Chapter Six

2065 Words
Hindi ko akalain na may makikilamay sa isda nito. Parang sinakyan din ng mga kaibigan nito ang trip ng lalaki. May dala pa nga silang mga bulaklak. Sumalisi na lang ako nang alis, para mabawasan ang stress ko. Feeling ko kasi ako lang ang matino sa lahat ng taong narito sa bahay ni Pogi. Napadpad ako sa garden. Pati sa garden may mga water tank din, kung saan makukulay na isda ang matatagpuan doon. Maliwanag din naman doon kaya hindi ako takot. "Alam n'yo bang patay na iyong si Ocsar? Hindi ba kayo makikilamay?" parang siraulong tanong ko sa isang isda. "Iyong mga kaibigan ni Kuya Mec, nakilamay na. Ano ba naman klaseng mga kalahi kayo? Puntahan n'yo si Oscar. Para sa huling pagkakataon man lang ay masilayan n'yo s'ya." "Hindi nagsasalita ang mga iyan." Dinig ko ang tinig ni Ate Carmelita. "Oh, bakit sumunod ka? Baka mag-request ng kape iyong mga nakikilamay." Biro ko rito. "Mace, nawe-weido-han ka ba sa ganoon?" tanong nito sa akin. "Obvious ba?" umupo ako sa bench. Saka hinintay itong maupo rin. "Stress reliever ng amo ko ang mga isda." "Pero kumakain s'ya ng isda." Sarcastic na ani ko rito. Natawa naman ito. "Masyadong pogi ang amo mo, Ate Carmelita. Hindi ba n'ya naiisip na nakaka-stress para sa mga isda iyon." "Ha? Bakit naman?" "Kasi hindi nila matikman si Pogi kapag nakikita nila." Biro ko rito. "Ikaw talaga puro ka biro. Dapat damayan natin si Sir Mec. Kasi malungkot talaga iyon ngayon." Pinalungkot pa ng babae ang tinig n'ya. "Ikaw na lang, Ate! Ayaw kong ma-guilty, sa dami ng isdang dumapo sa palad ko para kaliskisan at tanggalan ng hasang, baka hindi na ako makahinga sa sobrang guilt." "Nakakapagtaka lang talaga. Bigla na lang namatay si Oscar the fish. Ang lakas-lakas pa n'ya. Tapos bigla na lang namatay." "Baka hindi natunawan, Ate Carmelita." "Ha? Paanong hindi matutunawan. Ultimo pagkain ng mga iyon ay talagang binubusisi para matiyak na healthy sila." Nanulis ang nguso ko. Naku! Bakit pakiramdam ko, hindi talaga natunawan kasi bubble gum iyong nakain no'n? Ah, basta! Wala naman siguro akong kasalanan. Madamot si Oscar, sinolo n'ya iyong ibinigay ko. Not my fault... is it my fault? Huhu, I don't know. "Natahimik ka na d'yan. Are you okay?" tanong ni Ate. Agad naman akong tumango rito. "Ate, siyempre okay lang ako. Okay lang ang magandang tulad ko. Iniisip ko lang ang ate ko." Pagdadahilan ko. "Tiyak na ayos lang ang ate." "Sana nga, Ate Carmelita." Tinapik nito ang balikat ko. "Iwan muna kita. Baka may kailangan pa ang mga bisita ni Sir Mec." Naiwan na naman akong mag-isa. Ewan ko ba, kapag mag-isa ako puro kalokohan lang din naiisip ko. Kaya naman sumunod na lang ako. Kasi naman, naiisip ko na ring bigyan ng salbabida iyong mga isda. Baka kasi malunod. Kawawa naman. Sa sala muna ako tumambay, sa kahihintay nga sa mga susunod na kaganapan ay roon na ako nakatulog. Ginising na lang ako ni Ate Carmelita. Pero wala na ako sa sala, nasa kwarto na ako na ipinagamit ni Pogi. "Anong ginagawa ko rito? Nag-walking sleep ba ako, 'te?" curious na tanong ko. Antok na antok pa ako, nakuha ko pa ngang humikab. "Anong walking sleep? Sleep walk ba?" kamot sa ulong ani nito. "Ayon nga! Nag-sleep walk ba ako?" "Binuhat ka ni Sir Mec." "Uy! Kakilig naman 'yan. Pogi ang magbuhat sa akin." Humagikgik pa talaga ako. Pero itinikom ko rin ang bibig ko, naamoy ko kasi ang bibig ko. Yucks! "Kinilig ka roon? Ang lakas mong maghilik. Worried si Sir na maestorbo mo iyong mga isda sa aquarium." "Grabe naman! Panira ka naman nang pantasya, ate!" "Bata ka pa. Huwag kang munang magpantasya ng lalaki." "Eh 'di babae na lang, ikaw?" "Gagi! Bangon na d'yan. Ipinahatid ng mommy mo ang uniform mo. Si Sir Mec ang maghahatid at susundo sa 'yo. Kaya hindi ka pwedeng umuwi nang mag-isa." Wala akong balak. Nai-imagine ko pa lang iyong malayong lalakarin pauwi ay parang gusto na agad mag-welga ng mga paa ko. Kahit ayaw ko pa sanang kumilos, napilitan na akong bumangon. Nakakahiya naman sa uniform kong plantsado na. Tapos nangingintab pa iyong sapatos ko. Dumeretso ako sa banyo at naligo. Hindi ko na kailangan pang magpakulo nang mainit na tubig. Dahil sosyal ang banyo ni Pogi. Siguro mas mabibilib ako rito kung pati bathtub ay lagyan din nito ng isda. Napabungisngis ako. Nagawi sa isang maliit na fish bowl glass ang tingin ko. May isda roon. Pati rito sa banyo ay may design na gano'n. Pang-istitik ba iyon? Amazing. Pero pansin ko hindi masyadong gumagalaw. Baka nalulumbay. What if, nakalimutan nang palitan ng tubig? Napasinghap ako. Grabe naman si pogi, kung fish lover s'ya. Tapos nakalimutan na n'ya ang isdang ito. Agad akong lumapit sa bathtub at binuksan ang gripo roon. "Matagal ka pa ba, Mace?" tanong ni Ate Carmelita na kumatok pa sa pinto ng banyo. "Malapit na, Ate. Lapit na makalahati." "Makalahati? What do you mean?" "Ibig kong sabihin... nasa kalahati na ako nang pag-aayos." Nilapitan ko ang fish bowl aquarium. Agad kong kinuha iyon at maingat na isinalin sa bathtub. "Fishy, swimming well ka d'yan. Mas malawak na iyan kaysa rito." Iniangat ko pa ang fish bowl aquarium na waring ipinapakita iyon dito. Nang makitang lumangoy-langoy na ito ay ibinalik ko na sa lalagyan ang bowl. Saka dali-daling lumabas. "Halika, ayusin natin ang buhok mo. Iyong gamit mo nakahanda na." "Salamat po, Ate! Pero kaya ko na pong ayusin ang buhok ko." Nakangiting ani ko. Pero may part sa akin ang biglang na lungkot. Bigla kong na miss si Mamang, s'ya ang palaging nag-aayos ng buhok ko simula no'ng bata pa ako. Tuwing umaga, ay halos mabinat na ang anit ko. Madalas iyon din ang oras ng sermonan session naming dalawa. Habang binibinat kasi ang anit ko sa pag-ipit n'ya, ay naaalala n'ya iyong mga past na kalokohan ko na kinalimutan ko naman na. "Oh, bakit bigla kang nalungkot d'yan?" tanong ni Ate Carmelita. Hindi ko pala napansing bakas na sa mukha kong maganda ang lungkot ko. "Naalala ko lang po si Mamang ko. Si Jasmin po kasi ang kinalakihan kong Nanay. Palagi po n'ya sa aking ginagawa ito." "Ang ipitan ka?" tumango naman ako. "Opo." "Kinalakihan mong Nanay? Bakit? OFW ba ang tunay mong Nanay?" "Naku! Hindi pa naman po matanda si Mommy." Mabilis akong umiling dito. "Wala naman akong sinabi na matanda na ang mommy mo." Sinuklayan na nito ang buhok ko. "Sabi n'yo po kasi'y OFW. Old Filipina Woman po iyon, 'di ba?" "Aba'y kailan pa nabago ang ibig sabihin ng OFW? Ikaw talagang bata ka. Matalino ako, scholar nga ako ni Sir Mec. Pero pagdating sa mga hirit mo'y parang ang bobo ko." "Matalino ka, Ate! Nag-doctor ka nga, eh!" "Mace! Iba ang hospitality management sa medicine." Naiiling na ani nito. "Hala! Iba na?" gulat na ani ko. Nakuha ko pa itong lingunin. Natigilan naman ang babae. "Iba na ba?" waring nalito rin ito sa naging tanong ko. "Hindi ko alam sa 'yo, 'te! Ikaw kaya iyong nag-aaral about sa hospital. Ako naman ay high school pa lang. Wala pa kami sa topic na iyan." "Ikaw talaga! Pati tuloy sarili kong kurso eh nalito na ako." Pinatuyo muna nito ang buhok ko, saka inipitan. Nang kumatok si pogi ay tamang natapos na rin sa pag-iipit. Makwento si Ate Carmelita, kaya naman nakalimutan ko rin ang bigla kong pag-alaala kay Mamang. Nagtatampo ako sa kanya, ang dali lang n'yang i-let go ang Ate Jas ko. Samantalang mahal na mahal s'ya ni Ate. "Let's go?" bungad ni Pogi. Fresh na fresh. Mukhang papasok na ito sa work n'ya. "Aalis na tayo?" takang ani ko. Hindi ba uso ang almusal sa mansion na ito. Mayaman nga, wala namang almusal. "Yes, baka ma-late ka!" "Sir, hindi pa po nakapag-breakfast si Mace." "What? Bakit hindi pa. Ni-remind kita kagabi na ihanda ang breakfast n'ya, 'di ba?" "Opo. Kaso po late po s'yang gumising. Actually ginising ko lang po s'ya." Nanulis ang nguso ko. Memosa naman itong si Ate Carmelita. Sa poging amo pa n'ya ako tsismis na tanghali kung gumising. "Fine! Let's go, mag-breakfast ka muna." Kinuha nito ang bag ko at libro. Saka nauna na s'yang bumaba. Ngayon narito ako kay pogi, may isa akong malaking problema. Kanino ako hihingi ng baon? Hindi ko pa naman mahanap iyong wallet ko. Kanina pasimple kong in-check iyong bag ko, feeling ko kasi may kulang. Iyong wallet ko pala. Binigyan naman ako ni Mommy ng pera. Kahit nga si Kuya L.A, eh. Pero hindi ko alam kung nasaan iyong wallet ko. "May bumabagabag ba sa 'yo, Mace?" puna ni Ate. Napansin pala nito. "'Te, penge bente." Bulong ko rito. "Ha? Aanhin mo naman? Sa akin ka pa hihingi ng bente. Ang yaman-yaman ninyo." Pero dumudukot naman sa bulsa ang babae. Saka inabot sa akin ang bente. Actually dalawang bente iyon, eh. Kaso binawi n'ya iyong isa. Ayos na rin iyon. At least may pang-lunch ako. Tiyak naman wala silang inihandang baon ko sa school eh. Nakakahiya rin naman manghingi. Pero sige, try ko later. Madali ko lang naman pakiusapan ang sarili ko. Kahit na shy type ang person. Dadamihan ko na lang din ang kakainin ko. Pagdating sa dining room. Maraming pagkain. Ang sarap i-sharon iyong fried chicken. Kaso nakakahiya naman sa poging may-ari ng bahay na ito. "Eat, Mace!" Hindi n'ya na kailangan pang sabihin. Dahil kakain naman ako. May pagkukusa ako, eh. Nagsimula kami nitong mag-almusal. May tumawag pa nga rito, tapos in-loudspeaker lang n'ya, saka s'ya nagpatuloy sa pagkain. Puro english iyong usapan. Kaya tahimik lang ako. Kung english ang usapan, talo ako. Pero maganda ako, kaya iyon ang advantage ko. "Done?" "Hindi pa." Sagot ko. Pero natigilan ako nang ma-realize kong hindi pala ako ang kausap nito. Napatingin ito sa akin at waring pinipigil n'ya ang ngiti n'ya. s**t! Nahiya ako bigla. Sa sobrang hiya ay napadampot pa tuloy ako ng fried chicken. Baka kasi mamayang lunch ay wala akong makain. May bente naman ako, bigay ni Ate Carmelita. Pero hindi ako sure kung kasya iyon. Baka half rice lang mabili ko. Tapos 5 pesos na fishball. Hihingi na lang siguro ako ng sauce, pangsabaw. Natapos ito sa pakikipag-usap. Tamang natapos ako sa pagkain ko. Kaya naman agad na rin kaming umalis, inihatid ako nito sa school. Hindi ko muna gaanong inisip si Ate Jas. Tiyak ko namang kung nasaan s'ya ay sumasakit na ang ulo ng kasama n'ya. Tiyak na ibabalik din agad iyon sa amin. "Hoy! Taray talaga ng kaibigan ko. Hatid sundo ng sports car!" Sinalubong ako ni Theresa. Ang aga naman nitong pumasok. Wala pa nga ang mga tropa namin, pero s'ya narito na s'ya sa school. "Ang aga mo." Puna ko rito. Akala ko late na ako, pero iilan pa lang ang estudyante. Himala. "Tsk! Inagahan ko na." Sabay turo sa bato na nakakalso sa pinto. "Ibinalik ko. Hindi ko alam kung paanong sumama iyang gagong bato na iyan hanggang bahay. Bigat na bigat ako, iyon pala nasa bag ko na. Ikaw ba naglagay?" pambibintang nito sa akin. Tinignan ko s'ya mula ulo hanggang paa. "Wala akong kinalaman d'yan." Umiling pa ako. Maayos kong inilagay ang bag ko sa upuan. Saka naupo. "Ang ganda naman ng sapatos mo." Niyuko ko ang sapatos ko. "Gusto mo ba ng ganito? May extra pa ako. Same size naman tayo." "Ibibigay mo sa akin?" takang ani nito. Casual na tumango naman ako. "Oo, dalawa lang ang paa ko. Pero mahigit sampu iyong dumating na shoes. Sabi ni Mommy ko, extra shoes ko raw. Eh dalawa lang naman ang paa ko. Mukha ba akong octopus?" tanong ko rito. "Tanga! Walo lang ang legs ng octopus." "Makatanga ka naman, friend! Math at English lang ako weak." Reklamo ko rito. "Babawiin ko na! Hindi ka tanga. Actually, matalino ka talaga. Super talino mo. Pero kapag tinamaan ka ng kalutangan mo'y loading ka." "Parang ikaw hindi?" hirit ko rito. "At least ako, hindi ako sumagot sa tanong ni ma'am ng Z, no'ng tinanong kung ano ang capital ng Zambales." Wow! Ibinalik pa talaga nito iyong nakalipas na. Hindi man lang kasi inihanda iyong utak ko, malamang! Topic sa nauna naming klase ay capitalization. Tapos sumunod na subject about naman sa mga provinces. Eh 'di Z ang nasagot ko. Tapos tinawanan nila ako. Ewan ko ba, mali ba? Alangan naman kasing s, small letter iyon eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD