Chapter Eight

3031 Words
Humugot nang malalim na buntonghininga si Pogi, nang sunod-sunod na i-serve ang pagkain naming dalawa. Malawak lang ang aking ngiti, hindi sinasalubong ang tingin nito sa takot na samaan n'ya nang tingin. "Meron pa ba?" dinig kong tanong nito sa waiter. Tumango naman ang pobreng tauhan ng restaurant. "Sa tingin n'yo ba mauubos namin ang mga ito?" sabay turo sa mga nakahain na sa table. "Sir, order po lahat iyan ng kapatid n'yo." Sabay turo sa akin. Napagkamalan pa akong kapatid. Pero oks na rin iyon, kaysa naman jowa. Ang sagwa lang. Ang tanda na nito para sa akin. Hindi ako tumatanggap ng 'jowa' na thunders. Baka isisi pa sa akin kapag nakulong sila dahil minor de edad ako. "Mace..." parang naglaro pa sa dila nito ang pangalan ko nang bigkasin n'ya iyon. Tumusok ako sa steak na una kong tinikman kanina. "Kuya Mec, ang sarap nito!" ngiting-ngiti na ani ko rito. Kabado rin naman ako sa ginawa kong kalokohan. Pero siguro naman hindi ako nito iiwan dito, tapos hahayaang paghugasin ng plato, 'di ba? "Mace..." muling bigkas nito sa pangalan ko. This time ay umalis na ang waiter para kunin pa ang iba naming order. "Po?" kay tamis ng ngiti ko. Baka sakaling sa ganda ng ngiti ko'y mapakalma ko s'ya. "It's not funny." Seryosong ani nito. "Hindi po ako nagpapatawa." "Then what? Kaya mo bang ubusin ang lahat ng ito?" "Gusto ko pong tikman lahat." Tugon ko. Maingat na ibinaba ang fork na hawak ko. Saka tinitigan si Kuya Mec, ilang ulit na nagbuga ng hangin. Kinakalma n'ya siguro ang sarili n'ya. "Tinatanong kita kung kaya mo bang ubusin ang mga ito? Dahil hindi tayo aalis dito hanggat hindi mo nauubos ang lahat ng in-order mo, Mace." "Sabi ko titikman ko lang." Nanulis ang ngusong ani ko rito. "Sana sinabi mo! Eh 'di sana nagpunta na lang tayo sa grocery store, maraming free taste doon." "Galit ka? I'll pay na lang." Dali-daling kinuha ko ang card na galing din naman dito. Napahilot sa sintido si pogi. Pogi pa rin naman kahit mukhang stress s'ya. "Are you kidding me?" pasimpleng dinampot ko ang tinidor. Tinusok ang meat na nasa maliit na platito. Bago sumagot sa tanong nito ay tiniyak ko munang maisusubo ko iyon. "No, Sir!" ani ko sabay nguya. "Oh God!" "Amen." Tabil talaga ng dila ko. Tuloy muli akong sinamahan nang tingin nito. "Kain na. Tulungan mo na lang akong umubos. Hehe." Mayroon pa raw ise-serve. Nakipag-usap na si Pogi na iyong ibang hindi pa nai-prepare ay cancel na lang. Pumayag naman ang manager na s'yang kinausap ng lalaki. Ako naman ay halos hindi na makagalaw. Sa kasibaan ay sinagad ko talaga ang sarili ko. Ang dami kong nakain. Gano'n din si Kuya Mec. Pero wala pa yata kami sa kalahati, wala pa sa kalahati ng pagkain na nai-serve na. "Kaya mo pa?" sarcastic na tanong ni Kuya Mec. "Pwedeng pabalot na lang?" "I knew it!" nailing na ani ng lalaki. Saka kinausap na naman nito ang manager. Mukhang magkakilala sila, hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Pero lumapit ang manager. "Hello, Miss Mace. Ikaw po ang nag-order ng lahat ng ito?" agad naman akong tumango. Ako naman kasi talaga. "Ito po iyong card. Hindi po naproseso ang pagbayad. May cash ka po ba d'yan?" "Hehe." Sabay tingin sa kasama ko. May kausap na naman ito sa phone nito. Hindi talaga bumalik sa kinauupuan n'ya kanina. "May pera po ba kayo?" "Ate, ask mo po iyong Kuya kong kasama---" "Pasensya ka na, pero ang sabi ni Sir ay ikaw raw ang singilin ko. Hindi gumana ang card na ibinigay mo kanina, kaya cash na lang. May extra ka bang card?" tanong nito sa akin. Dahan-dahan akong napailing. -- Pangit si Kuya Mec. Hindi na s'ya pogi sa paningin ko. Busy s'ya sa kausap n'ya sa phone. Habang ako ay hinawakan na no'ng manager sa braso at iginiya patungo sa kusina ng restaurant. Dinala n'ya ako sa harap ng lababo, sinuutan ng apron. Saka minandohan nang gagawin. Maghugas daw ako ng plato. Sa dami ng orders at takeouts, kulang pa raw ang platong huhugasan ko. Kulang pa? Habang tinitignan ko ang lababo nilang punong-puno nang hugasin ay hindi ko masasabing kulang pa. "M-agkano po ang inabot ng bill namin?" tanong ko. Baka sakaling pwede kong i-swap iyong cellphone ko na nasa bag. "105,234.05!" tugon ng manager. "Ho? As in?" "Ineng, para ka namang gulat na gulat. Ano bang akala mo sa restaurant na ito? Karinderya na tag-60 pesos ang ulam at 25 ang kanin?" hindi naman nangmamata ang tono nang pagsasalita nito. Nagtatanong lang naman sa mahinahon na paraan. "Pwede po bang ilista na lang? Babayaran ko po kayo kapag naka-graduate na ako." "Naku! Maghugas ka na d'yan. Wala naman pa lang pera, ang dami pang in-order." Naiiling na nilayasan na ako nito. Mayaman si Kuya Mec, pero hindi man lang n'ya ako tinulungan. Samantalang kumain din naman s'ya. Sumakit sana ang tiyan n'ya! Matae sana s'ya! Paulit-ulit iyon ang hinihiyaw ng aking isipan. Dahil wala naman na akong choice ay sinimulan ko na ang paghuhugas. Nadagdagan pa nga ang mga iyon. Bawat lapit ng staff ay may inilalagay pa. "Mace! Huwag kang aalis ha. Kailangan ko lang magbanyo." Si Kuya Mec iyon. Diyos ko! Mukhang wish granted pa yata. Natae pa ata ang pangit na lalaking iyon. Masama pa rin ang loob na naghugas ako. Sa dami ng mga iyon ay parang hindi na ako matatapos. Baka abutin na ako ng gabi'y narito pa rin ako. Humihikbi na ako sa sobrang sama ng loob ko. Na-realize ko na rin na mali iyong ginawa ko kanina. Dapat pinili ko lang iyong gusto kong kainin, at hindi lahat in-order. Maraming nagugutom, tapos nakuha ko pang magsayang. Ito tuloy ako, masakit na ang kamay dahil nababad na sa dishwashing liquid. "Heay!" pukaw ni Kuya Mec sa akin. Napaatras ako nang akma nitong ipapatong ang kamay n'ya sa balikat ko. Dugyot na lalaki. Galing s'yang banyo, tapos hahawak s'ya sa akin. "Are you crying?" tanong nito. Dahil ma-pride, winisikan ko ang mukha ko ng tubig. Para hindi halata. Sabay hilamos na. "Hindi 'no! Bakit naman ako iiyak? Hindi ako iyakin." Pagtataray ko. Akmang ipagpapatuloy ko na ang paghuhugas nang awatin na nito ang kamay ko. Dalawa lang ang dahilan. Patitigilin na ako nitong maghugas at siya na ang magtatapos no'n, o babayaran na lang n'ya ang kinain namin at ang mga take out foods. "Halika na. Tama na iyan." "Hindi. Hindi pa ako tapos." Tanggi ko. Kahit na parang pumalakpak na ang tenga ko dahil sa narinig mula rito. "That's enough. Kanina ko pa nabayaran iyong pagkain." "Anong sabi mo?" biglang nabuhay ang malditang side ko. Matalim ang naging tingin dito. Nainis ako. "I said nabayaran ko na kanina pa. Tama na iyan, uwi na tayo." Mahinahong ani nito. Kumuha pa ito nang tuyong bimpo at pinunasan ang mukha kong sinadya kong binasa kanina. Sunod ay ang dalawang kamay ko. "Tara na!" Tinanggal ko ang apron saka ibinato ko sa dibdib nito. Nasalo naman nito iyon. Nilampasan ko s'ya at dali-daling binalikan sa table ang bag ko. Dinampot ko iyon at dumeretso na sa exit. Hanggang parking lot lang naman ang pagtatampo ko. Alangan namang iwan ko ito, ako rin ang magiging kawawa. Kasi wala akong pamasahe pauwi. "Mace!" tawag nito sa akin. Kunwari'y nagpatuloy sa paglalakad. Wala akong balak tuluyang mag-walk out. Wais kid ako, 'no. Ang layo-layo ng The Alpha's town. Hindi ko naman kayang lumipad patungo roon. "Sorry na! Ginawa ko lang iyon dahil gusto kong may matutunan kang lesson sa maling action mo." Habol nito. "Gago ka ba? Galing na nga ako ng school at tambak na nga iyong binigay na lesson doon. Tapos dadagdagan mo pa?" inis na ani ko rito. Mas lalo lang akong na bwisit, dahil natawa ito sa biglang pagsigaw ko rito. Ginagago ba ako ng lalaking ito? Child abuse na ito. "Irereklamo kita sa DPWH!" mayabang na ani ko. Napahiya rin ako sa restaurant. Pinaghugas nang napakarami. Hindi tama iyon. "Mace, ano namang magagawa ng Department of public works and highways? Baka naman DSWD?" "Punyemas! Ayan na naman sa mga acronym. Sa Bantay kalikasan na lang kita isusumbong." Napapadyak pa ako. Naiinis ako lalo dahil mas natawa ito. "Baka bantay bata, Mace." "Fine! Hindi na kita isusumbong. Bahala ka na sa buhay mo." Tumalikod na ako. Lintik talaga, wala man lang tumama sa mga nasabi ko. Kanino na lang ako magsusumbong? Kay Mommy ko na nga lang. Nahabol na ako nito. Saka mabilis na pinasan. "Hoy! Ano ba? Ibaba mo nga ako. Kidnapping na ito. Ibaba mo sabi ako." Malakas kong pinalo ang pwet n'ya. Iyon naman kasi ang abot ko, eh. "Stop, Maria Centisia! Baka malaglag ka." Natigilan ako. Bakit alam nito iyong mabantot kong pangalan? Naipasok ako nito sa sasakyan na iyon pa rin ang nasa utak ko. "Ako na ang magsusuot ng seatbelt mo." Sinuutan nga n'ya ako. Wala na akong kibo. Baka kasi kapag hinabaan ko pa ang pagtanggi ay iwan ako nito, para turuan na naman ng lesson. Ilang lesson ba ang kailangan kong i-take ngayong araw? Sakit naman nila sa ulo. "Nasa backseat na iyong takeout natin. Gusto mo ba iyon na iyong dinner natin later?" "No. Magpapaluto na lang ako sa mommy ko. Iuwi mo na ako sa house ni Kuya L.A ko." "Okay. Doon na lang natin kainin ang mga iyan." "Kainin mo iyan mag-isa." "No, Mace. Kakainin natin ito. Ikaw ang nag-order ng mga iyan, kaya kailangan mo akong tulungan na maubos iyan." "Hayaan mo, huhulog-hulugan ko sa 'yo. Para hindi mo damdamin. Baka mapaaga ang kamatayan mo, tapos ako pa ang sisihin ng mga isda mo." "Mace! Huwag ka nang magalit. Gusto ko lang namang ipa-realize sa 'yo na hindi ka dapat nagsasayang ng pagkain. Napakarami nang in-order mo." "Sana kasi sinabi mo na isang kanin at ulam lang ang pwede kong order-in. Oo na! Mali ko na! Hindi na ako magpapalibre sa 'yo. Mapanumbat ka." Napasinghap ito. Hindi makapaniwala sa rant ko rito. "I'm not mapanumbat." "Yes, you are mapanumbat. Ang lakas ng loob manlibre. Ayaw naman pa lang gumastos. Kuripot." "Of course not! Hindi ako kuripot. Kahit milyones pa, basta hindi maaaksya ay ayos lang sa akin." "Tsk! Hindi na ako maniniwala. Ilista mo na lang, babayaran ko sa 'yo kapag graduate na ako sa K to 12, tapos sa college. Hindi kita mababayaran sa unang sahod ko kapag nakapagtrabaho na ako. Siguro sa pangalawang sahod ay pwede ko nang hulog-hulugan iyon." Napabuntonghininga si Kuya Mec. Na-realize siguro nitong wala na akong balak makinig pa sa kanya. Habang nagmamaneho ito ay panay ang buntonghininga. "Excited na akong makauwi. Ikwekwento ko sa buong Alpha's town na kuripot kang kupal ka." Bubulong-bulong na ani ko. Joke lang iyon, for sure ako pa ang masesermunan kapag nalaman nila ang nagawa kong kalokohan. Syempre, galit-galitan kunwari. "Hindi sabi ako kuripot." Mabilis na inihinto nito ang sasakyan. Paktay. Mukhang palalayasin na n'ya ako sa sasakyan. Kay tabil din naman kasi ng bibig. "Baba!" ayon na nga. Mahigpit akong kumapit sa seatbelt ng upuan. Ayaw kong maglakad pauwi. "No." "Baba, Mace!" ani ni Kuya Mec. Kahit sinabi n'yang bumaba na ako ay nagmatigas ako. S'ya na nga ang bumaba at umikot sa sasakyan n'ya at pinagbuksan ako ng pinto. "Ayaw." "Mace!" naiiyak na ako. Napikon na siguro ito sa akin. Kaya naman binaklas ko na ang seatbelt ko. Saka kinuha ko ang bag ko, saka dahan-dahang bumaba. Ginagap nito ang kamay ko. Akala ata n'ya ay balak ko ulit sumakay. "I'm not kuripot. I'll prove it to you." Saka ko lang nakuhang mag-angat nang tingin. Napasunod ako nang hilain na n'ya ako. Hindi ko napansin, pero nasa harap na pala kami ng isang store. Pag-aari iyon ni Ate Keia. Pinagbuksan agad kami ng pinto. Hila pa rin n'ya ako, hanggang sa makarating kami sa harap ng mga alahas. Naku! Alam ko na ang susunod na mangyayari. Kapag may natipuhan ako, syempre isusuot ko. Tapos mapapahiya ako kasi wala naman akong pambayad. Alam ko na mga galawang nitong lalaking ito. Ipapahamak lang n'ya ako. "Sir Mec, good afternoon po." Bati ng babaeng tauhan sa lugar na ito. "Ano ang pinakamahal n'yong kwintas?" tanong ni Kuya Mec. Ang yabang! Iyong mahal pa talaga ang gusto n'ya. Ipapahiya nga talaga n'ya ako. "Dito sa display, ito pong kasama sa collection last month." Itinuro nito ang kwintas na may pendant na kulay pink na bato. Halatang mamahalin. Maganda. Hindi bagay sa tulad kong walang pera. "Kukunin ko." Ah, baka bibilhin n'ya tapos itatago n'ya. Ipro-prove lang naman kasi n'ya na hindi s'ya kuripot. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay ibibigay na n'ya iyon sa akin. "Sure, Sir!" inilabas na iyon ng babae. Sinipat-sipat ni Kuya Mec. Saka dinampot n'ya, pinatalikod ako saka n'ya isinuot sa akin. Grabe! Ang sama ng ugali n'ya. Tiyak kong ipapasuot muna n'ya sa akin, habang nakaharap iyong babaeng nagtitinda ng alahas. Tapos kapag kami na lang dalawa ay babawiin na n'ya. "Cash or card, Sir?" "Here's my card." Abot naman agad ni Kuya Mec. Nanulis ang nguso ko. Kapag mayaman na ako, hindi ako mang-aapi ng ganito. Pogi lang si Kuya Mec. Pero masama ang ugali n'ya. S'yang tunay! "Let's go." Yaya nito pagkatapos bumili. Nakuha na rin nito iyong bag ng kwintas na hanggang ngayon ay suot ko, kahit na ang card n'ya. Sumunod ako rito. Kailangan ko pa bang sabihin iyong presyo ng kwintas? Pwede nang pampatayo ng malamansyon na bahay. Pagbalik sa sasakyan ay iniabot nito sa akin ang paper bag. Sa loob no'n ay naroon ang box ng alahas. Dahil sa pag-aakalang gusto nitong ilagay ko sa kahon ang kwintas, dali-daling tinanggal ko iyon. "What are you doing?" takang tanong nito sa akin. "Galit ka pa rin sa akin?" "Inilagay ko lang. May pagkukusa ako." "What? Para sa 'yo iyan, Mace." "Paanong para sa akin eh hindi ko afford ang mga ganitong bagay." "Binili ko para sa 'yo." Imbes na simulan na ang pagmamaneho ay pinagkaabalahan pa muna nitong ibalik ang kwintas sa leeg ko. "Perfect!" ani nito. "Kailangan ko bang mag-down p*****t para rito?" curious na tanong ko. "What? No! Ano bang pinagsasasabi mo?" "Baka kasi madagdagan na naman ang lesson ko, kaya dapat maaga pa lang malaman ko na kung free ba ito o hindi. Baka gawin mo na rin akong isda para lang makabayad ako sa 'yo. Hindi ko kayang lumangoy sa mga aquarium mo. Inuunahan lang kitang i-inform." "Silly girl! Uwi na nga tayo." Umusad na ang sasakyan. Dahil medyo pagod sa school ay nakatulog ako sa byahe. Nagising na lang ako na nasa bahay na. Tamang huminto ang sasakyan ni Kuya Mec sa garage. Bumaba ito habang hindi ko pa nakolekta iyong katinuan ko, dahil kagigising lang. "Baba na, Mace!" ani nito. Kaya naman bumaba na ako. Deretso ang lakad hanggang sa makapasok. Si pogi na ang nagbibit ng gamit ko. Libro at bag. "Anak!" tawag ni Mommy sa akin. Agad akong lumapit dito at mahigpit itong niyakap. "Mhie, may balita na po ba kay Ate Jas?" iyon agad ang tanong ko rito. Napabuntonghininga si Mommy. Base sa expression ng mukha nito, wala pang balita. Malungkot kasi iyon at may gumuhit na saglit na takot. "Wala pa, anak. Pero huwag kang mag-alala. Gumagawa nang paraan ang asawa ng ate mo, para mahanap na s'ya." Ngayon ko lang tunay na na-realize kung ano ba ang nangyayari. "Oh, huwag kang umiyak, Mace. Mahahanap din ang ate mo." Alo nito sa akin. "Mommy, iyong ate ko. Kawawa naman si Ate Jas ko." Niyakap ako nito. "Huwag kang mag-alala, maraming tumutulong para mahanap si Jas. Mahahanap natin s'ya. Ipagdarasan natin na sana mahanap na s'ya. Kaya tahan na, okay?" ani nito. Kinakapos ako sa paghinga dahil sa pag-iyak ko, kaya naman nabahala si Mommy. "Mace!" tawag ni Kuya Mec. Lumapit ito sa aming mag-ina. Nailapag na nito sa couch ang gamit. Iyon namang takeout food ay nasa center table na. Humarap ako rito. Kita ang paghahabol ko nang paghinga. Dati na akong ganito. Parang mamamatay na kapag umiyak, dahil naninikip ang dibdib ko. Hindi ko lang pinapakita sa mga mahal ko sa buhay. Ayaw kong dagdagan pa ang stress nila. Ngayon lang... Kinabig ako ni Kuya Mec at niyakap nito. "Tahan na..." alo nito sa akin. "Kukuha lang ako ng tubig." Paalam ni Mommy. "Ngayon ko lang na isip iyong panganib na baka kinalalagyan na ni ate ko." Umiiyak pa rin. Epekto siguro ito nang naputol kong pagtulog. Masyadong emosyonal. "That's enough! Gumagawa nang paraan si L.A na mahanap ang kapatid mo. Hindi naman hahayaan ng lalaking iyon na matagal mawalay ang asawa n'ya sa piling n'ya." Iginiya ako nito patungo sa couch. Tamang nakabalik na si Mommy, at iniabot sa akin ang tubig. Tinanggap ko iyon at mabilis na ininom. Dalawa na silang nagpapakalma sa akin. Gusto na nga ni Mommy na magpatawag ng doctor. Pero ayos lang naman ako. Kakalma rin naman ako. Nang bumalik sa normal ang paghinga ko'y saka lang din nakahinga nang maluwag si Mommy. Gano'n din si pogi na marahang hinahaplos kanina pa ang likod ko. Assurance naman nila na ligtas si ate. Kasama nito si Kuya Mauro. Tiyak na hindi rin hahayaan ng lalaking iyon na mapahamak ang kapatid ko. Baka sa sobrang kulit ng ate ko'y kusa rin n'yang ibalik sa amin. Ibalik na lang sana n'ya agad. "Salamat sa paghatid sa bunso ko, Mec!" tumayo na si Kuya Mec. Mukhang mas gumaan na ang aura nito. Hindi na s'ya stress. Siguro sa isip n'ya ay maiiwan na rito sa bahay iyong isang malaking stress na kahapon pa n'ya kasama. Ako iyon. "Walang ano man po. Aalis na po muna ako. Para makapagpahinga si Mace." "Walang aalis. Kailangan pa nating ubusin ang pagkain." May diing ani ko kay Kuya Mec. Sabay turo sa center table. "Kung ayaw mong isumbong kita sa mommy ko. Kailangan mo akong tulungan na maubos ang lahat ng iyan." Nakangising ani ko. "Why, anak? May ginawa ba sa 'yo si Mec?" takang ani ni Mommy. Hinihintay ko ang sagot ni Kuya Mec. "Fine!" sumusukong ani nito. "Wala, Mhie. Joke ko lang iyon." Nakangising ani ko sa aking ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD