MALAPIT na ang tanghalian nang dumating ako sa condo ko. Ngayon ko lang naramdaman ang buong linggong pagod pero pakiramdam ko wala pa akong karapatang magpahinga. Pagkatapat ko sa pintuan ng unit ko may kulay itim na box sa sahig. Nakatali sa gitna nito ang kulay violet na ribbon. I don't know pero kinilabutan ako dahil ang kulay na iyon ang sumisimbolo sa patay. Inalerto ko ang aking sarili. Pasimpleng nagmasid masid sa paligid pero walang kahinahinala doon. Tahimik ang hallway, walang ni isang tao maliban sa'kin. Nilagpasan ko ang box, mas inuna kong lumapit sa condo ni Second. Nakalock 'yon, ilang ulit akong nagdoorbell pero walang nagbukas. Sinubukan ko ring buksan gamit ang password niya pero hindi 'yon gumana. Pinalitan niya? Sinalakay ako ng matinding kaba sa hindi ko maintin