Chapter 5

1918 Words
"SIR SECOND magready na daw po kayo dahil kayo na ang susunod," sabi sa'kin ng assistant ni King. Sinamaan ko ito ng tingin. "Di ba sabi ko nga ayokong sumalang ngayon? Wala ako sa mood," sigaw ko. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagbalatay ng takot pero wala akong pakialam. "Pero magagalit po si Direk Anton kapag nalaman niyang walang scene na natapos habang wala siya," depensa nito sa kabila ng pamumutla. Nagagawa niyang ipagpilitan sa'kin na sumalang sa scene dahil kung takot sila sa'kin mas takot naman sila kay King. Talagang kakaibang magalit ang isang 'yon. "Ide magalit siya pakialam ko naman tapos kapag nagalit ulit siya sabihin mo umalis ulit at wag na babalik," bulyaw ko ulit. Sa pagkakataong 'to talagang natakot na siya at iniwan. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sobrang galit. Kahapon nagwala ako sa set namin at wala talagang pumigil sa'kin dahil kapag may nagtatangka ginugulpi ko. Wala akong pakialam kung maging masama ang tingin sa'kin ng publiko at kahit mawalan pa ako ng fans basta gagawin ko ang gusto ko. Araw araw napapadalas ang pagpapadala sa'kin ng death threat habang si King hindi pa rin bumabalik mula sa kung saan man siya nagpunta. Kung galit siya sa'kin dahil sa pagiging matigas ng ulo ko dapat hinaharap niya ako hindi 'yong aalis siya ng walang paalam. Palagi akong pumupunta sa condo niya pero wala talaga siya doon, kahit ang trabaho nito ay inasa sa iba. Nakakainis siya. Naiinis ako sa kanya. Pero kahit galit ako palagi akong nandito sa location ngunit hindi para magshooting kundi para magbigay ng sakit sa ulo dahil alam kong kapag hindi na ako kayang ihandle ng mga tao dito mapipilitan siyang. "Nakakainis ka. Walang gumigising sa'kin nang maaga kaya ngayon masakit ang ulo ko, palagi akong kulang sa tulog para lang hintayin ang pagsikat ng araw," asik ko sa harap ng salamin. Napabuntong hininga nalang ako pagkakita ko sa sarili ko. Walang ahit, gusot ang suot kong polo dahil walang nagplantsa, tabingi ang necktie ko dahil hindi ako marunog mag-ayos at kahit sinturon ko wala sa tamang posisyon dahil hindi ako marunong kung paano ang tamang pagkabit. Mga bagay na si King ang palaging gumagawa at may alam. I'm a messed. Nakakapag-init ng ulo. Natiis niya ako ng isang linggo. Napasabunot nalang ako sa buhok kong hindi ko nalagyan ng wax dahil naubos na at hindi ko rin alam kung saan binibili ni King ang brand niyon na gustong gusto ko ang amoy. "Direk," dinig kong sigaw mula sa labas ng tent. Parang nanlaki ang tenga ko pagkarinig ko sa sigaw na 'yon na kung hindi ako nagkakamali boses ng assistant ni King. Isa pa, isa lang naman ang tinatawag dito na 'direk', siya lang. "Nandito na siya?" pabulong na tanong ko sa sarili. Excited na tumayo pero padabog rin akong bumalik sa pagkakaupo nang maalalang galit ako sa kanya. "Kumusta ang trabaho?" Napangiti ako nang sa wakas pagkatapos ng isang linggo narinig ko ulit ang boses niya pero bigla rin akong sumimangot. Hindi kaya nagmumukha na akong baliw dahil sa pinaggagagawa ko? "Sorry po direk, wala pong natapos dahil lahat ng scene po nandoon si Sir Second kaso ayaw niya pong sumalang at palaging mainit ang ulo," sumbong nila. Napairap nalang ako. Mga sumbungera. "Ako ng bahala," sagot niya. "Sorry talaga, direk." Hindi ko na narinig ang pagsagot ni King, tinamad na naman sigurong magsalita. Narinig ko ang pagbukas ng tent pero hindi ako lumingon. Nananatili lang akong nakaharap sa salamin kahit sa gilid ng mata ko nakita ko ang pagpasok niya. Seryoso ang mukha na pinasadahan ako ng tingin syaka umiling. "Bumalik ka pa," pabalang kong sabi. Humakbang siya papalapit sa'kin pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Wala na ang galit ko. Bakit ba hindi ko magawang magalit ng matagal sa babaeng 'to? Ganito naman talaga ako, kapag nagagalit sa kanya makita ko lang ulit ang mukha niya nawawala agad ang galit ko pero ayoko pa rin siyang pansinin dahil may tampo pa ako. May karapatan naman siguro akong magtampo dahil sa pag-alis niya nang walang paalam. "Mag-ayos ka na," utos niya pero hindi ako natinag. Napabuntong hininga siya. Natigilan ako nang iikot niya ang upuan ko paharap sa kanya, nagkasalubong ang mga tingin namin pero agad akong nag-iwas. Second, panay iwas lang ang gawin mo. So gay. "Queen," tawag niya. Pilit akong pinapaharap sa kanya habang hawak niya ang baba ko pero nagmatigas pa rin ako. Pinalis ko ang kamay niya, muling inikot ang upuan patalikod. "Isa," may pagbabanta sa boses niyang sing lamig ng yelo. Hindi pa rin ako lumingon. "Kapag hindi mo ako pinansin aalis ulit ako at tuluyan nang hindi babalik kahit kailan." Nataranta akong humarap sa kanya, mahigpit na yumakap sa kanyang bewang. Hindi na ako nakatiis dahil kapag umalis siya ulit hindi ko na alam kung anong mangyayari sa'kin sa mga susunod na araw. "Ang sama mo." Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Kumurap kurap ako para hindi tuluyang maluha pero hindi ko talaga napigilan, napasinghot pa ako. "Iniwan mo ako dahil lang matigas ang ulo ko." Naramdaman ko ang masuyo niyang paghaplos sa buhok ko. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya habang nakasubsob ang mukha ko sa flat niyang tiyan. "Hindi ako umalis dahil do'n may kailangan lang talaga akong gawin sa New York." Bahagya siyang humiwalay sa mahigpit kong yakap para tignan ang mukha ko habang ang mga braso ko ay nakapulupot pa rin sa kanya. "Ano naman 'yon, mas mahalaga ba sa'kin kaya isang linggo mo akong tiniis?" Alam ko para na akong bata sa inaasta ko pero kailan ba ako nagkaroon ng pakialam sa iba basta gawin ko lang ang gusto ko? As long as wala akong naaagrabyado. "Don't ask, nandito na ako." Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko, may ngiti sa labi niya kaya napangiti na rin ako. "Hindi ka man lang naawa sa'kin alam mo namang hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. See? Ang dungis ko." "Gwapo ka pa rin." Kinurot ang ilong ko kaya mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko. Ganito kababaw ang galit na kaya kong maramdaman kapag siya ang usapan. She's my only bestfriend at parte na siya ng buhay ko simula n'ong makilala ko siya. "Gutom na ako," sumbong ko. Tinaasan niya ako ng kilay kaya napayuko ako. "Nalilipasan ako ng gutom kasi wala namang tagahanda ng pagkaing gusto ko. Iniwan mo ako nga kasi ako." Alam ko kasing pwede siyang magalit kapag nalaman niyang naging pabaya ako sa pagsunod sa pagkain ng masusustansyang gulay at prutas na kailangan daw ng katawan ko. Palagi niyang ibinibilin kaso hindi ko nasunod sa loob ng isang linggo. Dismayado siyang napailing. "Tara kakain tayo pero pagkatapos papayag kang sumalang sa scene na dapat mong gampanan, 'kay?" Mabilis akong tumango. Hinila siya palabas ng tent. Lahat ng tao sa set ay napabaling sa'min kahit ang mga tagahanga ko at kalove team nang makita kami. Ngumiti ako sa kanila. "Kita mo, sabi nang si Direk lang ang gamot sa sumpong niyang si Sir Second e." Nagsimula na silang magbulungan habang ang ibang kababaihan ay nagtititili ng kawayan ko sila. Nakaakbay ako kay King habang papatawid kami sa katapat na resto. Nasa cafè pa rin ang location dahil simula nang umalis si King wala ng naging pormal na shooting dahil wala ako sa mood. Kung gaano kalakas ang tili at kilig nila dahil sa epekto ko, gan'on naman kabored at emotionless ang mukha ng babaeng inaakbayan ko ngayon. Napapangiti nalang ako kapag nakikita ang pagkayamot niya. "Kahapon nakakatakot siyang magwala pero ngayong dumating na si Direk ang saya saya na niya." "Ano kaya ang meron kay Direk at kaya niyang pakalmahin si Sir Second?" "Duh, tinatanong pa ba 'yon sa ganda ba naman ni Direk talagang aamo ka kahit gaano ka kasama, sabayan pa ng malamig na tingin." Tulad ng dati hindi nalang namin pinansin ang iba't ibang opinyon na dinig na dinig namin dahil sa lakas ng boses nila. Sa kabilang banda, sang-ayon ako sa sinabi ng huli na ang taglay na ganda nitong bestfriend ko ay may kakayahang magpakalma ng kahit na sino. She's angelic in spite of having a cold stare. Perpekto ang hugis ng kanyang mukha pati na ang panga, pointed Aussie nose, high checkbone na natural ang pamumula dahil sa taglay na kaputian lalo kapag nasisinagan ng araw, round brown eyes na napapalibutan ng malalantik at mahahabang mga pilik mata na hindi kumukurap kapag nakikipagtitigan o gusto magbigay ng intimidation sa kahit na sinong kausap. And the best part, her pouty lips na nasa katamtaman ang kapal, kahit hindi lagyan ng lipstick natural ang pula. Sa isang tingin palang masasabi mo nang malambot 'yon. Masarap na halikan, ang bawat pag-awang nito talagang nakakaakit. At kung katawan ang pag-uusapan ay pangmodelo talaga. Mas maganda at sexy pa nga siya madalas kaysa sa mga artistang nakapareha ko. Isa siya sa patunay na hindi lahat ng maganda at sexy pinipiling mag-artista. "Your order ma'am, sir?" Napakurap ako sa pagpukaw ng boses ng isang waiter. Hindi ko namalayang nakapasok na pala kami sa resto at nakahanap na ng pwesto. Ilang sandali na pala akong nakatulala sa magandang mukha ng aking bestfriend. Gan'on na ba ako kawili sa pagmamasid sa mala anghel niyang mukha para mawala sa isip ko ang nangyayari sa paligid? Nakatingin rin siya sa'kin pero wala namang emosyon na mababanaag sa mukha niya. Tumikhim ako bago bumaling sa waiter. "Pakibigyan kami ng specialty niyo." Ibinalik ko ang tingin kay King. "Same," tipid niyang sagot. Tumango ang waiter, sandaling nagpaalam pagkakuha ng order namin. "So," humugot ako ng malalim na hininga para sabihin ang isang bagay na bumabagabag sa isip ko. "S-Sorry sa nangyari last week, I know matigas ang ulo kaya sorry." Inabot ko ang kaliwang kamay niyang nakapatong sa table, marahan ko iyong pinisil. "Sorry na." Umangat ang sulok ng kanyang labi na sinundan ng tango. "Accepted." "E, bakit ang tipid mo na namang magsalita. Dumaldal ka dahil sobrang namiss kita." "Ako gusto mong dumaldal?" Tumango ako. "Nakakapagod." "Wala talaga akong aasahan sa'yo." "You sure? Wala kang aasahan sa'kin?" Pilit akong ngumiti, "Sinabi ko ba 'yon, wala akong sinabing gan'on ang sabi ko ikaw talaga ang inaasahan ko kaya loves na loves kita." Hindi na siya sumagot. Dumating ang order namin. Mabilis naman naming inabala ang sarili sa pagkain. Maraming tao sa resto dahil lunch time at karamihan sa mga iyon sa table namin nakatingin. The place is simple yet relaxing. Typical dining na tipong mafefeel mong nasa bahay ka lang. Masasarap rin ang mga pagkain kaya hindi nakapagtatakang dinudumog ng customers. "By the way, kumusta ka? May nangyari ba sa'yong kakaiba habang wala ako?" Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng malapad na ngiti dahil siya mismo ang bumasag sa katahimikan na pumapagitna sa'min. Once in a blue moon mangyari ito dahil nga sa sakit niyang katamaran sa pagsasalita. Napahawak ako sa baba ko para umaktong nag-iisip. "Wala naman as usual mas naging magulo at mas lalong napadalas ang pagtanggap ko ng death threat?" baliwalang kwento ko. "Death threat?" "Yeah, 'yong ikinukwento ko sa'yo na may nananakot sa'kin, hindi ko nalang pinapansin dahil alam kong kaduwagan lang ng kung sino mang tao ang nagpapadala sa'kin n'on." Napatitig siya sa'kin pero hindi na nagsalita pa. Muling bumalik sa pagkain, gan'on rin ako. Tila biglang nag-iba ang ihip ng hangin, mas lalo kasi siyang naging seryoso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD