"Tinatanong na ako ng mga kaibigan natin kung bakit MIA ka palagi." Nilingon ko si Theresa. Nagtataka sa sinabi nito. Last time I checked, Mace ang pangalan ko. Kailan pa ako naging Mia? Naging palagi pa. Bobo ni Theresa Asereth.
Pailan-ilan pa lang ang pumapasok ng classroom. Maaga pa nga talaga, iba rin talaga kapag may service papasok. Hindi nale-late.
"Kailan pa ako naging si Mia? Maria Centisia ang pangalan ko, a.k.a Mace."
"Ha? Patawa ka talaga. Ang ibig kong sabihin, missing in action. Maganda ka nga lang talaga, Mace." Nababagot na ani ni Theresa. Napairap pa ito at napasimangot. Bakit ba naman kasi kailangan pang i-shortcut? Cool ba iyon?
Nang dumating si Ben Thong ay agad kaming nag-high five nito.
"Hinatid ka na naman no'ng maangas na kotse? Alam mo bang kalat na kalat sa school na may sugar daddy ka raw."
"Uy! Talaga?" natuwa pang ani ko rito. Sikat na ako rito sa school?
"Bakit parang tuwang-tuwa ka pa?"
"Kasi sikat na ako rito sa school." Mayabang na tugon ko.
"Hindi mo ba narinig iyong sinabi ko? Ang sabi ko, may sugar daddy ka raw. Hindi magandang pakinggan iyon. Parang sa paningin nila ay masama kang babae. Pumapatol ka sa matanda."
"Hala! Kapag pumatol sa matanda, masama ng babae? Very wrong naman sila. Saka hindi ba ako dapat maging happy? Sa paningin nila ay sugar baby ako? Grabe, iba talaga ang baby face." Proud na proud sa sariling ani ko.
"Hays, Mace! Ang aga-aga... ayaw na nga muna kitang kausap." Pumwesto na si Ben Thong sa upuan n'ya. Si Theresa naman ay nag-iwas din nang tingin.
Grabe naman sila! Saka inihatid lang naman ako ni Pogi. Impossible namang patulan ako no'n. Imbes na dede ko ang hihimasin no'n, for sure rehas. Tiyak na timbog agad ito.
Mga utak talaga nila, ang tanda na ni Pogi. Tapos ako bata pa. Ang mamalisyoso talaga nila.
"Mace, ipakilala mo naman kami roon sa gwapong nakakotse na sumundo sa 'yo." Sabi ng isa kong kaklase, si Joy. Tinignan ko ito mula ulo mukhang paa.
"Bakit?"
"Ang gwapo kasi."
"Tapos?"
"For sure matitipuhan ako no'n. Age doesn't matter naman. Bagay kami." Kinikilig na ani ni Joy. Hala!
"True ka d'yan, Joy! Bagay na bagay kayo. Ewan ko ba kung bakit kay Mace lumalapit iyon. Hindi ata n'ya pansin na mas maganda ka." Sang-ayon ng isang alipores n'ya.
"Naririnig mo ba iyang sinasabi mo. Hindi magiging bagay ang isang lalaking nasa legal age na at minor de edad na tulad mo, o tulad ko. Saka saan ang ganda? Kulang na lang manikyurista ang kunin mo para mag-make up sa 'yo, kasi mukha kang paa." Nakasimangot na ani ko rito.
"Grabe s'ya manglait, oh!" reklamo ni Joy sa akin. Anong magagawa ko, kung honesto ako?
"Feeling naman ni Mace maganda s'ya." Dinig kong ani ni Sandara.
"Bakit? Hindi ba? Ano ang standard mo ng ganda? Iyon bang mukhang paa?" sabay tingin kay Joy na s'yang naghahari-harian dahil lang sa anak s'ya no'ng kapitan na pasimuno sa sabungan.
"Halika na nga, Joy! Masyadong feeling itong si Mace." At least nilubayan na nila ako. Nang dumating ang guro ay syempre, stress na naman ako. Alam na nga nilang hindi ko naman knows iyong answer tapos ako pa rin iyong tatawagin. Kapag alam ko naman ang sagot ay nagtataas talaga ako ng kamay, oh kaya kahit hindi ako ang tinawag ay nagpapakabida ako sa pagsagot.
"Uy! Nakasimangot ka d'yan." Puna ni Theresa sa akin. Malapit na ang lunch. Pero heto kaming dalawa, last subject na nga lang ay naisama pa sa mga pinatayo.
"Paano ba naman kasi, papansin si Sir! Feeling ko talaga crush n'ya ako eh. Palagi na lang akong tinatawag. Parang ako lang ang estudyante n'ya."
Himutok ko. Saka tinapunan nang masamang tingin ang matandang guro.
"Yaan mo na! Malapit naman na ang lunch break. May baon ka?" tanong nito sa akin.
"Wala nga eh!"
"Paanong nangyari iyon? Hindi ba't mayaman ka na?"
"Eh, busy kasi silang lahat sa paghahanap sa ate ko. Doon ako natulog sa bahay ni Pogi."
"Taray mo naman, girl! Maganda ba iyong bahay?"
Tumango ako rito.
"Maraming isda."
"Ay! Iba rin! May palaisdaan sila?"
"Oo. Hayaan mo kapag nakapasyal ulit ako roon. Magpi-picture ako."
"Girls at the back!" sigaw ng guro. Nakalimutan naming nasa harap pa pala ito, kaya napasarap ang kwentuhan naming magkaibigan. Pero nakuha pa naming lumingon sa likuran namin. Pader na ang nakita namin. So, kami ba iyon?
Pagkatapos ng klase ay nagpasya kaming lumabas muna. Bumili lang ako ng half rice at fish ball. Habang si Theresa ay mukhang nakaluluwag-luwag. Dahil adobo iyong binili n'yang ulam.
"Mace!" sutsut sa akin ng ginang na kabababa lang ng tricycle. Si Mamang iyon.
"Mang?" napakapit ako kay Theresa. Alam ko na ang totoo. Malaki ang sama ng loob ko rito. Paano nitong inangkin ang batang hindi naman nito anak? Paano nitong nakuhang saktan sila Mommy noon?
"Anak, nananghalin ka na ba? Sa bahay ka na umuwi. Naghanda ako ng pagkain doon." Kabilin-bilinan ni Mommy na huwag akong lalapit or sasama kay Mamang. Kahit si Mamang ang nagpalaki sa akin, kay Mommy pa rin ako makikinig. Si Mommy ang naagrabyado rito. Hindi si Mamang.
Bakit ba wala iyong mga bodyguard ko nga--- nandito pala. Biglang nagsulputan at pinalibutan kami ni Theresa.
"Tauhan ba kayo ng kapatid ko? Kinakausap ko lang naman ang anak ko. Gusto ko lang naman s'yang anyayahang mag-lunch sa bahay."
"Hindi na po kailangan, Ma'am Jasmin. May lunch na po si Ma'am Mace." Sabay abot sa akin ng isang bodyguard ng lunch bag, na nakuha ko pang kapain ang ilalim. Mainit-init pa iyon.
"Mang, alis ka na. May lunch na po ako." Mahinahong ani ko rito.
"Anak, mag-usap naman tayo. Mamang mo ako, pero parang takot na takot ka sa akin." Naluluhang ani nito. Pero hindi ko pwedeng suwayin ang tunay kong magulang.
Saka hindi naman magkakaganito ang lahat kung hindi nila basta na lang itinaboy si Ate Jas. Mahal na mahal namin sila ng ate ko, pero dahil dumating at bumalik na iyong tunay nilang anak na si Esmera ay biglang nawalan na sila ng amor sa ate ko. Hindi ba nila naisip, napakaraming sakripisyo ni Ate para sa kanila.
Nagpakasal pa nga ito noon kahit hindi n'ya kilala iyong lalaki. Mabuti na lang mabuting tao si Kuya L.A. eh.
"Papasok na po ako. Halika na, Theresa! Nagugutom na ako." Hinila ko na si Theresa pabalik sa school. Pumasok kami agad sa gate, kahit na naririnig pa namin iyong tawag ni Mamang sa akin. Naninikip ang dibdib ko, madalas mangyari ito. Kailangan ko na talagang magpalit ng bra. Nahihirapan na akong huminga kasi masikip na.
"Hoy! Naiiyak ka?" tange rin itong si Theresa eh. Obvious namang pang-drama iyong buhay ko, tatanungin pa talaga n'ya.
Nagtungo kami sa tambayan kung saan madalas kaming mag-lunch na magkakaibigan. Naroon na sina Ben Thong, Pan, Von, Tom and Cesar.
Obvious na ilan sa kanila ay wala na namang ulam. Kaya naman nang pumwesto na kami para kumain ay inilabas ko lahat ng baon ko.
"Mayaman ka na nga talaga, Mace! Pwede bang ampunin mo na lang kami?" tanong ni Pan.
"Hindi ako mayaman. Iyong parents namin ni ate. Sila iyong tunay na mayaman." Pa-hamble na sagot ko.
"Same rin naman iyon. Anak nila kayo. Anong pangalan ng parents mo? Siyempre, ang kilala namin si Mamang Jasmin mo at si Papang Bruno mo."
"Marcella Monte Ciento at Arnold Monte Ciento ang pangalan ng tunay kong magulang."
"Paano iyan, babaguhin na ba ang pangalan mo?" tsismosong tanong ni Von.
"Hindi naman. Baka siguro iyong apelyedo ko lang."
"Paano nga ba naman kasing naging magulang mo sila?" napabuntonghininga ako. Medyo bobo nga ako, pero kaya ko naman sigurong ipaliwanag sa kanila sa paraang maiintindihan nila. Kaya habang kumakain ay nagsimula akong magpaliwanag.
"Si Mamang Jasmin ang surrogate mother. Ibig sabihin hindi s'ya ang ina, pero s'ya ang nagdala sa sanggol. Si Mommy at Daddy ang pinagkuhanan ng 'punla' kaya nabuo ako."
"Grabe ang mayayaman ano? Pwede sa kanila ang mga ganyang bagay kahit na parang napakaimposible." Sagot ni Theresa.
"Gano'n na nga. Naintindihan n'yo na ba?" umaasang tanong ko.
"Hindi." Sabay-sabay na sagot nila. Mga gago, patango-tango pa sa mahabang explanation ko. Tapos hindi rin naman pala nila naintindihan.
"Mace, ang sarap ng baon mo. Bukas sana kung pwede eh ikaw na ang magdala ng baon para sa amin, ha?" kupal din naman itong si Ben. Pero tumango ako.
"Ano bang gusto n'yong baon bukas? Sinabawang Oscar fish ba?" marami pang Oscar fish doon sa mga aquarium ni Pogi. Baka makapamingwit ako. Kapag ipasyal n'ya ako ulit doon.
"Oscar fish? Masarap ba iyon? Pagkain ba iyon ng mga mayayaman?"
"Hindi. Pero mukha namang tilapia. Kaya pwede na ring ulam."
"Ahmm..." sabay-sabay kaming napalingon sa tumikhim. Isang poging naka-business suit ang nakita namin. Walang iba kung 'di si pogi. May hawak itong plastic na may tatak na famous fastfood restaurant.
"Mace..." alanganin tawag ni Theresa. Kabado ba ito sa harap ng pogi? Grabe naman, bakit sa harap ng magandang tulad ko'y hindi s'ya kinakabahan? Tsk! Unfair din naman itong babaeng ito.
"Kuya Mec, anong ginagawa mo rito?"
"Nawala sa isip kong bilinan sila Carmelita na ipaghanda ka ng lunch mo. Kaya sinadya ko na ito rito. Mukhang may pagkain ka na." Napatingin ito sa mesa.
"Naku! Pogi, para sa akin ba ang mga iyan? Sa totoo lang ay kulang itong pagkain namin. Akin na po." Muntik pa akong mangudngod sa pagmamadaling tumayo. Buti na lang naagapan ako ni Pan at Ben.
"Careful!" seryosong ani ni Pogi na lumapit na rin sa akin at inalalayan ako.
Pero focus sa goal. Sa Jollibee talaga ang tingin.
"U-po po kayo." Nahihiyang alok ni Theresa kay Kuya Mec. Tinapik ni Theresa si Cesar na agad namang tumayo at lumipat ng upuan.
"Nag-abala ka pa. Pero salamat, pogi!" ani ko rito. Saka sinenyasan na ang mga kaibigan ko na lantakan ang isang bucket ng chicken. May spaghetti, burger at kanin pa.
"Ako ang susundo sa 'yo later." Paalala nito sa akin. "Tumawag ang guard mo kanina, pinuntahan ka raw ng mother mo?"
"Lah, huwag tsismoso." Biro ko rito.
"Tsk! Inihatid ko lang iyan. Hindi ako magtatagal. By the way, hindi sinasabawan ang mga Oscar fish ko sa bahay." Narinig pala nito. Eh 'di ibang fish na lang.
"Ito naman. Joke-joke lang! Sige, alis ka na! Salamat sa pagkain, Kuya Mec." Sincere iyon, ha! Tiyak na tuwang-tuwa ang mga bulati ng mga kaibigan ko sa sarap ng pagkain namin ngayong tanghalian.
Umalis na si pogi. As usual, nakasunod ang tingin ng ibang estudyante rito.
"Ang pogi talaga n'ya." Kinikilig pang ani ng mga babae.
Kahit naman pogi ay hindi naman sila matitipuhan ng lalaking iyon. For sure, ang gusto no'n iyong mga babaeng nasa legal age na. Tapos sexy, elegant at mayaman din na tulad n'ya.
"Type ka siguro no'n." Komento ni Tom sa akin. Halos hindi na makapagsalita dahil punong-puno ang bibig n'ya ng spaghetti.
"Type ko rin s'ya." Nakangising ani ko. Napasinghap naman ang mga kaibigan ko, na waring may pagtutol. "Char lang! Hindi ako papatol sa mga thunders. Like dah, gusto ko iyong mga ka-age ko lang." Mabilis na bawi ko, saka tumawa.
"Like me?" tanong ni Tom Bong.
"Sa age oo. Pero ikaw, hindi. Manginig ka nga Tom Bong. Ang bantot na nga ng pangalan ko, tapos magiging Mrs. Tom Bong pa ako. Yucks!"
"Eh 'di ako na lang!" prisinta ni Cesar Ian. Kulang na lang ay caesarian eh.
"Pass! Hindi pa man ako buntis at manganganak ay para nang iaanunsya na CS ako." Umiling pa saka ngumiwi.
"Ako na lang, Mace!" sinulyapan ko si Pan Knott. Maria Centisia Knott. Yuck! Wala sa rhyme. Hindi tugma. Kasuka.
"No for me."
Sinulyapan ko si Von Bay at Ben Thong.
"Kung iaalok n'yo rin ang sarili n'yo. Pass. Hindi magandang pakinggan sa name ko ang apelyedo ninyong dalawa."
"Akala naman nito kagandahan. Ang arte mo." Nakairap na ani ni Von.
"May karapatan naman akong umarte. Gano'n din si Theresa. Kaya kung balak n'yong pormahan kami, itigil n'yo na ngayon pa lang ang masamang balak n'yo. Manginig kayo sa mga apelyedo n'yo."
"Hindi naman basehan ang apelyedo." Nakasimangot na ani ni Ben. "I-base mo sa looks, at kabutihang loob."
"Pass. Mga demonyo kayo. Tigil-tigilan n'yo ako." Nang makita nila ang pandidiri ko'y natawa na sila.
"Huwag kang mag-alala, para na namin kayong kapatid ni Theresa. Hindi namin kayo papatulan." Si Tom iyon.
"Iyan! Iyan ang gusto ko. Walang talo-talo rito. Ang love life ay nakakasira ng friendship. Hala! Kainin na natin itong mga ito." Udyok ko sa kanila. Wala namang pagtutol ang mga ito. Gusto rin naman nila.
Nang matapos kaming kumain ay nagkayayaan munang tumambay sa labas. Kaso sinalubong agad ako ng mga bantay ko eh.
"Ma'am, balik po kayo sa loob. Bawal po kayong magpagala-gala." Mahinahon naman ito. Halatang concern, nang magawi ang tingin ko sa mga kaibigan ko ay nakasimangot na ang mga ito.
"Kuya, d'yan lang naman kami tatambay. Sige na po, payagang n'yo na kami."
"Bilin po ng mommy n'yo na tiyakin nasa loob kayo ng school. Delikado po kung dito kayo sa labas tatambay."
"Sa loob na lang tayo." Yaya ni Theresa.
"Ayos lang! Ako na lang ang babalik sa loob. Kung gusto n'yo tumambay ay ayos lang. Balik na ako." Wala naman akong choice kung 'di sundin ang mga ito. Safety ko lang naman ang priority nila. Humakbang na ako pabalik sa gate. Pero nalingunan ko ang mga tropa ko na nakabuntot sa akin. "Bakit kayo sumunod?" takang-taka na ani ko sa kanila.
"After mo kaming pakainin ng tanghalian, alangan namang iwan ka na lang namin basta. Pwede tayong tumambay sa loob. Tara na!" yaya nito. Inakbayan pa ako ni Tom, si Pan naman ay nakaakbay kay Theresa. Ang ending tumambay na lang kami sa hallway ng classroom namin. With matching kantahan pa. Nasigawan pa nga kami ng isang guro na natutulog pala sa kabilang classroom. Pero syempre nagpatuloy pa rin kami sa pagkanta. Sakit nga talaga sa ulo ang grupo namin.
--
Hapon. Uwian na. Si Ben ang may bitbit ng bag ko palabas, ang mga kaibigan ko ay tiniyak talaga na may kasama ako sa kahit saang parte pa ng school. Hindi ako pwedeng lumabas na walang nakabuntot sa akin. For safety purposes daw. Kahit uwian na, kailangan daw ay masundo muna ako bago sila aalis.
Hindi naman problema ang service ko, dahil pagdating ko sa labas ng gate ay naroon na si Kuya Mec. Iba na naman ang sasakyan nito. Mukhang planong i-display lahat ng sasakyan n'ya sa tuwing susunduin ako.
"Pogi!" kumaway pa ako rito. Agad naman itong sumenyas na lumapit na sa kanya. Kinuha ko kay Ben ang bag ko, saka nagpaalam na sa mga kaibigan ko. Tapos excited na tumakbo palapit kay Kuya Mec. Ito iyong tipo ng lalaki na kahit hapon na ay mukha pa ring fresh. Mukha pa ring masarap--- oops!
"How's class, Mace?" tanong nito nang pareho na kaming makasakay sa kotse nito.
"Ayon! Ayos naman. Basic talaga sa akin ang mga lesson." Sagot ko. Two times lang naman naman napatayo ng guro. Pero ang biggest flex ko roon ay hindi lang naman ako. Syempre pati mga kaklase ko. Ako nga lang iyong pinakamatagal na nakatayo dahil ako iyong unang tinawag no'ng nahuli akong nangungulangot.
"Very good!" ani ni Pogi. Aba! Sa kanya ko lang narinig iyon, parang hindi ko pa narinig sa mga guro ko iyon ah. Parang ang tagal na no'n last na pinuri ako. Madalas talagang papuring naririnig ko ay iyong tungkol sa kagandahan ko.
Napahaplos ako sa pisngi ko. Kailangan kong ingatan itong gandang ito.
"Teka nga, sa bahay ni Kuya L.A tayo uwi ha! Doon mo ako ihatid."
"Ayaw mo bang tumakbay muna sa bahay?"
"Sa susunod na lang pala ako tatambay sa inyo. May mga assignment pa kasi ako. Tapos gusto ko ring makibalita sa lagay ng ate ko."
"Okay. May gusto ka pa bang daanan? May gusto kang bilhin?"
"Nawawala iyong wallet ko. Wala akong pera."
"What? Kailan pa nawala?"
"Kahapon yata."
"Wala kang perang pumasok?" gulat na gulat ang expression ng mukha nito. Akala mo naman binigyan ako ng baon sa pagka-OA ng reaction nito, eh.
"Wala. Humingi lang ako ng bente kay Ate Carmelita." Habang nagmamaneho ito'y kinapa nito ang bulsa nito. Saka kinuha ang wallet doon. Binuklat, saka kinuha ang isang card. Parang nagningning ang mata ko nang makita ko iyon.
"Ito ang gamitin mo kapag may gusto kang bilhin." Nakangangang tinanggap ko iyon saka tinitigan. "Don't worry, walang limit ang card na iyan. Bilhin mo ang mga kailangan mong bilhin."
Mukhang kailangan ko ng house and lot. Saang subdivision kaya magandang bumili?
Parang kailangan ko rin ng new shoes and bag--- ay, mayroon na ako no'n sa bahay eh. House and lot talaga ang wala pa ako.
"So? May bibilhin ka pa?" tanong nito sa akin. Panaka-nakang sumusulyap habang nagmamaneho. Sinisipat siguro ang aking kagandahan.
"Pagkain." Mabilis kong tugon. Gusto kong batukan ang sarili ko. Bakit naman pagkain pa ang nasabi ko? House and lot nga sabi ang kailangan ko eh.
"Anong gusto mo?"
"Burger and fries." Aba'y hindi nagtutugma ang bibig at isip ko. Gusto ko ng two-story house. Iyon ang sinisigaw ng isip ko eh.
"Okay. Kain muna tayo." Ayon na! Wala nang bawian, kasi lumiko na ito at binaybay ang daan patungo sa isang sikat na restaurant. Hindi ko muna pala kailangan ng house and lot, kailangan ko muna pa lang tikman lahat ng potaheng isine-serve rito. Excited na tinanggap ko ang palad na inilahad nito nang pagbuksan n'ya ako ng pinto. Tinanggap ko iyon at hinila na ito papasok.
"Kahit anong order?" naninigurong tanong ko rito. Mabilis lang kaming nakahanap ng pwesto. Tapos agad kaming inasiste ng waiter, ngayon ay hawak ko na ang menu. Namimili ng pwedeng order-in.
"Kahit ano." Tugon ni Pogi. Nasa cellphone ang atensyon n'ya. Kaya naman sumenyas ako sa waiter. Saka mahinang nagsalita.
"Lahat po ng available na food sa menu n'yo. Paki-serve." Nakangising ani ko. Saka pasimpleng tinignan si Kuya Mec. Mayaman naman s'ya eh. Okay lang naman, 'di ba?