LIFE IS TOUGH, so get tougher. Iyon ang naging prinsipyo ko sa buhay simula nang magkaroon ako ng malay kung ano ang totoong mundo. Lumaking walang mga magulang, kapatid o kapamilya. Lumaki sa isang bahay ampunan kasama ang mga kapwa ko inabanduna at pinabayaan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit mas pinili kong maging mailap. Mas pinili kong isara ang puso ko. Mas pinili kong maging malamig at mas pinili ko ang wag makaramdam ng pagmamahal dahil iyon nalang ang option ko para protektahan ang sarili. Matatag. Matapang. Walang kinakatakutan. Kaya ang lahat. Hindi nasasaktan. Iyon ang tingin sa'kin ng lahat sa mundong ginagalawan ko. But deep inside me, I'm weak, fragile and scared. No one knows that I'm dying inside, no one knows because I stayed silent even if it hurts a lot. Araw araw