Nagdaan ang ilang araw at naging maganda ang takbo ng negosyo ni Aurora. May isa siyang customer na pabalik-balik na bumibili ng bulaklak sa kanya.
"Hey." Tiningnan ni Aurora si Val at ngumiti dito. Ito ang pabalik-balik na customer niya.
Natutuwa siya dahil mahal na mahal siguro nito ang kasintahan. Tatlong beses sa isang linggo ito bumibili ng bulaklak sa shop niya.
"'Yong tulips ulit?" nakangiting tanong ni Aurora kay Val na ngayon ay nakaupo sa visitor's area. Tumango lang si Val kay Aurora na nagsimulang mag-ayos ng bulaklak.
Napag-alaman ni Aurora kay Kyla ang identity ni Val. Valentine Phaeton Gueverra. Isang negosyante ng investment firm at kilalang tycoon sa Asia. Galing itong abroad at kauuwi lang sa Pilipinas na siyang mamamahala ngayon sa Gueverra Estates. Isang artista ang kasintahan ng lalaki na si Georgina Aguirre at halos apat taon na ang relasyon ng dalawa.
Kumuha si Aurora ng kapirasong papel at nagsimulang magsulat.
Tutuk na tutok ang mga mata ni Val kay Aurora. Akala ng dalaga ay binibigay niya ang mga bulaklak sa kasintahang si Georgina, ngunit ibinibigay niya lang ito sa nanay Ising niya na isang katulong sa mansion nila na isa sa nagpalaki sa kanya at sa nanay niya. Natutuwa kasi ang mga itong makita ang napakagandang bulaklak ni Aurora na minsan lang s'ya magbigay.
Natapos si Aurora at ibinigay kay Val ang bouquet ng bulaklak.
"The greatest thing you'll ever learn Is to love and be loved in return." - Nat King Cole
Val smiles at the written note. Ang ganda ng penmanship ng dalaga. 'Yeah, but it can fade away.' Ang totoo niyan he keeps the notes she written. He always read it before he goes to sleep. Kumuha siya ng pera at binayaran ang dalaga. His hands brush her hands, at parang nakuryente siya doon. Hindi niya alam kung naramdaman din ba ito ng dalaga, ang lambot pa ng kamay nito.
-----
"Hello, mom," bati ni Val sa ina pagkapasok sa bahay nito. Sinalubong kaagad siya ng ina ng yakap.
"Oh my! Is this for me again?" tanong ni Herra, ang nanay ni Val. Nakangiti ito habang tinititigan ang bulaklak. Mula kasi ng umuwi ang anak ay naging malamig ito at minsan lang nagpakita sa kanya. She sighed in relief dahil mukhang bumabalik na sa dati ang anak.
"Yes, it's your favorite right?" tanong ni Val na ikinatango ng ina.
"Saan mo ba nabibili ito? Ang ganda at sobrang fresh pa, alagang alaga." Ani ni Herra at inamoy ang bulaklak. Unang bigay sa kanya ni Val ng bouquet ay nagandahan na siya. Bukod kasi sa fresh ito ay maganda ang pagkakaayos. Palagi niya ngang ilinalagay sa vase ang mga bulaklak na kay gandang pagmasdan na mas nagbibigay ng kulay sa bahay nila.
"Just outside near the company establishment. You know Paraiso's Paradise?"
"Oh! I heard it before. Gusto ko ngang bisitahin 'yon kaso noong time na 'yon ay kasama ko si Georgina at gustong mamasyal sa mall," sagot ni Herra. Hindi naman niya matanggihan si Georgina lalo pa't kasintahan ito ng anak.
Val purses his lips nang marinig ang pangalan ni Georgina.
"Ah, tumawag si Georgina kanina. Umiiyak dahil wala ka na daw time sa kanya. Ano ba anak? Dapat dalawin mo ang kasintahan mo, matagal 'yon naghintay sa'yo," pangaral ni Herra kay Val. Mabait si Georgina at bagay sila ni Val. For her kahit anong estado ng buhay ng babae ay okay lang sa kanya, ang mahalaga ay ang nararamdaman nila sa isa't-isa. She doesn't look down to others but it doesn't mean na mabait siya. Herra hates being fooled and lied.
"Mom, I'm busy these days lalo pa't ako ang nagmamanage ngayon sa kompanya dahil nasa hospital si Dad. It's my responsibility to look out and lead the business," paliwanag ni Val. He doesn't want to talk about Georgina. Dagdag problema lang ang babaeng 'yon. Hindi niya din pwedeng tapusin agad agad ang relasyon nila dahil hindi 'yon madali lalo na't magkaibigan ang pamilya nila.
"But I'm worried about her. I like Georgina for you. Wag mong bitawan ang babaeng 'yon," Herra lamented.
'If you only knew Mom,' Val mumbled to himself.
"Fine. I will visit her," he consoled. Ayaw niyang makitang malungkot ang ina. Ngumiti si Herra at inilagay ang mga bulaklak sa vase.
"Magbihis ka na. Kakain tayo mamaya." Sumunod si Val at tumaas sa kwarto niya para magbihis. Naalala niya na nasa bulsa niya pala ang note na kinuha niya sa bulaklak. He fetches it inside his pants and read it again. That girl was different in his eyes.
-----
"Ano ba'ng ginagawa natin dito, Kyla?" Aurora asked. Hinila kasi siya ni Kyla papunta dito sa bar. Akala niya kasi ay iba ang pupuntahan nito. Hindi niya din kasi alam na nagpupunta ang kaibigan sa ganitong lugar.
Tinakpan ni Aurora ang ilong nang makaamoy siya ng alak. Hindi siya sanay sa lugar na ito.
"Magsasaya lang tayo saglit. 'Wag kang aalis sa tabi ko, okay?" paalala ni Kyla sa kaibigan. Kahit kasi nakasuot ng fitted long sleeve at pants ang dalaga ay lutaw pa rin ang ganda nito. Ayaw niyang mapahamak ito ng dahil sa kanya.
"Bakit?" tanong ni Aurora ng makaupo sila sa pandalawahang upuan sa gilid. She sighs, 'mabuti naman.'
"Kasi... natanggap na ako sa trabaho! Kyaaaa!" Kyla beamed in happiness. Napatingin si Aurara sa kaibigan ng medyo shock.
"Talaga? Congrats Kyla!" nakangiting bati niya sa kaibigan. Naku, kaya naman pala nagyaya. Sige na nga pagbibigyan niya ito dito sa bar.
Naglagay ng dalawang drinks ang waiter sa table nila. Tiningnan ni Aurora si Kyla.
"Hindi. Hindi ako iinom," saad niya. Ni minsan hindi pa siya nakatikim ng alak.
"I know kaya ikaw ang maghahatid at mag-aalaga sa akin." Tumawa si Kyla sa sinabi. Well, mababa ang tolerance niya at mabuti na kasama niya ang matinong si Aurora.
-----
Sa second floor ng bar sa loob ng VIP room ay may tatlomg lalaki ang naroroon.
"I heard your girlfriend keeps calling you, Val. Mukhang may problema kayo?" tanong ni Giovanni sa kaibigan. Walang umaaligid na babae sa silid nila dahil hindi nila ito gusto. Kung meron man silang pagkakapareho ay 'yon ang hindi pagkahilig sa pambababae.
"She's irritating," Val coldly answered. Giovanni looks at Luther na pinsan ni Georgina. The latter just shrugged his shoulder.
Tumunog ang cellphone ni Val kaya kinuha niya ito. Isang message ni Mang Ding ang naroon at isang picture. He opened it. It was a picture of a woman.
'Aurora.'