Vision 11

1483 Words
NAKAPAGTATATAKANG hindi umaali-aligid ngayon si Sebastian sa bahay nila. Wala roon ang binata ngayon, na madalas ay palagi itong naroon kapag tapos na ang duty nito. Ito rin ang unang araw na hindi ito nagparamdam sa kanya, tawag o mensahe. Aaminin niyang nakakapanibago at nami-miss niya ang binata. Because he shows her how important she was to him. Alam na nga pala nito ang buhay na mayroon siya, ngunit hindi ang sa binata. Kailanman ay hindi niya ito inusisa o tinanong man lang. Hindi naman sa hindi siya interesado, mas nais lang niyang maging curious sa binata. At nangyayari na nga iyon ngayon. Nakapatay ang phone nito nang subukan niya itong tawagan at ang masaklap ay hinihintay niyang mag-message ito o kaya ay marinig ang busina ng motor nito sa tapat ng bahay nila. "Kanina ka pa yata nakaabang sa phone mo?" Kamuntik na siyang mapamura at halos maihagis ang phone sa pagkagulat nang magsalita ang kanyang ama at hindi namalayang lumalapit na pala. "Next time naman, huwag po kayong manggulat." Pasimple itong ngumiti ng makahulugan saka itinaas ang tasa ng Red tea ng gabing iyon. Itinago na lang niya ang mukha dahil sa pagkapahiya at dumiretsong pasok na lang sa kwarto saka nagpaalam na matutulog na lang. Pasado alas dose na... pero hindi naman siya madalaw-dalaw ng antok. Kinakabahan pa nga siya sa hindi niya malamang dahilan. Wala naman sigurong masamang nangyari sa binata. Tumayo siya mula sa mahabang pagkakahiga at sinilip ang phone na nakapatong sa bedside table. Wala paring message o tawag. Bahala na. Baka low battery o kaya ay wala ng interes sa kanya ang binata. Mas mabuti pa ngang ganoon, kaysa umasa ito ng matagal dahil baka.. bumigay na rin ang puso niya. Mahigpit ang kapit ni Aerra sa suot na bestida, nakaupo at nakatungghod. Puno ng luha ang mukha mula sa mahabang pag-iyak at paghikbi. Hindi alam kung saan hihingi ng tulong lalo na nang makita ang inang nakikiusap sa mga kidnapper. "Huwag ang anak ko, nakikiusap ako sa inyo. Bata pa siya," umiiyak na pakiusap ng kanyang ina. Ngunit sinipa lang iyon ng lalaking may nakatakip na bonnet sa ulo. Tinamaan ang kanyang ina sa tagiliran. Napatakbo at napayakap siya sa ina. "Shh.. Baby, okay lang si Mommy. Huwag ka ng umiyak. Ililigtas kita rito," matatag na sabi nito na hindi alintana ang nasaktang tagiliran. Dumating din sa wakas ang hinihintay nilang magsasagip sa kanila --ang mga pulis. Matapos mapasok ang hide-out at mapaligiran ay dinampot ng isang lalaking may tattoo ng agila sa braso ang kanyang ina at hinapit sa leeg saka tinutok ang baril sa ulunan nito. "Sige, magpaputok kayo, papatayin ko ang babaeng ito," matigas na banta nito. Kahit anong gawang iyak ni Aerra ay walang nangyari, lalo na nang maling hakbang ang ginawa ng isa sa mga pulis. Babarilin sana nito sa braso ang hostage taker ngunit mas mabilis ang kamay ng lalaki, at nabaril ang kanyang ina. Kumalat ang pula at malagkit na likido, halos sumabog ang bungo ng ina ni Aerra nang makitang pinatamaan iyon sa sintido. Napatakbo si Aerra at umiiyak na nilapitan ang sariling ina halos mangisay. Hanggang tuluyan itong nawalan ng buhay. "Mommy! Mommmmy.." Napatakbo ang ama ni Aerra sa kwarto matapos marinig ang ungol at sigaw niya. "Daddy..." "Huwag ka ng umiyak." Parang kahapon lang ang nangyari at napapanaginipan na naman niya. Parang bago na naman ang lahat. Pinunasan ng kanyang ama ng tissue ang pawisan niyang noo saka mahigpit na niyakap. "Dad.. There's something wrong. Napapanaginipan ko na naman na parang isang masamang senyales." "Shhh.. Everything will be okay, Baby." Apuhap ng kanyang ama habang nakayakap sa kanya at hinahaplos ang likod niya. "Dad.. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng pulis na iyon at ang lalaking bumaril kay Mommy." Lalo niyang naramdaman ang paghigpit ng braso ng ama na nakakayakap sa kanya. Ilang taon na ang nakararaan, dekada na nga halos ang lumipas pero naaalala pa niya ang lahat. Nakatatak na sa kanyang balintataw. Trauma kung tutuusin ngunit hindi nila magawang pumunta sa psychiatrist o psychologist para ipagamot ang trauma na sinapit niya. Ayaw ng kanyang ama ang hindi magagandang isipin tungkol sa kanya. Ayaw nitong maging laman siya ng kumpulan at tukso. Ayaw ng kanyang ama na maging mahirap para sa kanya ang lahat. Nang magising nga siya mula sa coma ay iba na ang lahat. Nawalan lang siya ng malay noon ngunit halos hindi na magising. Hindi na nga niya alam ang kabuuhan ng nangyari kung bakit ba siya nawalan ng malay. Ngayon nga habang lumalapit siya sa panganib ay parang lalo siyang nakakarating sa kasagutan kung paano niya hahanapin ang mga ito at saan mag-uumpisa. Hindi siya iniwan ng ama hanggang makabalik siya sa pagtulog para hindi na siya bangungutin. NAKALIGO at nakabihis na si Aerra nang tumungo sa hapag. Naroon ang ama na nagbabasa ng diyaryo habang sumisimsim ng kape. May pandesal na ring nakalatag na binili nito sa nag-iikot at nagtitinda ng pandesal. "Saan ang punta mo?" In-adjust niya ang suot na shades. "Tutungo lang po sa City Jail." Binigyan siya ng ama ng nagdududang tingin. "Aha! Hinahanap mo si Sebastian." Tumaas ang kilay niya at pinaningkitan ito mula sa loob ng shades. "Ba't ko naman hahanapin ang lalaking iyon? In his dreams." "Sa tingin ko naman ay mabuti siyang lalaki at gusto ko siya para sa'yo." Nagkibit lang si Aerra ng balikat mula sa sinabi ng ama. Ayaw rin naman niyang magsalita ng tapos. Inihimpil ni Aerra ang sasakyang hiniram mula sa Ama sa tapat ng Police station. Bababa na sana siya nang mapansin niya mula sa matalas na paningin ang pamilyar na lalaki. Mangilan-ngilan na ang puti nitong buhok habang bahagya na ring nakikita ang bumbunan, samantalang may puti na rin itong balbas na hindi kakapalan. Ang bigote'y makapal at namumuti na rin. Bahagya ring tumaba kumpara noong huli niyang makita ito, mula noon at hanggang sa panaginip. Suot na rin nito ang eyeglasses. Matanda na nga ang hitsura nito at napakalaki na ang ipinagbago ng panlabas na kaanyuan. Sigurado si Aerra na ang lalaking ito ang nakaharap niya labing limang taon na ang nakalilipas. Her mind didn't left her alone and had all the memories how long it was since it was the memorable and sorrow tragedy in her entire life. Ngunit ano ang ginagawa ng lalaking ito rito? Ang alam niya ay pinakulong nila itong mag-ama. Bakit, umaali-aligid parin ito ngayon? Nakatuon lang ang mabalasik niyang mga mata sa puwesto ng lalaki. Minamasdan ang bawat kilos nito habang nakikipagtawanan sa mga pulis na naroon. Hanggang hindi niya inaasahan ang makikita. Sebastian was there with someone. May babaeng nakaangkla sa braso nito. Long hair, cute and has small nose. Balingkinitan ang katawan at morena, mas matangkad din sa kanya ng ilang pulgada dahil halos kasukat na nito ng tangkad si Sebastian. Kaya ba wala na itong panahon sa kanya dahil nakikipaglingkisan na pala sa iba. Ang bilis naman nitong magpalit, na parang nagpapalit lang ng sariling brief. Tila gusto niyang babain ang dalawa at hatakin palayo sa babaeng morenang ito si Sebastian. Ano naman ang karapatan niya? They had no labels and she is nothing to call for a girl friend. She's no one. Lalong sumama ang pakiramdam niya. Gusto niyang bumaba ng sasakyan at pakinggan ang sinasabi ng mga ito. Ngunit hindi niya rin kaya lalo na nang makitang palabas na ng police station ang kinasusuklaman niyang lalaki. Lalo pang umarko ang kilay ni Aerra nang makitang nakaabkbay na ito kay Sebastian. Kilala ni Sebastian ang lalaking iyon? Paano? Bakit? Napahawak bigla si Aerra sa kaliwang dibdib, naninikip iyon at gustong sumabog mula sa mga natuklasan. Hindi na siya nagtagal pa roon. Binuksan agad niya ang makina at paharurot na umalis sa pinagparking-an. May parte ng puso niyang nais malaman ang lahat. May parte naman ng isipan niyang nais manahimik na lang. Dahil baka ang kaalaman sa lahat ng iyon ay mapalitan ng mas masakit na pagkabigla. Pagdating sa bahay ay wala na ang kanyang ama. Pumasok na marahil sa trabaho. Pumasok na lang din siya sa kwarto. Nag-iisip habang masama ang tingin sa cellphone kung tatawagan ba si Sebastian o ignorahin na lang ang nakita. Dalawang bagay na ngayon ang gumugulo sa isipan niya, si Morena at ang lalaking dahilan kung bakit binawi ng maaga mula sa kanilang mag-ama ang kanyang ina. She was trying to ignore everything. Palihim niyang tutuklasin ang lahat. She went back on his Dad's car and started the engine. Tutungo siya sa Police Superintendent at kukunin ang huling misyon kasama man niya o hindi si Sebastian Delgado. Ilang beses pa nga siyang tinanong kung sigurado ba siya sa desisyon niya matapos malaman ang huling misyon. She held her head up high and nod. Kakayanin niya ang misyon kahit iba ang maging kasama niya sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD