Vision 1
This is an original work of fiction and results of a mind’s imagination. Any Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author’s permission. You can kindly coordinate to the Author for the copy of the story.
Stealing is a crime, please avoid Plagiarism.Thanks
Please follow and add this to your library. ❤ to ❤
**********************
NABUHAY si Aerra na dala ang isang bagay na hindi niya aakalaing mangyayari sa sarili niya.
Nagsimula ito nang kidnap-in sila ng kanyang ina. Hindi kinayang lumaban ng kanyang ina sa malupit na tadhana at masasamang tao, namatay rin matapos iharang ang sarili sa kaligtasan ng anak nito. It was all her fault.
Na-comatose ng dalawang buwan sa edad na pitong taon. At nang magising ay may kakaiba na sa kanya. Nakikita niya ang kulay green na vision ng dextrose, ang mga gamot, ang stethoscope, ang kama, alcohol at marami pa. Iyon ang unang beses na nalaman niyang tumatagos hanggang kaluluwa ang tingin niya.
Labis na nag-alala sa kanya ang ama dahil sa nangyari. Isa ring pakiramdam na parang lagi siyang binabangungot. Gusto niyang makatulog pero laging pumapasok sa alaala niya ang lahat ng bagay. Nang may mapansin siyang kakaiba sa sarili napansin din iyon ng Daddy niya. He trained her so well using her extrasensory ability. It wasn’t really a gift but a power to avenge her mother to those scumbags that killed her.
That’s the reason why she join this community. She want to handle it herself, she want to fall them hard. Gusto niyang pagbayaran nila ang ginawa ng mga kriminal na iyon. Gusto niyang mabulok sila sa kulungan. Hindi man niya mahanap lahat, at least ang ikalawang saling lahi ng mga ito, ang anak o asawa ng mga ito.
Alam ni Aerra na hindi magiging madali ang lahat. Sa nakalipas na labing limang taon may posibilidad na patay na ang mga ito, matanda na o hindi na matagpuan sa sulok ng Pilipinas. Pero kahit man lamang isa ang magbayad sa ginawa ng mga ito sa kanyang ina.
Hindi naging madali ang buhay kay Aerra. Of course her father didn't want her to discover saying that 'Hey, you're a supehuman.' Magiging outcast nga siguro siya kung nagkataong pumapasok siya sa School. Kaya nagkasya na siya sa self study sa tulong ng Ama. She can also use her power freely. It really sounds great but sometimes hilarious, disaster. It makes her different, weak, distinct and uncomfortable.
Ang mga bata, masayang nakikipaglaro sa labas nang piko, tumbang preso, tagu-taguan o kung anu-ano pang larong pangkalye. Samantalang siya, nasa bahay lang, suot ang salaming itim sa mata para matabunan ang liwanag sa madilim niyang mundo.
Nang magdalaga, lalo lang nabago ng pananaw niya, ang mundo, naging takot siya sa paligid. Natakot tuklasin ang mundo. Ang mundo sa likod ng maitim na kinalakhan niya. Ang kulay sa loob ng mga mata niya na kailanman ay hindi na titingkad at magkakaroon ng iba't-ibang kulay ng kasiyahan.
From her most lovable, caring and supportive father, it was great that she was now a college degree. Her Dad work hard for it until she discovered something, that might help her use her own ability.
It was a steamy morning that day since the sun didn't shine at all. Pati yata ang araw ay umiiwas na masilayan siya o masilayan niya.
"Dad, I told you to wear anything but not red briefs," mandar ni Aerra sa ama nang makita mula sa sariling vision na nakasuot ito ng red brief sa ilalim ng suot na black trouser.
Thanks to that black shades, she can distinguish the colors but not without them because everything seems green and red.
Matalas na tinitigan siya ng ama, sinukat kung nakasuot siya ng shades. "May hindi ka sinasabi sa akin, Aerra."
Oh oh. Buking na siya. Hindi niya nasabing nakaka-distinguish na siya ng colors using that shitty shades. "I.. Sorry, Dad. But yeah, I can finely define colors now."
Lumapit sa kanya ang ama at bakas din ang kasiyahan sa mukha. "That's great but.. Do you still see inside my ah.. my cloth, you know?" alinlangang tukoy ng ama sa buo nitong katawan.
Her Dad knows she was a leaving X-ray vision hell. "No. I mean, I didn't see anything. Just clothes around your body."
"Talaga?" Tila nabuhayan ito mula sa sagot niya. Mabilis nitong inilang hakbang pabalik ang kwarto mula sa sala, dinampot ang notebook at naglista na naman ng bagay na naobserbahan nito sa kanya.
Mistulang isa siyang specimen na kailangang aralin ng isang matalinong scientist, walang iba kundi ang Daddy niya. But nope, her Dad wasn't a scientist but a good Doctor. Surgeon Doctor. At masasabi niyang sa kabila ng edad na Forty eight, magaling pa rin ang kanyang ama sa medisina. A whole twenty five years he'd been provided his life to be a Doctor.
"Dad, late ka na!" sigaw niya sa Sala. Bumuntong-hininga siya. Paano kaya niya sasabihin sa ama na nais niyang maging parte ng marangal na kapulisan? She wanted to be a police agent someday.
Tumalima agad ito, dinampot ang ginawa niyang burger sandwich at mabilis na humalik sa pisngi niya saka nagpaalam na para pumasok sa Opisina. "I'm a bit late today, don't forget to clean the house!" paalala pa nito bago tuluyang umibis ng sasakyan.
SHE never felt like this sophisticated in a lying manner. Oh yes, she didn't tell anything yet. Pero hindi naman siguro malalaman ng ama niya na tutungo siya sa ranging place. Matagal na niyang inasam-asam na makadaopang palad at humimas ng metal na bakal, marinig ang matinis na tunog at amoy ng pulbura mula sa mga baril. Hindi naman siguro kalabisan ang maglabas ng walong libo para sa pagpapa-member.
Suot ang two inch boot, ramping jeans, spaghetti strap at itim na jacket dala ang shades ay lumulan siya sa isang Taxi. Nagpababa sa isang sikat na shooting range sa Pasay, isang oras ang biyahe mula sa bahay nila para hindi mapaghalataan ng kanyang ama ang ginagawa niya.
She squinted and then scanning the place. Tila isang sigarilyo ang amoy ng pulbura nang tuluyan siyang makapasok sa Shooting arena.
'This is awesome,' sabik na sabi ng kanyang isipan. Hindi na siya makapaghintay na ma-train. She'll make sure entering the police academy someday.
"Ms. Aerra Carinan."
Napatayo siya at agad lumapit sa lalaking mag-aasist sa kanya. She's twenty-two kaya tiyak na papasa na ang kanyang edad ayon sa naaral niya sa google and the help of some books she brought escaping from her father's busy doctors time.
Binilinan siya ng lalaking magte-train na suotin ang mga safety protection tools, gaya ng ear protection at eye protection. Mukhang medyo mahihirapan lang siya sa eye protection dahil hindi na kasing itim ng shades niya ang ipapasuot nito. Salamat na lang sa makapal at malago niyang pilikmata na pinahiran niya ng mascara para lalo pang kumapal at matabunan ang lihim na kailanman ay hindi nalaman ng iba pwera na lamang ng kanyang ama.
The lead guy instructed her what to do. Naipaliwanag na rin naman niya na ito pa lang ang unang beses niyang makapasok sa ganito ka-exciting na lugar.
Malakas na palakpakan ang narinig niya matapos ang unang round sa shooting range. She hit the bull's eye for the first time. They'd been impressed. Well, hindi rin naman kasi niya akalaing magagawa niya iyon.
"Well done, Ms. Carinan," bati ng instructor niya. "Hindi ka mahirap turuan."
"Thank you, Mr. Edgar. Mayroon pa ba kayong mas exciting na range. For example, hostage taking?"
"Parte na po iyon ng range. You have all the privilege since member ka na po ng range."
Spark was evident in her gloominess eyes. "Glad to hear." Ginantihan pa niya ng tipid na ngiti ang lalaki.
Wala pa sigurong nakatitig sa mga mata niya katulad ng kanyang ama at wala pang nakaaalam sa tunay na kulay ng mga iyon.
Nag-enjoy si Aerra matapos ang dalawang shooting game. Ang una ay isang simpleng ACP o kalibre kwarenta y sinco , ang ikalawa naman ay ang sniper rifle. Kung may pagkakataon, nais pa sana niyang mahawakan ang iba't-ibang uri ng mga baril dito sa Pilipinas. Kung hindi lang sa limitadong oras, marami pa sana siyang balak gawin. May ibang araw pa naman.
Matatapos pa nga yata niya ang isang buwang training or twice a week na shooting range bago pa siya mabuko ng ama.
Sakto lang ang lapag ng mga paa niya sa bahay. Hindi pa nakauwi ang ama. Kinuha agad niya ang tambo at walis. Nagsimula na siyang maglimas ng kalat na ilang minuto lang ang itinagal.
Pasado alas onse na nang matapos siya sa pag-aaral ng iba't-ibang klase ng baril, gamit at ang rounds na kaya nitong gawin. Narinig agad niya ang yabag sa sala. Kung mabibigyan siya ng lisensiya baka balakin na rin niyang bumili ng sariling baril. Pero gusto muna sana niyang magkatrabaho.
Agad siyang dumukwang, iniangat ang ilalim ng kama at mabilis na isinalansang doon ang nagkalat na parapernalya na tatawagin ng kanyang ama na bagong kalokohan na naman. Kinuha niya ang tubig at mabilis na winisik sa mukha saka walang ingat na humilata sa kama.
"Naku naman itong anak ko. Hindi pa naisip isara ang pinto ng kwarto matapos maglinis. Pagod na pagod. Good night, daughter. "
Lumapit pa ang matanda para bigyan siya ng maiksing halik sa noo at dahan-dahang isinara ang pinto ng kwarto niya.