Napakunot ng noo si Aurora dahil pamilyar ang lalaking nabangga niya.
Tama! Ito 'yong lalaking bumili ng bulaklak para sa girlfriend nito. Anong ginagawa niya dito? Kapansin-pansin kasi ang suot nito na naka-business suit na parang di akma sa lugar.
"Pasensya na hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko," paumanhin niya sa lalaki na tiningnan lang siya at umalis. 'Antipatiko!'
Binalewala niya na lang ito at pumunta na sa cashier counter. Inilagay niya sa desk ang mga pinamili.
"Two thousand three hundred fifty pesos po, Ma'am."
Kinuha ni Aurora ang pitaka, tsaka kumuha ng pera at iniabot niya sa cashier.
"Pakisabay na din 'to," singit ng isang boses. Nakita niya ang tatlong sapot ng marshmallow at tiningnan kung kanino ito. 'Siya ulit?' Hindi na siya sinuklian ng cashier dahil isinama na nito ang mga marshmallows.
"Teka—"
Hindi niya na natapos ang sasabihin dahil biglang kinuha ng lalaki ang pinamili niya at lumakad paalis. Dali-dali niyang sinundan ito at hinawakan sa braso.
"Teka akin 'yan." Tiningnan ni Val ang kamay ni Aurora na nakahawak sa braso niya kaya napabitaw ang dalaga.
Val frowned when she let go of his arm.
"Let me carry it," saad ni Val.
"Hindi. Ako na, kunin mo na lang 'yong sa'yo," insist ni Aurora pero hindi nagpatinag si Val.
Hahakbang sana si Val ng may mahagip ang kanyang mga mata. Walang sabi-sabi na ibinigay niya ang pinamili kay Aurora at mabilis na pumasok sa sasakyan. Hindi na nakapagsalita si Aurora dahil sa bigla nitong ibinigay ang bag na muntik pang mahulog.
Tiningnan niya ng masama ang lalaki na pumasok na sa sasakyan. 'Ano ba'ng problema niya?'
Pumara siya ng taxi nang nakitang may papalapit sa kanya saka sumakay. Hindi man lang siya nag-abalang lumingon sa likuran kung saan naroon ang kotse ni Val.
-----
Inside the car, ramdam ni Mang Ding ang awrang bumabalot ngayon sa boss niyang si Val. Kanina ang ganda na ng mood nito tapos bumalik sa pagiging bato ulit. Tsk, akala ata ng sumusunod na lalaki sa kanila ay hindi nila ito malalaman. Si boss pa! Sumilip siya sa rear view mirror at nakitang nasa tenga nito ang cellphone.
[Hello?]
"I want you to investigate someone for me. I will send you her picture. I want it as soon as possible," utos ni Val sa taong nasa kabilang linya.
[Got it!]
Binaba ni Val ang tawag. His eyes were dark and were sparkling whenever the lights reflect onto it. Mukhang bantay na bantay sa kanya si Georgina at nag-utos pa na sundan s'ya. Heh! Should he give Georgina something to be worried too? He smirks at that thought.
-----
The next day.
"What did you say?! Me? Georgina Aguirre, was replaced by a rookie?" Galit na tanong ni Georgina sa kabilang linya kung saan kausap ang isa sa production staff ng Beauty G. It was a high-end make-up brand and she secured that endorsement! Why the hell did they replaced her?
[Yes. I am sorry, Ma'am Georgina. Nahihirapan din po kami. Hindi ka kasi pumupunta sa shoot at sabi mo busy ka sa other sched mo. Hindi naman namin pwedeng i-delay ang shoot dahil may mga next schedule din po ang team. Pasensya na po talaga,] paliwanag ng staff. Delay na delay na talaga sila dahil sa artistang 'to. Pati nga ang director galit na galit na. Kaya napagpasyahan na baguhin na lang ang endorser. Mabuti na lang at pumayag ang kompanya.
"It's my fault now? I am busy! Do you think bibilhin 'yan ng mga customers kung hindi ako ang mag-endorse? Hah! Let's see, don't regret it later!"
[Babayaran po namin kayo sa compensation of breach of contract. Nagtatrabaho lang po kami. Paalam.] Padabog na ibinaba ng staff ang cellphone. Ang arogante! Naging sikat lang akala mo kung sino na. Hmp! Anong ba'ng nakita nila sa Georgina'ng 'yon? Maliban sa ganda wala na.
"Nakausap mo na ba?" tanong ng direktor.
Ngumiti ang staff bago magsalita, "Opo direk."
Tumango naman ito at sumigaw ng, "Continue!"
The staff sigh, mabuti na lang at pinalitan na ang endorser dahil baka ma-stress lang sila kung hindi.
-----
[Na-send ko na sa email mo ang information about that Aurora girl. Tingnan mo na lang dude.] Sagot sa kabilang linya. Val ended the call and went to open his email kung saan naroon ang information ni Aurora. He clicks it then read each pages.
Name: Aurora Mendoza
Age: 23
Birthday: February 17, 19xx
He read the contents at napag-alaman na isang ulila si Aurora. Mula ito sa ampunan at kinupkop ng mag-inang Imperial. Nakatapos din ito ng kolehiyo sa pampublikong unibersidad kung saan naging iskolar ito. Isa din itong cumlaude. Napangiti siya doon. Matalino ang dalaga at ang natapos nitong kurso ay entrepreneurship. Hindi na siya magtataka kung kay Aurora ang flower shop na iyon.
He flips the other pages at napakunot ng noo niya. Naaksidente ang dalaga at ayon sa medical records nito ay nakatamo ito ng sugat sa ulo. He knitted his brow and let out a sigh mabuti naman at hindi malalim ang natamo nito.
Tumayo siya at tiningnan ang orasan sa kamay. It's already six o'clock. Bukas pa kaya ang shop ng dalaga? He strides towards his office door at nakitang nadoon ang sekretarya niya na tumayo at bumati sa kanya.
"Umuwi ka na pagkatapos mo diyan," paalala nito na ikinabigla ng sekretarya niyang si Cat. Namimilog na matang tumingin si Cat sa likod ng boss niyang paalis ngayon. Totoo ba iyon? Hindi ba siya nananaginip? Oh my geee! Makakapag-date na din sila ng boyfriend niya! She excitedly called him.
The lights were still on on Paraiso's Paradise indicating that the owner was still there. Hindi na nag-abalang pumasok si Val at inutusan na lang si Mang Ding na bumili ng bulaklak.
Kakamot kamot sa ulo si Mang Deng na bumaba sa sasakyan. Boss! Ayaw mo bang makita ang dalagang iyon? O baka naman nahihiya ka? Bweno, sige na nga at bibili na siya ng bulaklak.
Mga ilang minuto pa ay lumabas na si Mang Deng dala ang isang bouquet ng bulaklak. Ibinigay ito ni Mang Deng kay Val. Val search for the letter then read it.
"Fate is nothing but the deeds committed in a prior state of existence."
-Ralph Waldo Emerson
He smiled at that and then looked towards the shop.