"Pogi!" magiliw na bati ko sa lalaki nang bumungad ang mukha nito. Pagkatapos kong tawagan sila Mommy, tapos sila ate. Si Kuya Mec ang sunod kong tinawagan. Hindi naman ako nabigo, dahil sinagot agad nito ang tawag ko. "Mace!" agad itong napangiti nang makita ako. Nakahiga ako sa kama, ready nang matulog. Pero hindi madalaw-dalaw ng antok, dahil wala naman akong kasama rito. "Kumusta ka?" tanong nito sa akin. Nakita kong tumabi rito si Cece, ang napakabait kong pusa. "Okay naman, pogi! Miss ko na kayong lahat d'yan." Totoo naman, mag-iisang linggo pa lang ako, pero pakiramdam ko'y isang taon na. Grabe sila sa akin dito. Pinahihirapan nila ako. Kaya nga masakit ang katawan ko ngayon, may lagnat pa. Pero kailangan taasan ang energy para hindi mag-alala iyong mga tao. "We miss you t