bc

A Florist's Blooming Love

book_age12+
3.2K
FOLLOW
21.6K
READ
billionaire
goodgirl
independent
drama
sweet
bxg
lighthearted
female lead
city
like
intro-logo
Blurb

(Written in Tagalog-English)

A florist who always writes a note on behalf of her client, only to find unexpectedly that the recipient has fallen in love with her instead.

All rights reserved, 2021

© eysteambun

chap-preview
Free preview
Simula
This is a work of fiction. Names, places, characters, businesses, events, and incidence are either product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living or dead or any events and incidents are purely coincidental. Still given a number of possible words and things that some of them may be true. The story's point of view will be a THIRD PERSON'S POV. Thank you. Disclaimer: This chapter may contain violence, offensive language like cussing, mature, or explicit content, which may affect your reading experience. Read at your own discretion. NO PLAGIARISM ----- Paraiso's Paradise. Isang flower shop na pagmamay-ari ng dalagang si Aurora. Ulila at walang kinikilalang pamilya maliban lamang sa kanyang itinuring na tiyahin na ina ng matalik niyang kaibigan. Naging mahirap kay Aurora ang buhay dahil walang pamilya ang nagtaguyod sa kanya, gayunpaman, labis ang kanyang pasasalamat nang dumating sa buhay niya ang mag-ina. Sila ang naging sandalan at pamilya niya na kailanman ay wala sa kanya. Bumukas ang pintuan ng shop ni Aurora at nakitang ang matandang si Tiyo Henry ang pumasok. Nagtatrabaho ito bilang construction worker sa isang establisyemento na ipapatayo malapit sa shop niya. Suki niya rin kasi ito dahil palaging sa kanya ito bumibili ng bulaklak para sa misis nito. Ngumiti siya sa matanda at iniabot ang bulaklak na in-order nito. "Love is Forever." Idinikit niya ang kapirasong papel sa bulaklak. "Ikaw talaga, Aurora, hindi ka nawawalan ng mga sulat na ito." Nakangiting abot ni Tiyo Henry sa bulaklak. "Nako, okay lang po, Tiyo Henry. Gusto ko rin po ang ginagawa ko." "Kaya bumabalik sa'yo mga customers dahil may pabaon ka at magaganda ang tinitinda mong bulaklak." Tumawa si Aurora at inayos ang mga bulaklak na kadarating lang kanina. "Oh sige na, aalis na ako siguradong magugustuhan na naman ni misis ang mga bulaklak na ito." "Nako, kayo po talaga. Sige po ingat kayo!" Pagkatapos lumabas ng Tiyo Henry niya ay pumunta siya sa likod kung saan naroroon ang iba't-ibang klase ng bulaklak. Meron din kasi siyang hardin kung saan doon siya nagpapatubo ng mga ito. Tila isa itong paraiso para sa kanya. Hindi niya alam pero may espesyal na kahulugan ang mga bulaklak na ito sa buhay niya. "Excuse me?" Narinig niya ang isang malalim na tinig. Pumasok siya muli sa kanyang shop at nakangiting bumati sa kadarating lang na customer. Isa itong lalaki na mukhang mayaman. Nakasuot ng branded na damit na sigurado siyang aabot ng libo ang presyo. Ngumiti siya dito bago bumati. "Magandang umaga! Anong ipaglilingkod ko?" Tinitigan siya nito ng ilang sandali bago tumingin sa mga bulaklak. "Give me a bouquet of tulips." "Anong kulay, Sir?" "Anything will do." Nakapamulsa na ito at nakakunot ang noo. "Para kanino po?" "Is it necessary?" nakataas ang kaliwang kilay ng lalaki na nagtanong sa kanya. 'Ang arte naman.' "Opo, para maging maganda ang arrangement," sagot niya. Oo naman talaga, tinatanong niya para kanino ang bulaklak para maisaayos niya ayon sa pagbibigyan. "My girlfriend." Inayos ni Aurora ang mga tulips at kumuha ng kapirasong papel. Tinitigan lang siya ng lalaki ngunit wala naman sa mukha nito ang naiirita o naiinip. "Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage." - Lao-Tzu Idinikit niya ang papel sa tangkay ng bulaklak at ibinigay sa lalaki na nasa kanyang harapan. "Really?" Ngumiti ang lalaki nang nabasa ang sulat doon. "Nakagawian ko na kasing maglagay ng notes sa mga bumibili ng bulaklak," pagpapaliwanag ni Aurora. "Thanks. Anyway, how much is this?" "One thousand four hundred-fifty pesos." Iniabot ng lalaki ang dalawang libo at agad niya naman sinuklaan. Tumalikod na ito at dumiretso sa sasakyang nakaparada sa labas. Doon nakita niyang dumating ang matalik niyang kaibigan na si Kyla. "Bakla ang gwapo!" Nakatakip ang kamay nito sa bibig at nakatitig sa sasakyang paalis na. "Lahat naman sa'yo gwapo," katwiran ni Aurora sa kaibigan at umupo sa upuang nakalagay sa shop niya. Umupo naman si Kyla sa harapan at ibinagsak ang mga papeles na sa tingin niya ay requirements para sa paghahanap ng trabaho. "Hindi kaya! Marunong lang talaga ako mag-appreciate." Pumapaypay na sagot ito. Natawa si Aurora at ini-on ang electric fan na malapit sa kanila. "Hindi ka pa ba natatanggap sa trabaho?" tanong niya kay Kyla at nagsalin ng malamig na tubig para ibigay sa kaibigan. Inubos naman nito at nagsalin ulit ng panibago bago magsalita. "Ewan ko ba! Wala pa akong tawag na natatanggap, eh, mukhang qualified naman ako. 'Tsaka sa itsurang 'to ayaw nilang tanggapin? Asset 'to, noh!" "Ikaw talaga, pwede ka naman dito sa shop ko 'tsaka nasa syudad din naman tayo." Matagal niya na kasing inaalok ang kaibigan na sa Paraiso muna ito magtrabaho habang wala pa itong nakukuhang trabaho. "Girl? Gusto mo bang mamatay lahat 'yang bulaklak mo? Wala akong talent dito, baka madurog ko pa 'yan lahat." Napatawa si Aurora ng malakas. Naalala niya kasi na noong nag-aayos sila ng bulaklak eh, halos wala ng buhay ang bulaklak na inaayos ni Kyla, lupaypay na ito animong napagod na sa buhay. "Sige tawa pa. Ah! Teka, 'yong lalaki kanina ngayon lang ba napadpad 'yon dito?" Naka-lean ito sa table at parang bata na naghihintay ng candy kay Aurora. "Oo, ngayon ko lang 'yon nakita. Bakit?" nagtatakang sagot niya sa kaibigan. "Nagka-crush kaba?" Tinaas baba pa ni Kyla ang dalawang kilay at nakakalokong ngumiti kay Aurora. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Ayaw ko pang magkarelasyon at wala akong interes sa mga lalaki." "Ano ba yan! No boyfriend since birth ang ate mo. Balak mo ba'ng maging single habang buhay?" "Ayaw kong magmadali, 'tsaka, hindi naman mawawala 'yan at kung sakaling dumating ito at pareho kami ng nararamdaman edi mabuti," lintana ni Aurora sa kaibigan. "Hoy Kyla! Aba't tambay ka na naman sa shop ni Aurora! Umuwi ka na't magbantay sa bahay!" Ang malakas na boses ni Tiya Karen ang nagpagulat sa dalawa. Doon nakita niya ang nanay ni Kyla na nakapameywang at malalaking mata na nakatitig sa kaibigan niya. "Nako nand'yan na si ratatat." Napatawa si Aurora sa sinabi ni Kyla. Tumayo silang dalawa at lumapit sa Tiya Karen niya. "Magandang umaga, Tiya Karen," bati niya dito ng nakangiti. Lumambot ang tingin nito sa kanya at binati siya pabalik. "Hello, maganda kong anak!" "Psh! Ma, nandito 'yong sobrang ganda mong anak." Sabay turo ni Kyla sa mukha. "Saan banda? Puro kanto nakita ko, eh." Grabe talaga ang mag-ina na 'to. Sulit na sulit sa kantyawan. "Heh, sa inyo nga walang maganda eh," pang-iinsulto ni Kyla sa ina na nakatikim naman ng palo sa pwet. "Oooooouuucccch!" "O.A hah, hala uwi!" Tumirik ang mga mata ni Kyla habang hindi nakatingin ang ina sa kanya. "Babush girl!" Pagkatapos ay tumakbo ito. Napailing lang siya bago tumingin sa tiya niya. "May lalakarin ata kayo, tiya? Sige na po at baka maabutan kayo ng hapon." "Oo. Oh sige, Aurora, anak aalis na ako, ha? Na-stress ang bagong rebond na buhok ko d'yan sa kaibigan mo." Napatawa si Aurora at hinintay ang tiya niya na makaalis. Papasok na sana siya sa shop nang mamataan niya ang itim na kotse na medyo nakaparada malapit sa shop niya. 'Huh? Pamilyar sa kanya ang sasakyan ah?'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
118.9K
bc

SPELLBOUND - Masked Bachelors 1

read
81.7K
bc

More Than Just A Lap Dance

read
93.8K
bc

Black Eagle II: Issho ni Itai, Alexander Amigable (Rated18)

read
23.4K
bc

Mr. Childish

read
203.5K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
418.1K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
240.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook