"I'll just go out," paalam ni Val sa dalawang kaibigan pagkatapos ibulsa ang cellphone.
Tumango lang ang mga ito at sinabihan siya na bumalik agad.
Val went down at tiningnan ang kabuuan ng bar, searching for the woman in the picture. 'There she is.'
Nasa sulok ito at hindi masyadong nakikita dahil medyo madilim sa parteng 'yon.
Humakbang siya papunta sa kinaroroonan nito ngunit napatigil din. 'What the hell is he doing?' He sighs at dumiretso nalang sa counter ng bar at pumwesto para makita pa rin ang dalaga. Kasama nito ang kaibigan na mukhang lasing na.
He didn't leave his position even after half an hour.
He saw Aurora helping her friend to stand still. Akay nito ang kabigan habang naglalakad palabas ng bar. There are men who tried to stop them but Aurora just walk ahead.
Kinakabahan man si Aurora dahil sa mga lalaking ito ay dapat makaalis na sila ng bar. Pagkalabas niya ay inayos niya muli ang pagkakatayo ni Kyla. Naghintay sila ng masasakyan ngunit wala man lang pumarada sa kanila.
Maya maya ay isang itim na kotse ang tumigil sa harap nila.
"Waah! Ano yan? Bakeeet may bangka shhaaa tapat natin?" lasing na tanong ni Kyla. Hindi naman ito sinagot ni Aurora at tinitigan lamang ang bintana ng kotse. Pakiramdam niya kasi na may tumititig sa kanya.
Bumaba ang bintana ng kotse at nakita niya ang mukha ni Val. Bumaba ito at pumunta sa harap niya.
"Get in. I'll get you home." Hindi na tumanggi si Aurora sa offer ni Val dahil malalim na ang gabi at mukhang wala na din silang masasakyan.
Inayos niya ng upo si Kyla na sumandig sa gilid ng bintana. Nasa backseat silang dalawa habang si Val naman ay nasa passenger seat. May driver ito na ngumiti sa kanya kaya sinuklian niya din.
Habang binabagtas nila ang kalsada papunta sa kanilang bahay ay katahimikan ang bumalot sa kanilang apat hanggang sa magsimulang mag-ingay si Kyla.
"Uhhhh! Remember meeeeee! Kapag nag-iishhhaaaa~!"
Malalaking mata na tumingin si Aurora ka Kyla. Nagsimula itong kumanta. Nakakahiya kina Val!
"Shhh! Kyla—"
"Shorry kapit-bahaaaaay~"
Napapikit si Aurora sa naturan ng kaibigan. Hindi niya alam na ganito malasing si Kyla. Sana natulog na siya ng umandar ang kotse. Tinignan niya si Val sa unahan at parang hindi man lang ito naalintana sa ginagawa ng kaibigan niya.
Tumingin si Aurora kay Mang Ding nagpipigil ito ng ngiti. Nahihiyang ngumiti siya dito at pinalo ng mahina ang kaibigan.
Sa dalawampung minuto na biyahe ay tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay nila. Medyo may kalakihan ito at may dalawang palapag.
Tinulungan ni Aurora si Kyla makababa ng kotse saka tumingin kay Val. "Salamat sa paghatid at pasensya na sa kaibigan ko kanina." Nakayuko niyang paumanhin. Val just stared at Aurora who was looking down.
"It's okay. You should get inside," he warmly said to the two, specifically kay Aurora.
"Ah, sige salamat ulit." Hindi na tumingin si Aurora kay Val at akay-akay si Kyla na pumasok sa loob ng bahay.
Hinintay ni Val na makapasok ang dalawa bago siya sumakay sa kotse.
"Sa mansion po ba boss?" tanong ni Mang Ding.
"No, drive me to my condo."
-----
"Ang bigat mo," reklamo ni Aurora nang maihiga niya si Kyla sa kwarto nito.
"Nako! Ganyan ang tatay niya malasing," ani ni Tiya Karen. Hinihintay pala sila nito na makauwi. Nagpaumanhin siya dahil dapat natutulog na ito.
"Sino ba iyong naghatid sa inyo? Mukhang mayaman, ah."
"Kakilala lang po, nagmagandang loob na ihatid kami dahil wala na pong dumadating na sasakyan," paliwanag ni Aurora at tumingin kay Tiya Karen na nakangiti sa kanya. Nangunot ang noo niya.
"Bakit po?"
"Wala naman," nakangiting sagot ni Tiya Karen. Aba! Hindi na nakapagtataka kung ganoong lalaki ang magkagusto kay Aurora. Maganda, mabait at matulungin pa. Tiningnan niya ang anak na humihilik. Ni hindi man lang nakuha ng anak niya ang ganda niya.
"Matutulog na din po ako Tiya Karen," paalam ni Aurora.
"Sige na't malalim na ang gabi. Maaga ka pa naman bukas."
Kinaumagahan. Alas syete na ng umaga nagising si Aurora. Alas otso siya nagbubukas ng shop at alas syete naman niya ito sinasara.
"Good morning maganda kong anak!" bati ni Tiya Karen. Ngumiti si Aurora dito at binati din.
"Magandang umaga, tiya. Kumain na po kayo?" tanong niya habang inihahain ang sinangag, sunny side up egg at hotdog.
Masaya si Karen na nagkaroon ng ganitong kaibigan ang anak na si Kyla. Malaki ang pasasalamat niya kay Aurora. Swerte ang magiging nobyo nito.
"Hello! Hello! Madlang pips!"
Doon bumaba si Kyla na halatang kakagising lang. Naalala na naman ni Aurora ang nangyari kagabi at napailing. Sana makalimutan iyon ni Val, sobrang nakakahiya talaga.
"Alak pa more!" ani ni Tiya Karen at pinandilatan si Kyla ng mata.
Inikot ni Kyla ang mga mata bago sumagot, "Ma naman, kay aga-aga ratatat agad ang bungad mo sakin."
"Heh! Halikana't kumain na. Mamaya na ang simula mo sa trabaho, kaya dapat magkalaman 'yang tiyan mo."
Napatango na lang si Kyla at naka-cross ang mga braso na lumakad papunta sa mesa.
"Good luck sa work mo, Kyla," sambit ni Aurora at pinaghandaan ng pagkain si Kyla.
"Salamat, beshy." Maganang kumain si Kyla at napapangiti naman si Tiya Karen. Kahit minsan ay naglolokohan sila ng anak ay masaya siyang makita itong naabot ang pangarap at ang pagiging determinado para makapasok sa trabaho. Ilang araw rin itong naghanap ng mapapasukan at naghintay ng tawag ng mga kompanya pero walang dumating. Gano'n pa man, hindi ito sumuko dahil alam niyang matatanggap ito. Proud siya sa dalaga niya! Proud siya sa dalawang anak niya! Kontento siyang makasama ang mga ito.
-----
"Magandang umaga! Welcome to Paraiso's Paradise."
Pumunta si Val sa kinaroroonan ni Aurora. Nagdidilig ito at nag-aayos ng mga bulaklak.
Early in the morning, agad niyang naisipan na mag stop over sa shop ng dalaga. Ewan niya ba, gusto niyang masilayan ito bago pumasok sa trabaho kahit sa labas man lang.
"Val, bibili ka uli ng bulaklak?" tanong ni Aurora.
"No. My Mom's birthday party is on Friday. Gusto kong ikaw ang mag-cater ng mga bulaklak doon dahil gusto niya ito."
Namimilog at nagniningning ang mga mata ni Aurora sa narinig. "Talaga?"
"Yes. I will pick you up later para makita mo ang venue at kung saan pwede ilagay ang mga bulaklak," sagot ni Val. Nagpaalam siya kay Aurora at lumabas na ng shop.
"Get me an invitation," he ordered his assistant on the phone. He glanced once more at the shop and smirked.
'See you there, little flower.'