bc

Second Castillion

book_age18+
16.1K
FOLLOW
55.8K
READ
revenge
opposites attract
drama
tragedy
comedy
twisted
humorous
heavy
serious
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Queen Antonia Santez, babaeng nabuhay sa madilim at malungkot na mundo simula ng magpakamatay ang kanyang matalik na kaibigan na tumayong nag-iisa niyang kapamilya at karamay sa buhay dahil sa pagkabigo nito sa pagmamahal.

Sukdulan ang naitanim niyang galit sa para sa lalaking naging dahilan ng kanyang pag-iisa, ng kanyang pagiging malungkot at mailap sa lahat.

Ngunit tunay ngang mapagbiro ang tadhana. Nagkasalubong ang kanilang landas ni King Second Castillion, ang lalaking bumigo sa kanyang kaibigan.

Palihim niyang ginawa ang plano niya nang magkaroon siya ng pagkakataon ngunit hindi naging madali para sa kanya iyon dahil sa bawat araw na nakakasama niya ito ay unti unti ring nagugulo ang kanyang pagkatao.

Kaya nga bang tunawin ng pagmamahal ang suklam at galit? Paano kung malaman niya ang katotohanan sa likod ng kwentong kumulong sa kanya ng lagpas dalawang taon? Magiging masaya nga ba siya o tuluyang lalamunin ng lungkot?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Lorette, calm down okay? Just please calm down." Hindi magkandaugagang sabi ko habang mabilis na isinuksok ang susi ng kotse para buhayin ang engine nito. "I hate him, but I still love him, Anton." Humahagulhol siya habang ako ay napapahigpit ang kapit sa monobela. "I know, I know, wag kang gagawa ng kung ano. Papunta na ako dyan," pag-alo ko. Hindi na niya nagawang sumagot dahil malakas na naman siyang napahikbi. I hate hearing her sob, naiinis ako kapag nakikita at naririnig ang ganitong side niya. Ilang ulit na bang nangyari ito kay Lorette pero mas malala ang ngayon. At sa iisang dahilan na naman, ang boyfriend niya. Magboyfriend ka ba naman ng isang babaero at nagmula sa mayamang angkan malamang isa ka lang sa mga laruan n'on. Gusto kong isatinig pero pinili ko nalang na manahimik at baka lumala ang sitwasyon. Masyado syang sensitive kapag ang boyfriend niya ng usapan at ang mabisang paraan ay ang manahimik. Martyr. "Magpapakamatay nalang ako," pagkuay sabi niya matapos kong pakinggan ang ilang minuto niyang paghikbi. Mas lalong napabilis ang pagpapatakbo ko at kung maaari ay paliparin ko na ang kotse ko makarating lang sa apartment niya. Natatakot ako para sa kanya dahil matagal ko ng kilala si Lorette. Alam kong may isang salita siya. Kung ano ang maisipan at sabihin ay talagang ginagawa. "Don't, wag mong gagawin ang bagay na 'yan. Lalaki lang siya at darating ang araw na makakalimutan mo rin siya. Please, wag mong sayangin ang buhay mo para lang sa walang kwentang lalaki." Pilit kong pinapakalma ang boses ko kahit ang totoo ay gusto ko ng magwala, hanapin ang punyetang kasintahan nito at pagbubugbugin hanggang sa hindi na makalakad. "Hindi lang siya lalaki, Anton, I love him so much at hindi ko matanggap na nakipaghiwalay siya sa'kin dahil lang sa may nakita na siyang iba," sigaw niya sa kabilang linya. Napamura ako. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami baka kanina ko pa pinatay ang tawag. l hate talking and using mobile phone pero dahil sa matalik ko siyang kaibigan ay napipilitan akong maging madaldal at gumamit ng nakakaimbyernang cellphone na 'to. "Please Lorette don't say that," hindi ko na napigilan na mabakas ang inis sa boses ko. Nagpatuloy na naman ito sa pag-iyak at basag na basag na ang boses. Panay ang salita niya na parang may binabanggit na pangalan pero hindi ko maintindihan. Malas! Naibulong ko sabay hampas ng monobela nang maipit ako sa traffic. Walang tigil ako sa pagbusina at wala akong pakialam kung nagsisigawan na ang ibang tao dahil sa ingay. Baka wala na akong maabutan. "Hey, Lorette? Lorette?" panay ang tawag ko sa kaibigan ko habang nagpupumilit na makaalis sa traffic. Wala akong narinig na sagot kundi hikbi at hagulhol. "Talk to me, Lorette," sabi ko ulit. "Ma'am bawal po dito." Rinig kong boses ng isang lalaki sa kabilang linya. "I don't care," matinis na sigaw naman niya. "Under renovation po ang rooftop kaya bawal po ang umakyat doon," sabi pa ng lalaki. Binundol ako ng kaba habang pinapakinggan ang usapan ng dalawa sa kabilang linya. Isa lang ang laman ng isip ko ngayon at ipinagdarasal ko na sana mali ako, sana maling hinala lang. "Wala nga akong pakialam, nagbabayad ako ng tamang renta sa apartment ko tapos pag-akyat lang sa rooftop pagbabawalan niyo ako?" asik na naman nito. Hindi nawala ang kaba ko kahit pa sa wakas ay nagawa kong makaalis sa traffic. Ang kaninang mabilis kong pagpapatakbo ay doble na ngayon. Alam kong ilang sandali lang ay may hahabol na sa'king mga pulis pero wala akong paki kung makulong ako ang mahalaga masiguro ang kaligtasan ng kaibigan ko. "Lorette, wag mong papatayin ang tawag okay?" sabi ko, kahit pa parang wala na sa isip nito na katawag niya ako. "Ma'am," sigaw ng lalaki kasabay ng pagkaputol ng linya. Malutong akong napamura at nang makarating sa building kung saan ang apartment ni Lorette, hindi na ako nag-abalang magpark ng maayos. Dali dali akong bumama at tinakbo ang elevator. "Bilis," bulong ko, halos durugin ko na ang pagpindot sa key ng elevator papuntang rooftop. Kaba, takot at galit ang nararamdaman ko ngayon habang nagkatingala at naghihintay sa pagbukas ng elevator. Nang tumunog, hindi pa man tuluyang bumubukas ay mabilis akong lumusot sa siwang nito at muling tumakbo. Nakarating ako sa rooftop at panay ang linga ko sa paligid. Totoo ngang under renovation ito dahil nadaanan ko pa ang signage nila na nagsasabing hindi pwede ang mga tao dito dahil delikado. "Humawak po kayo ma'am." Owtomatiko akong napalingon sa pinanggagalingan ng boses. Nasa dulong bahagi ito kung saan walang kahit akong harang at sa tantya ko isang maling hakbang lang ay maaari kang mahulog. Twenty floor ang building na 'to at talagang durog ang mga buto mo kapag nahulog ka. Deritso morgue ka pa. "Lorette," aibulong ko, tumakbo ako sa gawi nila. Hawak hawak ng lalaki ang kamay ni Lorette na ayon sa suot nito ay parang construction worker. Umiiyak ang kaibigan ko kaya parang tinitibag ang puso ko sa kalagayan niya. Inabot ko ang isa niyang kamay para hilahin siya. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng takot. Konti nalang at maaari siyang makabitaw sa pagkakahawak namin habang ang katawan ay nakabitay sa ere. "Wag kang bibitaw, please," pakiusap ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko habang mahigpit na nakahawak sa kamay niya. Gusto kong magtanong kung anong nangyari at nasa ganito siyang sitwasyon pero hindi ko magawa dahil ang gusto ko lang ngayon mailayo siya sa kamatayan. "Bitawan niyo ko, gusto ko ng mamatay," sigaw niya. Pilit na gustong kumawala sa pagkakahawak ko. Mas lalo akong napaiyak. Nasasaktan sa nakikita kong kalagayan niya. Kaya niya ba talagang sayangin ang buhay niya para lang sa isang lalaki? Para lang sa isang pag-ibig? "No, Lorette please wag kang bibitaw." Nakadapa ako sa semento para mas lalong mapahigpit ang hawak sa kanya samantalang ang construction worker ay ganon rin. "Bitawan niyo ako," mas lalong sumigaw si Lorette habang humahagulhol at iwinawasiwas ang kamay niya. Mas lalo rin akong napaiyak dahil konti nalang mabibitawan ko na siya. "Paano naman ako Lorette? Ikaw nalang ang pamilya ko, mas mahalaga ba talaga sa'yo ang lalaking 'yon kaysa sa'kin? Tayo nalang ang magkakampi s mundong ito, pati ba naman ikaw ay iiwan ako?" Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko sa kamay na nakahawak sa kanya ang tuluyan niyang pagbitaw. "Lorette," sigaw ko. Para akong nabato habang nakatanaw sa katawan niyang tinatangay ng hangin pabagsak sa unang palapag. Hindi ako nakagalaw, hindi ako makapag-isip ng tama lalo ng balutin ng dilim ang pagbagsak niya. Mariin kong nakagat ang mga labi ko habang pinipilit na isiksik sa sarili ko ang mga nangyari. Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa paghampas ng malamig na hangin sa mukha kong luhaan. "Ma'am lumayo po kayo dito." Walang akong marinig kundi ang malakas na t***k ng puso ko habang patuloy na naririnig ang mga huling katagang narinig kong ibinulong niya bago bumitaw sa pagkakahawak ko. "I love you so much, Second Castillion." "DIREK, ayos lang po ba kayo?" Nakakunot noo akong bumaling sa isang staff na nag-aalala sa harapan ko. Hindi ako sumagot. Nakatuon lang ang tingin ko sa cellular phone na hawak ko. Cellphone ni Lorette. "Kanina ka pa po tulala," aniya. Marahas akong umiling bago muli ibinalik ang tingin ko sa staff. Napapakamot ito sa ulong yumuko. "Direk, wala pa po si Sir Second," imporma niya. Napatingin ako sa relo ko. It's three P.M, ang schedule ng shooting ay ala-una, dalawang oras na siyang late. Tumango ako bago tumayo, siniguro kong nasa bulsa ko ang cellphone. Tanging alaala na naiwan sa'kin ng nag-iisa kong matalik na kaibigan, kapatid at pamilya. "Pack up," sabi ko. Nakita ko pa ang pagtango niya na hindi ko na pinansin. Nagtuloy tuloy ako sa sasakyan ko na nasa parking lot ng Castillion Hotel. Dito ang location ng shooting para sa bagong teleserye ni Second pero tulad ng nakasanayan niya, hindi siya sumipot. Sakit sa ulo. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan papunta sa condo unit nito isang kanto lamang papunta sa location. Sinalubong ako ng security guard pagkarating ako. Ibinigay ko ang susi para i-park niya ng maayos ang kotse ko. "Hi Miss King, natutulog pa po si Queen," sabi ng receptionist. Hindi ko ito pinansin, nagtuloy tuloy ako sa top floor. Ini-enter ang password niya at pumasok sa kwarto ng barako. Naabutan ko siyang nakahubad sa kama. Tulog na tulog at tanging sa baba lang ang tinakpan ng kumot. Napapaling akong pumunta sa kusina, kumuha ng isang plangganang tubig at ibinuhos sa hubad niyang katawan. Parang isdang nailayo sa tubig siyang bumangon, pumisikpisik at nagbabaga ang mga tinging bumaling sa'kin. "Queen Antonia Santez," sigaw niya habang wala pa rin sa sariling tumayo. Tama ang hinala ko wala nga siyang saplot ni isa. Hindi ako nagsalita. Pumasok ako sa walk in closet niya. Kumuha ng semi formal na damit. Inilapag ko iyon sa couch na nasa harap niya at umupo. Nakadekwatro ako kahit pa ang sandata niya ay nakalantad sa mga mata ko. Tinanguan ko siya at itinuro ang banyo. "Ayoko, hindi ako maliligo," hinampo niya. Sa laki niyang tao gan'on siya umasta. Nameywang lang ito. "Go," walang ganang sabi ko. Mabibigat ang hakbang nito na lumapit sa'kin at kumapit sa braso ko. Naupo sa tabi ko. "Ayoko nga. Masakit ang ulo ko at isa pa kailangan ba talagang buhusan mo ako ng tubig para gisingin pwede namang tapikin nalang ako di ba?" pagdadaldal niya. "Gusto mo ba akong patayin?" Mabilis akong tumango dahil sa tanong niya. Hindi ka naman gigising kung tatapikin lang kita dahil tulog mantika ka. Gusto kong isatinig pero tinamad akong magsalita. Nakakapagod ibuka ang bibig. Padabog siyang tumayo muli. Tinignan ako ng masama. Nakipagtitigan ako sa kanya, siya ang unang umiwas kaya nagbunyi ang kalooban ko. "Nakakainis ka, ayoko ngang pumunta sa set at sana sinabi mo agad sa'kin ang schedule ko para hindi ako nagpunta sa bar kagabi," litanya niya. Sa pagkakataong 'to siya naman ang sinamaan ko ng tingin. Hindi ako umiwas, napapakamot sa ulo niyang pinulot ang mga damit na ihinanda ko. "Ang pangit mo," sik niya bago tuluyang pumasok sa C.R. Isip bata. Habang naghihintay sa kanya hindi ko namalayang nakaidlip ako. Naalimpungatan ako nang maramdamang may naglalaro sa buhok ko. Napadilat ako at sinalubong ang nakangiting mukha ni Second. Dahan dahan akong bumangon sabay tapik sa kamay niyang nakahawak sa buhok ko. Pinasadahan ko siya ng tingin, suot na niya ang ihinanda kong damit. Blue Armani semi formal long sleeve na tinernohan ng black Versace fitted jeans. Nakayapak lang ito, walang kaarte arteng nakaapak sa makalat niyang sahig. "Bakit black ang kinuha mong underwear ko, ang pangit," angal niya. Tinitigan ko siya ng ilang minuto bago ako tumayo at hinila siya sa harap ng full lenght mirror. Inayos ko ang gusot niyang kwelyo. Itinupi ito hanggang sa kanyang siko. Inayos ko rin ang pagkakalock ng kanyang sinturon. "It's Monday so kulay black," paalala ko. May schedule ang kulay ng underwear na dapat niyang isuot bawat araw. Hindi ko rin alam ang trip niya pero iyon ang bilin niya. Monday is Black. Tuesday is Red. Wednesday is Gray. Thursday is Maroon. Friday is Yellow. Saturday is Fuchsia. And Sunday is Green. "Dapat fuchsia nalang, you know I love anything as long as it's fuchsia," angal na naman niya. Sinamaan niya ito ng tingin. Sa lahat ng taong nakilala ko siya ang pinakamadaldal, pinakamareklamo at pinakasakit sa ulo. Hindi ko alam kung saan pinaglihi ang lalaking 'to at parang hindi isang barako kung umasta. Ang pagkakaalam ko mga straight ang mga kapatid nito. Mahirap malapitan dahil sa mga mukha pa lang ay masusungit na pero ang isang 'to kilay at mustache lang ang masungit pero kapag nag-ahit siguradong magmumukhang bakla. Inayos ko rin ang buhok niya. Hindi nagkakalayo ang tangkad namin dahil mataas rin ako pero kinailangan ko pang tumingkayad para lang maabot ang buhok niya. Sa sobrang kaburara at katamaran ng lalaking 'to kahit boxer at brief hindi kayang maglaba. Naglalambing siyang yumakap sa'kin nang makita ang seryoso kong mukha na mas lalong naging seryoso. "Oo na nga di ba black na nga e. Ang sungit mo talaga at ang harsh mo palagi parang hindi mo ako bestfriend." Hindi ko binigyan ng pansin ang pagiging isip bata niya. Ipinagpatuloy lang ang pag-aayos sa kanya. Nang matapos lumabas na ako at dumiretso sa parking lot. "Hintayin mo naman ako." Hindi ko siya nilingon na nakahabol pala sa paglalakad ko. Tinatamad akong igalaw ang leeg ko. Hanggang sa makasakay ako sa kotse. Pumasok siya sa passenger seat na hinihingal. "Ang harsh mo talaga sa'kin kapag ako nainis sa'yo kakagatin kita," banta niya na tinanguan ko lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
204.4K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
468.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
321.7K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
201.6K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
326.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook