bc

The Brat Bride

book_age18+
8.8K
FOLLOW
52.9K
READ
manipulative
brave
comedy
mxb
city
cheating
first love
lies
secrets
wife
like
intro-logo
Blurb

Alam ni Mace na kapag nag-settle s'ya sa Pilipinas ay muling manganganib ang buhay n'ya. Ayaw n'yang maging pabigat sa Ate Jas n'ya, kaya naman pinalabas n'yang sumama s'ya sa kanyang magulang paalis ng bansa. Tinanggap n'ya ang alok na mapabilang sa organization ng mga kababaihan na wala man lang pangalan, trinatrabaho nila ang mga masasamang tao na hindi kayang salingin ng batas at gobyerno. Walang kamalay-malay ang mahahalagang tao sa buhay n'ya na pinasok n'ya ang magulong mundo na iyon.

Nang bumalik s'ya sa Pilipinas, may isa s'yang misyon na naiatas sa kanya na kailangan tapusin. Pero magagawa lang n'ya ang misyon na iyon kapag mas inilapit pa n'ya ang sarili kay Macario Ecov Satte, ang lalaking maglalapit sa kanya sa babaeng pinakaiingatan ng kanyang target.

Pero sa pagbalik ni Mace sa Pilipinas, may ibang plano pa pala ang tadhana na hindi n'ya inasahan. Hindi kasama ang pag-ibig sa plano n'yang iyon, pero namalayan na lang n'yang umiibig na pala siya sa taong kailangan lang n'yang protektahan.

chap-preview
Free preview
Chapter One
"Layuan mo ang anak ko, ito ang isang sako ng patatas. Layuan mo lang s'ya." Sigaw ng ginang sa akin habang magkaharap kami nito. Nasa harap pa rin kami ng classroom. Grabe, pangpatatas lang ba ang ganda ko? Hindi man lang ginawang cash, katulad sa mga napapanood ko. Saka bakit ba sa akin nagagalit iyong mga Nanay ng mga manliligaw ko? Hindi ba't dapat sa mga anak nila. Kasi iyong mga anak nila ang effort na effort sa paglo-load sa akin, ma-reply-an ko lang. "Aanhin ko naman po iyang isang sakong patatas? Baka ibato lang sa akin ni Papang iyan, eh. Magagalit iyon kapag nalaman n'yang galing iyan sa Nanay nang manliligaw ko." "Aba! Nakuha mo pang sumagot. Wala akong pakialam kung gawin mo pang fries iyan at mashed potato. Layuan mo lang ang anak ko." Talsik pa laway ng ginang. "Grabe naman! Galit na galit? Hindi naman gold iyong anak n'yong si Galileo. Hindi nga rin marunong sa math. Ang tinatanggap ko lang pong manliligaw iyong magsasalba sa akin sa high school. Sorry po, hindi nakapasa sa standard na sinet ko ang anak n'yo." "Aba't itong batang ito! Ang kapal ng mukha mo." Sigaw nito. Iginala ko ang mga mata ko. Hinahanap ang anak ng ginang. "Hoy!" tawag ko kay Galileo, nakiusap na dati ito na Leo na lang daw ang itawag ko. Pero dahil tunog genius ang pangalan nito, iyon na ang tawag ko. Saka dahil sa kanya nasagot ko iyong tanong sa recitation kung sino ba iyong nag-formulate ng basic law doon sa falling bodies keneme. Ewan, hanggang 5 seconds lang talaga sa utak ko ang mga bagay na pangmatalino lang talaga. Nagtatago ito sa isa naming kaklase. Katawan lang naman naikubli, malaki rin kasi ang ulo kaya hindi sapat ang pagtatago nito sa likuran. Kita agad ang ulo, kahit siguro makapa ko lang ang ulo nito ay mahuhulaan ko agad kung sino s'ya. Hindi ako laitera, sadyang mahilig lang akong mag-discribe ng mga bagay-bagay sa kung ano mismo ang nakita ko. Kakamot-kamot na lumapit si Galileo. Grabe, talaga ang ulo n'ya. Ang laki naman kasi. "M-ommy, s-inabi ko naman sa 'yo na h-uwag na kayong pumunta rito." Kabadong-kabado talaga ang loko. Of course, sino bang matutuwa na ipahiya sa harap ng maraming estudyante? "Why not? Nalaman ko na poorita ang babaeng ito. Hindi ako papayag na may didikit na dukha sa pamilya natin, Galileo." Buti na lang napigil kong matawa. Sa utak ko kasi ay karugtong na no'n ang apelyedo no'ng sikat na genius. "Maka-poorita naman po kayo, wagas na wagas." Reklamo ko sa ginang. "Mas mukha pa nga po akong expensive kaysa sa inyo. Galileo, kausapin mo itong Nanay mo. Hindi ako pumapatol sa matanda, hindi ko deserve ang ipahiya. Saka sabihin mo nga sa Nanay mo ang sinabi ko sa 'yo." Utos ko rito. Kita sa mukha nito ang pag-aalinlangan. "Sabihin mo!" muling ani ko. Demanding ang boses kaya medyo nakakislot ito. "Mommy..." "Go on, anak! Sabihin mo sa akin." "Hindi raw n'ya ako type. Hindi raw po s'ya pumapatol sa malaking ulo." "What?" hindi dapat ako tatawa. Kaso natawa ang mga kaklase namin. Kung kanina ako ang pinapahiya ng ginang sa harap nila, s'ya naman ang naglagay sa anak n'ya sa kahihiyan ngayon. "Sinabi mo iyon sa anak ko?" mas lalo tuloy nanggalaiti ang ginang. "Sorry po, sabi po kasi ng teacher namin na huwag magsisinungaling. Masama raw po iyon, dapat honest all the time." Kunwari'y guilty pa, pero nang makita kong binubuksan na nito ang sako ng patatas, napakaripas na ako nang takbo habang tumatawa. Hindi ko alam kung kanino ba ako nagmana. Si Ate Jas ko, medyo seryoso sa buhay iyon, lalo na kapag pinagbabantaan n'ya si Papang na bibilhan na n'ya ng lapida kahit buhay pa, si Mamang naman ay soft spoken. Si Papang, well... matigas ang ulo no'n. Baka sa kanya, pero hindi naman ako sugarol na tulad n'ya. Ang kaninang mabilis na takbo ay bumagal. Wala kaming teacher kaya nakuha kong lumabas kasama ang ibang kaklase. Iyon, inabutan tuloy ng ginang sa labas ng classroom. May kasama pa nga ito kanina na s'yang nagbuhat ng isang sakong patatas eh. "Mace! Psst!" sitsit ng magaling kong kaibigan. Si Tom Bong, may teacher pa sa classroom nito. Nagsusulat sa blackboard tapos itong kaibigan ko ay nakasilip sa bintana. "Bakit?" "Penge nga dos. Pambili ko lang ng tubig mamaya. Bayaran ko rin bukas." "Wala akong pera. Pamasahe ko na lang iyong nasa bag ko. May tubig sa CR, iyon na lang inumin mo. Saka makinig ka nga sa teacher mo. Sayang pera ng magulang mo na pinampapaaral sa 'yo." "Grabe s'ya, ang sama talaga ng ugali mo. Alam mo namang wala akong magulang." Reklamo ni Tom. Napangiwi ako. Oo nga pala, hindi papasa sa lalaking ito ang madramang litanya ko dahil mas madrama ang buhay nito. "Nauuhaw ka na ba talaga?" tanong ko rito. "Oo, uhaw na uhaw na ako. Ito naman kasing si Pan ayaw magpainom, malalagyan daw ng laway iyong inuminan n'ya. Eh, pareho naman nating alam na galing lang sa poso iyong inumin n'ya." "Gago, at least may tubig. Ikaw nga wala. Ang sama ng ugali mo." Inirapan ko ito. Oo, parang iyong grupo namin ay may sari-sariling sungay at kasamaan. Kaya siguro hindi kami pinagpra-pray sa harap kapag nagtawag ang mga guro ng magle-lead ng prayer. Pare-pareho ba naman kasing ang alam lang naming prayer ay, 'Papa God, sana po uwian na.' Alangan namang iyon ang ipagdasal namin sa harap, samantalang magsisimula pa lang ang klase. "Mr. Bong, maupo ka." Sigaw ng guro sa kaibigan ko. Buti nga sa kanya. "Mr. Knott, itigil mo nga iyang pagpitik ng kulangot mo." Gagong Pan iyon, ah! Pati ba naman kulangot ay hindi pinalampas. "Dali na, Mace!" ani ni Tom sa akin. "Sige, saglit! Didiskarte ako." Sa aming magkakaibigan, aminado naman ang mga ito na ako ang pinakamadiskarte. Iniwan ko na si Tom, nagtungo ako sa canteen. Ang mata ay sinuyod ng tingin ang buong canteen. Gumuhit ang ngiti nang makita si Paul. Isa sa mga nagpapalipad-hangin sa akin, gusto raw n'ya ako. "Uy, si Mace!" siniko ng katabi n'ya si Paul. Agad namang napalingon ang lalaki, member ng soccer team ang lalaki. Mukhang amoy pawis ito. Hindi man lang nagpunas muna bago nagpunta rito sa canteen. Agad na tumayo at lumapit sa akin, kunwari abala ako sa pagtingin-tingin sa paligid. Naghahanap ng bakanteng mesa. "Mace, magre-recess ka na ba?" tanong nito. "Hindi, nawawala kasi iyong wallet ko. Hindi ko sure kung saan ko nahulog." Kay bilis nakaisip nang dahilan. "Gusto mo ba tulungan kitang maghanap?" hinawi pa nito ang buhok, yuck! Halatang basa iyon ng pawis. Nakakakilabot siguro ang amoy. "Hindi na. Ngayon ko lang kasi naalala. Nauuhaw kasi ako. Bibili sana ako ng tubig." Nahihiyang ani ko. "Ako na." Prisinta nito, magic word. Daig ko pa ang nakakita ng Santa Claus. "Hala, huwag na. Nakakahiya." Lintik, kasuka rin kapag nagpapabebe ako. Pero nauuhaw na si Tom Bong, kailangan ko rin isipin ang kalagayan ng kaibigan kong iyon. Kasi naman, ang arte ni Pan Knott. Hindi man lang mamigay ng tubig n'ya. "Ano ka ba, huwag kang mahiya. Basta sabay tayong umuwi mamaya." Tapos tumalikod ito at lumapit na sa ref. Kumuha ng bottled water, saka nagbayad sa tindera. Nang bumalik s'ya sa pwesto ko ay malawak ang ngiti n'ya. "Oh, sabay tayo later." "Okay, G!" tinanggap ko na iyon. Sabay talikod dito. Utot n'ya blue, baka upakan pa ng mga kaibigan ko si Paul. Masyadong protective ang tropa, lalo't sa aming pito. Dalawa lang ang babae. Si Theresa at ako... ako na may pinakamabantot yatang pangalan sa buong eskwelahan na ito. Maria Centisia Luwalhati. Ay, wait! Pwede ring ilaban iyong pangalan ni Tom Bong, Pan Knott, Von Bay, at Cesar Ian. Mga tropa ko sila, mga half-half. Pero dahil dito sa Pinas ipinanganak at lumaki, Pinoy na Pinoy tuloy ang mga datingan. Si Theresa lang ang matino ang pangalan. Sana all, Theresa. Theresa Asereth. Ganda, 'di ba? Kahit baliktarin, Theresa pa rin. Magtro-tropa siguro sa past life iyong mga magulang namin. Ang babantot ng mga pangalan na ibinigay sa amin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook