? Sa kama?” sunod-sunod na tanong ni Veronica. Ngumiti siya ng nakakaloko. “Look Adrian, having a relationship is not my goal right now, and I know na ganun ka rin,” dagdag pa niya. Tinitigan niya si Adrian. “Magaling akong kumilatis ng tao lalo na ng mga lalaki. Sa tingin ko nga sayo, isa kang playboy chef na kapag nakakita ng menudo sa tabi kahit na may kare-kare na sa harapan mo, susunggaban mo iyon para matikman,” sarcastic na wika pa niya. Hindi pa man kilala ni Veronica ng lubusan si Adrian dahil kahapon niya lang ito nakilala eh alam na niya kung ano ang tunay na kulay nito. “But-” “Adrian, hindi ako ang babae na para sayo,” mabilis na wika ni Veronica. “Alam ko naman na ang tingin mo rin sa akin ngayon ay isang w***e, playgirl at kung ano-ano pang pwedeng itawag sa haliparot na babaeng kagaya ko,” sabi pa niya. “Hindi ako marunong makuntento sa isa lang. Gusto ko, natitikman ko ang lahat ng putahe na alam kong pwede namang tikman,” dugtong pa niya. “Mas enjoy ang buhay kapag natitikman ang lahat, ‘di ba?” nangingiting tanong pa niya. “Kaya kung ako sayo, huwag mo nang pangarapin pa na maging girlfriend ako dahil papatulan lang kita sa kama at hanggang dun lang.” Hindi na nakapagsalita si Adrian. Tumingin siya sa ibang direksyon saka huminga nang malalim. Ngumiti naman ng matamis si Veronica. Humiwalay siya kay Adrian at pumunta sa gilid ng kama. Dahan-dahan siyang umalis at tumayo mula sa kama. Hinila niya ang kumot mula kay Adrian at ibinalot iyon sa kanyang sarili. Muling tiningnan ni Veronica si Adrian. Kinagat niya ang ibabang labi niya. Muli niyang nakita kung gaano ka-macho at kalaki ang p*********i ni Adrian na kanina ay ginawa pa niyang lollipop. Malaking lollipop. “You have a nice body and a big c*ck. You are also good in bed. Pero hanggang doon lang iyon. Sa tingin ko, hanggang doon lang ang kaya mong ibigay at hindi ang pagiging good boyfriend,” wika ni Veronica. “And last but definitely not the least, remember this, hindi na ako umuulit ng putahe. Gusto ko, iba naman para hindi nakakasawa,” nakakalokong saad pa ni Veronica kay Adrian. Iniwan ni Veronica si Adrian na nakahiga pa rin sa kama at nakatulala. Tumungo siya sa banyo para maligo. Pagkatapos niyang gawin iyon ay lumabas na rin siya ng banyo ng nakatapis na ng twalya. Kitang-kita ang sexy na hubog ng kanyang katawan at bakat na bakat sa nakatapis nitong twalya ang malulusog niyang dibdib. Kinuha ni Veronica ang nabili niyang damit kanina sa mall sa may cabinet at ito ang isinuot niya. A sexy red sando and a skinny jeans na hapit na hapit sa mahahaba at maganda niyang legs. Naupo si Veronica sa isang upuan na nasa loob rin ng hotel suite at isinuot ang isang pares ng dala nitong black boots na may five inch na heels. Pagkatapos ay tumayo na muli ito mula sa inuupuan kanina with grace and confidence. Muli itong tumingin kay Adrian na nakasunod ang tingin sa bawat galaw niya. “I have to go. By the way, nice meeting you.” Ngumiti si Veronica. “Napasaya mo ako ngayong gabi,” malanding wika pa niya. Dahan-dahang lumapit si Veronica kay Adrian. Hinalikan niya ito sa labi ng mariin habang hinawakan naman ng kaliwang kamay niya ang tayong-tayo na naman nito na p*********i. Napaungol naman sa sarap ang huli. Bago pa tuluyang tupukin muli sila ng apoy ay itingil na ni Veronica ang paghalik at paghimas sa p*********i ni Adrian. Ngumiti siya ng matamis kay Adrian saka dahan-dahang tumalikod na sa lalaki. Kinuha ang shoulder bag na nakapatong sa bedside table at isinukbit iyon sa balikat niya saka wala ng sali-salita na lumabas ng hotel suite na tinutuluyan nila. Ito na ang huli nilang pagkikita. Gwapo si Adrian at masarap. Aminado doon si Veronica. Papayag ba siyang makipag-s*x dito kung hindi ito gwapo na babagay sa kagandahan niya? Pero gwapo man ito ngunit hindi ito iyong tipo ng lalaki na pang-boyfriend or husband material. Kumbaga, ang kagwapuhan at tikas nito ay pang-kama lang. Pang-one night stand lang kumbaga. Nakarating si Veronica sa parking lot. Kaagad siyang pumasok sa loob ng kotse niyang White BMW. Ini-start ang kotse at iyon, pinaharurot na niya sa daa. Uuwi na siya ng mansion. Habang nagda-drive si Veronica, kumurba nang ngiti ang labi niya nang maalala si Adrian. Nakatingin lamang ang mga mata niya sa daan. Maya-maya ay natawa siya. “Masyado siyang ambisyoso para pangarapin niyang maging girlfriend ang isang maganda at maalindog na gaya ko,” mataray na sambit niya. Napairap pa siya. Sophia Veronica Samaniego, twenty-four years old. A multi-billion company heiress. Kinaiinggitan ng lahat ng kababaihan pero walang nangangahas na kalabanin siya dahil kung meron man, isang pitik niya lang, siguradong sira ang buhay ng sino mang lalaban sa kanya. Maganda at sopistikada, ‘yan si Veronica. Lahat ng lalaking makakakita sa kanya ay pinagpapantasyahan siya. Lahat ng babaeng makakita sa kanya, tatlong pakiramdam ang mararamdaman sa kanya, paghanga, inggit at suklam. Magandang hubog ng katawan niya na kahit sinong lalaki, paglalawayan ito. Lalo na kung makikita nila ang malulusog nitong dibdib. Makinis at maputi ang balat niya magmula ulo hanggang paa. At ang maliit niyang mukha na sentro ng atensyon at kahit sinong babae sa mundo, papangarapin na magkaroon rin ng mukha na gaya ng kay Veronica. Chinita eyes, pointed nose, thin and naturaly cherry-like lips. Lahat na yata ng gusto ng isang lalaki sa isang babae ay na kay Veronica na. Dagdagan pa na napakaganda rin ng buhok niya na color burgundy na hanggang likod ang haba at parang noodles ng pancit canton dahil sa kulot. Bukod sa taglay niyang ganda ay mayaman pa siya. Hindi lang mayaman kundi ubod ng yaman. Siya lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng Samaniego Group of companies. Lahat ng klase ng negosyo ay meron sila like hotels, resort, food chains, restaurants, at marami pang iba. Kahit hindi na nga siya magtrabaho buong buhay niya ay okay lang. A spoiled-brat and a primadonna, isama na ang pagiging immature niya at kawalang kaseryosohan sa buhay. Ginagawa lang niyang laro ang kung anong meron sa buhay niya. Ganyan si Veronica. Mabuti at natapos pa niya ang kurso niyang BS in Business Management nu’ng kolehiyo siya kahit na puro kalokohan ang nasa isipan niya. S*x is not new to her. Hindi na siya inosente. She’s a liberated-type of woman na lahat ng klase ng pagpapaligaya, alam niya. Daig pa niya ang p*rn actress sa mga p*rn movies na nagkalat sa internet sa galing niyang magpaligaya ng kalalakihan. Marami na ring lalaki ang dumaan hindi lamang sa buhay ni Veronica kundi pati sa katawan niya. Pero hindi naman lalagpas sa one hundred iyon. Siguro papayag lang siyang makipag-s*x sa lalaki dahil sa ilang kadahilanan: gwapo, malinis, mayaman kagaya niya, at kung kailan tamaan ng L. Bad boys, nice guys, heartthrob billionaire, sporty guy at pati ang lalaking may asawa na. Lahat ng klase ng lalaki, natikman na ni Veronica. Ewan ba niya sa sarili niya. Mas na-e-excite kasi siya na paiba-iba ang lalaking nakakasalamuha niya at nakakalaro. Mas na-e-excite siya kapag iba-iba ang personalidad ng mga lalaking natitikman niya. S*x is the best game for her. Hindi rin naman maitatanggi na gusto rin siyang makalaro ng mga lalaki sa kama dahil nga sa maganda siyang babae at may katawan na kahit sinong lalaki, tatamaan ng L kapag nakita ito. Pero everytime naman na makikipag-s*x siya sa mga lalaki, she make sure na safe siya at hindi mabuntis ng mga ito. Mahirap na kapag nagbunga, siguradong bukod sa hindi niya iyon gusto, mai-stress pa siya dahil siguradong hahabulin siya ng lalaki dahil sa anak nila. Alam ni Veronica sa sarili niyang w***e siya, playgirl o kahit ano pang tawag nila sa babaeng gaya niya na daig pa ang pokpok na babae pero wala siyang pakielam doon. Wala siyang pakielam sa sasabihin ng iba. Invisible para sa kanya ang panghuhusga ng ibang tao. As long na masaya siya, go lang siya nang go. Pero masaya nga ba si Veronica sa ginagawa niya? Masaya nga ba siya sa pakikipag-one night stand sa mga lalaking nakakasalumuha niya sa mga pinupuntahang bars and club? Behind her pretty face, sophisticated aura and a high status in the society, nakatago ang kalungkutan na pilit niyang itinatago sa iba. Kalungkutan na iisang tao lamang ang nakakaalam nito. Aaminin ni Veronica, malungkot siya. Kahit na ginagawa niya ang lahat ng bagay na ito para maging masaya siya, still, hindi talaga nito makumpleto ang saya niya. Parang laging may kulang sa buhay niya na kahit anong hanap niya, hindi niya matagpuan. “Parang puzzle na nawawala ang piraso at hindi ito mahanap kahit na anong gawin ko.” Since she was a kid, malungkot na siya. At the age of seven, her parents seperated. Nahuli kasi ng daddy niya na may ibang lalaki ang mommy niya kaya naman pinalayas ito ng daddy niya. Hindi niya alam kung bakit iyon nagawa ng mommy niya sa daddy niya. Gwapo naman ito so bakit maghahanap pa ang mommy niya ng ibang lalaki? Naiwan siya sa puder ng ama at simula noon, naging malungkot na ang talambuhay niya. Nahirapan siya ng sobra dahil wala siyang ina na masasabihan tungkol sa mga girly things and stuffs. Hindi naman pwede sa daddy niya sabihin ang mga iyon kasi bukod sa lalaki ito, lagi rin itong busy sa trabaho at pamamahala sa kumpanya. Nag-iisang anak pa siya at walang kapatid kaya mas lalong malungkot dahil wala siyang kalaro noon. Minsan nga, natatawa siya sa sarili sa tuwing maiisip niya ang mommy niya. Naaalala niya ang kasabihang birds of the same feather, flocks together. Feeling niya, katulad na siya ngayon ng mommy niya. Pakawala at kung kani-kaninong lalaki kumakapit. Wala na siyang balita rito simula pa noon. Hindi na rin naman ito pinahanap pa ng daddy niya kaya siya, hindi na rin niya hinanap kung nasaan ang kanyang ina. Bilib din si Veronica sa daddy niya dahil kahit papaano’y nakayanan nito na wala ang mommy niya sa piling nito. Halata naman sa daddy niya na mahal pa rin nito ang mommy niya pero hindi ito iyong tipo ng tao na hahayaan na lang masaktan ang puso at pride nito. Sa kabila ng sakit sa damdamin na ibinigay ng mommy niya sa daddy niya, still, nagpatuloy pa rin ito sa buhay. Mas naging produktibo ang bawat araw ng buhay nito at hindi na inisip ang mommy niya para hindi na masaktan pa. “Ganun naman talaga, ‘di ba? Kailangang i-divert ang attention para makalimutan ang gustong makalimutan. Ganun rin ang ginagawa ko. Idina-divert ko ang aking attention sa pamamagitan ng pagiging masaya sa piling ng mga lalaki.” Hanga si Veronica sa tatag ng Daddy niya na si Arnold Samaniego. Ewan nga lang ni Veronica kung hanggang saan ang tatag nito pagdating sa kanya kasi alam naman niya na sakit siya ng ulo ng daddy niya. Alam nito ang lahat ng katarantaduhang ginagawa niya. Natawa tuloy siya sa sarili niya. Akala ni Veronica noon ay habang buhay na siyang magiging malungkot. Pero ng tumuntong siya ng college, nakilala niya si Mikael Villareal. Her first love and her first heart break. Simula nang makita niya ito, nakaramdam na siya ng pagmamahal na kailanman ay hindi niya pa naramdaman. Ang akala ni Veronica noon ay magiging one sided love lang ang mangyayari sa pagmamahal niyang ito kay Mikael ngunit hindi pala kasi nu’ng second year college sila, umamin ito na na may gusto ito sa kanya. Sobrang tuwa ni Veronica noon to the point na hiniling pa nga niya na pwede na siyang mamatay dahil sa sobrang saya na nararamdaman. Gwapo si Mikael. Ito iyong tipo ng lalaki na pang-boy next door. Lahat nga ng babae, galit sa kanya noon kasi nga nabihag niya ang puso ng isang Mikael. Anong magagawa niya? Eh sa maganda siya. Pero alam naman ni Veronica na hindi lang ang ganda niya ang dahilan kung bakit siya minahal ng binata. Mas malalim pa roon at nararamdaman niya iyon. Naging masaya ang relasyon ng dalawa na umabot pa ng isang taon. Pero sabi nga ng iba, hindi forever ang salitang saya. Dahil sa oras na nagiging masaya na ang lahat, bigla itong puputulin na parang isang ribbon lang na ginupit sa isang opening ng gusali or negosyo. Mas gusto pa noon ni Veronica na naghiwalay sila na ang dahilan ay nagloko ito kasi at least kahit niloko siya nito, pwede niya pa itong makita o hindi kaya ay ipaglaban niya ang pag-ibig niya para dito. Pero isang malagim na aksidente ang kumitil sa buhay ng lalaking unang minahal. Isang aksidente na dahilan kung bakit siya ganito ngayon. Nang dahil sa aksidente na iyon, hindi na siya naniwala pa sa pag-ibig. Para sa kanya, ang pag-ibig na ‘yan ay ilusyon lamang. At ang forever ay isang malaking kalokohan na nilikha ng mga gag* na hindi masaya sa buhay kaya kung ano-ano na lang na pantasya ang ginagawa at nandadamay ng iba pa na tahimik lang na namumuhay. Walang forever sa mundo. Lahat natatapos tulad ng mga telenovela at pelikula na lahat ay may katapusan. Kung ang tao, namamatay at natatapos rin ang buhay sa mundo, ang pag-ibig pa kaya? Iniisip noon ni Veronica, ano bang ginawa niyang mali noon at bakit lahat na lang yata ng kamalasan sa mundo, sinagap niya? Magnet ba siya na sumasagap ng mga kamalasan? Mali ba na ipanganak pa siya dito sa mundo? Ngayon pa nga lang siya gumagawa ng kamailan pero hindi pa naman siya minamalas pero bakit noon na wala siyang ginagawang mali, puro kamalasan ang dumadapo sa kanya? Mas okay pa yata na maging masama kaysa maging mabuti. Minsan, nasisi ni Veronica ang nasa Itaas. Alam naman niyang pagsubok sa buhay ang binibigay nito na kailangang lagpasan kagaya ng mga challenges sa mga larong nilalaro sa phone and computers. Ngunit bakit sobrang hirap ng mga challenges na ibinigay nito sa kanya to the point na gusto na niyang lumuhod na lamang at tuluyang sumuko? Hindi ba pwedeng kahit papaano’y bigyan naman siya nito ng saya? Malungkot na nga siya nu’ng bata siya, hanggang ngayon ba naman? Ang isa pang masakit na nangyari kay Veronica ay ang malamang nakunan siya. Oo, buntis siya ng mga panahong iniwan siya ni Mikael. Ito sana iyong first baby nilang dalawa pero dahil sa kalungkutang dinaranas niya noong mga panahong iyon, hindi niya naalagaan ang sarili at huli na ng malaman niyang buntis pala siya. Sobrang kalungkutan at hinagpis ang nararamdaman ni Veronica. Sinisisi nga niya ng sobra ang sarili noon sa pagkawala ng baby nila ni Mikael na bunga ng pagmamahalan nila. Feeling niya, wala na siyang ginawang tama. Feeling niya, wala siyang kwentang ina. Feeling niya, napakasama niya dahil napabayaan niya ang baby niya. Simula noon, hindi na umibig pa si Veronica at ang relasyon lamang niya sa mga lalaking nakakasalamuha niya ay pure s*x lamang pagkatapos nun ay wala na. Lust lang ang pilit niyang ipinaparamdam sa sarili at hindi na lalagpas pa roon. Para maibsan ang lungkot, simula noon, kung sino-sinong lalaki ang nakakalandian ni Veronica. Mga lalaking sabik sa laman. Nakikitawa man siya sa mga ito. Ngumingiti man siya na abot-tenga. Ngunit sa likod nito ay ang sakit ng nakaraan na kahit ano yatang gawin niya ay hindi na maaalis sa isipan niya. Tila para isa itong tattoo sa balat na nakatatak na habang buhay. Ginagawa niya ito para sa panandaliang saya. Saya para sa iba pero para sa kanya, hindi niya alam. Sa tingin ni Veronica ay nakikita siya ngayon ni Mikael mula sa itaas. Kung ano ang ginagawa niya sa buhay niya. Sana lang mapatawad siya nito. Ano bang masama kung maghanap siya ng saya? Sorry pero hindi siya kasing tatag ng Daddy niya na kayang ituon nito ang atensyon sa makabuluhang bagay. Siya hindi, dahil sa oras na may ginagawa siyang makabuluhan, lagi lamang siyang nadi-destruct sa mga alalaala ni Mikael. Marahas na pinunasan ni Veronica ang tumulong luha mula sa kanyang mga mata habang nakatingin pa rin siya sa daan at patuloy na nagmamaneho. Ayaw na ayaw pa naman niya na lumuluha. Hangga’t maaari, ipapakita niya sa lahat na matapang at matatag siya at hindi umiiyak. Ipapakita niya sa iba na masaya siya. Masayang-masaya. --- “Congratulations, Mr. Sandoval. You’re hired,” wika ng interviewer kay Matthew na ikinalaki ng mga mata niya. Hindi siya makapaniwala. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Matthew. “Talaga po?” tanong niya. Tumango at ngumiti lamang ang interviewer. Napakasaya ngayon ni Matthew. Sa wakas, may trabaho na siya. “You can start tomorrow. You will have an orientation and training and afterwards, you can start,” sabi pa ng interviewer na nakangiti lamang kay Matthew. Lalong ngumiti si Matthew. “Maraming salamat po. Maraming-maraming salamat po.” Labis ang pasasalamat ni Matthew. Kitang-kita sa mga mata niya ang kaligayahan dahil sa wakas, matapos ang matagal niyang paghahanap ay may trabaho na siya. --- “Swettieee!!!” malakas na sigaw na pagtawag ni Matthew kay Christine pagkapasok na pagkapasok nito ng bahay. Tumatalon-talon pa siya sa tuwa. “Oh? Bakit ka sumusigaw diyan?” tanong ni Christine na kaagad lumabas mula sa kusina at pinuntahan si Matthew. Malawak ang naging ngiti sa labi ni Matthew. Diretso naman ang tingin ni Christine sa asawa. “Bakit masayang-masaya ka ngayon?” nangingiting tanong niya. Abot-tenga na ngumiti si Matthew. Hinawakan niya sa magkabilang braso ang asawa niya. “Natanggap ako Sweetie sa inaplayan kong kumpanya. May trabaho na ako!!!” masayang-masaya na wika ni Matthew na ikinalaki ng mga mata ni Christine dahil sa gulat. “Talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya. Mabilis na tumango-tango si Matthew. Mabilis na yumakap si Christine sa asawa. “Congrats, Sweetie! Sabi ko naman sayo at makakahanap ka din,” natutuwang sambit niya. Humiwalay din ito sa yakap at tiningnan ang asawa. “Teka lang, anong trabaho naman ‘yan, Sweetie?” tanong nito habang nakatingin sa asawa. “Janitor sa isang malaking kumapanya,” ani ni Matthew. Nawala ang ngiti sa labi ni Christine. “Ja-Janitor?” hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango-tango si Matthew. “Oo,” wika niya. “Bakit? May problema ba?” pagtatanong pa niya. Pinilit ngumiti ni Christine. “Sigurado ka ba? Kaya mo ang ganung trabaho? Hindi naman sa minamaliit ko ang pagiging janitor pero alam mo naman na-” hindi na naipagpatuloy ni Christine ang sasabihin dahil biglang idinampi ni Matthew ang hintuturong daliri nito sa labi ni Christine. Masaya na ngumiti si Matthew. “Magpasalamat na lang tayo na may trabaho na ako. Saka kaya ko iyon kaya huwag kang mag-alala. Iisipin ko na lang na naglilinis ako ng buong bahay araw-araw,” nangingiting wika niya. Inalis na rin nito ang nakadamping daliri sa labi ni Christine. “Pero-” naputol ang sasabihin pa ni Christine nang mabilis siyang halikan ni Matthew sa labi. Naging malalim ang halikan ng dalawa na halos maubusan na sila ng hininga. Hindi pa nga sila titigil sa halikan pero may umeksena. “Mama! Papa! Gutom na ako!” Narinig nilang sabi ni Liam kaya kaagad silang naghiwalay sa paghahalikan. Nakatingin sila Christine at Matthew sa cute nilang anak na si Liam na nakatayo na malapit sa kanila at nagtatakang nakatingin sa kanila. Nagkatinginan sila Matthew at Christine. Kapwa napangiti sa isa’t-isa. Iniisip kasi ng dalawa na napaka-cute maging inosente ni Liam. Magkasalubong pa kasi ang mga kilay nito. Muling napatingin si Christine kay Liam “Okay, baby. Kakain na tayo,” ani ni Christine kay Liam saka ngumiti muli. Tumingin muli ito kay Matthew. “Halika na at kumain na tayo,” sabi niya pa sa asawa. “Mama, ikaw po ang gusto kong kainin,” boses-batang sambit ni Matthew sa mahinang boses. Biglang tinakpan ni Christine ang bibig ni Matthew at masamang tiningnan siya. “Ano ka ba? Kung ano-anong sinasabi mo diyan. Naririnig ka ni Liam,” medyo galit na sabi ni Christine. Tumawa lang si Matthew kahit na may takip ang bibig niya. “Tatawa-tawa ka pa diyan!” naiinis na wika ni Christine at inalis na ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ni Matthew. Tiningnan niya si Liam. “Halika na baby at kakain na tayo,” pag-aaya nito sa anak at nauna na silang tumungo sa dining area. Natatawa namang nakasunod sa kanila si Matthew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD