Vision 10

1321 Words
HININTO ni Sebastian ang motor sa tapat ng bahay nila Aerra. Bumaba na siya ng big bike nito at diretsong pumasok sa loob ng bahay na hindi nililingon-likod ang binata. He was given her the flowers but doesn't mean they already have a relationship. Isasara na sana niya ang main door nang humarang ang matipunong braso nito sa bukana ng pintuan para pigilan iyon sa paglapat. Bahagya tuloy siyang napaatras, takot na baka masaktan ito dahil sa pagkakakaipit ng braso sa antigong kahoy nilang pintuan. Nilakihan na lang tuloy niya ang bukas niyon saka hinagisan ito ng diskumpiyadong tingin. Umismid siya, tiklop ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib. "Pinapasok ba kita?" pagtataray niya. "Obviously, hindi. Kaya winelcome ko na lang ang sarili ko," pang-aasar na may halong sarkasmong sagot ni Delgado sa kanya. He extended his arms that still holding the flowers. Oo nga pala pinahawak niya ito sa binata kanina. "Take it back. Kasi kung hindi mo kukunin, para mo na rin akong binasted." Dumapo muna ang tingin niya sa mga bulaklak bago umangat para tingnan ang mukha nito at basahin ang emosyon sa mga mata ni Sebastian. "Delgado.. Hindi ako nagpapaligaw." Ibinaba nito ang kamay ngumiti. "So, ibig sabihin tayo na?" Umarko ang kilay niya. "Anong tayo na? Hoy, Delga--" "Can you call me by my name, Sebastian or Seb. Puwede ring Baby o Honey." "Seb is okay. I mean it, hindi mo ako puwedeng ligawan," seryosong sabi niya sa binata. "Single ka, single ako. We're opposite gender, anong mali?" Hindi talaga niya maipaliwanag dito na magkaiba sila ng buhay. Ito ay may simple at ordinaryong buhay, siya naman ay extraordinary at kakaiba ang buhay na ginagalawan. Para na ring magkaiba sila ng hanging sinasamyo at hinihinga. Maraming bagay ang hindi nila mapagkakasunduan dahil hindi siya ordinaryong babae. Gugulo lang ang buhay nito. Umiling lang siya at umupo sa sofa na hindi na pinagkaabalahan pang kunin ang mga bulaklak. Nilapag ni Sebastian ang mga bulaklak sa center table. "I like you, Aerra. I'm dead serious. Bakit hindi mo muna subukang buksan ang puso mo, saka mo sabihin sa akin kung talagang marami ngang bagay ang magiging balakid sa ating dalawa." Babalakin pa sana niyang sumagot pero lumabas na ito ng bahay. Mula sa nakasarang pinto ay tagusang nakita ni Aerra ang pagsakay ni Sebastian sa motor bike saka pinaharurot iyon ng binata. Napabuntong hininga siya sa naging aktuwasyon ng binata. Aaminin niya, may kapiranggot na paghanga na siyang nararamdaman sa binata at kapag tumagal na maging magkasama sila, lalalim na ang kapiranggot na iyon. Sa tanang buhay ni Aerra, ngayon lang siya natakot na sumubok. Lahat ng bagay ay willing siyang pasukin hanggang maging hamon iyon sa kanya, ngunit iba ang kay Sebastian. Puso na ang usapan at puso niya ang hinahamon nito. Mabait naman ang binata, minsan nakakainis at nakakairita pero malambing at madalas caring. Mga bagay na ngayon lang niya naramdaman dahil unti-unti nang nabubuwag ni Sebastian ang pader na hinarang niya sa mailap niyang puso. Kung tutuusin marami siyang utang na loob sa binata, marami siyang bagay na dapat ipagpasalamat. Sebastian is always there to save her ass, just like a knight and shinning armor ready to save his damsel in distress. And that makes him different to other male specie. Hindi nakatulog nang maayos si Aerra. Nangangalumata pa nga siya nang marinig ang pamilyar na boses nang patungo na siya sa hapagkainan para makisalo sa ama. Bukod sa boses ng kanyang ama ay may isa pang boses na dahilan kung bakit hindi naging maayos ang tulog niya kagabi. Panay kasi ang sagi nito sa isipan niya. Nang paliparin niya ang tinging extrasensory, naroon ito at nakikipagkwentuhan nga sa kanyang ama. Pero teka lang.. Bakit narito ngayon si Sebastian? Napasandal siya sa pader para itago ang sarili. Wala naman silang napag-usapan na magkikita. At wala rin itong nasabi na pupunta ngayon. Dali-dali tuloy na bumalik siya sa kwarto at naligo na nang mabilisan saka halos umalingasaw ang pabango nang tila ito ang ipaligo niya. Shit! What happened to the original Aerra? Bakit bigla siyang nataranta at nagpapa.. ganda? "Good morning, hija. Nabanggit na sa akin ni Sebastian ang totoo." Pinandilatan niya ng mata si Sebastian at halos hampasin ito ng upuan. Usapan nila na magpapanggap silang magnobyo, ngunit binuko na siya ngayon ng kulogong--gwapong ito. Oo, gwapo ito ngayon. Ano kayang okasyon at kuntodo get-up ito ng polo shirt at maong trouser? "Nag-break pala kayo at nililigawan ka niya ngayon?" Natulala siya sa sinabi ng kanyang ama. So, this Sebastian is making another story. Patay na! THE day ends without her Dad asking too much question. Mukhang close na close na nga ito sa kanyang ama ngayon. Nakataas parin ng kilay na tinitingnan niya si Sebastian. Duda si Aerra kung ano ang pinakain nito sa kanyang ama kaya naging ganito ito ngayon. Pinayagan lang naman siya ng kanyang ama na lumabas at makipag-date. Pero dahil wala siyang hilig sa date, pinahinto niya ang sasakyan sa Ranging place, ang unang lugar kung saan siya nag-training. "What are we doing here?" Inaasahan niyang malulukot ang mukha nito at madidismaya dahil hindi sa isang fancy Restaurant siya nagpadala. "We're here to have your training." Ngumiti lang ito nang sagad sa tainga at nilapitan siya saka inakbayan. "Wow! Talagang tototohanin mo na pala ang pagtuturo sa akin. Good!" Siniko lang niya ito at inalis ang braso nitong nakapatong sa kanyang balikat. Nauna na siya sa loob at hinanap ang trainer na mag-aasist sa kanila. Nang makapagbayad na at maiayos ang ranging field. Hinila na niya sa braso si Sebastian at hinarap sa ranging area. "Kumuha ka ng baril. Show me how you fire," madiiing sabi niya sa binata. Ginawa nito ang sinabi niya ngunit hindi nga lang nito madiretso ang braso at bahagyang kinakabahan pa. "Relax your arm." Mula sa likuran ng binata ay iniangat niya ang braso nito at diniretso saka idiniin ang sariling daliri na umaasiste sa kamay ni Sebastian. "Huwag kang matakot. Isipin mong isang masamang kaaway ang babarilin mo. Isipin mong may ginawa ng masama sa iyo ang babarilin mo." Bahagyang takot pa ito sa putok ng baril ngunit iniensayo niya itong masanay sa lahat. Nagsisikap din naman itong matututo at mukhang hindi pa matatapos ang isang buwang training ay papasa na ito. "Maganda lang siguro kung lagi kang nasa tabi ko." "Hindi sa lahat ng oras, lagi tayong magkasama. Dapat bang hahanapin mo pa ako kapag may sasaklolohan ka?" Ngumisi ito bago sumagot,"Puwede ba?" Akmang ipupokpok niya na sana ang baril nang bigla itong lumiyad at humalik sa pisngi niya. Napahinto tuloy sa ere ang baril na hawak niya. "Thank you." Kapagkuwan ay naglakad na ito palayo sa kanya. Shit! Mukhang naisahan siya ni Sebastian at umiskor na kaagad sa kanya. Napainom tuloy siya ng tubig sa matapos nitong nakawan siya ng halik kanina. Kumakabog parin ang dibdib niya. Sa isang simpleng halik lang sa pisngi nito ay kumakabog na ang dibdib niya paano pa kaya kung sa mismong labi siya nito halikan? Bigla siyang namula sa iniisip at napainom na naman ng tubig. "Are we done here?" Literal na napatalon siya sa gulat nang magsalita sa likuran niya si Sebastian. Napahawak tuloy siya sa sariling dibdib. "Talaga bang papatayin mo ako?" "Hala! Anong ginawa ko? Nagtatanong lang naman ako eh," inosenteng sabi nito. Inismiran na lang niya ang binata. "I'm going home. Kung gusto mo pang mag-train, mauuna na lang ako sa iyo." Saka nagpatiuna ng maglakad. Hinawakan nito ang pupulsuhan niya. "Ihahatid kita. Kargo kita, Aerra." Walang imik na sumunod lang siya saa binata at hinayaan itong dumaldal. Wala rin naman siyang nais sabihin lalo pa at kumakabog na naman ang dibdib niya. Hinila pa nito ang dalawang kamay niya para ikapit sa magkabilang baywang niya. "Kumapit ka ng maigi. Basta hindi kita hahayaang mahulog hanggat hindi kita masasalo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD