Kabanata 1

1154 Words
Napailing nalang si Aurora at tumuloy na papasok sa kanyang shop. Sa loob ng nakaparadang sasakyan, nakaupo ang isang lalaki sa backseat at nakatitig sa dalagang papasok na sa shop. Sinenyasan niya ang kanyang driver na umalis na sa lugar na iyon na agad namang nagmaneho. Una ay nagtataka pa si Mang Ding kung bakit bumalik sila dito ngunit nang makita ang dalaga ay parang may sagot na siya sa katanungan. Ngunit may kasintahan ang boss niya. Bakit naman ito magaaksaya ng panahon matignan lang ang dalagang iyon? "Send this flowers to Georgina," malamig na sambit ni Val habang blangkong nakatingin sa unahan. "Pero boss, gusto ni Ma'am na makita kayo. Palagi po iyon tumatawag sa mansion para hanapin kayo." Hindi alam ni Mang Ding ang nangyayari pero noon naman ay mahal na mahal ng dalawa ang isa't-isa. Pero mula nang bumalik ang boss niya sa Pinas ay nagkakaroon na ng hidwaan ang relasyon nito kay Ma'am Georgina. "Just do what I say. I'm busy, and if she calls again don't answer it." Pati siya ay ramdam na may nagbago sa boss niya. Kahit pakikitungo nito sa pamilya nito ay nag-iba. Gayunpaman, hindi nila ito isinabi dahil wala naman silang alam kung ano ang nangyari. Maya maya ay biglang tumunog ang cellphone ni Val. Kinuha niya iyon sa bulsa at sinagot na hindi tinitingnan ang caller. [Baby where are you? I want to talk to you, can you pick me up?] ani ng boses sa kabilang linya. Lumamig ang tingin ni Val nang marinig ang tinig ni Georgina. "Don't you have a driver? And I'm busy, I don't have time." [Val! Palagi na lang ba ganito?! Mahal mo pa ba ako?] basag ang boses ng dalaga na parang anomang oras ay iiyak ito. Hindi na nag-abalang sumagot si Val at pinatay na ang tawag dahil maging siya ay hindi na alam ang nararamdaman para kay Georgina. Well, it started when he was in America. He did not know but maybe he just fell out of love. Because everytime Georgina called and video called him, he did not feel the same. The fast heart beat, excitement, longing, and love. He can only feel emptiness. Moreover, it did not help when he had to know that Georgina had an affair with his cousin, his married cousin. Imagine if her sister-in-law and mother know about it, it will certainly break them and loath Georgina. He chose to stay silent and never talked about it. Parang hindi pa kasi ngayon ang oras at alang-alang din sa pinagsamahan nilang dalawa. He wants to break up with her formally. Tiningnan niya ang bulaklak at kinuha ang notes na naroon. Naalala niya ang dalaga. Mukha itong diwata sabayan pa ng mga bulaklak na nagsilbing background nito. She looked so fresh and enchanting. He could even smell the scent of flowers from a distance. Itiniklop niya ang kapirasong papel at inilagay sa bulsa ng pantalon saka tumingin sa labas ng bintana. ----- "Aaaargh! Damn it!" Tinapon ni Georgina ang lahat ng make-up niya sa table. Bakit ba biglang naging ganito si Val sa kanya? Inis na inis na siya dahil hindi na sila nagkikita at nag-uusap katulad ng dati. Did he already know about her secret? No, it's impossible. Ginawa niya ang lahat para walang makaalam dito. Pero ano? She's being irrational. Siguro ay may bago itong babae at inaagaw si Val sa kanya. No! She will not let that b***h! She will kill her! Kinuha niya ang ang telepono at tinawagan ang imbestigador niya. "Ma'am?" "I have a work for you. Gusto kong sundan mo si Val, my boyfriend at i-report mo sa akin kung ano ang ginagawa niya," utos niya sa kabilang linya. "Masusunod po." Binaba niya ang telepono at tumingin sa repleksyon sa salamin. Hinawakan niya ang mukha at marahang hinapolos ito. "No one can take Val away from me. Akin lang siya," madilim na sambit niya bago inayos ang sarili. ----- "Oh! Magsasara ka na?" tanong ng isang lalaki kay Aurora. "Ah oo, may pupuntahan kasi ako at baka gabihin na ako makauwi." "Teka! Pwedeng bumili ng bulaklak? Kaarawan kasi ng nanay ko at kahit ito man lang ang maibigay ko sa kanya." Pinasadahan ni Aurora ang tingin ang lalaki at nakitang nakapang-uniporme pa ito ng isang sikat na paaralan. "Okay lang naman, halika pasok ka." She motioned him to enter the shop. Sumunod naman ito at namangha sa nakita. "Ang ganda ng interior at lay-out ng shop," bigla nitong sambit. "Salamat," nakangiting tugon ni Aurora. Napakamot naman ang binata dahil napalakas pala ang sabi niya. "Ah eh, ako nga pala si Dylan." "Ako naman si Aurora." 'Wow prinsesang prinsesa,' saad ni Dylan sa isip. "Ano bang bulaklak ang gusto ng nanay mo?" "Rosas. Gustong-gusto niya ang rosas, 'yon kasi palagi ang binibigay ni itay dati." Katahimikan ang namayani sa loob. Tangka man ni Aurora'ng magtanong ngunit pinili niya na lang na hindi magsalita. Maya maya ay kumuha siya ng kapirasong papel at nagsulat "Valor is stability, not of legs and arms, but of courage and the soul." - Michel de Montaigne "Ito na ang mga bulaklak." "Salamat, Aurora. Magkano ba lahat?" "Four hundred fifty pesos pero bigyan mo na lang ako ng apat na daan," saad niya at ngumiti sa binata. "Hah? Bakit naman?" tanong ni Dylan sa dalaga. "Birthday ng mama mo. Kaya okay lang." Tumanggi pa si Dylan ngunit mapilit ang dalaga. Napangiti na lang siya dahil wala na s'yang magawa kundi bayaran ito ng apat na daang pesos. "Salamat, ah. Mauuna na ako," paalam ni Dylan sa dalaga na kumaway sa kanya. "Sige, paalam." Tiningnan ni Aurora ang orasan na nakasabit sa pader at nakitang mag-aalas sais na ng gabi. Kinuha niya ang bag at ang susi ng shop pagkatapos ay ini-lock ito. Pumara siya ng taxi at sumakay. "Sa SM po tayo, manong." Umandar na ang sasakyan, ni hindi man lang napansin ni Aurora ang itim na kotse na sinusundan ang sasakyan nila. Nang umabot na sila sa lugar ay ibinigay ni Aurora ang bayad saka lumabas ng taxi at kumuha ng cart papuntang department store. Lumabas rin agad ang lalaking nakasakay sa itim na kotse at pumasok sa loob ng grocery upang sundan ang dalaga, 'di alintana ang mga tingin ng naroon. Napailing nalang ang driver sa boss niya. "Hello, Ma'am Georgina?" "What?" "Pumunta po si Sir Val sa isang grocery store. Wala naman pong kahina-hinala," imporma ng lalaking nakasunod sa kotse ni Val. "Grocery? What is he doing there?" "Baka po mag-gogrocery?" "Shut up! Okay bantayan mo ang bawat galaw ng boyfriend ko lalo na pag may babae." Sabay putol sa tawag. Napangiwi nalang ang lalaki sa turan ng babae bago sundan si Val sa loob. Habang namimili si Aurora ay hindi niya napansin ang lalaking nasa harapan niya kaya bumangga siya dito. "Ah, sorry!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD