"AKO PA ang masama, ako na nga ang nag-aalala ako pa ang naging mali sa huli. Ano bang problema niya at bigla bigla nalang siyang nanlamig sa'kin?" Ilang ulit akong lumagok ng tag-iisang baso ng wine dahil sa sobrang pagkairita habang inaalala ang naging sagutan namin kahapon ni King. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nag-uusap dahil nagpasya na muna akong umuwi sa bahay ng pamilya ko at hindi muna umuwi bumalik sa condo. Hindi rin kami nagkita sa set dahil hindi ito pumasok. Nakakapanibago dahil masyado itong dedicated sa trabaho tapos ngayon nagagawa na niyang umabsent. "Kailangan ba wala akong paialam sa kanya? Bakit ayaw niyang mag-alala ako? Ewan," Singhal ko sa sarili. Napahilamos nalang sa sobrang pagkairita. "You okay 'bro?" Napalingon ako nang marinig ang boses ni First, min