Chapter 6

2018 Words
PAGKATAPOS ng shooting na buong magdamag naming ginawa, nakatanggap ako ng tawag kay General. Pinapapunta niya ako sa headquarter. Ayoko mang umalis sa condo ko dahil sa labis na pagod hindi ko maaaring baliwalain ang tawag niya dahil alam kong trabaho iyon. "Good evening, Ms. Santez," bati niya nang makitang papasok na ako sa kanyang opisina. Dyes oras na ng gabi pero walang tulugan silang nagbabantay sa mga maaaring dumating na impormasyon ng mga asset namin sa labas. "Good evening," sagot ko. Tinanguan siya. "What is it all about General?" direkta kong tanong matapos lumapat ang pang-upo ko sa visitor's chair na nasa tapat niya. Tumitig muna ito sa akin ng ilang sandali bago napabuntong hininga. "Anong nangyayari sa hawak mong kaso Ms. Santez? It's been almost two years pero wala pa ring nangyayari." "Pinatawag mo ba ako rito para sabihin ang bagay na iyan, sana sa tawag mo nalang sinabi." "Hindi lang iyon ang gusto kong sabihin sa'yo. Napag-alaman ng source ko na mas lalong lumalala ang pagpapadala ng death threat kay Mr. Castillion." "I know." Napasandal siya sa swivel chair at bakas sa mukhang ang frustration. Siya ang heneral namin, isa sa pinakabatang heneral at binata ito pero dahil sa pagiging tutok sa trabaho hindi na nagkaroon ng oras para humanap ng mapapangasawa. Kontento na ito na si Gale lang ang kasama sa buhay, itinuring niyang anak kahit pamangkin niya lamang. Nakasuot siya ng uniporme ng departamento. Hindi iyon uniporme tulad ng sa pulis o sundalo dahil hindi naman kami nabibilang sa gan'ong ahensya. Isang overall black ang suot niya ang tanging dekorasyon lamang ay ang mga stars sa bandang dibdib niya palatandaan kung ano ang ranggo. Hindi kami pulis though connected kami sa ahensya ng gobyerno. Ang departamento namin ang humahawak sa mga kasong hindi kayang hawakan at lutasin ng mga tauhan ng gobyerno. Tumatanggap rin kami ng mga kliyente na nangangailangan ng bodyguards o security. Isang private agency na hindi kayang kontrolin ng gobyerno. Walang pinapanigan. Ang nasa loob lang ng field ang nagsusuot ng gan'ong uniporme pero ang tulad naming mga out of field ang kaso pangcivilian o ano mang gusto naming isuot. "You know? Kung alam mo bakit hindi ka kumikilos. Ngayon lang naging ganito katagal ang hawak mong kaso at hindi tayo pinabayaran ng matandang Castillion para lang mas lalong ilagay sa panganib ang anak niya." Kulang nalang ay sigawan niya ako pero halatang pinipigil niya lang iyon. Oo, isa akong hired bodyguard para kay Second. Walang nakakaalam ng bagay na iyon dahil ayaw ng ama na ipaalam sa kahit na sinong anak, sa pagnanais nito na maging normal at malaya ang kilos ni Second. Alam ng ama ni Second na aayaw ito kapag sinabing magkakaroon ito ng bodyguard at babae pa. Maaapakan ang pride at ego nito kaya mas mabuting ilihim na lamang. "Konting panahon nalang." Wala akong ibang maisagot, alam kong totoo lahat ng mga sinasabi niya. "Hindi na mahihintay 'yang sinasabi mong konting panahon. Tell me the truth Ms. Santez, sinasadya mo bang pabayaan ang trabaho mo dahil si Second Castillion ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang bestfriend mong si Lorette?" Seryoso siya habang ako ay mabilis na nag-iwas ng tingin upang hindi niya makita ang pagtagis ng mga bagang ko sa pagbanggit niya sa nawala kong matalik na kaibigan. Nakakuyom ang aking mga palad habang ramdam na ramdam ko ang muling pagkabuhay ng galit at poot sa kalooban ko. Nasa ganitong trabaho na ako ng mangyari ang bagay na 'yon. Nalaman iyon ng buong departamento dahil sa pansamantala kong pagtigil sa trabaho na inabot ng isang taon. At pagbalik ko agad akong binigyan ng kaso, mapaglaro siguro ang tadhana dahil ang kaso ni Second ang ibinigay sa'kin. Sa mga panahong 'yon katatapos ko lang magluksa. "Iyon ba ang rason kung bakit pinapabayaan mong makalusot ang mga death threat na natatanggap niya?" Puno ng diin ang bawat salita niya samantalang ako hindi alam kung ano ang tamang salita para magtigil na siya. I hate this f*****g conversation. Nawawala ako sa focus at kusang nagsisilabasan ang mga emosyong itinago ko sa lahat gamit ang malaming na tingin at pakikitungo. "Hindi mo maaaring haluan ng personal na bagay ang kasong hawak mo dahil bayad ang ating departamento at trabaho mo ang pangalagaan ang kliyenteng hawak mo. Tapusin mo ang kaso at kapag nagtagumpay ka hindi ako makikialam sa mga susunod mong hakbang pero ngayong nasa duty ka maging professional ka." PAULIT ulit ang pagsuntok ko sa punching bag na nakasabit sa training room ng bahay ko. Galit na galit ako at ito ang tanging paraang alam ko para mahimasmasan at muling itago ang emosyon ko pagkatapos. "Alam mo Anton niyaya niya akong magdate tapos ipapakilala niya raw ako sa mga magulang niya. E, kinikilig ako, ang sweet ng boyfriend ko di ba?" Halos mangisay na siya dahil sa pagkukwento tungkol sa napag-usapan nila ng boyfriend niya. Hindi ko pa nakikita ang kasintahan niya dahil abala ako sa trabaho at hindi rin ako interisado. "Yeah, Lorette sweet ang boyfriend mo," labas sa ilong na sagot. Hindi ko naman alam kung paano naging sweet na niyaya lang naman ng date at ipapakilala sa magulang. Normal lang naman 'yon kung seryoso ang lalaki. "Ewan ko sa'yo Anton, walang tamis 'yang pagkatao mo kaya hindi ka makarelate. Kulang nalang magpakasal ka diyan sa trabaho mo, basta ako mangangarap dito." Nangingislap ang mga mata niyang niyakap ang unan na nasa kama. Napailing ako bago pumikit dahil sa pagiging assuming niya sa mga sinasabi kuno ng boyfriend niya. "Ang sarap mainlove." Sinipa ko ang punching bag, hindi ako tumigil hanggat hindi ko nakikitang butas na ito at lumalabas na ang mga foam na nasa loob. Malapit nang maputol ang lubid na nakatali dito pero hindi pa rin ako tumigil hanggang sa tuluyan itong bumagsak. Hingal na hingal akong napayakap doon ng nasa sahig na ito. Parang binabayo ang puso ko gamit ang baseball bat sa sobrang sakit nito habang patuloy sa pagpasok ng mga alaala sa utak ko kasama ang nag-iisa kong kaibigan. Siya ang naging pamilya ko simula ng magkamalay ako dahil pareho kaming lumaki sa ampunan. Sabay na nag-aral, sabay lumaki, grumaduate at sabay na namuhay. Sa isa't isa lang kami sumandal sa mga panahong may mga dagok sa buhay namin pero sa huling pagsubok na dumating sa kanya hindi ko man lang siya nailigtas. Iniwan niya ako dahil sa isang lalaking nanakit sa kanya. "I'm sorry kung hanggang ngayon hindi ko pa rin natutupad ang pangako ko." Unti unting bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Hinayaan ko iyon dahil sa pagkakataong ito pagod na akong magpanggap na ayos lang ang lahat kahit hindi, pagod na akong magpanggap na hindi ako binabalot ng galit kapag nakikita kong nakangiti si Second samantala ang huling alaala ng kaibigan ko ay lumuluha dahil sa kanya. Nakakapagod magpanggap na ayos lang kahit hindi naman talaga. "Nangako ako sa'yong magbabayad ang lalaking nanakit sa'yo at hindi ko nakakalimutan 'yon." Marahas akong tumayo at lumapit sa mga baril ko na nasa isang glass table. Patuloy sa pagbuhos ang aking mga luha habang inaassemble ko ang isang Caliber 45 na paborito kong gamitin. Hindi na ako nag-abalang magsuot ng gear pagkatapat ko sa shooting range area dito sa training room ko. Ang training room na ito ang tangi kong stress reliever sa mga ganitong pagkakataon. Isa itong silid sa basement ng bahay ko, iba sa condominium na katabi ng condo ni Second. Sa tagal ko sa serbisyo nakapundar ako ng malaking bahay na minsan ko lang madalaw dahil sa pagiging abala ko sa trabaho. Narito lahat ng armas ko, mga baril, deadly weapon, granada, katana mga bagay na maaari kong magamit para protektahan ang sarili ko. Sumigaw ako sabay na sunod sunod na kinalabit ang gatilyo, nakaturo ang nguso ng baril sa traget kung saan ang isang poster na katauhan ni Second. Iniisip kong siya ang tinatadtad ko ng bala nang sagayon humupa ang galit ko. "Mamatay ka na," muli kong sigaw. Sa isang kisap lang naabot ko ang mga patalim na malapit sa'kin at walang habas ko iyong pinaghahagis sa poster. Lahat sa mukha at noo ang tama. Nasandal ako sa pader nang matapos ang lahat ng pagtorture ko sa poster. Taas baba ang dibdib at balikat ko sa sobrang hingal. Ganito ako kapag masyado na akong binabalot ng matinding emosyon. Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataon na totohanan kong magawa kay Second ang lahat ng ginawa ko sa poster niya. Gusto ko siyang patayin gamit mismo ang mga kamay ko para naman makagante sa lahat ng sakit na idinulot niya sa kaibigan ko at sa'kin. Nawala ito nang dahil sa kanya na labis kong ipinagdurusa. I hate the fact na ako ang nag-aalaga ngayon sa kanya para hindi mapahamak kahit sa loob loob ko ay ikasasaya ko kapag namatay siya. Si Lorette sana ngayon ang kasama ko, ang tanging taong nakakakilala sa'kin at nababasa ang tunay na nararamdaman ko sa kabila ng malamig kung mukha at mga mata. Nang humupa ang hingal at galit ko syaka lamang ako lumabas ng training room. "Good evening ma'am," bati sa'kin ng katulong, si Cindy. Tumango lamang ako. Tuloy tuloy akong naglakad papunta sa kwarto ko, sya namang pagtunog ng cellphone na nasa ibabaw ng kama. Nagngalit ang mga ngipin ko nang makita kung sino ang tumatawag. "What is it, Salazar?" "Woah, ikaw ang unang nagsalita, himala," nang-aasar itong humalakhak. "f**k you." "Oh, I want to f**k you too baby." Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa nakakakilabot na landi ng kanyang boses. "What do you want?" Gusto ko ng matapos ang usapang ito para makapagpahinga na ako. "You know what I want Santez, sumanib ka sa grupo ko." Napangisi ako dahil sa alok niya. Ilang bese na ba niya akong inalok na mapasama sa grupo niya. Sampu, bente, trenta? Hindi ko na mabilang pero ang lagi kong sagot. "No thanks." Humalakhak na naman ito na parang nasa ilalim ng impyerno. "Well, well, well good luck sa alaga mo baka mapahamak siya dahil sa katigasan ng ulo mo." Magdidiwang pa ang kalooban ko kapag nangyari 'yon pero mas masaya pa rin ako kung ako mismo ang magpapahamak sa kanya. "I don't care, puro ka lang naman dada. Do it," hamon ko. "You know I can do that in just a snap." "Then, goodluck," sabay patay ng tawag at padapang humiga sa kama. Paglapat ng katawan ko doon ko lang naramdaman ang labis labis na pagod na pati mga binti ko hindi ko na maitaas. "Hindi mo maaaring haluan ng personal na bagay ang kasong hawak mo dahil bayad ang ating departamento at trabaho mo ang pangalagaan ang kliyenteng hawak mo. Tapusin mo ang kaso at kapag nagtagumpay ka hindi ako makikialam sa mga susunod mong hakbang pero ngayong nasa duty ka maging professional ka." Tama si General, dapat ko munang tapusin ang trabaho ko sa professional na paraan at kapag natapos na syaka ako gagawa ng hakbang upang makuha ko ang hustisya para sa kaibigan ko. Nakakatanga. Sisiguraduhin ko ang kaligtasan niya para walang makasakit na kung sino man tapos sa bandang huli ako ang papatay sa kanya. 'Masarap mainlove.' Iyon ang paulit ulit na sinasabi noon sa'kin ni Lorette na hindi ko magawang paniwalaan dahil kung masarap ang mainlove bakit humantong siya sa pagkitil ng sariling buhay. Mimahal ba siya ng lalaking 'yon tulad ng pagmamahal niya? Hindi di ba? So, ano ang ikinasarap ng pagmamahal kung ito mismo ang papatay sa'yo. For me love is useless. Kapag nagmahal ka para ka na ring naghukay ng sarili mong libingan. Bumabagsak na ang mga talukap ng mata ko pero pinilit ko pa ring abutin ang picture frame kung saan ang picture namin ni Lorette na parehong nakangiti. "I miss you, Lorette, best friend," bulong ko habang tinititigan ang mga mukha naming masasaya. "Malapit na nating makuha ang hustisya sa paraang alam ko, hindi niya lang pinatay ang katawan mo pero pati rin ang puso mo at pagbabayaran niya 'yon." Niyakap ko iyon bago tuluyang gupuin ng antok at balutin ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD