Vision 12

1602 Words
PINUNO muna ni Aerra ng hangin ang baga. Nasa huling misyon na siya. Kapag natapos na niya ang misyong ito, she'll be automatically promoted, from Police to become an agent. Nakaabang sila sa labas para manmanan ang grupo ng mga sindikatong kumukuha ng mga bata, edad anim hanggang sampung taong gulang ang karamihang biktima ng mga ito. Child trafficking, cyber s*x at o***************g and selling such as donor to some hospitals or in-need customers. Kasama ni Aerra ang iilang pulis na ibinigay ng Superintendent para makatulong niya. Sinabihan agad niya ang isa sa kasamang pulis na namataan niya ang isang itim na SUV na may dalang nakataling dalawang batang babae. Armado ang mga ito, at hindi sila pupuwedeng basta na lang aaksyon. Sa tagong lugar, kung saan sila may hide-out ng grupo ay matamang dinodrawing ni Aerra sa malaking Manila paper ang pwesto ng mga sindikato at ang bilang ng mga ito, kasama ang mga batang hostages. "Hindi nagkamali si Superintendent sa pagkuha sa iyo, Ms. Aerra. Isa kang superhuman!" puri ng kasamahan niyang Senior Police. Ngumiti lang siya. "Hindi naman po masyado." Binilinan niya rin sa Superintendent, na ayaw ni Aerra na malaman pa ni Sebastian ang pagpunta niya roon at pagsasagawa ng aksyon. Una, ayaw niyang makita ito. Ikalawa, ayaw niyang madamay ito at mapahamak. Sinuot na ni Aerra ang bullet proof vest, nakasukbit ang isang baril sa tagiliran at bitbit ang isa pang baril na siya mismo ang nagtamnan ng mga bala. She was leading the team. "Let's go team!" sigaw niya. Siya na ang naunang pumasok. Napakatahimik sa loob na parang may mali. Hanggang sa kumalat ang usok At kumapal. "Team, tear gas! Cover your mouth!" Inilabas ni Aerra ang nakabulsang panyo at agad itinali sa likod ng ulo nang mabawasan ang naaamoy na aerosol mula sa tear gas. Ngunit hindi na niya ma-lead ang team nang halos wala na siyang maaninag dahil sa kapal ng usok. "Ms. Aerra, saan na kami pupunta?" "Kabisaduhin n'yo.. ang drawing.." sabi niya sa pagitan na napupugot na paghinga. This is her weakness, hindi niya kayang makita ang mga bagay-bagay kapag may usok o makapal ang usok. Magagawa lamang kung may tubig na papatay o magtatanggal sa usok para magamit niya ang kanyang vision. Ito na yata ang pagkakataong mabibigo siya na parang may kakaiba sa nangyayari o isa lamang patibong ang lahat. Dapat yatang magpaalam na siya kay Sebastian dahil hindi na niya ito makikita pa. Narinig niyang nagkakaputukan na sa loob. Kanya-kanya na ng baril ang mga kasamahan niya. Siya naman ay nanlalabo na ang paningin, hanggang sa tuluyan siyang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay. Hindi ito ang inaasahan niyang mangyari. She wanted to see those people who are involve in the case. Ngunit tila patibong ang lahat. Isang splash ng tubig ang nagpagising sa kamalayan ni Aerra. Something unbearably happened. An encounter. A double-cross. Nang dahang-dahang magdilat ng mga mata si Aerra, natagpuan niya ang Superintendent. "Hindi nga ako nagkamali na may kakaiba sa iyo, Ms. Aerra." Tagum ang boses nito at hindi katulad ng dati sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya noon. Manghang-mangha ang lalaki na nais pang matuklasan ang mga bagay na mayroon siya. Tatayo sana siya mula sa pagkakaupo sa upuang kahoy nang maramdamang nakatali ang mga paa at kamay niya. "Kung ako sa iyo, hindi na ako nakialam. Masyado kang mapagmarunong. Iyan ang napapala mo, napapahamak." Tumawa pa ito ng parang demonyo. "Walang hiya ka!" she hissed on greeted teeth. "Tama ring wala rito si Delgado, isa rin iyong walang silbi. Kung hindi dahil sa kanyang ama, baka matagal ng nasibak sa kapulisan ang lalaking iyon. Walang silbi, pwe!" He spit in front of her. "Bakit hindi muna tayo magkwentuhan kung paano mo nakuha ang super powers mo, hija?" "Hayop ka! How dare you do this to me! Dinouble-cross mo kami at nilinlang." Lumapit ito at tinapik siya sa mukha. "Easy, hija. Hindi ka mapapahamak kung hindi matigas ang ulo mo. Gaya ng nangyari ilang taon na ang nakaraan. Masyado kasing mapagmarunong ang ama ni Delgado. Aggressive, parang ikaw. Kaya ayon, patay ang hostage." Nanlamig ng husto si Aerra sa narinig. Parang hinahalukay ang kanyang sikmura sa narinig. "A-anong alam mo sa hostage taking?" Nagtaas ito ng dalawang kilay ng paulit-ulit na parang pinasasabik siya sa narinig niya. "I was there. I was one of the team. Balak barilin ni Melchor ang hostage taker sa braso, kaso ang bagal ng p*ta, kaya inunahan ko na. Mabuti nga at naging General pa siya matapos ipakulong ng pamilya." "I-Ikaw ang bumaril?" garalgal ang boses ni Aerra habang nangingilid ang mga luha. Nag-uulap ang mga mata niya hanggang napakuyom ang kanyang mga kamay. "Sabihin na nating tinulungan ko siyang iputok ang gatilyo after na kalabitin ko ang kamay niya." "Hayop ka! Walang hiya ka! Ikaw ang dahilan kaya namatay ang Mommy ko!" nagpupuyos na ang damdamin niya sa galit. "Mommy? Oh.. Ikaw ang batang iyon? What a co-incidence. That's why you're eager to take the mission.. No wonder. But sorry to say this, dear, hindi ka magtatagumpay. Dahil ako ang mapo-promote, thanks for your help. What you did will be in vain. You'll be in a history of.. gossip" Saka ito humagalpak ng tawa. "Puwede na kitang barilin ngayon at iisipin nilang namatay ka sa engkwentro." Ipinikit na lang ni Aerra ang mga mata at hinintay ang pagkalabit nito ng gatilyo matapos nitong itapat sa bumbunan niya ang baril. KATAPUSAN na siguro ng lahat. Nagimbal man siya sa natuklasan, sa huli ay hindi pala niya dapat kamuhian ang ama ni Delgado. He was just there to help pero dahil iba ang nakikita ng mga mata niya noon, hindi niya napansin ang mali. What her eyes saw is a first impression, an impression that last at her entire life. Ngayon ay hindi na niya habang buhay na kamumuhian ang taong inosente at nais lang tumulong. She was mistake him for nothing. "Aerra!" Isang matigas at malakas na boses ang nagpadilat sa kanya. He was there, his savior. Ngunit bago pa man siya makasagot ay natamaan na siya ng bala sa dibdib. Napahiga siya kasama ng upuan, ang mga mata ay tuluyang napapikit dahil sa pagkabigla. Tanging boses ni Sebastian na sinisigaw ang pangalan niya ang siyang umaalingawngaw sa kabuuhan ng paligid. "Aerra! Aerra please.. Gumising ka, mamahalin pa kita." Napatingin si Sebastian sa Superintendent. "Hayup ka!" Agad sinugod ni Sebastian ang lalaki at pilit na inaagaw ang baril hanggang kung saan-saan na iyon pumutok. Dumating din ang ibang mga pulis na nakakita sa nangyayari matapos makatawag si Sebastian ng back-up. Kung hindi pa siya tumungo sa opisina ng Superintendent ay hindi niya malalaman ang balak nito. It was a double-cross. Nalaman niyang patibong lang pala ang lahat at si Aerra ang pakay nito matapos magtagumpay ng dalaga sa bawat misyon. Mabilis na hinanap niya si Aerra at nalamang narito. Salamat sa isa sa kasamahan niya na nagsabing kasama sa buy-bust operation ang dalaga. Ngunit hindi pala niya maililigtas ito dahil nahuli siya ng dating. Kaya pala inis na inis ang mga viewers kapag nahuhuli ang pulis sa mga ganitong sitwasyon dahil malalagay sa alanganin ang buhay ng biktima. Sa pagitan ng pag-aagawan nila ng baril ay narinig nila Sebastian ang malakas na putok ng baril. "Itigil mo na ito!" "Sir.. Mabuti at dumating kayo. Binaril niya si Ms. Aerra," sumbong pa nito na binabaliktad na naman ang mga pangyayari. "Stop it! Hawak na namin ang ebidensiya. Men!" "Yes, sir!" "Dakipin siya!" Napabuga si Sebastian sa narinig at agad na tinakbo ang puwesto ni Aerra nagbabakasakaling masasagip pa niya ang buhay ng dalaga. He loves her and that confirms how worried he was when he'd found out what happened. "Aerra, please.. Gumising ka. Hindi ka puwedeng mamatay. Mahal na mahal kita. Hindi ko talaga patatawarin si Macaspac kapag may nangyari sa iyong masama." Kapos ang hininga at nagsisimula na ring magtubig ang bawat sulok ng mga mata niya. Maiisip pa lang niyang mawawala sa kanya si Aerra ay hindi na niya kakayanin. Parang siya ang mamamatay lalo na nang magsikip ang paghinga niya nang makita si Aerra na binaril ni Macaspac at walang malay. Hindi niya hahayaang may manakit muli sa dalaga dahil nais niya itong makasama habang buhay. Handa siyang lumayo sa sariling ama kung malaman niyang may kinalaman ito sa pagkawala ng ina ni Aerra. Iyon ang mga nalaman niya sa ilang araw na hindi siya nagpapakita sa dalaga. Hindi sinasadyang narinig niya ang pag-uusap ng ama at ng kanyang kuya. Ayon din iyon sa usap-usapan sa presinto at nang magsagawa siya ng research, napag-alaman niyang si Aerra ang batang iyon at anak ng nagpakulong sa kanyang ama noon. Dahil napatunayan depensa ang nangyari napawalang sala ang kanyang ama. Bagay na noon ay hindi pa niya gaanong naiintindihan lalo pa at nilihim iyon ng ama sa kanila. Ngunit ngayon na nasa tamang edad na siya ay minbuti niyang manggaling na sa ama ang kasagutan, na hindi agad niya pinaniwalaan lalo pa at wala siyang matibay na ebidensiya. Hindi talaga niya maaatim na hindi magalit kapag nalaman niya ang totoo at mawawala pa sa kanya si Aerra. Dumating ang ambulance at ibinaba ang stretcher saka dinala ang walang malay na si Aerra. Hanggang makasakay ay panay ang panaghoy niya na dinaig pa ang babae at bata sa pag-iyak. Sino ba naman ang hindi iiyak lalo na kung iyong bagay na minsan mo lang matagpuan ay mawawala pa sa iyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD