Chapter 7

2026 Words
"SO ANONG plano mo?" tanong ni Gale. Umagang umaga palang nang pumunta siya dito sa bahay at ngayon kumakain kami ng agahan. Kulang ang tulog ko pero may lakas pa naman ako dahil sanay ako sa pagod. "Plano?" Tumango siya habang sumusubo ng fried rice. "Naikwento sa'kin ni Uncle ang napag-usapan niyo kagabi. Kapag daw walang naging improvement sa hawak mong kaso mapipilitan siyang sa'kin nalang ipatapos." Natigilan ako. Pinakatitigan siya para alamin kung seryoso siya sa mga sinasabi niya. "Tatanggapin mo?" Nagkibit balikat siya. "Well, depende sa plano mo kaya nga kita tinatanong. Isa pa busy rin kasi ako kaya ayokong tanggapin." "Good, ako ang tatapos ng kasong 'to," determinado kong tugon bago nagpatuloy muling kumain. "You sure?" "Yeah, ako ang nagsimula kaya ako rin ang tatapos." Akmang sasagot pa siya nang tumunog ang cellphone ko na nasa hapag. Nagkatinginan kami, agad ko iyong sinagot nang makitang si General iyon. "Bullshit, Santez," Sigaw nito sa kabilang linya. "Nilooban ang condo unit ni Mr. Castillion at ngayon nasa engkwentro ang mga taong ipinadala ko." Natulos ako sa kinatatayuan dahil sa mga sinabi niya. Mr. Castillion ang sabi niya, alam kong si Second 'yon dahil hindi naman siya mag-aalburuto kung hindi. "I'm on my way," tugon ko syaka mabilis na tumakbo patungo sa aking silid. Kumuha ako ng mga baril at isinuksok iyon sa holster na nasa hita ko. Nakasuot ako ng white skirt above the knee sapat para maitago ang armas doon. Isinuot ko ang leather jacket para may ipatong sa black sando na suot ko. Doon ko rin inilagay ang ibang bagay na maaari kong magamit. "Park, pakikuha ng sasakyan." Nagmamadali ang bawat galaw ko nang maactivate ang speaker na connected kay Gale. "Copy, Santez." Mas minabuti kong magsuot ng boots para maging komportable sa maliksing galaw, mabilis akong nakalabas ng gate. Nakaparada na ang sasakyan ko sa labas. Agd akong pumasok, hindi nag-aksaya ng segundo na pinasibad 'yon ni Gale. "Tumawag sa'kin ang secretary ni Uncle dahil hinahanap ka daw, mabuti nalang at magkasama tayo. Ano bang nangyari?" "Niloob ang condo ni Second, alam kong hindi pagnanakaw ang motibo dahil nandoon daw ngayon ang mga taong ipinadala ni General, nakikipagbakbakan." Tango lang ang naging sagot niya habang seryoso ang mga matang mabilis na iniiwasan ang mga sasakyang nakaharang sa daan. Maraming bumubusina at sumisigaw sa bilis ng takbo namin. Inilabas ko ang ID ko nang mapadaan kami sa traffic enforcer sa lane na dinaanan namin. "Emergency," sigaw ko. Ayokong tatawag pa siya ng mga kasamahan niya para lang habulin kami. Maantala ang lakad namin. Ilang sandali lang narating na namin ang tapat ng condominium. Hindi pa man iyon tuluyang naipaparada ni Gale ay agad ko nang binuksan ang pinto ng at tumalon. "Sumunod ka," bulong ko. "Nasa likod mo lang ako." Pag-apak ko palang sa lobby nakita ko na ang mga taong nagkakagulo. May mga pulis rin na akmang sasalubungin ako pero natigilan ng ipakita ko ang ID ko. Marami akong kopya ng ID para sa mga ganitong pagkakataon dahil wala kaming chapa tulad ng mga pulis. Simpleng ID lang para makilala nilang mula kami sa aming departamento na matunog sa mga kawani ng gobyerno. Kami lamang ang may access na malaman ang logo na nagpapatunay na totoo ang identity namin. "Ingat po ma'am," imbes ay sabi nito. Pumasok ako sa elevator na walang sinasayang na oras. Hindi ako naglabas ng armas. Matagal ko nang itinago ang pagiging agent ko dahil baka makaabala ito sa aking mga plano at isa pa iyon ang gusto ng kliyente namin, ang ama ng Castillion Brothers. Hindi ako basta basta gumagamit ng armas hanggat kaya kong malusutan ang kahit anong pagkakataon. Pagdating ko sa palapag kung saan ang condominium ni Second rinig na rinig ko ang putukan. Pasimple kong ikinasa ang baril na kinuha ko sa aking hita at muli ring ibinalik. "Nandito na ako," tugon ko. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa sa elevator nang makita ko ang pagbukas ng katabi nitong elevator. Ngumiti si Gale sabay kindat sa gawi ko, siya ang lulan ng elevator. "Ako muna." Tumango ako. Nasa dulong bahagi ang condo at may mga kalabang sumasalubong sa'min na patuloy pa rin sa pakikipagputukan sa aming mga tauhan. Naglabas ng baril si Gale, gumanti rin ng putok habang ako nananatiling nasa kanyang likod. Hindi ako sumali sa kanilang putakan dahil abala ako sa pagsilip sa loob kung nasaan si Second. "Ubos na ang mga nasa labas, tatlo pa po ang nasa loob hawak si Mr. Castillion." Malutong akong napamura nang marinig ang sinabing iyon ng aming kasamahan pagkakita sa'kin. "Anong lagay?" tanong ko. "Hindi naman po nila sinaktan pero hindi nila pinapakawalan." No choice. Bumunot ako ng baril. Naglakad palapit kay Gale na ngayon ay nasa bukana na ng pintuan. Tinapik ko siya sa braso para matuon ang atensyon niya sa'kin. "Cover me, papasok ako." "Nasa likod lang ako." Dinukot ko ang panyong nasa bulsa ng leather jacket ko bago patakbong pumasok. Ilang putok ang natanggap ko mula sa kanila ngunit agad akong nakatago sa likod ng couch kaya walang ni isang bala ang bumaon sa katawan ko. Tumango ako kay Gale na seryosong seryoso ang mukhang nakikipagbarilin, naglalakad siya papalapit sa pwesto ko. "Dalawa nalang." Sumilip ako. Nakahandusay na ang isa sa tatlong natitira, may tama ito sa noo na ikinangisi ko. Nasa loob sila ng kwarto hawak sa leeg si Second na nagpupumiglas, nakatali ito sa isang steel chair at nakatagilid sa gawi ko. "Hindi ko ipapakita ang armas ko baka mabuko ako si Second kaya ikaw ang umalalay sa'kin." "Ano ba naman kasi 'yang utak mo kung mag-isip, ipagpapalit mo buhay mo para lang hindi mailantad sa lalaking 'yan ang tunay mong pagkatao," sermon niya. "Sumunod ka nalang." Pagkatapos kong sabihin 'yon mabilis akong tumayo kaya naagaw ko ang atensyon ng dalawa pati na si Second. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya pero hindi ko iyon pinansin. Kalmado akong naglakad papasok habang ang dalawa ay nakamasid lamang sa bawat galaw ko. Hindi sila nagpaputok habang ako nakatago ang baril sa likod. Hindi talaga sila magpapaputok dahil ako ang kailangan nila. Mga tauhan ni Salazar. "Bakit nandito ka? Lumabas ka dito, King," utos ni Second na bakas ang pag-aalala sa mukha. "Nandito ako para iligtas ka." Marahas siyang umiling. "No, mapapahamak ka at iyon ang hindi ko papayagan." Nagpumiglas siya. Nagtagis ang bagang ko dahil bigla na lamang ito hinampas ng baril sa mukha. "Kanina ka pa maingay," sigaw ng isa. Hindi na ako nakapagpigil nang makita ang pagputok ng labi ni Second at ang pagdaloy doon ng masaganang dugo. Ako lang ang may karapatang saktan ang lalaking 'yan hindi sila. Ihinagis ko ang hawak kong panyo sa isang tauhan na ipinagtaka nito. "Ipaamoy mo sa kanya, don't worry kakampi niyo ko," malamig ang boses ko nang sabihin ko iyon. Nagliwanag ang mukha ng dalawa na para bang nasa rurok sila ng tagumpay. "Susundin mo na si Boss?" tanong ng isa pa, tumango ako. Ang panlalaki ng mata ni Second ay mas lalong nanlaki dahil sa narinig niya. "No, no, King. Ano 'to?" bakas ang pagkataranta sa kanyang boses pero hindi ako nagpatinag. Lihim akong napangiti nang sumunod sa'kin ang lalaking hinagisan ko ng panyo. Gan'on kasabik si Salazar para mapabilang ako sa grupo nila dahil kahit mga tauhan niya kayang sumunod sa mga sinasabi ko. Napakalaki ko nga namang asset sa grupo nilang kung papanig ako, pero hindi pa naman ako tuluyang kasapi ni Satanas para gawin iyon. Idiniin nito ang panyo sa mukha ni Second. Naging alerto ang kilos ko nang magsimulang bumagsak ang talukap ng kanyang mga mata. Nang masigurong wala na itong malay doon ko lamang inilabas ang aking baril at walang habas na kinalabit ang gatilyo para punteryahin ang ulo at puso ng dalawa. Kasabay ng pagkaubos ng bala ko ay siya rin pagbagsak nila sa sahig. Unti unti nang naliligo sa mga sariling dugo. Stupido. "Cool." Hindi ko nilingon si Gale na nasa likod ko na pala. Ibinalik ko ang baril sa holster bago lumapit sa kinauupuan ni Second. Wala siyang malay, mga ilang oras pa bago siya magigising dahil sa chemical na pampatulog na inilagay ko sa panyo. "Tawagin mo ang iba pa nating kasamahan para buhatin siya pahiga sa kama," utos ko kay Gale na ngayon ay nakaupo na sa couch na kanina lang ay tinadtad ng bala. "Prinsipeng prinsipe ang datingan. Hindi pala, prinsesa pala at ikaw ang knight in shining armor niya.Corny," kantiyaw niya. Iwinawagayway ang mga daliri na tila may sinesenyasan sa labas. Nagsipasukan naman ang mga kasamahan namin. "Buhatin niyo siya pahiga sa kama." Sumunod ang mga ito, inayos ang posisyon ni Second at kinumutan. Umupo ako sa tabi ni Gale. "Ligpitin niyo ang mga kalat na 'yan." turo ko sa mga patay na katawan. "Pati dugo tanggalin niyo." Napasandal ako habang nakatingin sa mga walang buhay na katawan. Talagang ginagamit ni Salazar si Second dahil lang sa gusto nilang sumapi ako sa kanila, na kahit kailan ay hindi ko naisipang gawin. Kaya niyang magsayang ng buhay ng iba, gan'on siya kasama at kapag pumanig ako para na rin akong nakipagkasundo kay Satanas. "On the way na raw si Uncle kasama si ang matandang Castillion." Napabuntong hininga ako. "Natatakot ka bang tanggalin ka sa kasong 'to?" Nagtataka ko siyang nilingon dahil sa naging tanong niya matapos kaming balutin ng pansamantalang katahimikan. "Bakit ako matatakot?" "Ewan, ang lalim kasi ng buntong hininga mo kaya akala ko nababahala ka dahil malaki ang tyansa na alisin ka sa kaso na 'to lalo at naging pabaya ka." "Hindi ako naging pabaya," kontra ko. Mariin akong pumikit. "Kung hindi ka naging pabaya bakit hindi mo napigilan ang pangyayaring ito?" Matatalim ang tinging dumilat ako at tumingin sa kanya. Sinalubong ako ng seryoso niyang tingin bago bumaba ang titig niya sa mga kamao ko na ngayon ay nakakuyom na. "Namamaga ang kamay mo." Hindi ko siya pinansin. Namamaga ang kamay ko dahil sa paglalabas ko ng galit kagabi, medyo kumirot iyon nang bahagya dahil sa pagkakakuyom ko ngunit binalewala ko. "Matuto kang magpatawad Anton para tuluyan kang maging masaya," hirit niya pa. Walang paki kahit alam niyang galit na ako. Masyadong maikli ang pasensya ko kapag ganitong mga usapan. Ayoko ang ganitong mga pangyayari sa buhay ko, na may taong magsasalita sa'kin na parang naranasan na lahat ng naranasan ko. Na parang naghirap at nagluksa dahil sa pangungulila tulad ko. Madali akong magalit sa mga taong mapanghusga na parang napakadali ng lahat tulad kung paano ito sabihin. Dahil alam kong hindi gan'on kadali ang magpatawad. Kung madali lang ide sana nagawa ko na noon pa. "Mind your own business. Isa pa hindi ko kailangang maging masaya." Nag-iwas siya ng tingin. "Mukhang matigas pa rin ang puso mo kaya ang hiling ko nalang talaga ngayon sana mahalin mo ang lalaking 'yan." Itinuro niya sa walang malay na binata. "Alam ko kasing mas matimbang ang pagmamahal kaysa sa galit o ano pa mang pakiramdam. Love is the most powerful feeling, Anton. Iyon nalang ang tanging pag-asa para malusaw ang galit sa puso mo." Natahimik ako. Tumayo siya at hindi na ako muling nilingon dahil tuloy tuloy lang siya sa paglabas. Napadako ang tingin ko kay Second. Hindi ko namalayang humahakbang na pala ang mga paa ko papalapit sa kanya. Napakagwapo niya kung panlabas na anyo ang pagbabasihan, malaki ang pangangatawan na halatang halata sa suot niyang sando. Napakaamo ng mukha lalo ngayong natutulog ito. Mapayapa at walang problema. Makakapal ang itin na itim na pares ng kilay, mahahaba at pataas ang hugis ng kanyang pilik mata, namumula ng bahagya ang magkabilang pisngi na walang bakas ni isang tigyawat o pores, makinis na makinis. Mas lalong naging agaw pansin ang kanyang matangos na ilong na nagpahalata ng lahing Amerikano na taglay nito. Samahan pa ng kanyang mga labi na namumula at bahagyang nakaawang. Manipis iyon na bumagay sa malaanghel na kagwapuhan niya. Hindi kataka takang habulin ng babae. Walang duda na hindi na mabilang ng mga daliri ko ang itinaboy kong babae na nagkakandarapa sa kanya. Tunay na biniyayaan talaga ang lahi nila ng grasya na magpapaiyak ng kababaihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD